You are on page 1of 9

Grades 1 to 12 Paaralan Dolores Macasaet Baitang 9

National
Highschool
Guro Prencess M. Asignatura Filipino
Coloma
Petsa 03/13/2023 Markahan Ikatlo
Oras 7:45-8:45 Bilang ng Araw 1
8:45-9:45
12:45-1:45
3:00 - 4:00

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin inaasaahan na:


 Natutukoy ang kahulugan ng pang-
ugnay na pangatnig at ang mga uri
nito.
 Naipapaliwanag ang mga wastong
ginamit na pangatnig sa
pangungusap.
 Nakalilikha ng pangungusap gamit
ang wastong pangatnig.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga batay sa
tinalakay na aralin.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay masining na


nakapagbigay ng mga halimbawa at
nakapagbahagi ng kanilang kaalaman.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto  Nabibigyang kahulugan ang mga


ginamit na pangatnig at ang mga
uri. F9WG-la-b-41
 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa
pagpapahayag ng sariling pananaw.
F9WG-lf-44
 Nagagamit ang mga angkop na
pangatnig sa pang-ugnay na aralin.
F9WG-lll-e-54
D. Pinakamahalagan Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)  • Nabibigyang kahulugan ang mga
ginamit na pangatnig at ang mga
uri.
 Nagagamit ang mga pang-ugnay sa
pagpapahayag ng sariling pananaw.
 Nagagamit ang mga angkop na
pangatnig sa pang-ugnay na aralin.
E. Pagpapaganang Kasanayan

II. NILALAMAN Mga Pang-ugnay


“Pangatnig”
III. KAGAMITAN PANTURO Curriculum Guide pahina 221-224,
MELC’s pahina 177-182

A. Mga Sanggunian Makabagong Balarilang Filipino


Binagong Edisyon 2003: REX BOOK
STORE, INC. (pahina 221-224)
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide (pahina 221-224,
Makabagong Balarilang Filipino
Binagong Edisyon 2003: (pahina 221-
224)

b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan mula sa Learning


Resources

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Power point, Laptop, Telebisyon,
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan Manila Paper, Pisara, at Yeso

IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Panimula (Introduction) Pagbibigay ng pangkalahatang


panuto bago magsimula ang klase.
Para sa kanilang seguridad:
 Habang nasa loob ng pag-aralan
panatilihin ang social distancing
at pagsususot ng facemask.
 Ugaliing maghugas ng kamay o
gumamit ng hand sanitizer.
 Magdala ng sariling tubig upang
maiwasan ang makiinom sa
kaklase/ kung may water
disperncer ang silid-aralan
magdala ng sariling baso.

Sa oras ng klase:
Alalahanin natin ang salitang HANDA
H – Huwag magpahuli sa klase,
pumasok ng naayon sa oras.
A – Ayusin ang iyong upuan,
siguraduhing maayos ang iyong
pakiramdam at komportable sa iyong
pagkakaupo. Itago ang mga bagay na
walang kinalaman sa ating aralin.
N - Nakahanda na rin ang iyong mga
kagamitang sa klase upang maiwasan
ang paglikot o pakikipag-usap sa
katabi.
D – Dito sa klase ilaan ang iyong
buong atensyon.
A – Aktibong makilahok sa klase.
Kung nais sumagot o may katanungan
ay itaas ang kamay at hintaying
tawagin ng guro.

• Panalangin

(Mananalangin ang mga mag-aaral)


• Pagbabalik-aral
Mga Tanong
1. Ano ang Etimolohiya?
(Sumagot ang mga mag-aaral)
2. Ano-ano ang apat na uri ng
pinagmulan ng salita?

(Sumagot ang mga mag-aaral)

• Motibasyon
Panuto: Basahin ang mga
pangungusap. Piliin ang tamang sagot
na nasa loob ng panaklong para mabuo
ang pangungusap.
1. Si Janna ay nag-aaral ng mabuti
______ (kaya, at) mataas ang markang
nakuha niya sa pagsusulit.
2. Sasabay ako kay Inay papuntang
palengke _______ (subalit, upang)
nakaalis na pala siya.
3. Dapat sasabihin ko sa kanya ang
katotohanan ______ (ngunit, o) ayaw
kong magalit siya sa akin.
4. Huwag mo siyang tularan
_________ (saka, sapagkat) masama
ang ginagawa niya.
5. Kakain ako ng gulay _____ (at, o)
prutas para ako ay maging malusog.
6. Kumakain ako ng popcorn ________
(habang, maging) nanonood ng sine.
7. Hindi pumasok sa paaralan si Dale
_______ (dahil, saka) sumakit ang
kanyang ngipin.
8. Hindi kumikibo si Paulo
__________ (kapag, sana) malapit si
Anna sa kanya.
9. Hindi siya matipid sa pagkain
_________ (bagamat, palibhasa)
madami siyang perang pambili.
10. Manggagawa ako ng takdang-aralin
____ (o, pati) makikipagpaglaro muna
ako sa kaibigan ko.
(Nakapagbahagi ng kasagutan ang mga
mag-aaral)
Pagpapaunlad GAWAIN 1:
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang
mga sumusunod na salita. Magbigay ka
ng tig-iisang halimbawa nito gamit ang
mga salitang nasa ibaba.
1. at
2. o
3. upang
4. ngunit
5. dahil
(Nakapagbigay ang mga mag-aaral ng
pangungusap)
A. Pakikipagpalihan Gawain 1:

MGA PANG –UGNAY


Ito ay mga salitang nagpapakita
ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng dalawang
sugnay sa pangungusap.

May Tatlong Pang-Ugnay sa Wikang


Filipino
1. PANGATNIG (Conjunction)
2. PANG-ANGKOP (Ligature)
3. PANG-UKOL (Preposition)

MGA PANGATNIG
Ang tawag sa mga kataga o
salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala o sugnay na pinagsusunod-
sunod sa pangungusap.
Halimbawa: Pangatnig na nag-
uugnay sa mga salita
1. Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay
puspusang isinasagawa ng mga
tagapagpatupad ng batas.
2. Layunin nilang mabigyan ng
edukasyon at kamulatan sa mga
karapatang dapat ipaglaban ng mga
kababaihan.
(Magbibigay ng halimbawa ang mga
mag-aaral)
Halimbawa: Pangatnig na nag-
uugnay sa parirala
1. Ang pag-aalaga ng mga hayop at
pagtatanim ng mga gulay ay mabisang
pang-agdong sa kinikita.
Halimbawa: Pangatnig na nag-
uugnay ng dalawang sugnay.
1. Ang ama ang haligi ng tahanan at
ang ina ang ilaw ng tahanan.

May dalawang panlahat na pangkat ng


mga PANGATNIG: (1) Nag-uugnay sa
Sugnay na Magkatimbang, (2) Nag-
uugnay sa Sugnay na Hindi
Magkatimbang
A. SUGNAY NA
MAGKATIMBANG
 Kabilang ang mga pangatnig na
at, pati, saka, o, ni, maging,
ngunit, subalit. Ang mga
pangatnig na ito ay nag-uugnay
ng mga salita, parirala at sugnay
na magkatimbang o mga sugnay
na kapwa makapag-iisa.
HALIMBAWA:
1. Ang pag-inom ng pildoras saka ang
ritmo ay dalawang paraan ng
pagpaplano ng pamilya.
2. Ikaw o ang iyong mga anak ang
magdurusa kung napakalaki ng inyong
pamilya.
(Sasabihin ng mag-aaral kung ano
ang salitang sugnay na
magkatimbang ang nasa loob ng
pangungusap)
1. Uminom siya ng pildoras ngunit
matagal nang hindi siya nagpapatingin
sa doktor.
(Sumagot ang mag-aaral)
1. Uminom siya ng pildoras ngunit
matagal nang hindi siya nagpapatingin
sa doktor.
2. Manonood ako dapat ng sine subalit
hindi ako natuloy.
2. Manonood ako dapat ng sine subalit
hindi ako natuloy.
3. Ako ang pinaka malambing at
mapagmahal sa aming magkakapatid.
3. Ako ang pinaka malambing at
mapagmahal sa aming magkakapatid.

B. SUGNAY NA HINDI
MAGKATIMBANG
 Dito naman kabilang ang mga
pangatnig na kung, nang, bago,
upang, kapag o pag, dahil sa,
sapagkat, palibhasa/’y, kaya,
kung gayon, sana/’y. Ang mga
pangatnig na ito ay nag-uugnay
ng dalawang sugnay na hindi
magkatimbang, na ang ibig
sabihan ay pantulong lamang ang
isang sugnay.
HALIMBAWA:
1. Mga relihiyoso ang mga anak,
palibhasa’y mga relihiyoso rin ang mga
magulang.
2. Ritmo lamang ang maaari mong
gamitin kung ikaw ay Katoliko.

(Magtatawag ang guro ng mga mag-


aaral upang sabihin ang mga
halimbawa ng salita na nakapaloob sa
pangungusap patungkol sa Sugnay na
Hindi Magkatimbang)
1. Pinaghusayan ko ang aking
proyekto upang mataas ang
marka na makuha ko.
(Sumagot ang mga mag-aaral)
1. Pinaghusayan ko ang aking proyekto
upang mataas ang marka na makuha
ko.
2. Sana’y di mo nilimot na ang
pagsisisi ay nasa huli.
2. Sana’y di mo nilimot na ang
pagsisisi ay nasa huli.
3. Binigyan ako ni Gng. Santos ng
mataas na grado kaya ipinakita
niya sa buong Grade 9 ang aking
proyekto.
3. Binigyan ako ni Gng. Santos ng
mataas na grado kaya ipinakita niya
sa buong Grade 9 ang aking
proyekto.
MGA URI NG PANGATNIG
1. Pamukod – ito ay ginagamit sa
pagbukod o pagtatangi, gaya ng mga
salitang o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi
maghahangad na siya ay mabigo.
b. Walang problema sa akin maging
si Jose ang magwagi sa paligsahan.

2. Panalungat – kapag sinasalungat ng


unang bahagi ng pangungusap ang
ikalawang bahagi nito. Gaya ng mga
salitang ngunit, subalit, datapwat,
habang, at bagamat.
Halimbawa:
a. a. Nanalo pa ring Lakambini si Rosa
datapwat may mga kaibigang bumoto sa
kalaban niya.
b. Maganda nga ang kaibigan mo
ngunit masama naman ang ugali niya.

3. Panubali – nagsasabi ito ng pag-


aalinlangan, gaya ng mga salitang
kung, kapag o pag.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang
ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa parke kapag
hindi umuwi nang maaga ang tatay.

4. Pananhi – nagbibigay ito ng dahilan


o katuwiran para sa pagkaganap ng
kilos. Gaya ng mga salitang dahil
sa, sapagkat, at palibhasa/’y.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
b. Umapaw ang ilog sapagkat walang
tigil ang ulan.

5. Panlinaw – ginagamit ito upang


ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng
isang banggit. Gaya ng mga salitang
kaya, kung gayon, at sana.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung
gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya
makakalaya na si Mang Berto.

(Ano-ano ang limang Uri ng


Pangatnig)
(Naibigay ng mga mag-aaral ang limang
Uri ng Pangatnig)
1. PAMUKOD
2. PANALUNGAT
3. PANUBALI
4. PANANHI
5. PANLINAW
B. Palalapat GAWAIN 1:
Panuto: Tukuyin ang pangungusap
kung Sugnay na Magkatimbang (SM)
at Sugnay na Hindi Magkatimbang
(SHM). Isulat sa patlang ang SM at
SHM kung ang may salungguhit na
salita ay bahagi nito.
____1. Ang wastong dami at wastong
uri ng pagkain ay nagdudulot ng
kalusugan.
____2. Maginhawa ang buhay ng maliit
na pamilya habang ang pamumuhay ng
malaking pamilya ay mahirap.
____3. Walang kasalanang di
mapatatawad ang Diyos kung ang
nagkasala ay nagsisisi.
____4. Ispiritwal at materyal ang
pangangailangan ng tao sapagkat ito
ay binubuo ng katawan at kaluluwa.
____5. Sundin mo ang mga utos ng
Diyos upang magtamo ka ng biyaya sa
langit.
____6. Ikaw o ang iyong mga anak ang
magdurusa kung napakalaki ng inyong
pamilya.
____7. Ang mabuting pagpapalaki sa
mga anak pati ang wastong
pangangalaga sa kalusugan ay
dalawang dahilan kung bakit dapat
magplano ng pamilya.
____8. Marami na akong natutunan,
ngunit tila kulang pa ito
____9. Hanggang sa liblib na baryo ay
palasak na ito sapagkat hanggang doon
ay nakakaating ang mga tauhan ng
pamahalaan.
____10. Marami na sa ating mga
kababayan ang nakauunawa sa
pagpaplano ng pamilya dahil sa
puspusang pagpapalaganap ng
pamahalaan ng impormasyon tungkol
dito.
(Nagsagot ang mga mag-aaral)
V. PAGNINILAY Pangwakas na aktibidad
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin kung saan kabilang
ang mga salitang nasa loob ng kahon at
ilagay ito sa bawat Hanay.
o maging ni
subalit ngunit
datapwat maging
habang kung
bagamat kapag/pag
dahil sa kaya
kung gayon sapagkat
palibhasa sana
PA PANA PANU PA PAN
MU LUNG BALI N LIN
KO AT A AW
D N
HI
1. 1. 1. 1. 1.

(Nagsagot ang mga mag-aaral)


Gawain 2:
Gumawa ng isang talata tungkol sa
iyong sarili at i-highlight ang mga salita
na may pangatnig sa pangungusap.
Hindi bababa sa limang pangungusap
ang talata na iyong gagawin.
“ANG AKING SARILI”

(Nakagawa ang mga mag-aaral)

“ANG AKING SARILI”


________________________
____________________________
____________________________.

Inihanda ni:

PRENCESS M. COLOMA
Student Teacher

Sinuri ni:
MARY GRACE S. BRINOSA
SST-I

Nabatid ni:

ANALYN V. ATIENZA, Ed.D.


Principal III

You might also like