Nagsimula na ang "Pagmamangno: I Am My Brother's Keeper" na programa ng guro at guidance counselor ng Bato Rural Development High School na si Ginang Shekienah Joy Timola. Ito ay naglalayong magbigay ng suporta sa mga estudyanteng nakakaranas ng bullying at depresyon. Sa nakaraang mga araw, nagsagawa ng mga pagpupulong ang mga guro, mag-aaral at ilang propesyonal na indibidwal upang ipaliwanag ang layunin ng programa ni Ma’am Shekienah Timola. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng regular na pagpupulong, magkakaroon ng mga aktibidad at mga sesyon na layong magbigay ng emosyonal na suporta sa mga mag-aaral. Inaasahan itong magpapatuloy hanggang sa susunod na mga taon dahil aniya, ito’y isang magandang proyekto na maaaring makatulong sa lahat ng aspeto ng buhay ng lahat ng mag-aaral sa Bato Rural Development High School.