You are on page 1of 5

Libangan tungo sa Kaginhawaan

Akda ni : Warloy

Tagapagsalaysay : Sa ating buhay ay maraming bagay na nangyayari mga bagay na hindi natin
na aakalain na ito pala ang tulay para sa magandang buhay pagpupursigi at pagsisikap lang ang
kailangan para makamit natin ito.

Sa bayang ng santa rosa ay may isang batang nag ngangalang jake siya ay nanggaling sa isang
mahirap na pamilya ang kanyang ina ay ang hanap buhay lamang ay ang pag lalaba. Maagang
namatay ang kanyang ama sa edad na tatlong taong gulang pa lamang siya sa ngayon si jake ay
kasalukuyang nasa High School at malapit na siyang magtapos. Si Jake ay mahilig sa paglalaro
ng basketball siya din ang pinakamagaling sa kanilang paaralan at siya din ang varsity player sa
kanila, minsan nga ay lumalaro ito ng pustahan dumadayo ito sa ibat ibang bayan makipag laro
lamang.

Kinaumagahan:

Aling Gloria : anak gising at may pasok kapa

Jake: Aahh, (gumising) opo inay babangon na ako

Aling Gloria : Bilisan mo jan at kakain na tayo

Jake: Opo inay, ano po ang ulam

Aling Gloria : pritong talong nabili ko kanina nung namili ako ng gulay diyan sa baba natin

Jake : sarap naman ng ulam

Tagapagsalaysay : Pagkatapos kumain ni jake ay naligo ito at naghanda ng kanyang gamit para
sa kanyang pag aaral
Aling Gloria : eto baon mo, pasensya kana yan lang baon mo di ako nakapag laba ngayon eh

Jake : ayos lang po inay sobra na nga ito ih ( pangiting sinabi ni Jake) aalis napo ako Aling

Gloria : Mag ingat ka sa pag aaral mo anak at mag aral ng mabuti Jake : opo inay

Tagapagsalaysay : Pagkarating ni Jake sa kanilang eskwelahan ay sinalubong agad siya ng


kanyang mga kaibigan.

Wayne: Oh pre, musta?

Jake : Ayos naman, eh ikaw?

Wayne : ayos din naman"

Tagapagsalaysay : Pagkatapos nilang mag usap ay pumasok na sila sa kanilang silid aralan, at
pagkalipas ng ilang oras ay natapos na ang klase nila Jake. Tuwing hapon si Jake at ang mga
kaibigan niya ay nag lalaro ng basketball sa kanilang barangay.
Pinuntahan ni wayne si Jake sa kanilang bahay para maglaro ng basketball at tinanong ni wayne
kung nasaan si Jake.

Wayne: Aling Gloria nandyan po ba si Jake

Aling Gloria: Nandiayn sa loob iho tawagin mo lang.

Wayne: Pre labas kana jan laro na tayo


Aling Gloria: Anak nandito kaibigan mo (pasigaw na pag sabi ni aling gloria)

Jake: Oy pre nandyan kana pala pasensya na ginawa ko lang yung takdang aralin na ibinigay ng
guro natin.

Aling Gloria: Anak pag uwi mo mamaya ay mag saing ka at mag luto ng ulam dahil may
lalabhan pa ako.
Jake: Opo inay sandali lang naman kami mag lalaro.

Wayne:Tara na pre alis na tayo.

Tagapagsalaysay : Nakalipas ang ilang minuto ng paglalakad nila ay nakarating na sila sa


kanilang pag lalaruan

Jake: yung bola pre akin na.

Tagapagsalaysay : Sa kanilang paglalaro may dumating ng isang grupo ng mga kabataan at


tinawag ng mga ito si Wayne at inaya ito ng pustahan at agad na pinuntahan ni Wayne si Jake
upang ipaalam ito sa kanya

Wayne : Pre nag aya pustahan daw

Jake : Payag sana ako dyan kaso sabi ko kay inay na sandali lang tayo at babalik agad, at isa pa
mag sasaing pa ako at magluluto ng ulam.

Wayne : Sige na pre sayang pera nato ako na bahala sa pusta alam ko namang kaya natin sila,
ang laki kaya ng tiwala ko sayo sa galing mong yan matatalo tayo tskk

Jake : Sige basta bilisan lang natin tapusin agad natin ang laro.
Tagapagsalaysay : Ilang minuto lang ay natapos na nila ang kanilang laro at nanalo sila Jake

Wayne : Sabi ko naman sayo pre kaya natin sila diba ang bilis lang nating natapos yung laro.

Tagapagsalaysay : Pagkatapos nilang mag laro ay umuwi na sila agad at baka kasi papagalitan
si Jake ng kanyang Ina.

Aling Gloria : Anak malapit kana palang matapos ng high school, at salamat dahil kahit mahirap
ang buhay ay nag aaral ka ng mabuti.

Tagapagsalaysay : Makalipas ang ilang buwan ay magtatapos na si Jake sa high School. Sa


kanyang pag graduate ay nakatanggap siya ng ilang mga award

Wayne : Congrats sa atin pre at magkokolehiyo na din tayo

Jake : Oo nga pare kahit mahirap ang buhay ay di ako titigil sa pag aaral, salamat pala sayo dahil
minsan kung wala akong baon binibigyan mo ako.

Wayne : syempre parang kapatid na turing ko sayo

Tagapagsalaysay : Pagkalipas ng ilang buwan ay tumuntong na din sa kolehiyo si Jake.Habang


tumatagal si jake ay dumadayo na sa ibang bayan lalaro lang ng basketball, Ball is Life talaga si
Jake. Nakilahok din ito sa mga liga sa kanilang barangay. Sa pagtungtong niya sa kolehiyo ay
kinuha siya na maging player ng kanilang paaralan dahil sa kanyang angking galing sa paglalaro
ng basketball.

Isang Araw habang naglalaro si Jake ng basketball laban sa ibat ibang basketball team ng ibat
ibang paaralan ay may nanonood na coach ng Philippine team at namangha ito sa galing ni Jake
sa paglaro ng basketball at nang matapos na ang laro nila Jake ay kinausap ito ng coach na kunin
ito para maglaro at ipresenta ang pilipinas sa larangan ng basketball.
Coach : Jake nakita ko kung paano ka maglaro ng basketball at namangha ako sa mga galaw mo
nais ko sanang kunin ka para maglaro at ipresenta ang pilipinas

Jake : Sige po sir di ko po sasayangin ang oportunidad na ito, pero magpapaalam muna ako sa
aking magulang

Tagapagsalaysay : pagkatapos nilang mag usap ay nag paalam si Jake sa kanyang coach na
uuwi na ito. at pagkauwi ni Jake ay kinausap niya agad ang kanyang Ina, at ang sabi ni Jake

Jake : Inay may kumausap sakin na isang coach ng pilipinas nag alok na kukunin niya ako
upang maglaro, payag kaba inay?

Aling Gloria : Payag ako basta sa isang kondisyon wag na wag mong sirain ang lahat ng mga
oportunidad na ibinigay sayo at wag mong pababayaan ang iyong pag aaral
Jake : Opo inay pangako maraming salamat

Tagapagsalaysay : lumipas ang ilang araw ay binalikan ng coach si Jake para tanungin kung ano
na ang desisyon nito

Coach : Oh Jake, kamusta? Ano na ang desisyon mo tatanggapin mo ba ang alok ko

Jake : Opo sir tatanggapin ko po pumayag na ang aking magulang


Tagapagsalaysay : At dahil sa oportunidad na ito ay gumaan ang buhay nila jake at marami
nang naabot si Jake sa kaniyang buhay dahil lang sa paglalaro ng basketball aiya na rin ang
nagtutustos ng mga para sa kanila ng kanyang ina at nabawasan rin ang kanilang paghihirap
dahil lamang sa isang oportunidad na ibinigay kay Jake
" Wag gawing hadlang ang kahirapan sa iyong mga pangarap, tangkilikin ang lahat na
oportunidad na dumarating at patuloy lang ang iyong nasimulan makakamit mo din ito "
-Warloy

You might also like