You are on page 1of 6

Abra State Institute of Sciences and Technology

Bangued Campus, Bangued, Abra

SMF9- Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat


Jomarie A. Engarcial Gng. Maria Cristilyn A. Martinez
BSED III-A

Panimula:
ILANG KALAKARAN AT PANANAW SA PAGTUTURO NG PAGBASA
Ang pagbasa ay isang malawak at masalimuot na gawain at gawi. Ang kasanayan sa pagbasa ay
hindi lamang kasanayan sa pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na
sagisag at bigkasin ito ng pasalita.
Ayon kay William Gray, ang proseso ng pagbasa ay may apat na hakbang gaya ng pagkilala sa
salita, pag-unawa, reaksyon at integrasyon. At ito aniya ay nangangailangan ng matalas na pag-
iisip, kakayahan sa pagtutulad o comparison, pagpapahalaga o valuing, pagpapasya at pagbuo ng
reaksyon at paglutas ng suliranin.
Ang pagbabasa ay aktibong proseso na inuugnay ng mambabasa sa nililiteral niyang
nakalimbag na simbolo o sagisag at kaisipan sa dati na niyang kaalaman o prior knowledge.
Nagiging mabilis ang proseso niya ng pag-unawa o komprehensyon.
Batay sa Teoryang iskema (Schema Theory), ang lahat ng karanasan at natututuhan ng isang
tao ay nakalagay sa kanyang isipan at maayos nan aka-file ayon sa kategorya. Bawat bagaong
impormasyon, bagong natutuhan at bagong karanasan ay karagdagang iskema. Ang mga ito ay
nalilinang, nababago, nadaragdagan at napapaunlad. Ang lahat ng ito ay nakakatulong sa mabilis
nap ag-unawa o komprehensyon.
ILANG KAISIPAN TUNGKOL SA KOMPREHENSYON AY GAYA NITO;
1. Ang komprehensyon ay pag-uugnay ng dating kaalaman at ng mga bagong kaalaman
mula sa nakalimbag na teksto.
May mga libel, antas o dimension ang comprehension gaya ng;
a. Komprehensyong literal
b. Komprehensyong pahiwatig o implied
c. Komprehensyong mapanuri o critical or evaluate
Abra State Institute of Sciences and Technology
Bangued Campus, Bangued, Abra

SMF-9 Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat


Vergara, Zaldy Mark Berroy Gng. Maria Cristilyn A. Martinez
BSED III-A Guro

MGA TEORYA SA PAGSULAT


Ang pagsulat ay isang aktibong gawain na hindi basta na lamang nangyayari.
Nasasangkot ito ng labis na patisipasyon at kaalaman sa proseso.
Ayon kay W. Rose Winteroud, ang proseso ng pagsulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel
ng gawain na nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o kasalungat ng bawat isa.
Ayon naman kay Donald Murray ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa
kahulugan, pagtuklas sa porma.
Abra State Institute of Sciences and Technology
Bangued Campus, Bangued, Abra

SMF9- Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat


Marites Dipidip Gng. Maria Cristilyn A. Martinez
BSED III-A Guro

Pagsulat
- Ito ay ang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit
na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.
- Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng
mahusay na pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan.
- Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at
makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
Kahalagahan ng Pagsulat
1. Mahalaga ang pagsulat dahil kung marunong tayong sumulat makaangat tayo sa iba dala
na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon. Makasasagot tayo sa mga pagsusulit na
pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at
paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
2. Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang
lugar at sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang
aspeto ng ating kultura ay napapanatiling buhay sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan
ng mga nasulat na tala ay natutuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi, ang mga
paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; at ang mga pagbabago at
pagsulong ng ating bansa.

DALAWANG URI NG PAGSULAT


Ang sulating pormal ay galling o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinalakay sa klase,
forum, seminar. Maaaring magkarron o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang
pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-
pormal.
ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di- pormal ay siyang gagawing
paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.
Abra State Institute of Sciences and Technology
Bangued Campus, Bangued, Abra

SMF 9- Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat


Donalyn Timbingan Gng. Maria Cristilyn A. Martinez
BSED III-A Guro
MGA URI NG AYTEM NG PAGSUSULIT
True or False Test o Pagsusulit na Tama o Mali
Simpleng tama o mali
True or False with correction
True or False with Option

Error Recognition Test o Pagtukoy sa Mali


- Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may salungguhit at
may nakasulat na titik sa ibaba.
- Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghatiang pangungusap.
- Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalungguhitan.
- Ang mali sa pangungusap ay maaaring isang salita o bahagi ng salita na nawala.
- Maaari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.
Multiple Choice Test o Uring Papili
a. Pangungusap na hindi tapos
b. Pangungusap na may puwang
c. Pangungusap na buo
d. Pangungusap na nagtatanong
Completion Test o Pagsusulit na Pagpupuno sa Patlang
- ito ay ang pagpupuno ng mga nawawalang salita o lipon ng mga salita sa isang
pangungusap o talata. Ito ay pagsusulit na obhektibo na sa halip na pinamimili ang mag-
aaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang tamang sagot.
abra State Institue of Sciences and Technology
Bangued Campus, Bangued, Abra

SMF 9- Pagtututro at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat


Jeheil Valera Gng. Maria Cristilyn A. Martinez
Ma. Elizabeth Javier Guro
BSED III-A

Pagsagot sa mga Tanong


1. mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na OO o HINDI madalas na marinig na
tanong sa wikang Filipino.
Mapapansin ang pagtaas o pagbaba ng intonasyon sag awing dulo ng mga tanong na ito.
Maikli lamang ang inaasahang sagot at hindi nangngailangan ng pangungusap na
magpapaliwanag sa sagot.

Hal. Nakuha mob a ang aral na hatid ng pabula?

OO (nakuha ko)
HINDI (ko nakuha)

Hal. Magagamit mo kaya ang aral na ito sa iyong buhay?


OO (magagamit ko)
HINDI (ko magagamit)

2. mga tanong na amsasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko/ ayoko, ewan/ aywan,
siguro, marahil, at iba pa na may tanong naiinis, naiinip, natutuwa at walang gana at iba
pa.
- mababakas sat ono o intonasyon ng nagtatanong ang damdaming taglay ng nagtatanong.

Hal. May kilala ka bang katulad na mapanlinlang na aso sa pabula?

Mayroon
Wala
Hal. Matutu na kaya ang aso mula sa karanasan niyang ito?
Siguro
Ewan ko
3. mga tanong na binubuo ng pangungusap na sinusundan ng hindi/ di ba upang matiyak
ang katutuhan o kamalian ng sinasabi sa pangungusap.
- Masasagot ding oo/ opo, hindi/hindi po, ewan/ aywan kop o, siguro, sigurado, tiyak iyon,
at iba pang ganitong mga tanong.

You might also like