You are on page 1of 9

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

SA FILIPINO 4 TP. 2023-2024

PANGALAN: ________________________________ PETSA: ________________


BAITANG AT SEKSYON: ______________________ MARKA: _______________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang maikling talata. Pagsunud- sunurin ang pangyayari
sa kuwento. Lagyan ng letra A-E sa bawat patlang ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Si Joselito ay isang napakasipag na bata. Pagkatapos niyang gawin ang kaniyang mga
takdang-aralin ay tumutulong siya sa mga gawaing-bahay. Bukod pa dito nakakatulong din siya sa
mga bayarin sa eskwelahan dahil sa kaniyang galing sa paglalaro ng soccer. Dahil sa kaniyang
kahanga-hangang mga katangian, naisipan ng kaniyang mga magulang na bigyan siya ng isang
espesyal na regalo na malapit sa kaniyang puso. Binigyan siya ng isang uniporme para magamit
niya sa paglalaro ng soccer. Nang dumating ang siya ay ganado at puno ng inspirasyon sapagkat
suot niya ang regalo ng kaniyang mga magulang. Dahil dito, ang kanilang koponan ang nahirang
na kampeon.
_____ 1. Bukod pa rito,nakakatulong din siya sa mga bayarin sa eskwelahan dahil sa kaniyang galing
sa paglalaro ng soccer
_____ 2. Nang dumating ang soccer tournament siya ay ganado at puno ng inspirasyon sapagkat
suot niya ang regalo ng kaniyang mga magulang .
_____ 3. Si Joselito ay isang napakasipag na bata. Pagkatapos niyang gawin ang kaniyang mga
takdang-aralin ay tumutulong siya sa mga gawaing-bahay.
_____ 4. Dahil sa kaniyang kahanga-hangang katangian naisipan ng kaniyang magulang na bigyan
sya ng isang uniporme para may magamit siya sa paglalaro ng soccer.
_____ 5. Dahil dito ang kanilang koponan ang hinirang na kampeon

PANUTO: Basahin at sagutan nag mga tanong tungkol sa editoryal.

Mula ng manalasa ang Covid 19- natuto ang marami sa tamang kalinisan. Itinakwil ang hindi
magandang nakagawian gaya nang pagdura ,pagdumi sa kung saan-saan at iba pa. Marami
ngayon,pag-uwi ng bahay ay naliligo agad at nilalabhan ang sinuot na damit.Hindi na din
ipinapasoksa loob ng bahay ang suot na sapatos para hindi makapagdala ng virus ayaw nilang
mahawa ang pamilya.

______6. Anong sakit ang nanalasa sa buong mundo?


A. Asian flu B. Colloid -19 C. Comet-19 D. Covid-19
______7. Ano ang itinakwil ng mga tao dahil sa takot sa covid-19?
A. mabuting kasanayan B. magandang asal
C.maling nakagawian D.pag-uwi sa tahanan
______8. Anong pag-uugali ang magandang dulot ng Covid-19. Ang mga tao ay naging________.
A. disiplinado B. matatakutin
C. masasakitin D. palaasa sa gobyerno
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Pagbibigay ng Hakbang ng isang Gawain


9. “Ilagay ang tatlong kutsara ng asukal sa loob ng baso. Haluin ito nang wasto. Pagkatapos, lagyan ito ng isa
at kalahating (1/2) kutsara ng honey.” Ang pangungusap na ito ay isang halimbawa ng _______.
A. hakbang B. menu C. patalastas D. resipi

10. (1) Ang kahon na nasa ibaba ay nagsisilbing direksyon ng isang tao para maisagawa nang maayos ang
Paghuhugas ng pinggan. Ito ay isang halimbawa ng ________________

“ Hakbang sa Paghuhugas ng Pinggan”


1. Banlawan at alisan ng mga natirang pagkain ang pinggan.
2. Lagyan ng sabon ang sponge at kusutin itp para bumula.
3. Sabunan nang mabuti ang mga pinggan para mawala ang sebo o dumi na
nakakapit sa hugasin.
4. Banlawan ng tubig ang mga pinggan.
A. Hakbang B. patalastas C. resipi D. wala sa nabanggit

(2) 11. Ayusin ang tamang hakbang sa paglalaba. Piliin ang tamang pagkakaayos ng mga
bilang.

1. Sumunod, banlawan ito ng 3-4 na beses hanggang matanggal ang bula.


2. Una, ihiwalay ang mga puti sa de-kolor na damit at ibabad nang mahigit sa
30 minuto sa batyang may tubig at sabon.
3. Panghuli, pigaan nang husto, ipagpag bago isampay.
4. Pangalawa, isa-isang kusutin ang mga damit.
A. 1-2-3-4 B. 4-1-3-2 C. 2-4-1-3 D. 3-2-1-4

12. Ayusin ang mga hakbang sa tamang pagluluto ng babana cue.


A. Una, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Pangalawa, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.Panghuli, hanguin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
B. Una, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong saging.
Pangalawa, hanguin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Sumunod, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Panghuli, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
C. Una, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Pangalawa, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.Panghuli, hanguin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
D. Una, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Pangalawa, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.Sumunod, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Panghuli, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Resipi at Patalastas

13. Ang _______ay talaan ng mga kinakailangang bagay na gagamitin sa pagluluto o tinatawag ding
ingredients o sangkap. Ito ay isang gabay ng isang indibidwal upang mapadali ang kanyang gagawing
pagluluto.
A. hakbang B. menu C. patalastas D. resipi

14. Ang nasa loob ng kahon na nasa ibaba ay isang talaan ng mga kinakailangang bagay na gagamitin
sa paggawa ng Buko Salad.Ito ay isang halimbawa ng ______________

“Buko Salad”

4 na cups Young coconut buko ( shredded)


1/4 kilo Asukal na Palm Fruit Kaong
1 lata Evaporated Milk
1 lata Condensed Milk
1 lata Fruit Coctail
1 lata All-purpose Cream

A. Hakbang B. patalastas C. resipi D. wala sa nabanggit


15. Ang kahon sa ibaba ay isang halimbawa ng _______________. Ano ang tawag dito?

ICE CANDY
For Sale
@5.00 pesos only
“Masarap na mura pa. Bili
na!”
A. hakbang B. patalastas C. resipi D. wala sa nabanggit

16. Paghambingin ang dalawang patalastas. Ano ang pinagkaiba at pagkakatulad ng dalawa?

A. Parehas silang mabango, ngunit mas mura ang presyo ng isang produkto.
B. Magkatulad ang amoy, presyo at makukuhang benepisyo sa dalawang patalastas.
C. Magkaiba ang presyo at amoy ng dalawang sabon, pero magkapareho silang madaling
Bumula, maaaring gamitin sa may kulay na damit, at masiksik sa laman.
D. Presyo lamang ang pinagkaiba ng dalawang patalastas.

Paggamit ng Pang-abay
17. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
A. Pang-abay B. Pandiwa C. Pang-uri D. Panghalip
Punan ng wastong pang-abay ang sumusunod na pangungusap
18. ._________nakipag-usap si Alma sa kaniyang guro para hindi siya mapagalitan.
A. Mahusay B. Masaya C. Mahinahon D. Malinaw

19.Si Rene ay tahimik na nakikinig sa kwento tungkol sa boksingero. Alin ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap?
A. boksingero B. nakikinig C. tahimik D. Rene

20. Nagdasal nang ___________ ang mga tao para sa biktima ng bagyo. Ano ang tamang pang-abay
na gagamitin upang mabuo ang pangungusap?
A. Mahina B. malakas C. pasigaw D. mataimtim

Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

21. Masarap kumain kung magkakasama ang pamilya.


A. Pamaraan B. Pamanahon C. Panlunan D. Pang-abay

22. Sa Sabado ay aalis na ang aming mga pinsan.


A. Pamaraan B. Pamanahon C. Panlunan D. Pandiwa

23. Ihahatid namin sila sa airport.


A. Pamaraan B. Pamanahon C. Panlunan D. Pang-uri
24.____________ na ipinasok sa kahon ang mga babasaging bote.Piliin ang tamang pang-abay na
bubuo sa pangungusap.
A. Mabilis B. Masigla C. Maingat D. Madali

Paglalarawan sa Katangian at Damdamin ng Tauhan

25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng damdaming nagtatampo?


A. “Salamat sa lahat ng tulong mo sa aming pamilya.”
B. “Wow! Nananalo ka sa patimpalak na iyong sinalihan?”
C. “Yehey! Mamamasyal tayo sa Quezon City Circle ngayon. “
D. “Hindi na ako sasama sa inyo dahil ayaw ninyo naman talaga akong kasama”.

26. Ano ang damdaming ipinapahiwatig ng tauhan sa pahayag na nasa ibaba?


“Dapat nag-aral na lamang ako kagabi nang di ako nahihirapan ngayon, wikani Sam”.
A. Pagsisisi B. Pagrereklamo C. Paghanga D. Pagkagalit

27.‘Wala pa si Jay. Malakas pa naman ang ulan ngayon,” wika ni Nanay. Ano ang damdamin ng
ng tauhan na nagsasalita?
A. pagtatampo B. pagkatuwa C. panghihinayang D. pag-aalala

28.“Aba, oo naman anak sasama talaga ako sa inyo ng nanay mo at pagkatapos nating magsimba ay
pupunta tayo sa Lolo’t Lola mo para bisitahin sila dahil nag-aalala ako sa kalagayan nila”. Si Mang Berting
ay_____________?
A. mapagbigay B. maaalahanin C. malupit D. matulungin

29. “Ma’am, ang ekwador po ay isang imaginary lines sa gitna ng globo mula sa silangan
patungong kanluran”, Ito ang pahayag ni Carmen. Ang pangungusap na ito ay nagpapahayag
ng ______________.
A. Katotohanan B. Opinyon C. haka-haka D. hula
30. “Maaari sigurong may naninirahan ding nilalang sa ibang planeta”, pahayag ni Carlo. Ang
pahayag na ito ay nagsasaad ng ________________
A. Katotohanan B. Opinyon C. tunay na naganap D.may ebidensiya
31. Sina Erica at Eunice ay nasa ilalim ng puno at nagbabasa ng aklat. Alin ang pariralang pang-
abay na panlunan?
A. Sina Erica at Eunice B. nagbabasa C. nasa ilalim ng puno D. aklat
32. Ang mga nagrarally ay patakbong lumayo sa mga pulis. Ang pariralang may salungguhit ay
pang-abay na _________________
A. Pang-abay na pamanahon C. pang-abay na panlunan
B. Pang-abay na pamaraan D. pandiwa
33. Kusang-loob na ibinigay ni Allan Paul ang kanyang upuan sa matanda. Ang salitang may
salungguhit ay isang _________________
A. Pandiwa B. Pang-uri C. Pang-abay D. Pangngalan
34. Mababait ang mga magulang ko. Ang salitang nasalungguhitan ay isang _____________
A. Pandiwa B. Pang-uri C. pang-abay D. Pangngalan

PANUTO: Piliin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng bawat talata.
Ang niyog (cocos nuciferia) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat
ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maari ring sangkap sa paggawa ng sabon,
shampoo at iba pa.

11. A. Ang Niyog B. Ang mga Gamit ng Niyog C. ang niyog D. ang mga gamit ng
niyog
Sina Jun at Rey ay magkaibigang tunay. Mula pagkabata, magkasama na sila kahit saan man
pumunta. Sa oras ng kasiyahan maging sa kalungkutan sila ay nagdadamayan. Anumang
problema ang dumating sa kanilang pagkakaibigan ay nilulutas nila itong magkasama.

12. A. Sina Jun at Rey B. Magkaibigang Tunay


C. Palaging magkasama D. Laging nagdadamayan

26. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming


suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Anumang problema ang dumating, kailangang
mapanatiling
buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy
mong ingatan.

A. Ang Pamilyang Pilipino C. Ang Problema sa Pamilya


B. Ang Pamilya D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
27. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang
kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao
para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon
lalo na sa mga lalawigan.
A. Tradisyon ng mga Pilipino C. Ang Bayanihan
B. Kapistahan ng mga Pilipino D. Mga Kapistahan sa lalawigan
28. Kilalang “aswang” raw si Mang Albert na taga Baryo Buanga. Marami na sa mga
kapitbahay niya ang lumipat sa ibang baryo hanggang sa isang araw, may iplinano ang mga
tao laban sa kanya. Alin ang pinakaangkop na pamagat?
A. Ang “Aswang” Sa Baryo Buanga C. Ang “Aswang”
B. Si Mang Albert Sa Baryo Buanga D. Tao laban sa “Aswang”
29. Pinakbet ang paborito kong ulam. Lalo itong nagiging masarap para sa akin kapag ang
nanay ang nagluluto. Marami akong nakakain tuwing pinakbet ang aming ulam.
A. Ang Pinakbet C. Ang Masarap na Pinakbet
B. Ang Paborito kong Ulam D. Pinakbet na Luto ni Nanay

Panuto: Isulat sa patlang kung sanhi o bunga ang mga pariralang may salungguhit.

______________35. Nagdudulot ng polusyon sa tubig ang pagtatapon ng basura sa ilog.


______________36. Tiyak na mabigat na naman ang daloy ng trapiko bunsod ng walang tigil
na pagbuhos ng ulan.

PANUTO: Basahin at gumawa ng posibleng sanhi at bunga sa pangungusap.

Si Althea ay sumusunod sa wastong pagsusuot ng facemask kaya siya ay ligtas at hindI


nahahawa ng sakit.

37. SANHI:_________________________________________________________
38. BUNGA:_________________________________________________________

PANUTO: Basahin at tukuyin ang tamang gamit ng pang – angkop sa bawat pangungusap.
39. Ang bantog ___ manunulat ay nakilala sa pambihirang tula nito.
A. g B. na C.ng D. wala sa mga ito
40. Ang basura ____ nakakalat sa daan ang pinag – aagawan ng mga insekto.
A. ng B.g C.na D. lahat ng mga ito
41. Matamis ___ halik ang kanyang natanggap na regalo noong nagdaang pasko.
A. ng B. na C. g D. lahat ng mga ito

42. Ang daan ___ matuwid ang pangako ng ating kasalukuyang pangulo.
A. ng B. g C.na D. lahat ng mga ito
43. Ang aking guro ay isang mahiyain ___ babae.
A. na B. g C. ng D. wala sa mga ito
44. Ang lahing Pilipino ay dapat nating ipagmakapuri. Anong uri ng pang-ugnay ang nakasalungguhit
sa pangungsap.
A. pang-angkop B. Pang-ukol C. pangatnig D. Panlunan
45. Kumpletuhin ang pangungusap.
Sinubukan______ tapusin ni Charlene ang kanyang proyekto kahit na masama ang
kanyang pakiramdam.
A. na B. g C. ng D. nang
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang wastong
pangatnig sa bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

46. Mayaman nga si Rosalinda ngunit siya naman ay matapobre.


A. Rosalinda B. matapobre C. ngunit D. mayaman
47. Nangopya si Ronald sa kanyang katabi kaya mataas ang kanyang iskor.
A. kaya B. nahuli C. si D. na
48. Napagalitan ang mga bata na naglalaro sa palaruan dahil malakas ang kanilang sigawan.
A. napagalitan B. sigawan C. kanilang D. dahil
49. Hindi biro ang ginagastos ng mga magulang sa pagpapaaral _____ mahal ang matrikula
at pambaon araw-araw.
A. dahil B. ngunit C. upang D. subalit
50. Hindi pa ____ siya makakauwi bukas dahil may pupuntahan pa siya.
A. daw B. raw C. sa wakas D. siya rin
51. Sabihin mo lang sa akin _________ ang kailangan mo at bibigyan kita.
A. kung sino B. kung ano C. raw D. daw
SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 21.
2. A 22.
3. C 23.
4. A 24.
5. D 25.
6. C 26.
7. B 27.
8. C 28.
9. A 29. A
10. C 30. B
11. C 31. C
12. D 32. B
13. A 33. C
14. B 34. B
15. C 35. SANHI
16. C 36. BUNGA
17. D 37.
18. A 38.
19. D 39.
20. B 40.

You might also like