You are on page 1of 2

DAVID,CHRISTIAN BON B.

7-DAISY

Alamat ng Sayote

Noong Araw, ang tinola ay wala pang sayote dahil wala pa talagang
sayote sa mundo. May isang bata lalaki na ayaw na ayaw kumain ng
gulay. Ulila na siya . Ang tanging nag-aalaga lamang sa kanya ay ang
kanyang nakatatandang kapatid na babae. Mahilig siyang magluto
ng tinolang manok kahit alam niyang di kumakain ng gulay ang
kanyang kapatid. Kakainin lamang niya ang manok, subalit ang gulay
ay pinapaubos lagi niya sa kanyang ate. Sinasabi niya "ang gulay ‘te
ay para sa 'yo".
Sa tuwing maaaring tinola ang nasa hapag-kainan, ito ang kanyang
sinasabi ukol sa mga gulay, "te sa'yo".
Isang araw, dumalo silang magkapatid sa isang handaan kanilang
lugar at siyempre maraming handa. Napakatakaw ng bata lalaki,
naka-ilang plato ng kanin at ulam ang kanyang naubos. Tulad ng
dati, ang lahat ng gulay ay "te sayo".

Habang kinakain ng kanyang ate ang kanyang mga itinirang gulay ,


bigla na lamang itong na-empacho, subalit pagtakbo niya sa
palikuran, ina-take ito sa puso at namatay. Dahil hindi naman sila
mayamang magkapatid ay inilibing na lamang niya ang kanyang ate
sa likod ng kanilang bahay kung saan ay nakatanim ang iba't ibang
halaman. 
Isang araw ay may tumubong kakaibang tanim sa puntod ng
kanyang nakatatandang kapatid. Hindi niya ito pinansin at hinayaan
lamang tumubo. Namunga ito makaraan ang ilang buwan at laking
gulat niya ng maalala niya ang kanyang ate dahil sa hugis ng bunga
nito. Sabi niya, "Sa'yo 'Te ang gulay na to". 
Mula noon ay natutunan niyang mahalin ang gulay na iyon at naging
paborito niyang kainin. Tinawag niya itong sayote bilang pag-alala sa
kanyang nakatatandang kapatid.

You might also like