You are on page 1of 4

KULTURANG PAPYULAR

G. FLIPTOP
↳ Ang fliptop ay isang paligsahan ng mga rapper o mga taong gumagamit ng rap
sa pagsasalita. Ito ay may dalawang panig, bawat isa ay kailangang mag-rap sa
loob ng isang minuto. Sarisaring panlalait, pang-aasar at pang-iinsulto ang laman
ng rap na binabanggit ng mga kalahok.
Ang Fliptop rin ay maituturing nating isang rap. Ito ay ginagamitan ng maliksing
pagiisip ng mga salita, kailangan ay may tunog, nasa tono at tiyempo sa paraan ng
pakikipagtalastasan sa katunggali. Ang bawat isa rin ay binibigyan ng oras upang
mailahad ang bawat mensahe nila sa isa’t isa.
Emcees in Fliptop
1. Sinio
2. Abra
3. Smugglaz
4. Loonie
5. Zaito
F. TALAAN SA TREN/JEEP/BUS/TRYCICLE
talaan ng treyn
1. PNR (philippine National Railways)
2. MRT (metro rail transit system)
3. LRT (line rail transit system)
2.) SOCIAL MEDIA
A. BLOGGING
Ang blog ay nagmula sa salitang weblog. Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan
sa paraan ng pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakakapagbahagi tayo ng kaalaman,
pananaw, salaysay, at iba. Ito ay makikita sa internet o website ng isang tao. Ang mga
halimbawa nito ay personal blog, video blog o vlog, travel blog, informative blog.
Sa paggawa ng blog, mayroong tinatawag na blogger o ang taong sumulat o gumawa
nito. Ang blogging naman ay ang buong proseso ng paggawa ng isang blog. 
B. YOUTUBE, TUMBLR, WORDPRESS
Ang Youtube ay isang website kung saan ay ang mga tao o ang sino man ay maaaring mag-
like, share, comment sa mga sari-saring videos. Sa website rin na ito ay maaaring maglagay
o mag-upload ng mga sariling videos ang sino man basta't nakaaregister o nag sign up o
gumawa ng account sa google.
Ang Youtube ay isa sa mga website na kilalang kilala ng mga tao
Kadalasan ang Youtube ay tamabayan ng mga taong mahihilig manood ng mga videos. Ibat-
ibang klaseng mga videos ang pwedeng mapanood sa website nito, mula sa mga tutorials, mga
trending na sayaw, replay ng mga palabas sa TV, o di kaya ay mga highlights ng mga palabas,
may mga sa sports din, maging mga balita at marami pang iba.

Ang TUMBLR ay isang platapormang blog na pinahihintulutan ang mga tagagamit


nito na maglagay ng Kasulatan, mga Larawan, mga Bidyo, mga Kawing, mga Sipi at
Awdiyo sa kanilang Microblogging, isang blog na maikling uri. Ang mga tagagamit
ay "nakasusunod" sa iba pang mga tagagamit at makita ang kanilang mga inilagay sa
kanilang tapalodo. Maaaring magustuhan o i-reblog ang ibang mga blog sa sayt. Ang
paglilingkod ng sayt ay nagbibigay lalim sa pag-iiba at sa kadalian ng paggamit.
Ang WordPress ay isang open-source na content management system (CMS) na
nagpapadali sa paggawa at pamamahala ng isang website. Ito ang pinakasikat na CMS
sa mundo. Milyun-milyong may-ari ng negosyo, blogger, at publisher ang gumagamit
ng WordPress araw-araw upang mapanatili ang kanilang presensya sa online
C. ASK.FM
Ang Ask.fm ay isang serbisyo sa pagtatanong at pagsagot na nagbibigay sa mga tao ng
pagkakataong magtanong at sumagot ng mga kontrobersyal na tanong nang hindi nagpapakilala.

Ang Curious Cat ay isang libre at maliit na tool sa social networking na nagbibigay-daan sa
iyong kumonekta sa iyong mga tagasunod sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga
naaangkop na tool upang makipag-ugnayan sa iyo, at babalik ka sa kanila, nang hindi
nagpapakilala o sa publiko. Ito ay isang question and answer system na nagbibigay-daan sa mga
tao na magtanong sa iyo.
D. MASS MEDIA

Ang mass media ay ang media na may kapangyarihang umabot o makarating sa


maraming mga tao - na tinatawang ding masa o madla. Ito ang dahilan kung bakit
tinawag itong mass media. Ang halimbawa ng mass media ay ang radyo, dyaryo,
telebisyon, internet, at iba pa.

Ang mass media ay ginagamit upang magpakalat ng mga impormasyon sa publiko.


Halimbawa, kung may mahalagang impormasyon ukol sa bagyo, nagagamit ang mass
media upang magbigay ng kaalaman sa mga tao.

Ang mass media ay nakakatulong din sa negosyo. Halimbawa, kung ang isang
negosyo ay may bagong produkto, nagagamit ang social media upang malaman ng
mga tao ang detalye ng bagong produktong iyon.

Mga Halimbawa ng Mass Media


. radyo
. dyaryo
. telebisyon
. internet
. social media
. at iba pa
`

You might also like