naidudulot ng pagsusulat sapagkat sa pamamagitan ng
pagsusulat ay maisasariwa at mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ang proseso ng Pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag- eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.