You are on page 1of 2

Filipino

 Pan- kung ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t,


 Unlaping pan- at hulaping -an nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa ingles na
literature, kastila ay literatura, at latin na litera – nangangahulugan na titik o letra.
 Panitikang Filipino – pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika , at pananampalatayang
niyakap ng mga Pilipino.
 Panitikan ng isang lahi – ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito.
 Tunay na Panitikan – matapat na paglalarawan ng buhay na isinasagawa sa paraang makasining.
Ito ay isang maayos na pagtutugma-tugma ng mga karanasan ng tao, alinsunod sa ninanais na
paraan ng pagpapahayag.
 Long (1917) – ang panitikan ay nasusulat sa pinakamabubuting kaisipan at damdamin ng tao.
 Dr. Rufino Alejandro (1949) – ang panitikan ay katuturang bungang isip na isinatitik.
 Mga uri ng panitikan:
o Panggawaing Panitikan – magpalaganap ng kaalaman ukol sa gayo’t ganitong uri ng
gawain at karunungan.
o Masining na Panitikan – ang ating bait, higit sa ating damdamin. May kambal na layunin:
Pukawin ang guni-guni’t gisingin ang damdamin at magturo o maghikayat.
o Malikhaing Panitikan – tahasang pukawin anga ting guniguni at damdamin na nakakakita
ng saya sa isang paraluman.
 Mga dahilan kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng ating sariling panitikan:
o Malalaman ng tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
o Mababatid nila ang kanilang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala o pag-uugali.
o Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
o Makikilala ang kapintasan at kagalingang pampanitika upang lalong mapayabong.
o Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
 Mga Paraan at Hangarin ng Panitikan:
o Paglahad
o Paglalarawan
o Pagsasalaysay
o Pangangatwiran
 Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan:
o Klima
o Gawaing Pang-araw-araw
o Kinatitirahan
o Lipunan at Pulitika
o Relihiyon at Edukasyon
 Dalawang anyo ng panitikan: Patula at Tuluyan
 Mga Uri ng Tula:
o Tulang Liriko o Tula ng Damdamin o Tula ng puso.
 Dalit
 Soneto
 Elihiya
 Oda
 Awit
o Tulang Pasalaysay:
 Epiko
 Awit at Korido
 Balad
o Tulang Patnigan:
 Karagatan
 Duplo
 Ensileda
 Balagtasan
o Tulang Pandulaan
 Mga Uri ng Tuluyan:
o Maikling Kwento
o Sanaysay: Pormal o maanyo, Impormal o Personal
o Talambuhay: Maikli, Mahaba
o Dula
 Mga Akdang Pampanitikan na nagpapakilala ng kasaysayan at kalinangan ng bansang
pinanggalingan:
o Banal na Kasulatan – Palestina at Gresia
o Koran – Arabia
o Uncle Tom’s Cabin – Estados Unidos
o Noli Me Tangere at El Filibusterismo – Pilipinas
o Sanlibo’t Isang Gabi – Arabia at Persia
o Canterbury Tales – Inglatera
o Iliad at Odyssey – Gresia
o El Cid Campeador – Espanya
 Mga Panahon ng Panitikang Filipino:
o Panahon Bago Dumating ang Kastila (Bago mag ika-16 na siglo) – pasalin bibig.
Kwentong bayan, epiko, karunungang bayan, alamat
o Panahon ng mga Kastila (1565 – 1898) - Relihiyon
o Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa mga Kastila (1872 – 1898) - makabayan
o Panahon ng mga Amerikano (1899 – 1941) – kaisipang demokratiko
o Panahon ng Hapones (1942 – 1945) – henyong pampanitikan. Hoccu o haiku
o Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946) – wikang Filipino at Ingles
o Panahon ng Aktibismo (Dekada ’70) – protesta sa pamahalaan.
o Panahon ng Bagong Lipunan (1972 – 1986) – hindi malayang makapagpahayag, limitado
o Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986) – rebolusyon, Malaya.

You might also like