You are on page 1of 2

Homogeneous or Heterogeneous Classroom Setup: Which is better implemented?

Magandang umaga/gabi sainyong lahat, narito ako ngayon sa inyong harapan upang

ihayag ang aking napiling gawi ng ayos nang isang silid aralan na sa aking palagay ay mas

maayos na ipasa.

Unahin muna natin na bigyang linaw ang dalawang uri ng “Classroom Setup, mayroon

itong dalawang magkaibang klase na tinatawag na Homogeneous at Heterogeneous. Ang mga

katagang ito ay madalas nating naririnig sa larangan ng siyensa. Sa totoo lamang, may

pagkakahawig ang ibig sabihin nang mga ito patungkol sa ating paguusapan.

Ang homogeneous ay salitang walang katumbas sa wikang Filipino, ngunit ang mga

kasingkahulugan nito ay magkakatulad, magkakauri at magkakaun. Ito ang ayos nang isang silid

aralan na kung saan ang mga mag-aaral na mayroong parehong abilidad pag dating sa pag-aaral

ay pinagsasama-sama. Maaring mayroong lumamang kahit paano at maaari ring mayroong

mahuli nang hindi nalalayo ang kakayahan ngunit nangingibabaw ang halos pagpapantay ng mga

ito. Ito ang mga mag-aaral na madalas nakakakuha nang mataas na grado at aktibo sa mga

akitbidad at mga mag-aaral na hindi gaanong aktibo .

Dumako naman tayo sa heterogeneous na ang ibig sabihin sa Filipino ay magkakaiba. Sa

ganitong ayos nang silid aralan, Pinagsasama-sama ang mga mag-aaral na mayroong

magkakaibang lebel nang kakayahan. Ito ay kinabibilangan nang mga mag-aaral na

pangkaraniwan at mga marurunong.

Ngayon marahil ay napapatanong ka kung bakit nga ba mayroon pang klase ang ayos

nang isang silid aralan. Ito ay dahil sa pag-aaral at obserbasyon na mayroong epekto sa pag-

ganap ng mag-aaral ang pakikipag-ugnayan nang mga mag-aaral sa bawat isa.


Bago magtapos ang aking talumpati, nais kong ipaalam sainyo kung ano ang aking

opinyon ayon sa ating paksa. Para saakin, mas naaayon ang heterogeneous setup” sa mga

paaralan. Bakit? Naglalayon ang ganitong gawi na mahikayat ang mga karaniwang magaaral na

sumabay sa mga marurunong. Ito ay marahil sa intimidasyon na maaring maging epekto nang

obserbasyon nila sa kanilang kapwa mag-aaral na masipag mag-aral kaya posibleng sila rin ay

tumulad.

Sa usapang aktibidad naman, nakatutulong ito upang mapalago ang partisipasyon nang

mga mag-aaral na hindi gaanong nakikisalamuha sa kanilang klase. Sila ay mahihikayat na

makiisa sa paggawa nang proyekto dahil nakasalalay dito ang grado ng kanilang grupo.

Ang mga mag-aaral na hirap sa pakikipagkaibigan ay posible rin na makisalamuha na sa

iba dahil sa pagkakaiba nang kanilang mga pananaw. Ito ay nagsusulong ng kooperasyon,

bayanihan at pakikipaginteraksyon.

Gayunpaman, kahit anong ayos nang silid-aralan ay mangingibabaw ang paghahangad na

maisulong ang ikabubuti at ikauusbong nang karunungan sa bawat mag-aaral. Muli, maraming

salamat sa inyong pakikinig at aking hinihiling at inaasahan na mayroon kayong napulot na

impormasyon at kaalaman sa aking mga tinuran.

You might also like