You are on page 1of 6

Chapter 15: Pagdalaw at Pakikipag-

palagayang-loob sa Mamumulot ng Basura


Reported By: Dizon, Jonah Elisha T. & Tagurmacon, Cathy A.
CAS- 06-301A
Layunin:
Malaman kung ano ang epekto ng patuloy na kahirapan ng mamumulot ng basura
sa kanilang mga saloobin at mithiin sa buhay.
Mga nauugnay na sulatin;
 Manila Scavengers: The Struggle For Urban Survival ni Fr. William Keyes
(1974)
 Isang Pananaliksik sa Unibersidad ng Ateneo de Manila ng isang mag-aaral
ng ADMU
Takdang Kahulugan Ng Mga Salita
 Mamumulot ng Basura- mga taong namumulot ng papel, karton, lata, bakal at
kung anu-ano pang mga bagay na itinatapon dahil hindi na kailangan o
magagamit pa.
 Lipunan- urbang sosyedad na kung saan ang mamumulot ng basura ay
naaapektuhan ng pambansang kabuhayan, mga palisi ng pamahalaan at ng
industriya sa kapaligiran.
 Saloobin- ugali o kilos na nagpapakita ng isang damdamin, paniniwala o
hangarin para sa isang tao o bagay.
 Mithiin- ambisyon o pangarap ng isang tao sa buhay na hinahangad niyang
matupad.
 Pagmamasid- ang pagtingin-tingin sa tao, sa kanyang mga kilos at karaniwang
ginagawa.
 Pakikiramdam- ang ginagamit dito ay damdamin at mga mata. Tulad ng
pagmamasid, ang pakikiramdam ay tungkol din sa tao, sa kanyang
 kilos at karaniwang ginagawa.
 Pagtatanung- tanong- dito nagsisimula ang isang pakikipag-usap sa isang tao,
subalit kadalasan sa pagtatanong, ang paksa ay mababaw lamang, walang
kinalaman sa personal na pagkatao ng isang tao at karaniwang sumasagot sa
tanong na ano, ilan at alin.
 Pagsubok- maaaring isagawa sa pamamagitan ng pakikipag-usap o paggawa.
Dito isinasagwa ng isang tao ang isang bagay upang subukan ang isang tao kung
totoo nga ang nabuong kaalaman sa kanyang isipan tungkol sa taong kanyang
pinagmamasdan at pinakikiramdaman.
 Pakikilahok/ Pakikibagay- ang pagsang-ayon sa gawa, salita at kilos ng isang
tao na ang layunin ay maaaring taos sa puso o hindi. Gayunpaman, malaki rin ang
maitutulong nito sa pakikipagkaibigan.
 Pakikipagpalagayang-loob- nagpapahiwatig dito na ang isang tao ng panatag
na kalooban sa kanyang kapwa. Wala na ang pagkahiya at pag-aalinlangan sa
bawat kilos, gawa at salita sapagkat buo na ang pagtitiwala sa isa’t isa.
 Diwa- ito ay tumutukoy sa haka at hinuha ng mga tao.
 Paglalagay- ito ay ang pangingikil o paghingi ng anumang bagay na kalimitang
isinasagawa ng mga pulis at iba pang nagtatrabaho sa pamahalaan.

PAMAMARAAN
Lugar
Ang lugar ay halos hindi matawag na tirahan sapagkat ito ay ginagawang
tambakan ng basura. Ang mga bahay ay nakahilera sa dalawang paligid ng baku-bako
at putikang kalsada. Maputik ang mga daraanan na siyang lalong nagpaparumi sa lugar.
Karamihan sa mga naninirahan dito ay nabubuhay lamang sa pamamagitan ng
pamumulot ng basura. Ang mga batang may gulang pa lamang na anim o pito ay
marunong na ‘ring mamulot at maghanapbuhay. Karamihan sa kanila ang siyang
kumikita para sa kanilang magkakapatid. Sa matatanda naman na may asawa’t anak na,
ang pamumulot ang siyang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.
Kadalasan ang oras ng pag-alis ng mga namumulot ng basura para sa kanilang
gawain ay ika-5 o ika-6 ng hapon. Sila ay umuuwi bago dumating ang curfew hour.
Sa kanilang pamumulot, ang kadalasan nilang ginagamit ay kariton. Marami ang
nilalaman ng kariton ngunit sa grupo ng mga bata ay tatlo o apat silang magkakasama
kaya’t ang kadalasang napupunta sa bawa’t isa ay hanggang 2 hanggang 3 piso lamang
sa isang araw.
Sa mga matatanda naman, 5 hanggang 7 piso lamang ang karaniwang kita sa
isang araw na maaring bumaba pa sa ibang pagkakataon.
Kalahok
Grupo ng mga Bilang ng mga
Katampatan
Kalahok Kalahok
EDAD 6-17 10 9
EDAD 18- 24 7 20
EDAD 25-49 7 34
EDAD 50 ↑ 6 61

Mayroong 30 kalahok sa pagsasaliksik na ito. Ang mga kalahok ay nahahati sa


apat na grupo; ang unang grupo ay ang mga kalahok edad 6-17, ang pangalawa naman
ay edad 18-24, ikatlo ang grupong 25-49 na taong gulang, at mga taong edad 50 pataas.
Mapapansin na ang karamihan sa mga kalahok na nasa unang grupo ay nasa siyam na
taong gulang, karamihan naman sa ikalawang grupo ay nasa edad 20, ang katampatan
naman sa ikatlong grupo 34 na taong gulang at marami naman sa ikaapat na grupo ang
nasa edad 61.
Patakaran
Ang mga sumusunod ay ang mga metodolohiya o estilong ginamit sa pananaliksik
na ito;
 Pakikipagpalagayang-loob
 Pagmamasid
 Pakikiramdam
 Pagtatanung-tanong
 Pagsubok
 Pagdalaw-dalaw
 Pakikialam
Limang beses na nagpunta ang mga tagapagsiyasat sa tambakan, isang araw sa
isang lingo nagpupunta sila roon at nagtatagal sila ng hindi kukulang sa 4 na oras sa
isang araw.
Nagsuot lamang ng simpleng kasuotan ang mga tagapagsiyasat sa kanilang
pagpunta sa tambakan sapagkat nabuo sa kanilang isipan na maaaring makatulong ito
upang hindi mag-alangan ang mga mamumulot ng basura sa kanila.
Naghiwalay ang 2 tagapagsiyasat upang mapabilis ang pagkawala ng hiya at
alinlangan ng kalahok.
Ang pagsusulat ng mga datos ay isinagawa ng dalawang kalahok hindi sa harap
mismo o habang sila’y nagsasalita, maliban sa pagkuha ng pangalan, gulang at pinag-
aralan. Tinandaan na lamang mabuti ng mga tagapagsiyasat ang sinabi ng mga kalahok
at isinulat matapos ang panayam.
Unang Beses na Pagpunta sa Tambakan
Ang mga tagapagsiyasat ay patingin-tingin sa paligid, nakikiramdam at
nagtatanong-tanong.
Napansin ng mga tagapagsiyasat na mas madaling lapitan ang mga bata kaya’t
lumapit sila sa ilang bata na mag-uumpukan at nakipagkilala.
Huling Tatlong Beses na Pagpunta sa Tamabakan
Hindi na nahihiyang sumagot ang mga kalahok kaya’t tinanong ng mga
tagapagsiyasat ang mga paksang may kaugnayan sa pananaliksik.
Ang pagtatanong ay isinagawa sa paraang hindi makakasakit o nakakainsulto
kung ito ay may pagka-personal.
KINASAPITAN
Narito ang ilan sa mga saloobin at mithiin ng mga mamumulot ng basura base sa
kanilang mga edad;
EDAD 6-17
 Gusto kong maging doctor para makatulong ako sa aking mga magulang at
kapatid.
 Sana’y yumaman ako.
 Nagsisimba kami paminsan-minsan at nagdarasal palagi para kami yumaman.
EDAD 18-24
 Sana’y magkaroon ako ng pirmihang trabaho tulad ng pagpasok sa pabrika.
 Gusto ko nang mag-asawa at magkaroon ng anak.
 Hindi ko ikinahihiya ang pamumulot dahil ‘yon lang ang aking ikinabubuhay.
EDAD 25-49
 “Diyos na lamang ang bahala sa amin.”
 Gusto ko na lang sanang magkaroon ng kariton na magagamit sa pagbabasura.
 Magkaroon sanaang aking mga anak ng maganda at pirmihang trabaho.
EDAD 50 pataas
 “Wala na yata kaming pag-asang makaahon pa sa putik ng kasalatan na aming
kinabubuwalan.”
 Pagang-paga na ang aking katawan sa kaka-trabaho.

PAGTATALAKAY
Ang pamumulot ng basura ay gawain ng mga taong hindi nakapag-aral at walang
alam na particular na trabaho, na walang mapagkunan ng salaping pantustos sa kanilang
pangangailangan para mabuhay. Ang pamumulot ng basura ay isang tinatanggap na
katotohanan ng buhay kung wala nang mapagpiliang ibang uri ng hanap buhay ang isang
tao. (Gepigon, 1977)
Ilang Dahilang Kung Bakit Patuloy Na Nakapako Ang Mamumulot Ng Basura
Sa Gutom (Keyes, 1974)
• Kumpitensya sa pamumulot ng basura o lugar ng pagpupulutan.
• PD No. 13, 1974 o ang pagbabawal ng pamumulot ng basura lalung-lalo na kung
maraming dumarating na panauhin mula sa ibang bansa.
• Pagmumulta, paghingi ng lagay ng mga Pulis at ang pagtaas ng mga bilihin.
BUOD
Pinapakita sa pananaliksik na ito kung ano ang epekto ng patuloy na
pagkalugmok ng mga mamumulot ng basura sa kanilang mga saloobin at mithiin sa
buhay.
Ginamit ang metodolohiyang ‘Pagdalaw’ at ‘Pakikipagpalagayang-loob’ upang
maisagawa ng maayos ang pananaliksik na ito. Ginamit din ito upang makakalap ng
sapat na datos.
Ipinakita din dito ang pagkakaiba ng saloobin at mithiin ng mga kalahok sa iba’t
ibang grupo. Ang unang grupo (Edad 6-17) ay nangangarap magkaroon ng malaking
bahay, kotse, maraming salapi, laruan at iba pa. Ang ikalawa at ikatlong grupo naman ay
nangangarap na magkaroon ng maayos at permanenteng trabaho upang makaahon na
sa buhay. At ang huling grupo naman tila nawalan na ng pag-asang makakahon pa sila
sa putik na kinasasadlakan nila ngayon.
Inihayag din sa pananaliksik na ito ang ilang mga dahilan kung bakit patuloy na
napapako sa gutom ang mga mamumulot ng basura. Isa sa mga dahilang ito ay ang
kumpitensya sa ibang mga mamumulot din ng basura, ang pagmahal ng mga bilihin, ang
pagbabawal at paghuli sa mga mamuulot ng basura at ang pagmumulta o paghingi ng
lagay ng mga pulis.

You might also like