You are on page 1of 1

Lumaki ako na tinitingala ang mga superheroes na napapanood ko sa aming

telebisyon tuwing wala akong klase o ‘di naman kaya’y kapag ako’y nakauwi na mula
sa aking paaralan. Aliw na aliw sa mga superheroes, kina Wonderwoman, Superman,
at maging sa Powerpuff Girls, lahat ng masasamang tao o bagay ay kanilang natatalo
at naibabalik nila ang kapayapaan sa mundong kanilang ginagalawan.

Isang araw, may nagtanong sa akin kung sino ang aking bayani o superhero.
Sa totoo lamang, nagtanong ako sa sarili ko kung sino nga ba ang aking superhero.
Ngunit agad pumasok sa isip ko ay ang sarili ko, Sarili ko ang superhero ng buhay ko.
Nakakatwang isipin ngunit bakit hindi diba?

Sa edad kong ito, napakarami ng pagsubok ang aking naranasan, magmula sa


aking pamilya, kaibigan, at maging aking sarili. Parati akong humaharap sa laban,
kagaya ng mga superheroes, na marahil na masambit ay sa murang edad ay mga
pangyayaring ‘di inaasahan na siyang humubog sa aking pagkatao at pananaw sa
buhay.

Ang superhero ko ay ang sarili ko, lumalaban ako sa para sa sarili kong
kapakanan. Nilalabanan ko ang mundong ito na kung hindi ay nagdala sa akin sa
sistemang ikaguguho ko, ikakawasak ko. Mayroon akong sariling matibay na pasiya,
pananaw, at kumpyansa na bawat hamon na ibato ng mga masasama ay aking
mapagtatagumpayan dahil kasangga ko ang superhero ko, ang aking sarili.

You might also like