You are on page 1of 9

Document Code:

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III-Central Luzon Revision:
Schools Division Office of Pampanga
FAUSTO GONZALES SIOCO MEMORIAL SCHOOL
Effectivity Date:

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO II


Name of Office:

Paaralan FAUSTO GONZALES SIOCO Baitang II-MOLAVE


MEMORIAL SCHOOL
DAILY LESSON LOG
Guro VIRGINIA Q. CUNANAN Asignatura FILIPINO
Petsa November 11, 2020 (WEEK 6) Markahan UNA

UNANG LINGGO
Naipamamalas ang kakayahan at talas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
I. A. Pamantayang
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Pangnilalaman
Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin,
B. Pamantayan sa bilis, antala at intonasyon
Pagganap

Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na “ng”.


C. Mga Kasanayan Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaking letra sa isang salita o
sa Pagkatuto
pangungusap.
( Isulat ang code ng
Nakasusulat ng angkop na caption sa mga larawan
bawat kasanayan)
II. Nilalaman Aralin 1: Magtiwala sa Panginoon
Integrasyon Paggamit ng Pang-ukol na ng
LEARNING
RESOURCES
A. Sanggunian K to 12 Curriculum Guide Grade 2 Filipino
1. Mga pahina sa ph. 183-184
Gabay ng guro
2. Mga pahina sa ph. 382-383
Kagamitang
Pangmag-aaral
3. Karagdagang Larawan na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa, tarpapel, video clip, power point
Kagamitan sa
Learning
Resource
(LR)portal
B. Iba pang
Kagamitan sa
Pagtuturo
Gawain ng Mag-aaral Anotasyon
III.PAMAMARAAN Gawain ng Guro
A. 1.Balik-aral at/o Ipapanood ang isang maikling kwento
pagsisimula ng tungkol sa pagtulong sa kapwa.
bagong aralin (Video clip)

Ayon sa inyong napanood, ano ang ginawa


ng bata ng may humingi ng tulong sa
kanya?

Hindi po nya ito


tinulungan.
Bakit hindi nya ito tinulungan?

Dahil wala daw po itong


maibibigay na kapalit sa
Magaling! Bigyan ng Yes Clap kanya.
Ano ba ang pagtulong sa kapwa?

Ito ay mabuting gawa na


tao na walang hinihinging
Ang pagtulong sa kapwa ay nagpapakita kapalit.
lamang ng kabutihan ng isang tao na
walang hinihinging kabayaran

Pagganyak:
Ipapakita ang larawan ng lunsarang akda at
pamagat nito na “Halinang Gumawa ng
bagay na Mabuti.”

Sa tingin nyo, tama ba ang ipinakikita sa


larawan?

Bakit?

Opo.

Dahil binibigyan po nung


bata yung isa pang bata ng
pagkain at ito po ay
pagtulong.
Tama, ang iyong sagot.
B. Paghahabi ng Ano ang gagawin mo kung walang dalang
layunin pagkain ang isa sa iyong kaklase?

Bibigyan ko po sya ng
Paano kung iisa lang ang dala among pagkain.
pagkain?

Hahatiin ko po para
pareho po kaming
makakain.
C. Pag-uugnay ng Ating basahin ang isang maikling talata, na
mga halimbawa pinakita ko kanina na “Halinang Gumawa
sa bagong aralin ng Bagay na Mabuti.”
Bago natin siya pakinggan, ibigay muna
ang mga pamantayan sa pakikinig.
1. Umupo ng
maayos.
2. Gamitin ang tenga
sa pakikinig.
3. Iwasan ang
pakikipag-usap sa
katabi.
4. Tumingin sa
nagsasalita.
Halinang Gumawa ng Bagay na Mabuti

Nakagawa ka na ba ng kabutihan sa
kapwa?

Ang paggawa ng bagay na mabuti sa


kapwa ay katumabas ng pag-ibig sa
Lumikha.
Tumingin sa paligid at makikita mo na
maraming nangangailangan ng iyong
pagtulong at pagkalingan.

Masasabi ba natin na iniibig natin ang


Lumikha kung ang ating kapwa ay hindi
naman natin pinagmamalasakitan? (Magtataas ng kamay ang
bata upang ipagpatuloy
Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay
ang pagbabasa sa teksto)
pagpapakita ng pagmamahal sa Lumikha.

Pero paano natin ito magagawa? Kapag


sila ay nagugutom, bigyan natin sila ng
pagkain. Kapag nauuhaw, sila ay ating
painumin.
Ang ating kapwa.
Ang pagtulong sa kapwa at pagkalinga sa
kapwa ay hindi dapat naghihintay ng
kabayaran o kapalit. Sapat na nakatulong Dahil ang paggawa ng
tayo at napasaya ang Lumikha na nasa kabutihan sa kapwa ay
kapwa rin natin. pagpapakita ng
pagmamahal sa Lumikha.
a. Sino ang dapat mahalin at
pagmalasakitan? Kapag sila ay nagugutom,
bigyan natin ng pagkain at
b. Bakit dapat natin itong gawin? kapag sila ay nauuhaw,
sila ay ating painumin.
Tulungan sila ayon sa
kanilang kailangan.

Ang Diyos o ang


c. Paano natin matutulungan ang ating
kapwa? Lumikha.

Ito po ay ang mga tao na


kagaya natin. Halimbawa
po ang mga kaibigan o
kapitbahay natin.

d. Sino ang matutuwa sa paggawa natin ng


kabutihan sa kapwa?

e. Sino ba ang iyong kapwa?


Ang pagtulong at pagkalinga sa kapwa ay
hindi dapat naghihintay ng kabayaran o
kapalit

Napakahusay!

D. Pagtatalakay ng Muli nating tingnan ang mga talata sa


bagong konsepto ating teksto na binasa.
at paglalahad ng
Mula sa talata mayroon akong mga
bagong
parirala na ipapakita.
kasanayan #1
a. paggawa ng bagay

b. nangangailangan ng pagtulong

c. pagpapakita ng pagmamahal

d. bigyan ng pagkain

ano ang napapansin nyo sa mga salitang


nakapaskil sa pisara?
Ang mga ito po ay pare-
parehong ginamitan ng
salitang “ng”.
Ang mga salitang nakapaskil sa pisara ay
pare-parehong ginamitan ng pang-ukol na
“ng”.

Ano ba ang pang-ukol? Ang pang-ukol ay salitang


nag-uugnay sa
pangngalan sa iba pang
salita.
Ang pang-ukol ay ginagamit upang pag-
ugnayin ang dalawang salita.

Ang pang-ukol na “ng” ay ginagamit


kapag ang salitang sumusunod dito ay
isang pangngalan o kaya ay pangngalang-
diwa at pang-uri.

E. Pagtatalakay ng Balikan muli natin ang larawang pinakita


bagong konsepto at ko kanina,
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2

Ano ang napapansin nyo sa pamagat ng


nasa larawan?

Lahat po ng mga salita ay


nagsisimula sa malaking
titik maliban po sa mga
pang-ukol na ginamit.
Ang malaking letra o titik ay ginagamit sa
pagsisimula ng mga salitang pangngalang
pantangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, pangyayari, at iba pa.
Ginagamit din ito sa simula ng
pangungusap.

F. Paglinang sa Gawin Natin:


kabihasnan
(Formative Punan ng wastong pang-ukol ang patlang.
Assesment) Bilugan ang mga salitang inuugnay nito.

1. Nakalikom kami _____ maraming


basura para sa Ecosavers Program ng
paaralan.

2. Nasanay na akong maglakad ________


dalawang kilometro.

3. Umupa kami ________ computer para


sa proyekto ng aking kapatid na bunso.

4.Ang paglalakad ay mabuting uri


________ ehersisyo sa katawan ng tao.

5. Ang labis na napanonood ________


telebisyon ay nakakasama sa kalusugan.

Mga sagot:

Ng- kami, maraming


basura

Ng- maglakad, dalawang


kilometro

Ng- kami, computer

Ng- mabuting uri,


ehersisyo

Ng- panonood, telebisyon


G. Paglalapat ng aralin Isulat nang wasto ang mga salitang mali
sa pang-araw-araw ang pagkakasulat sa bawat pangungusap.
na buhay
1. ang hangin ay dumudumi sa ating
paligid.

2. ang ating Pangulong rodrigo duterte

3. Si laurence ay mabait

4. disiplina ang kailangan

5. Bawat Tao ay may kani-kaniyang


pagpapahalaga.
Mga sagot:
1. Ang hangin ay
dumudumi sa ating
paligid.

2. Ang ating Pangulong


Rodrigo Duterte

3. Si Laurence ay mabait

4. Disiplina ang
kailangan

5. Bawat tao ay may kani-


kaniyang pagpapahalaga.
H. Paglalahat ng Kailan ginagamit ang pang-ukol na “ng”?
aralin
Ang pang-ukol na ng ay
ginagamit kapag ang
salitang sumusunod dito
ay isang pangngalan o
kaya ay pangngalang-
Kailan ginagamit ang malaking titik o diwa at pang-uri.
letra?

Ang malaking letra ay


ginagamit sa pagsisimula
ng mga salitang
pangngalang pantangi o
tiyak na ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar,
pangyayari, at iba pa.
Ginagamit din ito sa
simula ng pangungusap.

IV. Pagtataya ng Pangkatang Gawain:


aralin Bago tayo magkaroon ng pangkatang
gawain, ilahad ang mga panuntunan sa
paggawa.

1.Sumunod sa panuto na iniatas sa


bawat pangkat.
2.Igalang ang ideya ng bawat
miyembro ng pangkat.
3.Makinig at igalang ang bawat pangkat
sa pagpapakita ng kanilang natapos
na gawain.
4.Itabi ang materyales sa tamang lugar
pagkatapos gamitin.

Basahin at intindihin ang rubric na


gagamitin natin sa pangkatang gawain.

Ipaliwanag ang rubriks sa pangkatang


gawain:
1. Nasagutan ng wasto ang mga
ginawang gawain - 10

2. Naiulat nang maayos - 5

3. Natapos sa takdang oras - 3


4. Tahimik at nakipagkaisa
sa paggawa - 2____
20 puntos

Gamit ang pang-ukol na “ng”, lagyan ng


caption ang mga larawan.

Unang Pangkat:

Ikalawang Pangkat

Buhat buhat ng Ina ang


kanyang anak.

Ikatlong Pangkat

Gumagawa ng takdang-
Ika-apat na aralin ang bata
Pangkat

Ika-limang Pangkat
Tinulungan ng bata ang
matanda

Bumilli ng pagkain ang


dalawang bata
Binigyan ng candy ang
bata
V. Karagdagang Magbigay ng 5 pangungusap na may
gawain para sa wastong pang ukol at wastong paggamit ng
takdang aralin malaking letra
V. MGA TALA/Pagninilay
VI. PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiya ng pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyonan sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?
G.Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:

VIRGINIA Q. CUNANAN
Teacher II

Binigyang pansin ni:

PERVIE C. PEREZ
MT 1

You might also like