You are on page 1of 8

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Caraga Region XIII
Division of Butuan City

Agusan National High School- Junior High School


Filipino Department

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10


Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay (Tula mula sa Uganda)

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa


kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

I. Layunin
* Nauuri ang iba’t-ibang tula at mga elemento nito
(F10WG-IIIc-73)
* Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tulang nabasa gamit
ang grapikong presentasyon

II. Paksang Aralin


A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay (Tula
mula sa Uganda) Isinalin sa Filipino ni: Mary Grace
A. Tabora
B. Gramatika: Wastong gamit ng simbolismo at
matatalinghagang pananalita
C. Uri ng Teksto: Tula
D. Sanggunian: B.A Pampanitikang Pandaigdig pp.
274-278 E. Kagamitan: Aklat, T.V, Libro, Yeso,
Pisara at Tarpapel Pagpapahalaga :

Wagas na pag-ibig ng isang Ina

III. Yugto ng Pagkatuto:


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati ( WINS INTEGRATION)
Pagbibigay Paalala tungkol sa kalinisan, sa paaralan at
sa katawan
* Bago pumasok sa paaralan, ugaliing maging malinis
sa katawan.
* Huwag kalimutang maligo araw-araw at magsipilyo.
3. Pagtatala ng liban
4. Balik-aral

B. Gawain/Aktibiti
1. Pagganyak
(Pakikinggan ng mga mag-aaral ang awitin ni Carol Banawa “ AWIT KAY INAY “

Think-Pair-Share

1. Applied knowledge of
content within and across
curriculum teaching areas.
(PPST 1.1.2)

 Pag-usapan ng iyong kapareha ang tungkol sa kadakilaan ng isang


ina. Mga Gabay na Tanong:
a. Ilarawan ang katangian ng isang ina.
b. Ano-ano ang kaya nyang isakripisyo para sa mga anak?
c. Ano naman ang kaya mong isukli sa iyong ina bilang
isang anak?
2. Used a range of teaching strategies
that enhance learner achievement in
literacy and numeracy skills. (PPST 1.4.2)
Analisis
Gawain 1. Pagbulayan Mo!
Suriin ang tula sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong. Isulat ang pagsusuri sa
sagutang papel. (Tulang “Gabi” ni Ildefonso Santos, pahina 276)

Gabi
Tula ni
Ildefonso Santos

Habang nagduruyan ang buwang ninikat


sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
isakay mo ako. Gabing mapamihag,
sa mga pakpak mong humahalimuyak!

Ilipad mo ako sa masalimsim


na puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!

Iakyat mo ako sa pinagtipunan


ng mga bitui’t mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
palagusan mo ako ng kaluwalhatian!

Sa gayon, ang akin pusong nagsa-tala’y


makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
samantala namang ang hamog kong luha
sa sangkalikasa’y magpapasariwa!

At ano kung bukas ang ating silahis


ay papamusyawin ng araw ang langit?
Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid
Sa dagat ng iyong mga panaginip?

Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,


ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ilipad mo habang gising ang damdamin
sa banal na tugtog ng bawat bituin!

Gabay na tanong:
1.Ano ang sukat at tugma ng mga tula?
2.Paano naging marikit/maganda ang tulang binasa
3.Ano ang talinghaga/kahulugan ng tulang binasa?
Ipaliwanag
4.Nasalamin ba ang kultura ng bansang pinagmulan
nito? Patunayan.

3. Applied a range of teaching strategies


to develop critical and creative thinking, as
well as other high- order thinking skills.
(PPST 1.5.2 )
Pagpoproseso ng mga sagot:
(Tanong-sagot)

C. Abstraksyon

Tula/ Elemento ng TulaSukat

•Sukat
tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong,
Pantig – ang paraan ng pagbasa
Halimbawa:
isda = is da = dalawang pantig
Ako ay isang tao = A ko ay i sang ta o = pitong pantig
May apat na uri ng sukat ito:
Wawaluhin – walong pantig
Lalabindalawahin – sandosenang pantig
Lalabing-animin – labing-anim na pantig
Lalabing-waluhin – labing-walong pantig

•Saknong
tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
2 na taludtod – couplet
3 na taludtod – tercet
4 na taludtod – quatrain
5 na taludtod – quintet
6 na taludtod – sestet
7 na taludtod – septet
8 na taludtod – octave

•Tugma
isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay tumutukoy
sa magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.
May dalawang uri ito:
Tugmang ganap (Patinig)
Tugmang di-ganap (Katinig)
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala

•Kariktan
Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang
damdamin at kawilihan
Halimbawa
Maganda – marikit
•Talinhaga
Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.

Abstraksyon

Panuto: Tatalakayin ng lider ang kahulugan ng tula at mga elemento nito


samantalang ang mga miyembro ay matamang nakikinig.
4. Managed classroom structure to engage learners,
individually or in a groups, in meaningful exploration,
discovery and hands-on activities within a range of
physical learning environments. ( PPST 2.3.2)

D. Aplikasyon

Panuto: Suriin ang tulang ibinigay ng guro ayon sa hinihingi ng talahanayan. Hahatiin
sa tatlong grupo ang buong klase.

“Sa aking mga Kababata” ni Dr. Jose P. Rizal


ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI
A. Sukat
B. Saknong
C. Tugma
D. Kariktan
E. Talinghaga

3. Applied a range of teaching strategies


to develop critical and creative thinking, as
well as other high- order thinking skills.
(PPST 1.5.2 )

Paglalahat Batay sa Pagsusuri


1. Ito ba ay tulang tradisyunal o malayang taludturan? Patunayan.
2. Nasasalamin bas a tula ang kultura ng bansang pinagmulan
nito? Sa paanong paraan? Patunayan.
F. Ebalwasyon
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang papel ang hinihingi ng
pahayag.
1. “Iakyat mo ako sa pinagtipunan
Ng mga bitui’t mga bulalakaw”
- Ilan ang bilang ng pantig sa taludtod? (11/12)
2. “Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko
Di naman makaupo
Dina rin makatayo”
- Suriin kung malaya o tradisyunal na tula. (malayang taludturan)
3. Samakatuwid ako’y minahal Samakatuwid ako’y lumigaya
- Anong element ng tula ang tinutukoy ng taludtod? (talinghaga)
4. “Ang kaibigan
Iyong Maasahan
Sa kagipitan”
- Ilan ang sukat ng pantig sa bawat taludtod ng haiku? (5-7-5)
Ang bawat tunog sa hulihang pantig ng isang tula ay tinatawag na…?
(Tugma)

IV.Kasunduan
Basahin ang tulang “Hele ng Ina sa Kanyang Panganay” mula sa bansang
Uganda p. 279-280 Batayang Aklat. Panitikang Pandaigdig.

Inihanda ni: Binigyan pansin ni :

CARMELA G. SALISE APOLONIO T. BUSTILLO

Guro sa Fil 10 Tagapag-ugnay sa Filipino

Pinagtibay ni:

ANGELITO F. AGUSTIN
Filipino, Department Head

You might also like