You are on page 1of 2

Ang "Selfie" na kanta ay lubos na sumikat.

Maging ako, ay halos memoryado noon ang


mga linya dito.
Marami man ang nasa wikang Filipino, sa lirika
ng kanta, mayroon din namang mga
banyagang wika kagaya ng camera, caption,
upload, share, facebook, documentation,
nation, trip, baby, click, time, crime at marami
pang iba. Mayroon din namang imbentong
salita katulad ng "selfie", na noong panahon ng
kasikatan ng kanta na ito, ay palagiang
nagagamit ang salitang ito.
Ang kantang ito ay nagpapahiwatig kung paano
gumagalaw ang mga tao sa makabagong
panahon, lalong lalo na ang mga ika nga ay
kabilang sa "Gen Z" o ang mga kabataan. May
kaugnayan pa rin ito sa panahon ngayon,
marami sa atin nga naman ang kukunan muna
ng litrato ang pagkain bago ito kainin, upang
ma-iupload sa facebook o di kaya naman sa
tinatawag nating instagram ngayon. Mensahe
ng awitin na lahat tayo ay may kani-kaniyang
ganda ng itsura, at kinakailangan nating
ngumiti kahit pa minsan. Ang araw-araw na
pamumuhay minsan ay paulit-ulit o paiba-iba.
Mayroong mga bagay na nais natin na maitabi
kung kaya naman, sa kantang ito, halos kahit
anong ginagawa ay kinukunan ng litrato.
Mensahe din ng kantang ito na maaari nating
madama ang iba't-ibang emosyon.
Ang iba't-ibang salita na nagamit dito ay
maaaring naimbento, hiram o luma na ngunit
nabuhay muli ang mga salita.

You might also like