You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Schools Division ng Bulacan
Asian Institute of Science and Technology
Plaza Naning Victoria Bldg. Baliwag, Bulacan

Bilang Bahagi
Ng
Pagtupad sa mga
Kahingian ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik

“Papel Pananaliksik”

Kagawaran ng Senior High School

Navarro Kimberly Nicole A.


11-GA2MA
General Academic Strand

June 2023

Epekto ng iba't ibang makabagong teknolohiya sa mga empleyado.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Schools Division ng Bulacan
Asian Institute of Science and Technology
Plaza Naning Victoria Bldg. Baliwag, Bulacan

Kabanata I
I. Panimula/Introduksyon

Maraming estudyante ang hindi masyadong nakakapokus sa klase dahil ginugusto nila. Ano nga

ba ang epekto sa performance ng estudyante ang hindi pakikinig sa klase? Ano nga ba ang

malaking hadlang ng hindi pakikinig sa klase? Ano nga ba ang kaibahan o lamang ng mga

estudyante na nakikinig sa klase sa mga estudyante na hindi nakikinig sa klase. Isa narin sa mga

dahilan kung bakit hindi nagpopokus ang mga estudyante sa klase ay dahil narin sa media. Hindi

rin kaila na ang makabuluhang mga bagay na nasa komunidad ay naaapektuhan ng malaki sa

pamamagitan ng media ( Dushkin / McGraw–Hill‚ 2000 ). Batay kay Fiske ( 2000 )‚ karamihan

sa mga mag-aaral sa papaunlad na mga bansa ay may mababang antas ng pagganap o

performance sa pandaigdigan o nasyonal man na batayan.

Sa larangan ng edukasyon‚ hindi ito isang laro lamang kailangan natin itong seryosohin at ang

pakikinig sa klase ay isang mahalagang bagay. Ang hindi pakikinig sa klase ay isang malaking

kawalan sa ating kaalaman‚ dahil ang pokus ng klase ay mabigyan tayo ng sapat na

impormasyon at mga detalye na kailangan natin sa ano mang topic na iyon. Sa hindi pakikinig sa

klase ay maaari kang magkaron ng mga mahihirap na sitwasyon sa loob ng silid-aralan‚ tulad na

lamang kung magtatanong ang guro saiyo ngunit sa kadahilanang hindi ka nakikinig noong siya

ay nagkaklase ikaw ay walang maisasagot sa kanya. Hindi pwedeng hindi tayo magseryoso sa

loob ng silid-aralan‚ ngunit kung hindi naman tayo responsible sa ating mga ginagawa ay huwag

tayong umasa sa mataas na grado na ating pwedeng matanggap. Ang pag-aaral ay hindi dapat

sinasayang at ang pakikinig sa klase sa loob ng silid-aralan ay isa nang malaking kawalan sa atin.

Epekto ng iba't ibang makabagong teknolohiya sa mga empleyado.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Schools Division ng Bulacan
Asian Institute of Science and Technology
Plaza Naning Victoria Bldg. Baliwag, Bulacan

Ang kahalagahan naman ng pakikinig sa klase ay ikaw ay hindi kakabahan sa ano mang mga

gawain sa loob ng silid aralan ang ibigay saiyo‚ dahil alam mo na ikaw ay nakinig sa klase. Alam

mo ang iyong isasagot‚ kumpleto ang iyong kaalaman tungkol sa topic na iyon at meron kang

sapat na impormasyon at mga detalye. Bakit nga ba mas pinipili ng ibang mga estudyante ang

hindi pakikinig sa klase? Sa papel na ito ay malalaman at makikita ang kahalagahan ng pakikinig

sa klase at kung ano ang mga magandang epekto nito sa mag-aaral ngunit mailalahad din ang

hindi positibong epekto ng hindi pakikinig sa klase sa academic performance ng mga mag-aaral.

II. Layunin

Layunin dito na maipakita kung gaano kahirap ang mararanasan ng isang estudyante kung hindi

sila makikinig sa klase‚ layunin na maipakita ang negatibong epekto nito at kung may positibo

na kakalabasan. Ang gustong makamit dito ay maging responsible ang mga estudyante pagdating

sa pag-aaral dahil malalaman nila ang kahirapan sa bawat gawain kung hindi sila makikinig ng

maayos o hindi nila bibigyan ng pokus ang klase. Ipapakita rin dito ang kahalagahan ng

pakikinig sa klase at kung pano mapapadali sa pagaaral ang mga estudyante kung sila ay

makikinig sa bawat klase‚ maipapakita rito ang magiging hadlang sa isang estudyante kung hindi

nila papahalagahan ang bawat klase na dumadaan.

Layunin nitong masagot ang mga positibong epekto ng pakikinig at negatibong epekto sa hindi

pakikinig sa klase :

a. Ano-ano ang mga posibilidad na mararamnasan ng mga estudyante sa hindi pakikinig sa

klase‚ tukuyin sa mga sumusunod :

1. mapanatili ang pagiging magaling sa klase

2. kawalan ng isasagot sa mga tanong

Epekto ng iba't ibang makabagong teknolohiya sa mga empleyado.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Schools Division ng Bulacan
Asian Institute of Science and Technology
Plaza Naning Victoria Bldg. Baliwag, Bulacan

3. pagkalito sa bawat gawain

4. pagkawalan ng pake sa mga itatakdang gawain

b. Gaano kalaki ang pagkakaiba ng mga estudyante na hindi nakikinig sa klase sa mga

estudyante na nakikinig sa klase?

c. Paano malalabanan ng mga estudyante ang sarili nila mismo na tigilan ang pagiging

irresponsible sa loob ng silid-aralan?

III. Suliranin

PAKSA : EPEKTO NG HINDI PAKIKINIG AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG SA

KLASE SA ACADEMIC PERFORMANCE NG ESTUDYANTE

PANGKALAHATAN : Nais dito malaman ang mga epekto sa academic performance ng mga

estudyante sa hindi pakikinig sa klase at ang pakikinig sa klase‚ pokus nito na malaman ng mga

estudyante kung gano kalaki ang nawawala sa kanila sa hindi pakikinig sa klase at kung gano

kalaki ang matutulong sa kanila kung makikinig sila sa klase.

MGA TIYAK NA SULIRANIN

Epekto ng iba't ibang makabagong teknolohiya sa mga empleyado.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Schools Division ng Bulacan
Asian Institute of Science and Technology
Plaza Naning Victoria Bldg. Baliwag, Bulacan

TANONG PANANALIKSIK 1 : Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng hindi

pakikinig sa klase sa mga estudyante?

TANONG PANANALIKSIK 2 : Ano ang lebel ng academic performance ng mga estudyante

sa loob ng silid-aralan?

TANONG PANANALIKSIK 3 : Ano ang kahalagahan ng pakikinig at hindi pakikinig sa klase

sa academic performance ng mga estudyante?

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil ilalahad dito na hindi magandang gawain ang hindi

pakikinig sa klase‚ malalaman dito ang iba’t ibang epekto nito sa mga estudyante mapapositibo o

negatibong epekto man nito sa academic performance ng mga estudyante.

MGA ESTUDYANTE : ay makakakuha ng malaki at maraming mga mapagkakatiwalaan na

impormasyon at detalye rito‚ malalaman nila ang mga negatibong epekto nito sa kanila kung

sakaling hindi sila makikinig sa klase at kung gaano nakakatulong sa academic performance nila

ang pagpopokus sa pakikinig sa klase

IBANG MANANALIKSIK : Makakatulong ito sa ibang mga mananaliksik upang makakuha

sila ng mga kaalaman tungkol sa epekto sa academic performance ng estudyante sa hindi

pakikinig sa klase‚ magkakaroon sila ng sapat na kaalaman upang maisagawa nila ang kanilang

papel pananaliksik

MGA GURO : Sa mga guro naman ay malalaman nila kung ano ang mga kilos ng kanilang

estudyante kung bakit hindi masyadong maganda ang academic performance nito sa loob ng silid

aralan‚ makikita nila at malalaman ang pagkakaiba ng ugali ng kanilang estudyante

Epekto ng iba't ibang makabagong teknolohiya sa mga empleyado.


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Gitnang Luzon
Schools Division ng Bulacan
Asian Institute of Science and Technology
Plaza Naning Victoria Bldg. Baliwag, Bulacan

V. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang papel pananaliksik na ito ay nakatuon sa magandang epekto at hindi positibong epekto sa

academic performance ng isang estudyante kung sila ay makikinig at hindi makikinig sa

klase‚ ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga epekto nito :

1. mapanatili ang pagiging magaling sa klase

2. kawalan ng isasagot sa mga tanong

3. pagkalito sa bawat gawain

4. pagkawalan ng pake sa mga itatakdang gawain

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagpili ng mga respondenteng hindi

mahihirapan dahil sila ay may mga sariling karanasan na‚ at ang mga estudyante na ito ay

maaaring galing sa paaralan ng ( AISAT ) ASIAN INSTITUTE OF SCIENCE AND

TECHNOLOGY.

Epekto ng iba't ibang makabagong teknolohiya sa mga empleyado.

You might also like