You are on page 1of 19

Pagsipat sa Kaalamang Ortograpiyang Pambansa sa Kasanayang Pagsulat

ng Ika-10 Baitang ng Jose Panganiban National High School

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Banyagang Literatura

Pagsulat ang isa sa pinakagamit na paraan ng komunikasyon kung


kaya't ang importansiya ng pagsulat ay hindi maaaring isantabi. Sa pagsulat
din makikita ang tunay na kaalaman pagdating sa isang wika at ang
ortograpiya nito. Hindi magiging maayos ang isang sulatin kung hindi isasaisip
ang Ortograpiyang Pambansa na kaakibat nito kung kaya't pagsulat ang
magiging sentro at batayan ng kaalaman ukol sa Ortograpiyang Pambansa sa
pag-aaral na ito.

Nakatutulong ang pagkakaroon ng Ortograpiya ng isang wika sa pag-


uusap at sa pagkonekta ng mga taong gumagamit ng wikang iyon. Sa isang
artikulo ni Aloufi (2021), nabanggit nina Katz at Frost (1992) na ang
ortograpiya ng isang wika ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng
tao sa berbal na pamamaraan upang makapagbahagi ng mga ideya at
kahulugan na hindi maaaring mailahad sa hindi berbal na paraan. Nagbibigay
rin ito ng bentaha sa sinumang nais matuto ng isang wika na mayroong
estandardisasyon. Sa parehong artikulo, isinaad naman nina Schmandt-
Besserat at Erard (2008) na hindi lahat ng lenggwahe ay may naaangkop na
ortograpiya sa pagsulat o pagsalita, ngunit yaong mayroong nakatalang
sistema ng pagsulat ay maaaring makapagpalawak ng mga kakayahan ng
wikang binibigkas sa pamamagitan ng pagbuo ng matibay na anyo ng
pananalita na maaaring maihatid sa mas malawak na sakop, tulad na lamang
sa mga aklatan o anumang mga pampublikong talaan, nang sa gayon ay mas
lumaganap sa mas malaking populasyon ang mga kaalaman ukol sa wastong
paggamit ng wikang iyon.
Ang kahalagan ng ortograpiya ay makikita sa iba't ibang artikulo tulad
na lamang sa pag-aaral ni Charlotte C. et al., (2023). Ayon sa kanila, ang
ortograpiya ay mula sa salitang griyego na orthos na ibig sabihin ay tama o
totoo at graphien na nangangahulugang pagsulat, kung kaya't ang ortograpiya
ay tumutukoy sa tamang pagsulat ng mga salita gamit ang mga letra base sa
estandardisadong paggamit ng isang wika. Nakapaloob sa ortograpiya ang
kaalaman sa gramatika, tamang baybay at mga bantas. Ang ortograpiya ang
bumubuo at nagrerepresenta sa isang wika na siyang nagpapadali ng
komunikasyon sa pamamagitan ng pagsulat. Sa pamamagitan ng pagsulat ay
mas lumalawak ang paraan ng komunikasyon ngunit walang saysay ang
pagsulat kung hindi ito susunod sa Ortograpiyang Pambansa. Kung walang
estandardisadong sistema ng pagsulat o sinusunod na Ortograpiyang
Pambansa, ay malilimitahan ang komunikasyon sa direktang pagsasalita at
pakikipag-usap lamang.

Ayon sa artikulo ni Craig Thaine (2021), ang kakayahan sa pagsulat


ay may iba’t ibang depinisyon ngunit ang pinakagamit ay tumutukoy sa
kakayahang sumulat ng isang manunulat ng iba’t ibang klase ng panitikan,
kaakibat ang tamang paggamit ng wika. Mga estudyante ang isa sa
pinakaunang sinasanay sa pagsulat upang mapuna ang kakulangan sa
kaalaman sa aspektong ortograpiya, kung kaya’t nasasanay nang sumulat
ang mga mag-aaral sa murang edad pa lamang sa pamamagitan ng pagsulat
nga mga pangungusap, talata, o isang sanaysay. Ang mga gawaing pagsulat
na isinasagawa ng mga mag-aaral ay ang isa sa mga paraan ng
pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat kasama ang pagpapalawak ng
bokabularyo. Ang pagsasanay sa katatasan ng pagsulat ay makakamit sa
pamamagitan ng pagsisimula sa mababang antas ng pagsulat gaya ng
pagsulat ng malaya tulad ng kalayaang magsalita, mga aktibidades tulad ng
pagsulat ukol sa isang partikular na tekstong binasa, at ang pagpapalawak ng
kaalaman sa Ortograpiyang Pambansa. Sa karamihan ng pagkakataon ay
mas nagtutuon ng pansin ang isang manunulat sa gramatika at wastong
paggamit ng salita sa pagsulat ng isang panitikan na siyang nagpapakita ng
kaniyang kaalaman ukol sa Ortograpiyang Pambansa.
Lokal na Literatura

Ang kahalagan ng pagsulat ay makikita mula sa iba't ibang dyornal


tulad na lamang ng pag-aaral ni Garcia (2022) na Impluwensya ng "Millenial
Words at Kasanayan sa Pagsulat ng Komposisyon Filipino ng mga Mag-aaral
ng Biñan Integrated National High School". Ayon sa kaniya, marami pa rin
ang nangangailangan ng kasanayan sa pagsulat ng komposisyon.
Implikasyon lamang ito na marahil ay napababayaan o nalilimutan ng mga
mag-aaral ang wastong pagsulat ng komposisyon dala na rin ng mga
makabagong teknolohiya at libangan sa kasalukuyan na posibleng dahilan sa
kawalan ng interes o kasanayan sa pagsulat. Isa pang dahilan ay mas
nahuhumaling ang mga kabataan sa pagtuklas at paggamit ng mga salitang
kakaiba katulad na lamang ng mga millennial words na palasak ng ginagamit
ng mga tao sa kasalukuyang panahon. Iminumungkahi niyang magkaroon ng
epektibong estratehiya sa pagtuturo upang mapataas ang kakayahan ng mga
mag-aaral ukol sa tamang paggamit ng millennial words lalo na sa makrong
kasanayan at pagsulat ng wastong komposisyon.

Isa pa sa mga pag-aaral sa isang dyornal ukol sa pagsulat ay ang


"Kasanayan sa Pagsulat ng Tula ng mga Mag-aaral sa Ikapitong Baitang" na
isinagawa nina Orillan at Catungal (2020). Sinasabi rito na ayon kay Bernales
(2007), ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang
maaaring mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao. Ito ay isa sa makrong kasanayan na dapat linangin sa isang tao.
Maliban sa pagsasalita, pagbasa, pakikinig, at panunuod ay pagsulat ang isa
sa mga nagsisilbing paraan upang matuto ang isang mag-aaral ukol sa iba't
ibang larangan. Ang pagsulat ng tula na sakop ng malikhaing pagsulat ay isa
lamang sa maraming uri ng pagsulat. Ang isang magaling na manunulat ay
kinakailangang nagtataglay ng mataas na katatasan sa pagsulat at malawak
na bokabularyo na mayroong kinalaman sa kaalaman ukol sa Ortograpiyang
Pambansa. Ang pagsulat ng kahit na anong panitikan ang isa sa mga
malaking pinagbabasehan ng lawak sa kaalamang Ortograpiyang Pambansa
dahil dito makikita ang sariwa at purong ideya ng isang mag-aaral patungkol
sa isang paksa.
Maraming mga mag-aaral ang nagkakaroon ng problema pagdating sa
pagbaybay, na isa sa mga bahagi ng ortograpiya liban sa gramatika at
tamang bantas. Kalituhan pagdating sa tamang pagbaybay ang madalas na
suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa pagsulat at ayon kay Ramos,
B.F. at Ramos, V.R. (2019, Disyembre), ang resulta ng pag-aaral na "A
Glimpse at the Learning Styles of Grade 12 STEM Strand Students of the
University of the City of Manila as a Focal Point of their Learning Ability
Concerning Spelling in Filipino" ay nagpapahiwatig na ang tatlong linggong
tagal ng pagtuturo ng mga tuntunin sa pagbaybay hinggil sa ortograpiyang
Filipino ay hindi sapat kung isasaalang-alang na ang ang paksa ay medyo
mahirap matutunan at hindi talaga isang pokus ng asignaturang Filipino sa
Piling Larangan. Gayunpaman, ito ay kapaki-pakinabang pa rin kung
isaalang-alang ang mga istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Inirerekomenda ng pag-aaral ang sumusunod: para sa Kagawaran ng
Edukasyon at paaralan mga administrador upang bumuo ng isang programa
na magtataguyod ng paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo na
isinasaalang-alang ang iba't ibang istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral, para
subukan ng mga guro mga estratehiya sa pagtuturo na angkop sa istilo ng
pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral, at para sa mga mag-aaral na mag-
eksperimento sa isang angkop na istilo ng pagkatuto na magagamit nila
upang higit na mapabuti ang kanilang kaalaman at mapataas ang kalidad ng
kanilang pag-unlad.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyagang Pag-aaral

Nakibahagi ang mga pag-aaral na nalikom ng mga mananaliksik upang


maunawaan nang husto ang bawat sulok ng pag-aaral na may kinalaman sa
kasanayan ng pagsulat ng mga mag-aaral gamit ang Ortograpiyang
Pambansa.

Nilalayon ng papel nina Bar-On A. at Kuperman V. (2018) na isaalang-


alang ang mga salik sa lingguwistiko at pagproseso na responsable para sa
insidente ng mga pagkakamali sa pagbabaybay sa Hebrew. Ang teoretikal na
layunin ay ihiwalay ang isang kumplikadong interaksyon sa pagitan ng
morpolohiya, ponolohiya, at ortograpiya sa pagbuo ng mga salita. Nakatuon
ang kanilang pag-aaral sa isang partikular na pagkakamali sa pagbabaybay
sa Hebrew: isang lantad na representasyon ng word-internal na segment/i/sa
pamamagitan ng letrang Y. Ang Y-insertion na ito ay sumasalungat sa mga
tuntunin sa pagbaybay (cf. substandard MYRPST vs‫ תספר‬vs conventional
MRPST /,‫תספ‬,/miʁpeset/‘balcony’) at gayunpaman, makikita sa kanilang
datos na 25 na porsyento ng mga pangngalan na may naaangkop sa
ponolohikal na kapaligiran. Ang pag-aaral ng Corpus sa mga hindi naedit na
teksto ay higit pang nagsiwalat na ang mga pagkakamali ay dumami sa mas
mababang dalas ng mga salita, ngunit ang paglitaw ng mga ito ay mas
malamang kung ito ay makagambala sa isang morpolohikal na unit. Itinuturo
ng mga resultang ito ang morpolohiya at istatistikal na mga pattern ng
paggamit ng wika sa Hebrew bilang mga pangunahing mekanismo na
nagtutulak ng orthographic na pag-aaral: tinatalakay ng papel ang mga
epekto ng kanilang mga natuklasan para sa mga teorya ng pagbabasa.

Sa pag-aaral naman nina Quinn at iba pa (2021), ang konseptong


modelo ng maagang pagsulat ay nagmumungkahi ng maraming bahagi ng
kasanayan na sumusuporta sa maagang pag-unlad ng pagsulat ng mga bata.
Ang mga batang preschool-aged (N = 245) mula sa iba't ibang mga setting ng
maagang pagkabata ay hinasa sa ilang mga hakbang sa maagang pagbasa,
wika, at pagsulat sa tagsibol ng taon ng pag-aaral. Ang mga nakasulat na
komposisyon ng mga bata ay na-code para sa mga tampok na nakakuha ng
parehong transkripsyon (pagbubuo ng pagbabaybay at titik) at mga
kasanayan sa pagbuo (pagsasalin at pagsunod sa gawain). Ang mga datos
na natuklasan ay nagpapakita na ang kasanayan sa pagbuo ng mga bata ay
nahahati sa apat na magkakaibang kategorya na nag-iiba-iba sa pagiging
sopistikado ng pagsulat at koneksyon sa gawain. Bagama't ang karamihan sa
mga bata ay nakapagbigkas nang pasalita ng isang tugon na nauugnay sa
gawain sa pagsulat, kakaunti ang nakapagpakita ng komunikasyon na
nauugnay sa gawain kapwa sa pasalita at pasulat. Ang pagbuo ng pagiging
miyembro ng grupo ay nauugnay sa mga kasanayan sa paunang pagbasa at
nagbibigay-malay, pati na rin ang iba pang mga hakbang sa pagsulat. Ang
mga natuklasan ay nagpapakita ng isang mahalagang hakbang pasulong sa
pagbuo ng kasanayan ng mga bata at pag-unawa sa proseso kung paano
nabubuo ang kasanayang ito na nauugnay sa iba pang maagang kasanayan
sa pagbasa at pagsulat.

Gaya ng mga nabanggit, mahalagang malaman ng mga mananaliksik


na magkakaroon ng kakulangan sa kasanayan sa pagsulat ang isang tao
kung ito ay pahihintulutang mailayo sa pag-aaral ng ortograpikong kaalaman.
Maaaring malito ang mga taong ito sa anomang aspetong gramatikal tulad na
lamang ng tamang pagbabaybay, paggamit ng bantas, at pagsunod sa mga
polisiya ng balarila ng Filipino.

May dalawang uri ng estratihiya ang ginagamit ng isang tao upang


maitala ang tamang baybay ng salita ayon kina Daffern at Critten (2019). Sa
pag-aaral na kanilang isinagawa mayroong mga bata ang natutong isulat ang
baybay ng salita sa pamamagitan ng pakikinig sa bawat tunog at baybayin ng
salita upang matukoy ang mga letrang kanilang gagamitin, sa kabilang banda
naman ay mayroong mga bata ang nakiusap sa mga guro na sabihin ang
depinisyon ng salitang nabanggit upang malaman nang husto ang tinutukoy
na salita at matanto kung saan ang pinanggalingan ng salitang ito. Gamit ang
mga resulta ng pag-aaral nakagawa ng isang solusyon ang mga guro upang
maipagbuti ng mga bata ang kanilang kagalingan sa pagbaybay, isa na rito
ang pagkakaroon ng palarong spelling bee o ang pagbabaybay ng mga salita
sa tamang pamamaraan kung saan mananalo ang sino mang makarami ng
tamang sagot. Napatunayan na ito ay epektibo sapagkat sa paglipas ng
panahon ay tumaas ang kumpiyansa sa sarili ng mga bata at natuto rin sila na
gamitin ang dalawang estratihiya sa pagbabaybay. Tulad sa pag-aaral sa
kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral gamit ang ortograpiyang pambansa,
matutukoy nito ang mga aspetong nakakaapekto kung bakit humihina ang
mga mag-aaral sa pagsulat ng isang sulatin at kung saang uri ng polisiya sa
Ortograpiyang Pambansa sila nahihirapan, higit pa rito ay maisasagawa rin
ang isang epektibong solusyon upang matulungan ang mga guro sa pagtuturo
ng paglalapat ng Ortograpiyang Pambansa upang maging bihasa ang mga
susunod na mag-aaral sa paggamit ng lengguwaheng filipino at magamit sa
isang intelektuwalisadong pakikipagtalastasan.

Lokal na Pag-aaral

Sa isinagawang pag-aaral ni Galang (banggit ni Misa, 2021), sa


bahaging lingguwistika na saklaw ang ponolohiya, napatunayan na ang mga
mag-aaral ay may kahinaan sa diptonggo, karaniwang kamalian ng mga ito ay
kapag magkasunod ang isang patinig at Y at Al-sa isang pantig, ito ay
diptonggo na hindi muna sinusuri ang pagpapantig. Sa morpolohiya, ang
karaniwang kamalian ng mga mag-aaral ay ang paggamit ng pang-angkop na
ng at nang. Ipinakikita nito ang kakulangan ng kaalaman sa wastong gamit ng
naturang pang-angkop. Sa sintaksis lumilitaw na madali para sa mag-aaral
ang bumuo ng isang pangungusap na kasingkahulugan ng naibigay na
pangungusap. Nakikilala ang magkakaugnay na pangungusap at higit sa
lahat nauunawaan ang talatang nabasa. Bagama't may ilang mga katanungan
sa pag-unawa sa talata na hindi wasto ang naging kasagutan sapagkat
kinakailangan ang higit na mataas na lebel ng pag-iisip upang masagot ang
mga ito. Saklaw rin ang talasalitaan sa kakayahang lingguwistika,
napatunayan na ang karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pagkilala sa
magkakasingkahulugan at pagtukoy sa magkakasalungat na salita ay ang
"context clue." Ang mga mag-aaral ay hindi gaanong bihasa sa
pagpapakahulugan gamit ang pahiwatig.

Hindi maikakaila na mayroong mga salik ang humahadlang sa mga


mag-aaral na maging bihasa sa paggamit ng istandardisadong wika. Isang
rason upang simulan na sipatin ang mga impormasyong kinakailangang
malaman ng mga guro sa Filipino tulad na lamang ng mga kahinaan ng bawat
mag-aaral sa pagsulat ng isang sanaysay upang pagpokusan ang kahinaang
ito at magawan ng agarang solusyon.

Ayon sa pag-aaral nina Cagatin at iba pa (2022), isa sa mga salik na


nakaaapekto sa pag-aaral ng panggramatikang Filipino ay ang hindi
epektibong pagtuturo ng mga polisiya sa gramatika ng Filipino. Sa kanilang
pag-aaral sa kasanayan sa paggamit ng balarilang Filipino ng mga
sekondaryang mag-aaral sa Rodriguez, Rizal, natuklasan ng mga
mananaliksik na mayroong kakulangan sa kaalaman ang mga mag-aaral sa
paggamit ng mga salita tulad na lamang ng wastong pagbabaybay at
paggamit ng tamang bantas. Isa sa mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit
mayroon silang pagkukulang sa kasanayang ito ay ang hindi epektibong
pagtuturo ng mga guro sa paggamit ng balarilang Filipino. Hinaing ng isa sa
mga respondente, karamihan sa kaniyang mga guro sa Filipino ay hindi wasto
ang pagkakagamit ng mga salita kung kaya't naisasabuhay ng mga mag-aaral
kung paano ginagamit ng mga guro ang karamihan sa mga komplikadong
salita. Isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangang pag-aralan ang
kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral gamit ang Ortograpiyang
Pambansa upang matukoy ang kanilang mga maling gawi na nakasanayan.
Isa rin sa bentaha ng pananaliksik na ito ay ang pagkakaroon ng oportunidad
na makapagbigay ng isang solusyon bilang isang rekomendasyon para sa
mga guro upang mapagtibay ang kanilang pagtuturo sa asignaturang Filipino
at wakasan ang kalituhan sa paggamit ng Ortograpiyang Pambansa.

Mayroong makabuluhang kaugnayan ang mga salik panghikayat sa


pagsulat ng sanaysay sa antas ng kaalamang lingguwistikong kasanayan ng
mga mag-aaral ayon naman kay De Los Reyes (2021). Batay sa mga
krayteryang inilahad ng mananaliksik sa pagtatanong at pagtataya, nakakuha
ng mataas na interpretasyon ang kabuoang resulta ng kanilang pag-aaral.
Ang antas ng kaalaman na ipinakita ng mga mag-aaral sa lingguwistikong
kasanayan sa pagtataya na may kinalaman sa istruktura ng salita, pagbuo ng
pangungusap, at bokabularyo o pangkahulugan ng salita, ang naging resulta
ay may kabuoang interpretasyon na kasiya-siya. Ang antas ng kaalaman ng
mga mag-aaral na ipinamalas sa pagsulat ng sanaysay gamit ang
kasanayang lingguwistiko, ipinakita ng nakalap na datos na walang bisang
palagay na “walang makabuluhang kaugnayan ang mga salik panghikayat sa
pagsulat ng sanaysay sa antas ng kaalamang lingguwistikong kasanayan ng
mga tagatugon”, sa pagkatuto naman ng mga mag-aaral batay sa pagsulat ng
sanaysay ay nakakuha ng “may makabuluhang kaugnayan sa pagitan nila.”
Lagom ng Sining

Ang literaturang nabanggit sa pananaliksik na ito ay may malaking


kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang mga ideyang
nakapaloob dito ay nag-ambag ng malaking tulong sa pagpapayaman ng
kaalaman at naging gabay sa pag-aaral na isinasagawa.

Ang mga kaugnay na literatura nina Ramos, B.F. at Ramos, V.R. ay


tumatalakay sa kaalaman sa tamang pagbaybay, ang epekto ng kakulangan
ng sapat na panahon at ang pagsasaalang-alang sa istilo ng pagkatuto ng
mag-aaral hingil sa tamang pagbabaybay. Binigyang diin naman ni Garcia
ang epekto ng Millenial words sa kasanayan sa pagsulat ng komposisyong
Filipino. Samantala, nakapaloob naman sa mga literatura nina Orillian,
Catungal (ayon kay bernales 2007), Thaine, Aloufi (ayon kina Katz at Frost
1992), at Charlotte et al. ang kasanayan sa pagsulat at malawak na
bokabularyo na mayroong kinalaman sa kaalaman patungkol sa
Ortograpiyang Pambansa.

Ang pag-aaral mula kay De Los Reyes (2021) ay nagpapahiwatig ng


walang makabuluhang kaugnayan ng mga salik panghikayat sa pagsulat ng
sanaysay sa antas ng kaalamang lingguwistikong kasanayan. Nakapokus
naman ang pag-aaral ni Cagatin et al. (2022) sa hindi epektibong pagtuturo
ng mga guro sa paggamit ng balarilang Filipino. Sa kabilang banda, nakatuon
ang pag-aaral nina Quinn et al. (2021), sa epekto ng konsepto ng maagang
pagsulat sa pag-unlad ng kasanayang pagsulat ng mga bata; Daffern at
Critten (2019), sa dalawang uri ng estratihiya sa tamang pagbaybay ng salita;
at Bar-On at Kuperman (2018), sa pagkakamali sa pagbaybay sa wikang
Hebrew.

Higit na natatangi, ang pag aaral ni Misa (2021) (ayon kay Galang), na
may tuwirang kaugnayang sa kasalukuyang pananaliksik. Ito ay tumutukoy sa
kahinaan sa paggamit ng istandardisadong wika. Bagama’t marami at
malawak ang naging saklaw ng kanyang mga naitalang punto ay nagbukas ito
ng maraming paglilinaw sa kalikasan at estruktura ng wikang Filipino
(ponolohiya, morpolohiya, sintaksis).
Gap

Batay sa mga sinuring kaugnay na literatutra at pag-aaral, natuklasan


na marami nang isinagawang pag-aaral kaugnay sa pagsusuri sa kasanayang
pagsulat ngunit wala pang pag-aaral ang isinagawa tungkol sa pagsipat sa
kaalamang Ortograpiyang Pambansa sa kasanayang pagsulat na may
layuning matukalasan ang mga kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral.

Bilang mag-aaral, ang pagsasagawa ng ganitong uri ng pananaliksik


ay kapaki-pakinabang, ang pagsipat ng kaalaman sa Ortograpiyang
Pambansa sa kasanayang pagsulat ng ika-10 baitang upang malaman kung
ano ang kanilang kalakasan pati na ang kanilang kahinaan na dapat
pagpokusan. Sa pag-aaral na ito, hindi lamang mag-aaral ang nabibigyang
pagkakataon na matulungan kundi pati na rin ang mga guro. Sa
pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mas mapagpopokusan ang mga
kahinaan ng kanilang estudyante. Sa paraang ito ay mapauunlad ang
kaalaman sa Ortograpiyang Pambansa ng mga mag-aaral. Dahil dito,
nabibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na
kasanayan sa pagsulat gamit ang wastong ortograpiya.

Ang isinasagawang pananaliksik ay tungkol sa pagsusuri sa


kaalamang Ortograpiyang Pambansa sa kasanayang pagsulat at may mga
pag-aaral na hindi nalalayo rito katulad na lamang ng pag-aaral ni Misa
(2021). Gayunpaman, magkaiba ang pokus ng dalawang nabanggit na pag-
aaral. Tuon ng pananaliksik ni Misa ang kahinaan sa paggamit ng
estandardisadong wika. Samantala, ang isinasagawang pananaliksik ay
nakapokus sa pag-alam ng kahinaan at kalakasan ng mga mapipiling
respondente sa kasanayang pagsulat.

Samakatuwid, mahalagang mayroong sapat na kaalaman ang bawat


mag-aaral hinggil sa nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa lalo na sa mga
tuntunin na kinakaillangan upang makapagsulat ng tama at maayos na
komposisyon. Kaya naman, naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang
maitutulong ng pagsipat sa kaalamang Ortograpiyang Pambansa sa
kasanayang pagsulat ng mga mag-aaral sa pag-unlad ng kanilang kaalaman
hinggil dito at maging daan sa pag-unlad ng kanilang kasanayan sa pagsulat.
Dahil dito, ninanais ng mga mananaliksik na matuklasan at pag-aralan ang
kaalaman ng ika-10 baitang na mga mag-aaral sa Ortograpiyang Pambansa.
Batay sa pagsusuri ay nabuo ang panukalang aksyon plan na makatutulong
sa pagpapaunlad ng mga kahinaan sa kasanayang pagsulat ng mga mag-
aaral. Ito ang gap na pupunan ng isinasagawang pag-aaral.

Balangkas Teoretikal

Sandigan ng balangkas teoritikal ng pananaliksik na ito ang teorya,


pag-aaral at aklat nina; Aspili (2005) na mga posibleng sanhi ng kamalian ng
mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon, Macasmag (2011) kung natututo
ang isang bata sa gramatika nagiging maalam ito na pagyamanin ang
kanyang pahayag; at ang teorya nina Marcene et.al., makatutulong nang
malaki ang mga tuntuning pambalarila at panretorika sa kasanayang pagsulat.

Kaugnay ng mga posibleng sanhi ng mga kamalian ng mga mag-aaral


sa pagsulat ng komposisyon ni Aspili S. (2005) nabatid na ang mga ito ay
maiuugnay sa apat (4) na katangian: 1) kakulangan ng kaalaman sa mga
tuntuning gramatikal ng Filipino na nangangahulugang hindi pa lubusang
nababatid ng mga mag-aaral ang tamang aplikasyon ng mga tuntuning ito sa
pagbubuo ng mga pangungusap, sa paggamit ng mga bantas sa loob ng
pangungusap, sa paggamit ng angkop na salita sa pangungusap atbp.; 2)
paglalapat ng isang tuntuning gramatika sa ibang aspekto ng wikang Filipino
na hindi naman naaangkop; 3) kawalan ng ingat sa pagsusulat dahil sa
pagmamadali; at 4) impluwensiya ng katutubo o banyagang wika o text lingo.
Ibig sabihin nararapat na bigyang pansin at matukoy ang mga posibleng sanhi
ng kamalian ng mga mag-aaral upang malaman kung anong nilalaman ng
Ortograpiyang Pambansa ang dapat pa na pagyamanin ng mga mag-aaral
pati na rin ang mga guro na gagabay sa kanila sa pagsulat.

Ayon sa Teorya ni Macasmag (2011) pinaniniwalaan na kung natututo


ang isang bata sa gramatika nagiging maalam ito na mapaunlad ang
kaniyang kaalaman sa pagpapahayag. Yumayabong ang kaalaman nito
kapag madalas ang pakikipag-usap at sa paraang ito nasusuri ang wasto at
maling gamit ng gramatika. Sa pamamagitan nito ay makikita kung ano ang
kanyang natutunan ukol sa larangan ng gramatika. Gayundin sa pagsulat,
nalalaman kung anong partikular na nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa
mahina o magaling ang isang mag-aaral. Nabibigyang-pansin ang nararapat
na paunlarin ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pagsulat.

Samantala, sa aklat naman nina Mercene et al. (2009) nabanggit na


malaki ang magiging epekto ng tuntuning pambalarila at panretorika sa
kasanayang pagsulat. Ang balarila ay tumatalakay sa mga salita at sa
kanilang pagkakaugnay-ugnay at mahalaga na alam ng isang tagapagsalita at
manunulat ang mga tuntuning nakapaloob dito. Ang retorika naman ay
tumutukoy sa mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa
sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat. Ibig sabihin,
ang kaalaman ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng pambalarila at
panretorika sa kasanayang pagsulat ay nakatutulong upang makagawa ng
isang maayos na sulatin gamit ang partikular na nilalaman ng Ortograpiyang
Pambansa.
Mga Posibleng sanhi ng
kamalian ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng komposisyon ni
Aspili (2005)

Makatutulong ang mga Pagsipat sa Kaalamang Kung natututo ang isang


tuntuning pambalarila at Ortograpiyang Pambansa bata sa gramatika
panretorika sa sa Kasanayang Pagsulat nagiging maalam ito na
kasanayang pagsulat nina ng ika-10 baitang ng Jose mapaunlad ang kanyang
Mercenes et al. (2009) Panganiban National High pahayag ni Macasmag
School (2011)

Pigura 1. Balangkas Teoretikal ng Pag-aaral


Balangkas Konseptwal

Makikita sa pigura 2, ang balangkas konseptwal ng pag-aaral, ang mga


input ng pag-aaral, proseso ng pangangalap ng mga datos at ang awtput ng
pag-aaral. Nabibilang sa input ang profayl ng mga mag-aaral sa ika-10
baitang ng Jose Panganiban National High School batay sa: a. edad at b.
kasarian. Pagsipat sa nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa na kadalasang
namamali ang mga mag-aaral batay sa: a. baybay; b. bantas; c. pagsalin; at d.
balarila. Pagtukoy sa kung ano-ano ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-
aaral sa pagsulat ng sanaysay gamit ang wastong Ortograpiyang Pambansa.
Pag-analisa sa nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa na nararapat
pagpokusang ituro ng mga guro sa ika-10 na baitang upang mas mapalawak
ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa Ortograpiyang Pambansa.

Bilang proseso ng pangangalap ng datos, sinimulan sa pagbuo


ng pormuladong sarbey na siyang gagamitin sa pangangalap ng
kinakailangang datos at pagpili sa mga mag-aaral na mula sa ika-10 baitang
bilang respondente. Isinagawa ang pamimigay at pagsagot sa talatanungan,
pagsusuri at pagbibigay interpretasyon sa mga datos na nakalap ukol sa
nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa na kadalasang namamali ang mga
mag-aaral.

Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, nakabuo ng awtput na mayroong


mungkahing gawing pangrekomendasyon na magsagawa ng oryentasyon
kaugnay sa nilalaman ng Ortograpiyang Pambansa sa mga mag-aaral na
nasa ika-10 baitang.
Profayl ng mga mag-aaral sa
Ika-10 Baitang ng Jose Paghahanda ng
Panganiban National High pormuladong sarbey
School ayon sa sumusunod
na salik:
a. Edad
b. Kasarian Pagpili ng mga
Pagsipat sa nilalaman ng
respondente
ortograpiyang pambansa na
kadalasang namamali ang
mga mag-aaral ayon sa:
Pamimigay at Nakabuo ng mungkahing
a. Baybay
pagpapasagot ng pangrekomendasyon na
b. Bantas
pormuladong sarbey magsagawa ng
c. Pagsalin
d. Bararila oryentasyon tungkol sa
nilalaman ng
Ang kahinaan at kalakasan Ortograpiyang Pambansa
Pangangalap ng mga
ng mga mag-aaral sa
Datos sa mga mag-aaral na
pagsulat ng sanaysay gamit
nasa ika-10 baitang
ang wastong Ortograpiyang
Pambansa.
Pag-analisa at pagbibigay
Mga nilalaman ng
interpretasyon sa mga
Ortograpiyang Pambansa
ang nararapat pagpokusang
datos
ituro ng mga guro sa ika-11
na baitang upang mas
mapalawak ang kaalaman Pagbuo ng mungkahing
ng mga respondente hinggil pangrekomendasyon
sa Ortograpiyang Pambansa

FEEDBACK

Pigura 2: Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral


Katuturan ng Terminolohiya

Diptonggo - Ang diptonggo ay patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y.


Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang
malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay
napapagitan sa dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na
patinig, kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.

Katatasan - Ito ay ang pagbibigkas ng may kahusayan at yama.

Lingguwistika - Ang lingguwistika o linggwistika, kilala rin sa tawag na


dalubwikaan, aghamwika, o agwika, ay ang maagham na pag-aaral sa mga
wika ng tao. Sakop nito ang lahat ng mga pagsusuri sa bawat isang bahagi at
aspeto ng wika, gayundin sa mga kapaaranan para mapag-aralan sila at
magawan ng mga modelo.

Morpolohiya - Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral


ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may
kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasaayos ng mga
morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan.
Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o
metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.

Ortograpiya- Ang palabaybayan o ortograpiya ay isang kalipunan ng mga


pamantayan sa pagsusulat ng isang wika. Kabilang dito ang mga pamantayan
sa pagbaybay, paggigitling, pagmamalaking titik, paghinto ng salita, diin, at
bantas.

Panitikan- Tinatawag din na panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan


at pagtula na nag-uugnay sa isang tao.

Ponolohiya - Ang ponolohiya o palatunugan ay sangay ng lingguwistika na


nag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga
ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog
na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan.
Sintaksis - Sa lingguwistika, ang palaugnayan, sintaksis o sintaks ay ang
sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng
mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap.

Sopistikado - Ang salitang sopistikado ay maaaring gamitin sa tao, bagay, at


gawi ng isang tao. Nangangahulugan ang salitang ito ng pagkakaroon o
pagpapakita ng maraming kaalaman at karanasan na maaaring tungkol sa
mundo, sining, kultura, literatura, at iba pa. Maaari ding sa pananamit o kung
paano dalahin ng isang tao ang kaniyang sariling galaw at pag-uugali na
minsan ay tinatawag na pagiging simple.

Talasalitaan - Ang talasalitaan, na tinatawag ding bukabularyo, ay ang


pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao.
Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at
nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon
at pagkakamit ng kaalaman.

Sanggunian

Aspili, S. M. (2005). Pagsusuri ng mga Karaniwang Kamalian sa Pagsulat ng


Komposisyon. Northwestern University Educational Resource Center.
https://www.nwu.edu.ph/library/wp-content/uploads/2019/04/Pagsusuri-ng-
mga-Karaniwang-Kamalian-sa-Pagsulat-ng-Komposisyon.pdf

Bar-On, A., Kuperman, V. (2019). Spelling errors respect morphology: a


corpus study of Hebrew orthography. https://doi.org/10.1007/s11145-018-
9902-1

Cagatin, C. A. (2022). Mga Balakid ng mga Piling Sekondaryang Mag-aaral


ng Rodriguez, Rizal ukol sa Wastong Paggamit ng Balarilang Filipino.
Academia.
https://www.academia.edu/79661874/Mga_Balakid_ng_mga_Piling_Sekondar
yang_Mag_aaral_ng_Rodriguez_Rizal_ukol_sa_Wastong_Paggamit_ng_Bala
rilang_Filipino
Charlotte C. et al., (2023). An Introduction to Orthography. Proofed.
https://proofed.com/writing-
tips/orthography/#:~:text=Orthography%20is%20therefore%20important%20b
ecause,to%20use%20its%20written%20form

Daffern, T., & Critten, S. (2019). Student and teacher perspectives on spelling.
Australian Journal of Language and Literacy; v.42 n.1 p.40-57.
https://search.informit.org/doi/10.3316/aeipt.222458

De Los Reyes, A. C. (2021, Hulyo). Karaniwang Gramatikang Pagkakamali sa


Pagsulat ng Sanaysay Tungo sa Lingguwistikong Kasanayan. EPRA
International Journal of Research and Development (IJRD).
https://doi.org/10.36713/epra7727

Garcia, F.V. (2022). Impluwensya ng "Millenial Words at Kasanayan sa


Pagsulat ng Komposisyon Filipino ng mga Mag-aaral ng Biñan Integrated
National High School. International Journal of Research Publications. IJRP
2022, 112(1), 93-105; https://doi.org/10.47119/IJRP1001121112022406

Kirkpatrick, A., & Martin, I. (2021). The Routledge Handbook of World


Englishes.
Routledge.https://books.google.com/books/about/The_Routledge_Handbook_
of_World_Englishe.html?id=Gd0NEAAAQBAJ#v=onepage&q=philippine%20g
rammar&f=false

Misa R. (2021). Kakayahan sa Panggramatikang Filipino ng mga Mag-aaral


ng Grade 9 Laboratory High School ng President Ramon Magsaysay State
University. American Journal of Humanities and Social Sciences Research
(AJHSSR). https://www.ajhssr.com/wp-
content/uploads/2021/10/I215105868.pdf

Orillan at Catungal, (2020). Kasanayan sa Pagsulat ng Tula ng mga Mag-


aaral sa Ikapitong Baitang Bulaoen East National High School PSU School
Advanced Study. Dyornal ng Edukasyon at Araling Panlipunan Publisher:
College of Education, Lingayen Campus Pangasinan State University,
Pilipinas. https://www.psurj.org/online/index.php/deap/article/view/164/138
Quinn, M.F., Bingham, G.E. & Gerde, H.K. (2021). Who writes what when?
Examining children’s early composing. Read Writ 34, 79–107.
https://doi.org/10.1007/s11145-020-10063-z

Ramos, B.F. & Ramos, V.R. (2019, Disyembre). A Glimpse at the Learning
Styles of Grade 12 STEM Strand Students of the University of the City of
Manila as a Focal Point of their Learning Ability Concerning Spelling in Filipino.
International Journal of Research in Engineering, Science and Management.
https://www.ijresm.com/Vol.2_2019/Vol2_Iss12_December19/IJRESM_V2_I1
2_20.pdf

You might also like