You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
City of Bacoor National High School- Salinas
Camella Homes, Salinas 2D, Bacoor City, Cavite
Email: 305686@deped.gov.ph
Telephone number: (046) 238 - 9786

LAGUMANG PAGSUSULIT sa FILIPINO 9

Pangalan: ____________ Baitang at Pangkat: ____________________

I. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

1. Ipinapakita nito ang pakikipagtunggali ng tauhan sa kanyang kaisipan, pananaw, o paniniwala.


2. Ito ay uri ng tauhan kung saan may naganap na pagbabago sa kanyang sarili sa katapusan ng
kuwento kumpara sa simula.
3. Ito ay tauhan na walang pagbabagong naganap sa kanya hanggang sa wakas ng kuwento.
4. Ito ay tumutukoy sa laban ng tauhan sa kapwa tauhan tulad ng paglalaban ng bida at kontra-bida.
5. Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
II. Panuto: Tukuyin kung bilog o lapad ang tauhan.

6. Magmula nang mamatay ang mga anak ni Pingkaw ay nawala na siya sa katinuan.
7. Ang malupit at sakim na si Don Teong ay namatay nang masuwag ng kalabaw.
8. Mula sa pagiging mahirap ay naging maalwan ang buhay ni Monica nang makapagpatayo siya ng
sariling kumpanya.
9. Si Jane ay ang mapagmahal na kapatid na tumulong upang makapagtapos ng pag-aaral si Jonathan.
10. Nagsisi ang mga magulang ni Boyet dahil sa mga mali nilang nagawa sa kanya.

III. Panuto:Suriin ang mga talata. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa
bawat bilang.

11. Isang araw, luminaw kay Dita na hindi magpapatalo si Berto sa kahit anong sabihin niya. Sinigaw
nito, “E puro ka kuwento tungkol sa lolo mo. Ikaw, ano’ng kaya mo? Bilang sagot sa hamon ni Dita,
pumulot si Berto ng isang napakalaking bato. Nakapatong sa bato ang limang kambing at tatlong
kalabaw.

12. Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang mga tanim na
palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang ang kanilang inani. Nagkautang ang kanyang Itay. Nag-alala
naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at nawala ang inaasahan nilang panggagalingan ng
pera. “ Baka hindi ka makapag-aral ngayong taong ito, anak, “ malungkot na sabi ng kanyang Inay. “
Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo.

13. Kumalabog ang dibdib ko, ngunit pilit kong inalala ang kailangan kong sabihin. Inaalala ko rin
ang pangako ko kay Lola Sayong, na pagbubutihin ko ang pag-aaral. Ayaw na niyang maulit ang
nangyari noon, sabi niya sa akin bago ako pumasok.

14. Sa taas ng rooftop, sa ilalim ng langit, ay pigil na lumuluha si Egoy. Patawad, patawad, sabi niya
sa hangin. Sinipa niya ang mga bote ng alak na kaniyang binitbit pataas. Tumilapon ito sa pader at
nabasag. Napaluhod siya sa pag-iyak. Kung pwede lamang bumalik sa oras, sabi niya sa sarili. Ngunit
nasa huli lagi ang pagsisisi.

15. Ang huling dagok na ito ni Don Teong ay isinama na lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa
kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa kanila. At saka noo’y
pagtatangka pa sa kanyang buhay.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
City of Bacoor National High School- Salinas
Camella Homes, Salinas 2D, Bacoor City, Cavite
Email: 305686@deped.gov.ph
Telephone number: (046) 238 - 9786

You might also like