You are on page 1of 3

TALARAWAN

larawang sisimbulo o magpapakitang may malaking pagbabagong


dulot sa buhay ng mga Pilipino ang midya at teknolohiya.

PANAHON: OKUPASYON NG MGA AMERIKANO

LARAWAN: TALA:
Ang larawan na ito ay ipinapakita ang
gusali kung saan unang umere ang
pinaka unang istasyon ng radyo sa
Pilipinas noong 1920's. Ang orihinal na
silbi ng mga radyo ay bilang daluyan
ng patalastas ng mga "consumer
goods" mula sa mga Amerika, ito rin
ang naging susi upang mas lalong
maging Maka-Amerikano ang pag-iisip
ng mga Pilipino at lalong paunlarin ang
ekonomiya noon. Kinalaunan, naging
pahayagan ng mga diskusyon
patungkol sa mga kaganapan sa bansa
ang mga radyo hangang sa naging
importanteng daluyan na rin ito ng
mga impormasyon at balita nang
makapasok ang mga Hapon sa loob ng
bansa. Dahil sa laki ng nasasakop
nitong tagakikinig, pinagingatan ng
mga opisyal ang mga radyo noon
upang hindi ito mahuli. Nang
bumagsak ang Bataan, sa kamay ng
mga Hapon, sa radyo rin una itong
naibalita. Sa mga sumunod pang taon,
naging kanlungan ang radyo ng iba't
ibang sining ng pagganap, may mga
edukasyonal na programa rin katulad
ng quiz shows at programang pambata
SANGGUNIAN: ang ipinapalabas sa mga istasyon
noon at patuloy pang lumaki ang abot
https://manilabroadcasting.com.ph/history/ na mga tagapakinig nito. Di
maitatangging malaki ang
kontribusyon ng mga radyo, madali rin
itong maakses di tulad ng ibang
teknolohiya, napagbuklod at
napalawak nito ang kaalaman ng mga
mamamayan kahit pa saan man dako
sila naroroon.

Aaron, Bernice Mae B. Gawain


BLIS II-26 G. Gerome Tongol

TALARAWAN
larawang sisimbulo o magpapakitang may malaking pagbabagong
dulot sa buhay ng mga Pilipino ang midya at teknolohiya.

PANAHON: OKUPASYON NG MGA HAPON

LARAWAN: TALA:
Nang makapasok ang mga Hapon sa
bansa, naging mahirap ang
komunikasyon at pagpapaikot ng
balita dahil sa takot sa peligrong dala
ng mga Hapones. Sa kanilang
pagdatong ay Naipasara ang mga
istasyon ng radyo, at nauhay muli ang
mga alternative press na syang mga
natirang midya ng impormasyon, ito ay
mga "newspapers" o pahayagan na
patagong inililimbag katulad ng
Guerilla publications at New Era sheet
na siyang naglalaman ng mga
pangayayari at kaalaman sa pang
araw araw na nagyayari noong
panahon na iyon, mas nakatulong ito
lalo sa mga opisyales na lumalaban
noon sa mga pwersa ng Hapon.
Bagamat kakaunti lang kaalaman sa
kung gaano nga ba kalaki ang
impluwensiya ng pahayagang midya,
mahihinuhang ang pagkawaala ng
mga kopya ng mga orihinal na
publication ng mga ito dahil marami
dito ay nasira na o sinunog upang hindi
makumpiska ng mga kalabang pwersa,
ay syang nagpapagkitang itinuring
itong malaking banta ng mga Hapon
SANGGUNIAN: sapagkat naglalaman ito ng mga
"censored" na detalye na may
https://www.nationalmuseum.af.mil/Upcom kontribusyon sa pagtatapos ng
ing/Photos/igphoto/2000565211/ paghahari ng mga Hapones.

Aaron, Bernice Mae B. Gawain


BLIS II-26 G. Gerome Tongol

TALARAWAN
larawang sisimbulo o magpapakitang may malaking pagbabagong
dulot sa buhay ng mga Pilipino ang midya at teknolohiya.

PANAHON: KONTEMPORARYO

LARAWAN: TALA:
Ang mga gadgets ay mga panibagong
teknolohiya kung saan nagagamit ito
para gumawa ng iba't ibang gawain at
aksyon. Madaling gamitin at maraming
mga katangian, masasabing isa itong
mahalagang imbensyon sapagkat
naging kagamitan ito upang mas
mapataas nito ang lebel ng pagiging
produktibo ng mga mamamayan.
Katulad ng nasa larawan, ang mga
gadgets tulad ng tablets ay mga
panibagong kagamitan na ipinapakilala
sa larangan ng edukasyon upang palitan
ang mga papel na panulat at mga libro.
Sa pamamagitan nito, magiging mas
mabisa ang pag aaral dahil
magkakaroon na ng maraming kopya ng
libro ang mga estudyante na maaring
mabasa sa iisang device lamang, bukod
roon maari ring gamitin ito sa
pagsasaliksik sa iba't ibang sanggunian
gamit ang internet, o
pakikipagkomunika sa mga kapwa mag-
aaral at guro sa eskwelahan. Patuloy na
lumalago ang teknolohiyang ito, marami
pang mga inobasyon sa disenyo at
gamit ang lumalabas taon-taon upang
makamit ang mga pangangailangang
SANGGUNIAN: lumalabas mula sa mga saliksik.
Habang tumatagal, mas nananangan
https://smart.com.ph/About/newsroom/full tayong mga indibidwal mula sa ika-21
-news/2014/12/25/smart-pushes-use-of- siglo sa mga gadgets, maski ang taong
mobile-technologies-for-social-good isinilang sa mga nakalipas na
henerasyon ay napipilitang sumabay,
sapagkat dito na unti unting lumilipat
ang pag papadaloy ng mga
impormasyon tungo sa komunidad o
vice versa.

Aaron, Bernice Mae B. Gawain


BLIS II-26 G. Gerome Tongol

You might also like