You are on page 1of 4

Mga Salalayang Kaalaman sa Pagsulat

Kasanayang Pampagkatuto
★ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

Akademiko
★ May kaugnayan sa edukasyon, iskolarship, institusyon
★ Larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral

Teknikal
★ Praktikal o aktuwal na pagsasagawa o pagpapakita ng kasanayan o kakayahan

1. Pagsulat
★ Nakadepende sa wika. (Kung walang wika, walang pagsulat)
★ Simbolong kumakatawan sa kultura at tao
★ Makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan na may gampaning magpahayag ng saloobin, damdami,
opinyon, pananaw ideya at anumang naiisip
★ Isa sa pinakamahirap hasain sa kasanayan ng komunikasyon

1.1 Komunikasyon
★ Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat
★ (Fischer, 2001)

2. Silbi ng Pagsulat
2.1 Libangan
★ Pagbabahagi ng mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili
2.2 Pantugon
★ Pagtugon sa bokasyon o trabaho na ginagamapanan sa lipunan
2.3 Dokumentasyon
★ Paraan na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon

3. Makrong Kasanayan sa Pagsulat


★ Sa pag pindot sa keys ng kompyuter, ginagamit sa pagtipa sa tayprayter upang mamonitor ang anyo
ng pagkakalimbag
3.1 Pisikal (kamay)
★ Ginagamit sa pagsulat sa papel
3.2 Mental (isip)
★ Ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng pagbuo

4. Kognisyon
★ Taglay ang kalipunan ng mga kaalaman buhat sa biyolohikal at kaalamang dulot ng karanasan

5. Imahinasyon
★ Pangunahing sangkap sa pagpapalawak ng isang uri ng sulatin

6. Pagsulat at Kognisyon
★ Paglalapat at pag-iisip
○ Magkatambal sa pagbuo ng isang sulatin
○ Pagsasatitik sa pasulat na paraan mula sa kaalaman ng isip at nararamdaman ng puso
Mga Taong Nagpakahulugan sa Pagsulat
Kasanayang Pampagkatuto
★ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

Rogers, 2005
★ Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espisipikong
linggwistikong pahayag.
★ Mga natatanging simbolo (mga titik, bantas, at iba pang marka) para sa ponema o tunog at mga simbolong
ginagamit sa pagsulat

Bernales, et. al., 2001


★ Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao

Daniels at Bright, 1996


★ Ang pagsulat ay sistema ng permanente o mala permanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag

Goody, 1987
★ Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon

Cecilia Austera
★ May-akda ng aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) - “ang pagsulat ay kasanayang
naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag sa pamamagitan ng wika”

Edwin Mabilin
★ May-akda ng aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012
★ “Ang pagsulat ay pagsasatitik ng nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin”
★ “Ang pagsulat ay pambihirang gawaing pisikal at mental, paglilipat ng kaalaman sa papel”

Royo
★ Dr. Enberto Astorga, Jr., may-akda ng aklat na Pagbasa at Pagsulat at Pananaliksik (2001) Filipino (2012)
★ Ang pagsulat ay paghubog sa damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga
pagdaramdam

Xing at Jing
★ “Ang pagsulat ay komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng
kaisipan, retorika, at iba pang elemento”

Badayos
★ “Ang pagsulat ay ang kakayahan sa pagsulat ng mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami
sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika”

Keller
★ “Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan, at kaligayahan ng magsasagawa nito”

Donald Murray
★ “Ang pagsulat ay isang eksplorasyon, pagtuklas sa porma, pagtuon sa kasanayan, batayan kung ano ang
isusulat at paano ipahahayag”

Peck ang Buckingham


★ “Ang pagsulat ay isang ekstensyon ng wika at karanasang natamong isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita, at pagbabasa”
Proseso ng Pagsulat
Kasanayang Pampagkatuto
★ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

Pagtipon (Gathering)
★ Pangangalap ng impormasyon ng isang manunulat bilang paghahanda sa susulatin
★ panayam/interbyu, pananaliksik

Paghuhugis (Shaping)
★ Kasabay ng pagtitipon ng mga materyales
★ Unti-unting pagbuo ng akda habang nangangalap ng impormasyon
★ BAHAGI: simula, gitna, wakas

Pagrerebisa (Revising)
★ Pagsusuri sa sinulat
★ Pagbasa kung sapat na o may kulang pa
★ Distribusyon ng ideya

Pag-i-edit (Editing)
★ Pokus sa mga ispeling, bantas, at kapitalisasyon
★ Pag-i-encode

Pagtatalata
★ Paraan ng pagsasama-sama ng kaisipan sa isang buong hanay
★ PANGUNGUSAP - TALATA

Talata
★ Pangungusap o grupo ng mga pangungusap na inorganisa upang makabuo ng isang ideya hinggil sa isang
paksa billang bahagi ng isang komposisyon

Katangian ng Talataan
1.1 Kaisahan
★ Isang ideya sa loob ng talata
1.2 Kohirens
★ Pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang talataan at pagkakasundo-sundo ng paksa at
daloy ng mga pangungusap
1.3 Empasis
★ Pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa bahagi ng komposisyong nangangailangan niyon

Kahalagahan ng Pagsulat
Kasanayang Pampagkatuto
★ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

Kahalagahan ng Pagsulat
★ Masanay sa pag-oorganisa sa kaisipan
★ Malinang ang kakayahan sa pagsusuri
★ Mahubog ang isipan sa mapanuring pagbasa
★ Mahikayat at mapaunlad ang paggamit ng angkop na datos
★ Kasiyahan sa pagtuklas
★ Mahubog ang pagpapahalaga at paggalang
★ Malinang ang kakayahan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon
Katuturan, Layunin, at Pamantayan ng
Akademikong Pagsulat
Kasanayang Pampagkatuto
★ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

Akademikong Pagsulat
★ Intelektwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa
★ Uri ng pagsulat na nangangailangan ng masusing pagsusuri
★ Taglay ang
○ Paksang may katuturan
○ Salitang angkop ang pagkagamit
○ Kaalamang sapat at lapat
★ Isang pangangailangan, hindi isang opsiyon para sa akademiko at propesyonal

Halimbawa ng Akademikong Sulatin


★ Diary, liham, editorial, posisyong papel
★ Konseptong papel, saliksik
★ Sintesis, bionote, katitikan
★ Panukalang proyekto

Mga Layunin ng Akademikong Pagsulat


★ Magbigay-kaalaman at paliwanag
★ Mang-aliw sa mambabasa
★ Manghikayat o mangumbinsi

Pamantayan sa Akademikong Pagsulat


★ Depende sa sitwasyon o kahingian
★ Pag-alam sa potensyal ng magbabasa o mambabasa

You might also like