You are on page 1of 2

Book Report - Undercover

Charlene C. Cabrera March 05, 2023

SOL 1
Kabanata I: Ipinakilala ang “Under Cover”

Lesson Learned:

Sa Chapter 1 ng Undercover book by John Bevere, ipinakikilala kung ano ang ibig sabihin ng undercover, ito ay salitang
magagamit sa maraming sitwasyon, like for example, isang siyudad/lugar na nasa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng pulis
at military, ito ay naglalarawan ng isang tao/tupa na nagangailangan ng proteksyon sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga
salita. Sa paglalakbay ko sa susunod na kabanata, dapat muna akong magkaroon ng pusong tulad kay Haring David, pusong
mapagkumbaba at tunay na nagsisisi, ihahanda ko ang aking puso na magpabasag sa Diyos dahil ang kaparusahan ng aking Ama
na nasa langit ay ganap at perpekto. Anomang season ng aking buhay ito man ay nakakasama o nakakasakit sa nararamdaman ko,
dapat itatak ko sa puso’t isipan ko na ito ay posisyon ng Diyos para sa proteksyon ko, pagpapala ko, at kaligtasan ko. Ang pag-
ibig ng Diyos sa akin ay dalisay, sapat at magpawalang hanggan!

Application:

Bilang tagasunod kay Christ, dapat akong magkaron ng pusong mapagkumbaba at tunay na nagsisisi sa harapan ng Diyos.
Anomang sitwasyon na darating sa buhay ko wag akong mabahala coz I am undercover by God.

Kabanata II: Mahirap sumipa laban sa mga tuod

Lesson Learned:

Sa Chapter 2 ng aklat na ito ay pinapamagatang “Mahirap Sumipa Laban sa mga Tuod” na ang ibig sabihin ay “Mahirap
unawain ang mga prinsipyo ng kaharian sa kaisipang demokratiko” kaya’t itinuturo dito na huwag tayong makiayon sa takbo ng
mundong ito kundi kailangan nating matutunan ang mga prinsipyo ng kaharian ng Diyos as a Christian. Ang tunay na
pagpapasakop natin sa Diyos ay pagpapasakop din natin sa kapamahalaan sapagkat ang kapamahalaan ay mula sa kanya sabi sa
Roma 13:1-2, “Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa
Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa
itinakda ng Diyos; at sila'y paparusahan.”

Application:

Bilang tagasunod kay Christ, ako ay dapat matutong magpasakop hindi lamang sa pamahalaan kundi pati sa work, church,
family. Maging mapagkumbaba, hindi maging ma pride at tanggapin ang mga corrections ng mga namamahala (Manager,
Teacher, Leader, Bishop, Pastor, etc.). Tandaan kung ano ang pinapakita naten sa ating leader/pamahalaan ay yun din ang
pinapakita naten sa paniginoon. Kaya isipin naten na ang lahat ng ating efforts sa mundong ito ay para kay Lord hindi sa tao.

Kabanata III: Pakahulugan sa Kasalanan

Lesson Learned:

 Ang maging mayaman ay hindi kasalanan, nagiging kasalanan lang ang pagiging mayaman kung ginagawa mo nang
Diyos ang yaman
 Ang kasalanan ay ang hindi pagsunod sa kalooban ng Diyos
 Agape Love
 Ang isang dahilan sa paglaganap ng panlilinlang ay ang hindi pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng kasalanan.
 Ang diyos ay tumingin sa puso ng kanyang mga anak,
 Eccl. 12:13, "Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi. Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang
mga utos, pagkat itoang buong katungkulan ng tao.

Application:

 Dapat unahin ang Diyos all the time sapagkat sakanya nanggagaling ang lahat ng bagay
 Dapat mayroong bukal na puso sa pagsunod at pagkukusa
 Dapat akong magkaron ng Agape Love upang hindi ako manlalamig sa diyos sa darating na paglaganap ng kasamaan.
Mamahalin ko ang diyos ng buong puso upang hindi ako mahiwalay sakanya.
 Sasambahin ko ang Diyos sa paraang kalugod-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot
 Akoy manatiling tapat sa panginoon hanggang wakas
 Unawain ang tunay na kahulugan ng kasalanan upang hindi malinlang ng devil.

Kabanata III: Ang lihim na kapangyarihan ng paglabag ng kautusan

Lesson Learned:

 Ang kapahayagan, hindi ang sinabing karunungan, ang mag iingat sa akin laban sa panlilinlang
 Kung ako ay namumuhay ayun sa aking paniwala , ako din pala ang target ng temptation kaya kelangan ko ang word of
God araw araw para makaiwas sa tukso.
 Ang lihim na kapangyarihan sa paglabag sa kautusan ay ang panlilinlang na gawa ni Satanas
 Ang pag ibig ng salapi ang siyang ugat ng kasamaan
 Ang taong may takot sa salita ng diyos ay susunod sa kanya, nakikita man niya o hindi ang pakinabang nito.
 Nalinlang si eva ng ahas ng dahil sa consiousness niya sa isang bagay/bunga na pinagpabawal sa kanya ng panginoon.
 Ang tunay na kahulugan ng pagsunod ay sa pamamagitan ng pagtitiis

Application:
 Maging matalino at huwag balewalain ang payo ni Hesus sa akin, Mateo 24:4 "Mag-ingat kayo na huwag kayong
mailigaw ninuman!"
 Mamuhay ayun sa salita ng diyos
 Maging alerto sapagkat naghahanap si Satanas ng paraan upang sirain ang pinakapundasyon ng ating katapatan sa
panginoon
 Wag ibigin/unahin ang yaman o salapi
 Matakot sa diyos at sundin ang kanyang mga utos
 Matuto ako sa pagkahulog ng unang Adan, at sumunod ng may pagtitiis katulad ng pagsunod ng huling Adan(Hesus).

You might also like