You are on page 1of 2

EDUC 201: FOUNDATIONS OF EDUCATION

1.Paano mo matutugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral


na may kapansanan?
*Ang lahat ng Paaralan ay merong mga mag-aaral na may kapasanan, at bilang isang guro
dapat panatilihin ang kapantayan (equality) sa loob ng Paaralan, at napakaimportante ang
pagkakaroon ng kaalaman sa bawat kapansan ng isang bata kung ito ba ay pisikal o mental
na kapansanan, upang matugunan natin ang kanilang pangangailanganng pang-edukasyon.
Kung pinaghihinalaan natin na ang isang mag-aaral ay maroong intelektuwal na
pangangailangan, dapat mong ipagbigyan pansin sa mga magulang ng bata at
magrekumenda ng pagsusuri.
Ang mga may especial na pangangailangan naman sa pisikal ay dapat nasa kompurtableng
lugar, kung saan ay hindi sila mahihirapan sa kanilang pag-aaral.
Ang pagbibigay ng feedback sa mga magulang at iba pang mga propesyonal tungkol sa
kalagayan ng bata, kung papaano siya makisalamuha sa kanyang mga kasama, kung
papaano siya makisalamuha sa mga nakakatanda at mga isyu at problema na maari mong
makita.
Maari mong matulungan ang mga batang may espesyal na pangangailangan na
maramdaman nila ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa kanilang
mga kakayahan at naghihikayat sa pagtitiwala sa sarili.
2. Paano naaapektuhan ng personalidad ng isang guro ang pag-aaral ng isang bata?
* Ang personalidad nang isang guro ay may malaking gampanin sa pag-aaral ng isang bata,
naapektuhan din ang pag-unlad ng isang bata.
Ang positibong personalidad ng isung guro ay nanghihikayat ng magandang proseso ng
pagkatuto (good learning process). Kinikilala ng isang positibong guro ang mga bata na may
iba’t-ibang yugto ng abilidad at katangian.
Ang negatibong personalidad ng isang guro ay maaaring magdulot ng pagkawala ng
kumpiyansa sa sarili ang isang bata.
3. Paano mo malilinang ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagkwenta?
* Isa sa pinakamalaking responsibilidad ng isang guro ay malinang ang kakayahan ng isang
bata kung paano bumasa. Dapat matuto ang mga bata sa kamalayan ng phonemic,
kamalayan sa wika, kamalayang phonological, kasanayan sa bokabularyo. Maaari ding
gumamit ang isang guro ng iba’t-ibang pamamaraan sa pagtuturo, katulad ng flashcards,
vocabulary wall at reading drills.
Mahalaga din malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral kung paano mag-kwenta. Ito ay isa
sa mga pangunahing kasanayan na magagamit nila sa lahat ng aspeto sa buhay. Halimbawa,
sa Social studies, maaaring magpakita ang guro ng mapa ng isang bansa sa mga bata at
hilingin sa kanila na tantiyahin ang distansya sa pagitan ng dalawang lungsod o upang
matukoy ang mas malayo.

You might also like