You are on page 1of 13

10

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 1:
Paghahambing at Pagsusuri
sa Mitolohiya ng Africa at Persia

May-akda: Daniel A. De Guzman


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


 Aralin – Paghahambing at Pagsusuri sa Mitolohiya ng Africa at Persya

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang mitolohiya at katangian nito;
B. naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persya;
C. naiisa-isa ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya
kaugnay sa suliranin ng akda, kilos o gawi at desisyon ng bawat
tauhan;
D. nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya
batay sa suliranin ng akda, kilos o gawi at desisyon ng bawat
tauhan;
E. naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay;
F. nasasagot ang mga tanong kaugnay sa pinanood na video clip; at
G. nabibigyang-puna ang pinanood na video clip

Subukin

Suriin ang ang sumusunod na pangungusap, Lagyan ng tsek (√) ang


patlang kung sang-ayon ka sa bawat kaisipan at ekis (x) kung hindi.

______1. Ang bawat bansa ay may kani-kaniyang mitolohiya.


______2. Ang Africa at Persia ay nasa iisang kontinente lamang.
______3. Tungkol lamang sa mga diyos at diyosa ang mitolohiya.
______4. Ibinatay sa mitolohiya ang mga naunang umusbong na relihiyon sa
daigdig.
______5. Hindi kayang ipaliwanag ng mitolohiya ang paraan ng pag-iisip ng
mga tao noong unang panahon.

Paghahambing at Pagsusuri
Aralin
sa Mitolohiya ng Africa at Persya
Sa araling ito ay pag-aaralan mo kung paano ipaliliwanag ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia. Upang ito ay malinang,
kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Balikan

Ipaliwanag ang mga katangian ng mitolohiya sa pamamagitan ng pagsagot


sa bawat tanong.

1. Kilala ba o hindi ang may-akda ng mitolohiya? Bakit?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ano ang kadalasang pinapaksa ng mga mitolohiya?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Papaano nagkakapareho at nagkakaiba ang mga tauhan sa mitolohiya


kumpara sa mga tauhan sa iba pang akda?)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Ano ang ipinahihiwatig ng mitolohiya sa mga mambabasa?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Ano ang madalas na itinuturo ng mitolohiya sa mga mambabasa?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula
Suriin ang larawan. Sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina.

Larawan mula sa: https://fineartamerica.com/featured/creation-of-adam-


michelangelo-buonarroti.html

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Tungkol saan ang larawan?


________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating paksa?
________________________________________________________________________

B. Pagbasa 1

Ang Kuwento ng Paglikhang Zoroastrian


(Mitolohiya mula sa Persia)
Muling isinalaysay sa Ingles ni Rebecca Cann
Salin sa Filipino ni Daniel A. De Guzman

Sa simula, walang anomang bagay sa daigdig na nabubuhay


kundi si Ahura Mazda, ang paham na Panginoon na nananahan sa walang
hanggang liwanag. Gayundin, si Ahriman, ang masamang espiritu na
nabubuhay sa kadiliman. Sa kanilang pagitan ay ang kawalan.
Isang araw, nagpasya si Ahura Mazda na simulan ang kaniyang
paglikha. Una, nilikha niya ang kalangitan na gawa sa metal – makinis at
makintab. Pangalawa, ang malinis na tubig. Pangatlo, nilikha niya ang
mundong patag, walang bundok at lambak. Pang-apat, lumikha siya ng
mahahalimuyak na bulaklak na walang matitigas na tinik o balat.
Ikalimang nilikha niya ay maliliit at malalaking hayop. Matapos ay
nilikha niya si Gayomard – ang unang tao. Siya ay matalino, matangkad, at
magandang lalaki. Panghuli, lumikha siya ng apoy at ipinagkaloob sa lahat
ng kaniyang nilalang. Ginawa niya ito upang magamit ng sangkatauhan sa
pagluluto ng pagkain at maging panlaban sa lamig.
Sa isang pagkakataon, sumilip ang masamang espiritu sa
napakagandang likha ng paham na Panginoon. Tinawag siya ni Ahura
Mazda at nagsabing “Masamang espiritu! Pagsilbihan mo at papurihan ang
aking mga likha, nang sa gayon ay maging imortal ka.
Umangal ang masamang espiritu, “Bakit ko pagsisilbihan ang mga
likha mo? Bakit ko ito papupurihan? Mas makapangyarihan ako!
Pupuksain kita at wawasakin ang lahat ng iyong mga likha.” Matapos nito
ay bumalik si Ahriman sa kaniyang kinatatahanang kadiliman upang
lumikha ng mga demonyo, mangkukulam, at mga halimaw na lulusob sa
walang hanggang liwanag.
Alam ng paham na Panginoon ang lahat ng bagay. Alam niyang
gumagawa ng mga demonyo ang masamang espiritu upang sirain ang
kaniyang magagandang likha. Alam rin niyang magkakaroon ng isang
malaking digmaan laban sa kadiliman. Dahil dito, binuo niya ang anim na
Espiritu – Ang mga Banal na Imortal, upang bantayan ang kaniyang mga
likha laban sa Walang Hanggang Kadiliman. Binuo ng paham na Panginoon
ang mga Banal na Imortal mula sa kaniyang sariling kaluluwa. Taglay ng
bawat isa ang kaniyang katangian.
Ang unang Banal na Imortal ay si Khashathra, ang Kapangyarihan
ng Katuwiran, na nagsilbing tagabantay ng kalangitan. Sumunod na
nilikha ng paham na Panginoon si Haurvatat, ang Kapayapaan at
Kawastuhan. Siya ang naging tagapangalaga ng katubigan. Ang pangatlong
nilikha ay si Spenta Armaiti, ang Banal na Debosyon na tagapagbantay ng
daigdig.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
Si Ameretat, ang Imortal, ang naging tagapangalaga ng mga
halaman. Si Vohu Mana, Ang Mabuting Pag-iisip ay piniling pangalagaan
ang mga hayop. At si Asha Vahista, ang Hustisya, ang naging
tagapagbantay ng apoy. Panghuli, itinalaga ng paham na Panginoon ang
kaniyang sarili bilang tagapangalaga ng sangkatauhan.
Nakita ni Ahriman ang mga Banal na Imortal at nagngangalit na
sinabi, “Ahura Mazda, pupuksain kita at ang iyong mga likha. Hindi ka
kailanman magwawagi!”
Isa-isang sinalakay ni Ahriman kasama ng kaniyang mga likhang
demonyo ang mga likha ng Paham na Panginoon. Sinubukan nilang
wasakin ang katubigan ngunit tanging katabangan lamang ang naidulot
nila rito. Sinubukan niyang sirain ang kalupaan ngunit tanging
kabundukan at lambak lamang ang kanilang nagawa. Sinubukan nilang
lantahin ang mga halaman ngunit tanging mga tinik lamang ang tumubo
rito.
Nagdulot ang mga masasamang espiritu ni Ahriman ng
kalungkutan laban sa kaligayahan, sakit laban sa kaginhawahan, polusyon
laban sa kalinisan, at kamatayan laban sa buhay. Sinalakay nila si
Gayomard. Ang unang tao ay nagkasakit at namatay.
Inakala ni Ahriman na nawasak na niya ang sangkatauhan at
nagwagi laban sa liwanag. Ngunit siya ay mangmang at hangal. Nang
mamatay si Gayomard, may umusbong na halamang Rhubarb mula sa mga
buto niya. Makalipas ang apat na dekada, isang lalaki at babae na
nagngangalang Mashya at Mashyana ang nabuhay mula sa halamang ito.
Nangako sina Mashya at Mashyana sa paham na Panginoon na
makikiisa sila sa pakikipaglaban kay Ahriman. Nanganak si Mashyana ng
labinlimang kambal at ang bawat pares ay nagkalat sa buong mundo upang
pagsimulan ng mga salinlahi.
Naging tagasunod ng paham na Panginoon ang bawat isa sa
pamamagitan ng mabuting pag-iisip, mabuting gawi, at mabuting
pananalita.

Mula sa: https://www.zoroastriankids.com/creation.html

C. Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakatala sa bawat bilang at


gamitin ang mga ito sa makabuluhang pangungusap.
1. Paham ______________________________________
2. Paglikha ______________________________________
3. salinlahi ______________________________________
4. Sinalakay ______________________________________
5. Umusbong______________________________________
Pangungusap:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
D. Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang malinis na papel batay


sa binasang teksto.
1. Sino-sino ang unang nabubuhay sa daigdig? Ilarawan ang bawat isa.
2. Bakit naganap ang digmaan sa pagitan ng kasamaan laban sa kabutihan?
3. Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento sa mga mambabasa nito
tungkol sa buhay?
4. Paano mo mahihikayat ang iyong mga kapuwa mag-aaral na basahin at
pahalagahan ang mitolohiyang ito mula sa Persia?
5. Paano mo masasabi na ang binasa ay isang mitolohiya?

E. Pagbasa 2 Mitolohiya mula sa Africa

Si Katotohanan at Si Kasinungalingan
(Mitolohiya mula sa Africa)
Salin sa Filipino ni Daniel A. De Guzman

Nilikha ni Olofi ang kalupaan at lahat ng bagay rito. Nilikha rin niya
ang magaganda at kasuklam-suklam na bagay. Nilikha niya sina
Katotohanan at Kasinungalingan. Ginawa niyang malaki at
makapangyarihan si Katotohanan, habang payat at mahina si
Kasinungalingan.
Ginawa silang magkalaban ng Panginoon. Binigyan ng Panginoon si
Kasinungalingan ng malaking tabak nang hindi nalalaman ni Katotohanan.
Isang araw, nagsimulang maglaban ang dalawa. Dahil malaki at
makapangyarihan si Katotohanan, tiwalang-tiwala siya sa sarili at hindi
nangangamba sa anomang kapahamakan lalo pa’t hindi niya alam na may
malaking tabak si Kasinungalingan. Kaya’t magilas na pinutol ni
Kasinungalingan ang ulo ni Katotohanan. Ikinagulat ito ni Katotohanan at
agad-agad na hinanap ang kaniyang napugtong ulo.
Sa kaniyang paghahanap ng nawawalang ulo, natisod siya at
bumagsak kay Kasinungalingan. Naramdaman niya ang ulo ni
Kasinungalingan at kinuha niya ito upang kaniyang maging ulo. Sa lakas ni
Katotohanan ay madali niyang natanggal ang ulo ni Kasinungalingan.
Mabilis niyang inilagay ang ulo ni Kasinungalingan sa kaniyang leeg. Mula
noon ay natunghayan natin ang kakila-kilabot na kabalintunaan: Isang
katawan ni Katotohanan at ang ulo ni Kasinungalingan.

Mula sa The Origin of Life and Death: African Creation


Myths. London: Heinemann, 1966
http://exploringafrica.matrix.msu.edu/african-creation-stories/

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
F. Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakatala sa bawat
bilang at gamitin ang limang ito nang sabay-sabay sa IISANG pangungusap.
1. kasuklam-suklam _____________________________________
2. Kabalintunaan _____________________________________
3. tabak _____________________________________
4. magilas _____________________________________
5. napugto _____________________________________

Pangungusap:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

G. Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin nang pasalita ang sumusunod na mga tanong.

1. Tungkol saan ang binasa?


2. Ano ang pinagkaiba ni Katotohanan at Kasinungalingan ayon sa
paraan kung papaano sila nilikha?
3. Bakit hindi ipinaalam ng Panginoong Olofi kay Katotohanan na may
malaking tabak si Kasinungalingan?
4. Ano ang mensaheng pinalulutang ng akda sa kabuoan?
5. Paano mo masasabi na ang ang binasa ay isang mitolohiya?

Suriin
Ang Mitolohiya
Ang mga mito ay mga kuwento na inilahad na parang tunay na nangyari sa
nakalipas na panahon. Pinaliliwanag nito ang kosmolohikal at supernatural na
tradisyon ng mga sinaunang tao, ng kanilang mga panginoon, mga bayani, ng
kanilang mga kultural na katangian, at mga panrelihiyong paniniwala.
Ayon kay sir G. L. Gomme, ang mitolohiya ay ang siyensya sa panahong
wala pang siyensya. Kaya naman ang mga mito ang nagpapaliwanag kung
papano nagsimula ang pagkakalikha ng tao, ng mga hayop, at ng mundo.
Pinaliliwanag nito kung papaano at bakit nangyayayari ang mga bagay sa
mundo.
Bumubuo ang tao ng dalumat (concept) ng pagkakaroon ng Diyos na mas
makapangyarihan dahil ito ang nagbibigay sa kaniya ng direksiyon, pag-asa at
kaligtasan sa mundong walang katiyakan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
Samakatuwid, ang mitolohiya ang sinaunang batayan ng pagsisimula ng
maraming relihiyon sa mundo.
Uri ng Mitolohiya
Maraming uri ng mitolohiya ngunit maipapangkat ito sa tatlo:
1. Etiological Myth
2. Historical Myth
3. Psychological Myth
Etiological Myth – mula sa salitang griyego na aetion na nangangahulugang
“kahulugan” (meaning). Ito ay uri ng kuwento na nagpapaliwanag ng dahilan
kung bakit at papaano nagsimula ang mga bagay noon.
Historical Myth – uri ng mito na nagpapaliwanag kung ano ang naganap ang
mahahalagang pangyayari noon na pinaniniwalaang may kinalaman sa mga
diyos at diyosa at iba pang supernatural na nilalang.
Psychological Myth – uri ng mito na kadalasang pumapatungkol sa pagtuklas
ng isang bayani sa kaniyang sarili at sa mga bagay na hindi pa niya nalalaman.
Isang paglalakbay upang matuklasan ang misteryo sa kaniyang pag-iral
(existence).
Mula sa: https://www.ancient.eu/mythology/

Pagyamanin

A. Mula sa nabasang dalawang akda mula sa Persia at Africa,


paghambingin ang dalawa gamit ang sumusunod na talahanayan.

“Ang Kuwento ng “Si Katotohanan at Si


Paglikhang Zoroastrian” Kasinungalingan”
1. May-akda

2. Tauhan

3. Paksa

4. Layunin

5. Mensahe

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
B. Matapos paghambingin, ipaliwanag sa pamamagitan ng Vlog (video log)
ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mitolohiyang Persia at Africa.
Maaaring magsaliksik at magbasa ng iba pang mga mitolohiya mula sa
mga bansang ito upang higit na mapalawak at mapaghusay ang
pagsusuri at pagpapaliwanag sa mabubuong Vlog.

Pamantayan sa Pagbuo ng Vlog


Pamantayan Puntos
1 Pagpapaliwanag ng pagkakaiba at pagkakatulad ng 10
mitolohiyang Persiano at Africano.
(organisasyon ng mga kaisipan)
2 Nilalaman ng ginawang pagkukumpara 5
3 Kawastuhan sa paggamit ng mga salita 5
Kabuoan 20

Paalala: Kung hindi makabubuo ng Vlog dahil sa kakulangan sa


kagamitan gaya ng cellphone, computer o laptop, maaari pa ring gawin ito sa
paraang pasulat. Gawin ito sa isang buong papel at isama sa pagpapasa ng
modyul.

Isaisip

Ano ang pinakamahalagang bagay ang dapat na isaalang-alang sa


pagsusuri ng mga kaisipan mula sa mitolohiyang binasa o pinakinggan?
Isulat mo ang iyong sagot sa pamamagitan ng #i-tweetMo! Kung hindi
posible ay isulat na lamang ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel.

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

Mula sa:
https://blog.twitter.com/en_us/topics/product/202
0/your-tweet-your-voice.html
https://www.pinclipart.com/pindetail/xioiow_iconmonst
r-twitter-4-240-social-media-app-logo/

Isagawa
PARA SA NAKA-MODULAR
Bilang bahagi ng kasalukuyang henerasyon, paano mo magagamit ang
konsepto ng katotohanan laban sa kasinungalingan, at kabutihan laban sa
kasamaan sa paggamit ng sariling social media accounts? Magtala lamang ng
lima (5). (5 puntos)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Larawan mula sa: https://fivechannels.com/the-eight-best-
types-of-social-media-for-advertising/
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________________

PARA SA MAY ACCESS SA INTERNET


Hindi lamang ang mga kaisipan sa mitolohiya ang maaaring masuri,
Maaari ding ilapat ang kasanayang ito sa iba pang pang-araw-araw na
ginagawa mo gaya ng panonood ng mga argumentatibo at impormatibong
palabas. Kaugnay nito, panoorin mo ang video mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=ABHjin5Q62k Sabi nila, Best
President Ever daw ang diktador na si Ferdinand Marcos. Golden age din
daw ang Martial Law. Pero gaano kaya katotoo ang mga ito? Sasang-ayon
kaya ang data? Let’s check the facts with Prof. Richard Heydarian in this
video!
Gawin ang sumusunod:

1. Itala ang mga kaisipang nakuha mo mula sa pinanood.


2. Suriin ang mga kaisipan batay sa:
a. suliraning inilalatag ng tagapagsalaysay
b. paraan ng paglalatag ng mga impormasyon
c. kawastuhan ng mga impormasyon
d. layunin ng tagapagsalaylay sa pagbuo ng video.
e. Ang iyong reaksiyon tungkol sa napanood.
Isulat ang iyong ginawang pagsusuri sa isang buong papel.

Tayahin
Muli nating susukatin ang iyong kasanayan sa pagpapaliwanag ng
ginawang paghahambing. Basahin ang mitolohiyang “Ang Halaman ng
Buhay” sa https://likhaharaya.wordpress.com/2020/06/22/ang-
halaman-ng-buhay/

1. Sumulat ng isang maikling sanaysay na naglalaman ng sumusunod:


a. Pagpapaliwanag ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiyang
Persiano at Africano.
Mitolohiyang Persiano Mitolohiyang Tanzanian
“Ang Kuwento ng Paglikhang “Ang Halaman ng Buhay”
Zoroastrian”
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
b. Pagpapaliwanag kung paano maituturing na mitolohiya ang “Ang
halaman ng buhay”.

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay:

Pamantayan Marka
1 Pagpapaliwanag ng pagkakaiba at 10 puntos
pagkakatulad ng mitolohiyang Persiano at
Africano.
(organisasyon ng mga kaisipan)
2 Nilalaman ng ginawang pagkukumpara 5
3 Kawastuhan sa paggamit ng mga salita 5
4 Kalinisan ng pagkakasulat 5
Kabuoan 25 puntos

Magsaliksik ng dalawang magkaibang larawan sa internet. Ang isang


larawan ay hango sa kulturang Persiano at ang isa ay sumasalamin sa
Africa. Tiyaking maitatala mo at kikilalanin ang sanggunian kung saan mo
kinuha ang mga larawan.
1. Pagkumparahin ang mga katangian ng mitolohiya ng Africa at Persia
gamit ang larawang pinili. Gawin ito sa paraang Vlog. Kung hindi posible ay
maaaring isulat ang maikling pagkukumpara sa isang papel at idikit ang
mga larawang nasaliksik.
Paunawa:
Kung hindi makapagpapa-print ng mga larawan ay maaaring iguhit ang
mga ito. Bibigyan ka ng guro ng karagdagang marka sa pagsasakatuparan
ng gawaing ito!

2. Panoorin ang kuwentong “Traysikel ni Tatay George” sa:


https://www.youtube.com/watch?v=txjskLwu5wc Suriin ang pinanood
batay sa Bigyang puna ang video clip na ito gamit ang mga sumusunod na
gabay.
1. Kawastuhan at katapatan ng nilalaman
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Organisasyon ng paglalahad
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Disenyo, tunog, kulay, larawan, animation, transition, at oras o haba ng
palabas

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Pagpili ng pinakamahalagang bahagi ng teksto
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Ipa pang puna sa pinanood batay sa iyong sariling panlasa (kalakasan,


kahinaan, nagustuhang bahagi, tumatak na bahagi ng pinanood,
naramdaman at napagtanto)
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

https://www.ancient.eu/mythology/
https://fineartamerica.com/featured/creation-of-adam-michelangelo-buonarroti.html
Mula sa: https://www.zoroastriankids.com/creation.html
http://exploringafrica.matrix.msu.edu/african-creation-stories/
https://likhaharaya.wordpress.com/2020/06/22/ang-halaman-ng-buhay/
https://fivechannels.com/the-eight-best-types-of-social-media-for-advertising/
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Daniel A. De Guzman (Guro, SRNHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like