You are on page 1of 5

PERFROMANCE TASK NO.

1
Pagguhit at pagsulat
Panuto: Gumuhit ng poster, sumulat ng talata, awitin, tula sa isang buong
bond paper na nagsisimbulo ng Kalayaan. 30 POINTS.
PERFORMANCE TASK NO.2
Tula ng May-akda, Suriin Mo nang Matama (20 POINTS)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula. Sagutin ang mga katanungan sa
ibaba.

Sa aking musmos na isipan


Isang bagay ang aking natutuhan.
Ang tunay at dapat na sukatan
Ay di pera ang dapat batayan.
Ako ay may natuklasan
Pagkatao natin ay di dapat tignan,
Sa dami ng salapi o karangyaan
Sukatan nito’y ating karangalan.
Sa paglalakbay natin sa mundong ito,
Tiyaking sa bawat araw na narito
Walang nalalamangan o naapi tayo,
Dulot nati’y pag-ibig kahit kanino.

Lorna B. Castillo

1. “ Ang tunay at dapat na sukatan, ay di pera ang dapat batayan” Ano ang
kahulugan nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Batay sa ikalawang saknong, ano ang tunay at dapat na sukatan ng pagkatao
ng isang tao? Ano ang ibig sabihin nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang paalaala ng may-akda sa bawat araw na paglalakbay natin sa
mundong ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrics

4-Napakahusay 3-Mahusay 2-Katamtaman 1-Nangagailangan pa ng Pagsasanay

1. Organisado at may kaisahan ang mga pangungusap sa bawat talata 4 3 2 1


2. Magkaugnay-ugnay ang mga talata at ideya 4 3 2 1
3. Nakatugon sa tema ng talata ang kabuuan ng talata 4 3 2 1
4. May sapat na impormasyon o detalye ang kabuuan 4 3 2 1
5. Malinis at maayos ang pagkagawa 4 3 2 1
Kabuuang Puntos

(PLEASE COMPILE EVERYTHING IN A SHORT FOLDER & DON’T FORGET TO WRITE YOUR NAME)
PERFORMANCE TASK NO. 3
PANUTO: Suriin nang maayos ang mga sumusunod na sitwasyon. Sa tapat
ng bawat sitwasyon, gumawa ng sariling pasya at ipaliwanag kung bakit ito
ang naging pasya.

Sitwasyon Ano ang Sitwasyon Ano ang Sitwasyon Ano ang


1. Inaya ka ng mga kaibigan
mo na tumambay muna sa
isang lugar at nag-inuman.
Gustong gusto mong sumama
dahil matagal na kayong
hindi lumalabas.Ngunit
naalala mo ang bilin ng iyong
mga magulang tungkol sa
paggawa ng mabuti.
2. Isang araw, dumating ang
isa sa pinaka mahirap na
pagsubok sa iyong buhay.
Kailangan ng pamilya mo ang
malaking halaga ng pera.
Habang ikaw ay naglalakad,
may nakita kang wallet na
nahulog. Walang nakakita
sa’yo nang ito’y iyong pulutin.
Ang laman nito ay sobra pa
sa kinakailangan ng pamilya
mo. Walang ibang nakalagay
sa wallet kundi ang pera lang.
3. May nagawang hindi
inaaasahang pagkakamali
ang iyong mga magulang.
Inilihim ninyo ito dahil sa
maraming rason. Dahil hindi
ka mapakali, ibinahagi mo ito
sa iyong matalik na kaibigan.
Isang araw pagpasok mo ng
paaralan, nahuli mong
pinagkakalat ng kaibigan mo
ang nagawa ng iyong mga
magulang at hinuhusgahan
ka ng mga kapwa mo mag-
aaral. Nasaktan ka sa ginawa
ng iyong kaibigan at gusto mo
siyang awayin.
4. Dahil sa pandemia na
Covid 19, marami ang
nangangailangan ng tulong.
Ang utos ng Gobyerno, ang
magpapalista lang ay ang
mga walang mapagkukunan
ng pera dahil walang trabaho.
Parehong may permanenteng
trabaho ang mga magulang
mo ngunit nagpalista pa rin
sila. Samantalang ang
kapitbahay ninyo ay hindi
inilista kahit alam nilang
walang wala na sila.
5. Isang daan nalang ang
natitira mong pera. Dahil sa
lockdown hindi ka makaka-
uwi upang humingi ng pera
sa iyong mga magulang. Wala
ka nang pagkain ngunit
gustong-gusto mo nang
magload para makapag laro
ng ML para hindi ka maiwan
ng mga kaibigan mo.

Rubrics

4-Napakahusay 3-Mahusay 2-Katamtaman 1-Nangagailangan pa ng Pagsasanay

1. Organisado at may kaisahan ang mga pangungusap sa bawat talata 4 3 2 1


2. Magkaugnay-ugnay ang mga talata at ideya 4 3 2 1
3. Nakatugon sa tema ng talata ang kabuuan ng talata 4 3 2 1
4. May sapat na impormasyon o detalye ang kabuuan 4 3 2 1
5. Malinis at maayos ang pagkagawa 4 3 2 1
Kabuuang Puntos

(PLEASE COMPILE EVERYTHING IN A SHORT FOLDER & DON’T FORGET TO WRITE YOUR NAME)
PERFORMANCE TASK NO. 4
PUNUTO: Basahing mabuti ang sitwasyon na nakapaloob sa ikalawang hanay. Ibigay ang
tinutukoy nito na negatibong katangian ng pagdedesisyon (tignan ang pagpipilian sa ibaba) at
ibigay ang tamang desisyon na dapat mong gawin.

Negatibong katangian Negatibong katangian Negatibong katangian


Sitwasyon Sitwasyon Sitwasyon
Hindi pagsasabi sa kamagaral
kung mayroong
libreng ayuda na
ipamimigay ng paaralan o
barangay

Pagsasabing masakit ang


pangangatawan kung alam
na maraming trabahong
dapat tapusin.

Hindi alam makinig sa


pakiusap o sinasabi ng iba

Pagbili ng mga bagay


bagay na hindi masyadong
kailangan

Pag ginusto ay pilit na


Kinukuha

Rubrics

4-Napakahusay 3-Mahusay 2-Katamtaman 1-Nangagailangan pa ng Pagsasanay

1. Organisado at may kaisahan ang mga pangungusap sa bawat talata 4 3 2 1


2. Magkaugnay-ugnay ang mga talata at ideya 4 3 2 1
3. Nakatugon sa tema ng talata ang kabuuan ng talata 4 3 2 1
4. May sapat na impormasyon o detalye ang kabuuan 4 3 2 1
5. Malinis at maayos ang pagkagawa 4 3 2 1
Kabuuang Puntos

(PLEASE COMPILE EVERYTHING IN A SHORT FOLDER & DON’T FORGET TO WRITE YOUR NAME)

You might also like