You are on page 1of 4

Learning Area SINE-SOSYEDAD

Learning Delivery Modality Filipino 9


Paaralan Rizal College of Taal Baitang 9
Guro Mary Angeline V. De Leon Asignatura Filipino 9
Petsa Mayo 30, 2023 Markahan Unang Markahan
5As
Oras 5:00 P.M. - 6:00 P.M. Bilang ng Araw 1

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


I. LAYUNIN  Mabigyang-kahulugan ang pang-ugnay.
 Matukoy ang iba't ibang pang-ugnay na ginagamit bilang hudyat ng pagsusunod-
suod ng mga pangyayari.

A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Pinakamahala Napahahalagahan ang paggamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng
gang mga pangyayari (PU-7-1)
kasanayansa Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay (PU-7-1)
Pagkatuto
(MELC)
D. Pagpapaganan ng
Kasanayan
II. NILALAMAN Four Sisters and a Wedding (2013)
III. KAGAMITAN
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa G8 Filipino PIVOT 4A Learner's Material
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang Telebisyon, Colored Paper, Envelop
Kagamitan
mula sa Portal
ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kopya ng Learner's Materials, G8 Filipino PIVOT 4A
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula 1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
B. Pagganyak Gawain 1: Palaisi-FUN!

Panuto: Hatiin sa dalawa ang klase ng may tig-limang miyembro. Ang guro ay naglagay ng
mga emoji sa ilalim ng upuan at kung sinong makakuha ay sila ang magiging representatib
ng grupo. Kailangan lamang ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang
tsart. Sumigaw lamang ng PAK GANERN bilang senyales na tapos na.

https://wordwall.net/tl/resource/30720738/pagsusunod-sunod-ng-mga-pangyayari

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusunod-sunod ng pangyayari?
2. Anu-ano ang mga salitang hudyat na inyong nakita?
3. Ibigay ang iyong sariling depinisyon sa salitang pang-ugnay.
Gawain 2: I LOVE VIEW!
Tunghayan ang pelikulang "Four Sisters and a Wedding” na ipinalabas noong 2013.
C. Paglalahad ng Panoorin at basahing mabuti ang daloy ng kuwento sapagkat ito ang magiging basehan ng
Aralin at Layunin ating mga susunod na gawain.

https://www.youtube.com/watch?v=dp_EA7-PuEI&t=6s

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang pagkakasunod-sunod ng pagpapakilala sa mga kapatid ni CJ?
2. Sa gramatika, ano ang pang-uring nagamit o paano inilarawan ang mga kapatid ni CJ?
3. Bakit mahalaga na gumamit tayo ng mga pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari?

Ano ang Pang-ugnay?


Ang pang-ugnay ay mga salita, parirala at sugnay na nag-uugnay at nagpapakita ng relasyon
ng dalawang yunit sa pangungusap.

Ang pang-ugnay sa Wikang Ingles ay tinatawag na transitional devices.

Tatlong Gamit ng Pang-ugnay


Ang pang-ugnay ay maaaring gamitin bilang:
1. pagpapakilala ng naunang pangyayari
2. pagpapakilala ng kasunod na pangyayari
3. pagpapakilala ng panghuling pangyayari

Mga pang-ugnay na ginagamit bilang pagpapakilala ng naunang pangyayari:


sa simula, noon, dati, una, bago ito, mula, noon

Halimbawa:

Sa simula, may maag-inang nakatira sa isang malayong pook. Ang ina ay nagngangalang
Aling Ruth at ang anak ay si Pinang.

Mga pang-ugnay na ginagamit bilang pagpapakilala ng kasunod na pangyayari:


sumunod, pagkatapos, pagkaraan, pagdaka, kalaunan, maya-maya pa, hanggang, ikalawa (at
mga sumunod)

Halimbawa:
Nang sumunod na araw, nagkasakit si Aling Rosa. Hindi sya makabangon at makagawa ng
mga gawaing bahay.

Pagkatapos, inutusan ni Aling Rosa si Pinang na ipagluto ito ng lugaw ngunit sa kanyang
pagluluto ay hindi nito matagpuan ang sandok.

Mga pang-ugnay na ginagamit bilang pagpapakilala ng panghuling pangyayari:


-sa huli, sa dulo, sa wakas, sa ngayon, katapos-tapusan, pagkatapos ng lahat

Halimbawa:
Sa huli, napagalitan siya ng kanyang ina at sinabihang sana ay magkaroon ng maraming mata
para magamit niya sa paghahanap. Nawala si Pinang at natagpuan ni Aling Rosa ang isang uri
ng halamang namumulaklak. Ito ay hugis tao at napapalibutan ng mata at bigla niyang naalala
si Pinang.
Gawain 3: Keri mo’to!

D. Aktibiti Mekaniks:
1. Tatawag ang guro ng isang mag-aaral, papipiliin ng dalawangnumero at titingnan sa
attendance sheet kung sino ang sasagot.
2. Lalaruin ang bato-bato pik at kung sino ang manalo, meron syang tyansa na mabuo ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa pelikula sa pamamagitan ng tamang pagpili ng pang-
ugnay sa word pool.
3. Ang pinakamaraming puntos ay syang makakatanggap ng gantimpala.

Sa simula, nang ipahayag ni CJ, ang bunso sa pamilya, na ikakasal na siya, kinumbinsi ng
kanyang kapatid na babae na si Gabbie ang iba pang mga kapatid na babae na bumalik sa
bahay para sa kasal ayon sa kahilingan ng kanilang ina na si Grace.
Sumunod, nang muling magsama-sama ang pamilya, nagpahayag ang magkapatid ng
kanilang opinyon sa biglaang desisyon ni CJ na magpakasal at nasaktan siya.
Pagkatapos, tinanggap ni CJ ang kanilang paghingi ng tawad, ngunit sinabi sa kanila na
kumilos sila kapag nakilala nila ang kanyang kasintahang si Princess at ang kanyang pamilya.
Pagkaraan, dumating ang pamilya nina Princess sa tirahan ng Salazar para ipakita ang mga
gown para sa kasal. Hindi sila nagustuhan ng mga Salazar, kaya nagpasya si Honey Boy na
maglaro sila ng charades - kung saan ang pamilyang mananalo ang magdedesisyon kung
anong mga gown ang isusuot.
Hanggang sa nasiwalat ang katotohanan na isang kasambahay lamang si Teddie at namatay
ang Lolo ni Princess kung kaya't hindi naituloy ang kasal nila ni CJ.
Sa huli, dahil sa isang pamahiin na nagbabawal sa kasal pagkatapos ng pagkamatay ng
pamilya sa loob ng isang taon, hindi natuloy ang kasal nina CJ at Princess, ginamit ito ni Bobbie
bilang pagkakataon upang matupad ang pangarap ni Tristan na pakasalan siya.

E. Analisis MAGSANAYAN TAYO!

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay una, kasunod, o panghuling
pang-ugnay.
1. Dati
2. Sa wakas
3. Kalaunan
4. Maya maya pa
5. Hanggang
F. Abstraksyon Gawain 4: iVolunteer!
Panuto: Isalaysay muli sa iyong kamag-aral ang pangyayari sa pelikulang napanood at
gumamit ng mga angkop na salitang pang-ugnay. Ito ay mamarkahan gamit ang
rubriks na ito:

Tamang paggamit ng pang-ugnay 40%


Kaayusan sa pagsasalaysay 30%
Pagkamalikhain 30%
Kabuuan 100%

G. Aplikasyon PANGKATANG GAWAIN

Panuto: Gamit ang pagiging malawak ng imahinasyon ng mga estudyante, gagawa ang
bawat isa malikhaing kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga letra sa kanilang
pangalan.

Kasanayan 45%
Pagkakaisa ng grupo 30%
Pagkamalikhain 25%
Kabuuan 100%

H. Pagtataya Sagutin mo na ako, go!

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ito ay tinatawag sa ingles na transitional devices.


2-4. Saan maaaring gamitin ang mga salitang pang-ugnay?
5. Magbigay ng isang pang-ugnay na ginagamit bilang pagpapakilala ng panghuling
pangyayari.

I. Assignment Panuto: Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang pangyayari ayon sa


pagkakasunod-sunod nito. Lagyan ng deskripsyon ang bawat isa at gumamit ng mga
salitang pang-ugnay.

Inihanda ni:

Mary Angeline V. De Leon Mr. Alexis T.Tacurda

Guro Gurong Taga Gabay

You might also like