You are on page 1of 29

Pangunang Lunas

para sa mga Karaniwang


Pinsala at Kondisyon
Modyul sa Health 5
Ikaapat na Markahan-Linggo 2-8

https://www.google.com/search?q=basic+principle+for+first+aid&client=firefoxa&rls=org.mozilla:enUS:official&c

Inihanda ni
DON DON B. GUMPAD

Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Cordillera Administrative Region
Sangay ng Lungsod ng Tabuk
Purok 02, Bulanao Norte, Lungsod ngTabuk

Inilathala ng:
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum-
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2021

‘’Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293; Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangang muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensya ay ang patawan ng bayad na
royalty bilang kondisyon.”

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin
kung para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division


partikular ng Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng Lungsod ng Tabuk bilang pagtugon sa implementasyon ng K
to 12 Curriculum.
Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon-CID, Sangay ng
Lungsod ng Tabuk. Nilalayon nitong mapabuti ang pagganap ng mga mag-aaral
partikular sa MAPEH (Health).

Petsa ng Pagkabuo : Enero 2021


Paaralan : Appas Elementary School
Northern Tabuk District 1
Schools Division of Tabuk City
Asignatura : MAPEH (HEALTH)
Baitang : 5
Uri ng Materyal : Modyul
Wika : Filipino
Pamamahagi ng Oras : Ikaapat na Kwarter/Week 2-Week 8

Pamantayang sa Pagkatuto : (a) Naipapaliwanag ang bawat panuntunan sa


Pangunang lunas (H5IS-IVb35)

(b) Naipapamalas ang nararapat na


pangunang lunas para sa mga
Karaniwang Pinsala at kondisyon
(H5IS-IV-cj-36)

iii
PASASALAMAT

Taos pusong nagpapasalamat ang may-akda sa mga walang sawang


tumulong upang matapos ang modyul na ito.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: DON DON B. GUMPAD

Tagaguhit: ROXANNE MAE A. SANGDAAN

Editor:

TEOFILA P. AGSUNOD LORIET L. IYADAN


Librarian II Project Development -Officer II

TAGASURI

IMELDA L. HABAN HENRY M. ALUNDAY


Punungguro I Pangdistritong Superbisor, NTD 1

FELICISIMO A. FELIX
Pandibisyong Superbisor, MAPEH

TAGAPAMAHALA

IRENE S. ANGWAY, PhD, CESO VI


Officer In-charge
Office of the Schools Division Superintendent

FELICIANO L. AGSAOAY JR.


Officer in Charge
Office of the Assistant Schools Division Superintendent

HELEN B. ORAP RAMONCHITO A. SORIANO


Education Program Supervisor-LRMDS Chief Education Supervisor, CID

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Pabalat…… …………………………………………….……………….. i
Karapatang Sipi …………………………………………………………. ii
Paunang Salita ……………………………………..………………….. iii
Pasasalamat ……………………………………………………..….. … iv
Talaan ng Nilalaman …………………………..………………………. v
Title Page ……………………………………..………………….……… 1
Alamin ………………….……………….….……………….…… ……. 2
Subukin …………………..…………………………………..………… 3
Aralin 1: Panuntunan sa Pangunang Lunas
Balikan ………….………………………………………………………. 4
Tuklasin …………..………….………………………………………… 4
Suriin ……………………………..……………………………………… 6
Pagyamanin ……………….……………………………………………. 8
Isaisip ……………………..……………………………………………… 8
Isagawa ……………………………….…………………..……………… 9
Aralin 2: Pangunang Lunas para sa mga Karaniwang Pinsala at Kondisyon
Balikan ………….………………………………………………………. 10
Suriin ……………………………..……………………………………… 11
Pagyamanin ……………….……………………………………………. 17
Isaisip ……………………..……………………………………………… 17
Isagawa ……………………………….…………………..……………… 18
Tayahin ……………………………….…………………………………… 19
Karagdagang Gawain …………….……………………………………… 21
Susi sa pagwawasto …………………………………………..……….. 15
Sanggunian …………………………………………….………………… 16

v
Pangunang Lunas
para sa mga Karaniwang
Pinsala at Kondisyon
Modyul sa Health 5
Ikaapat naMarkahan-Linggo 2-8

Inihanda ni
DON DON B. GUMPAD

Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Alamin

Ang araling ito ay tungkol sa pagbibigay ng nararapat na pangunang lunas para sa mga
karaniwang pinsala at kondisyon.

Ano ang iyong gagawin kung may kakilala kang nakaranas ng sakuna? Paano mo agarang
magagamot ang isang taong kinagat ng aso? Ano ang maaari mong gamitin upang
mabawasan ang sakit na nararamdaman ng isang taong nakararanas ng balinguyngoy.

Sa pagbibigay ng pang-unang lunas, ikaw ay kailangang maging listo at maingat sapagkat


ang buhay ng biktima ay maaaring nasa panganib. Ang kaalaman at kasanayang mapupulot
sa araling ito ay maaring makapagsagip ng buhay lalo na sa sakuna.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Aralin 1- Naipapaliwanag ang bawat panuntunan sa Pangunang lunas

Aralin 2- Naipapamalas ang nararapat na pangunang lunas para sa mga


Karaniwang Pinsala at kondisyon

Subukin

Bago mo umpisahang pag-aralan ang modyul na ito, kunin muna ang madaling
pagsusulit na ito upang malaman kung gaano kalawak ang iyong nalalaman ukol sa
paksa.

Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga panuntunan sa pangunang lunas maliban sa isa.

A. Tiyakin kung ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o


karamdaman.
B. Unang isaalang-alang nag kaligtasan ng napinsala.
C. Magsagawa ng Pangunang Pagsusuri.
D. Panooring ang biktima

2
2. Ang mga sumusunod ay pangunang lunas ng taong nakakain ng lason maliban
sa Isa.
A. Painumin ng maraming tubig upang mapanatili ang iyong katawan na
hydrated at magpahinga.
B. Kumuha ng isang basong mainit-init na tubig, magdagdag ng ilang patak
ng lemon o kalamansi at lagyan ng kaunting asukal at asin.
C. Kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya upang
mapigilan ang lason.
D. Takpan ang bibig ng tela
3. Kung hindi kakayanin o lumalala ang naramramdaman ng pasyente maari ng
sumangguni sa ______________?
A. Guro C. Kaibigan
B. Doktor D. Inhenyero

4. Alin sa mga sumusunod ang pinsala o kondisyon na kung saan ang kalaman sa
parte ng katawan ay kadalasang namamanhid.
A. paso C. pulikat
B. pilay D. pagkalason sa pagkain

5. Naglalaro sina Bentong at Lito. Napansin ni Bentong na nagdurugo ang ilong ni


Lito. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hahayaan na lamang niya ito.
B. Paupuin ng tuwid at iyuko nang bahagya paharap ang ulo at pisilin ang
malambot na bahagi ng ilong sa ibabang bony bridge.
C. Pisilin ang ilong para hindi lumabas ang dugo
D. Paupuin ng tuwid at patingalain nang bahagya ang ulo.

6. Habang ikaw ay nagbabalat ng suha aksidente mong nasugat ng kutsilyo ang


iyong kamay anong pangunang lunas ang dapat mong gawin?
A. Hugasan ang mga kamay na nasugatan ng malinis na tubig at sabon.
B. Lagyan ng alkohol ang nakabukang sugat
C. Huwag nang ituloy ang pagbabalat
D. Kumonsulta sa Doktor

7. Isang pangyayaring hindi inaasahan na nakapagdudulot ng pinsala sa mga tao.


A. Aksidente C. Biktima
B. Pagtatanim ng Puno D. Kaarawan

8. Tawag sa tao na napinsala ng isang hindi inaasahang pangyayari.


A. Biktima C. Magnanakaw
B. Mangagamot D. Tagalapat-lunas

9. Isang uri ng sasakyan na ginagamit tuwing may emergency tulad ng isang


pasyenteng patungong ospital.
A. Motorsiklo C. Ambulansiya
B. Pison D. Kuliglig
10. Abstraktong bagay na ating ibinibigay sa mga taong nangangailangan.
A. Pagkain C. Tulong
B. Relief Goods D. Kaligtasan

3
Aralin

1 Panuntunan sa Pangunang Lunas

Handa ka na bang alamin ang mga panuntunan ng Pangunang Lunas. Sa araling ito
tatalakayin ang mga panuntunan ng pangunang lunas at kung bakit mahalagang
masunod ang mga ito.

Balikan
Isulat ang TAMA sa inyong sagutang papel kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at MALI kung hindi wasto.

1. Ang pangunang lunas ay may mahalagang papel na ginagampanan upang


tumulong makapagligtas ng buhay sa oras ng sakuna.
2. Naiiwasan ng pangunang lunas ang paglala ng mga pinsalang natamo o
naramdaman.
3. Ang pangunang lunas ang dahilan kung bakit nadagdagan ang kirot o sakit na
nararamdaman ng taong napinsala.
4. Ang taong magbibigay ng pangunang lunas ay may sapat na kaalaman at
kasanayan.
5. Ang sakuna ay isang biglaang pangyayari.

Tuklasin

Napakagaling mo naman. Siguradong handang handa ka na sa iyong susunod na


aralin. Bago ka tumungo sa ating aralin gawin mo muna ang nasa ibaba.

Panuto: Palitan ng titik ang bawat bilang sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod-
sunod ng alpabetong Ingles upang mabuo ang mga salita/ pangungusap.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15
A B C D E F G H I J K L M N O

16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
P Q R S T U V W X Y Z

4
20 9 25 1 11 9 14 11 21 14 7 12 9 7 20 1 19

1.
14 1 12 1 16 1 20 1 14 1 14 7 2 9 11 20 9 13 1

21 14 1 14 7 9 19 1 1 12 1 14 7 1 12 1 14 7
I
2. -

1 14 7 11 1 12 9 7 20 1 19 1 14

13 1 7 19 1 7 1 23 1 14 7

3.
16 1 14 7 21 14 1 14 7 16 1 7 19 21 19 21 18 9

9 19 1 7 1 23 1 1 14 7 13 1 4 1 12 9 14 7

4
1 11 19 9 25 15 14 15 11 9 12 15 19
.

8 21 13 9 14 7 9 14 7 20 21 12 15 14 7
5.

2 18 5 1 20 8 9 14 7
6.

7. 3 9 18 3 21 12 1 20 9 15 14

8. 19 21 7 1 20

9. 11 1 2 71 112 20
9 14 14
7 21
7 25 14
8 71 15
25 25
15 16

5
10. 2 1 12 9 14 7 21 25 14 7 15 25
.

Suriin

Mga panuntunan ng Pangunang Lunas

1. Tiyakin kung ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o


karamdaman. Mahalagang maging mapanuri bago lapitan ang biktima at umpisahang
bigyan ng pangunahing lunas. Suriin ang lugar . Magmasid sa paligid at siguraduhing
ligtas na lapitan ang biktima at hindi ka mismo mapahamak sa paglapit. Siguraduhin
na walang dagdag ng kapahamakan na idudulot sa biktima ang paglapit at paglapat
ng lunas. Alamin muna kung ano ang karamdaman ng pasyente. Kapag ito ay
karaniwang pinsala kagaya ng sugat, balinguyngoy, kagat ng insekto, o paso kaagad
itong lapatan ng pangunang lunas. Subalit kung ang biktima ay nabalian ng buto o
napilyana, hindi ito maaring alisin sa kinalalagyan o ilipat ang puwesto ang katawan.
Hintayin ang mga bihasa sa paglapat ng pangunang lunas. Maaring ilipat ang
kinalalagyan ng mga taong biktima ng sunog o tubig sa pamamagitan ng paghilang
pababa at hindi patagilid. Kung walang stretcher, maaring gamitin ang kunot o board
na ilalagay sa likuran ng biktima.

2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima ng pinsala o karamdaman.


Laging isaalang-alang ang kapakanan ng biktima ng sakuna sa lahat ng pagkakataon
at dapat alamin ang pangyayaring nagaganap. Alisin kaagad sa katawan ang biktima
anumang bagay na mabigat na nakadagan o nakapatong sa kaniyang katawan. Sa
mga tao naman na biktima ng koryente kapag kasalukuyang itong nangyayari, patayin
kaagad ang pinagmumulan ng koryente at ilipat sa ligatas na lugar ang biktima.

3. Magsagawa ng pangunang pagsusuri


Kailangang suriin muna ang biktima bago lapatan ng pangunang lunas. Unahin
munang suriin ang mga may kaugnayan sa daanan at hangin, ang ibig, at ilong ng
biktima. Kung walang balakid sa daanan ng hininga, dapat na isunod na suriin ang
pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan, Dapat din
alamin kung kailanagan ng biktima ng resusitasyong kardyopulmunaryo o CPR
(Cardiopulmonary Resuscitation).

4. Isagawa ang madaliang aksiyon o kilos. Unahin ang dapat unahin.


Upang makapagligtas ng buhay ng tao, kumilos kaagad at unahin ang nararapat
gawin. Dapat tandaan ng mga tagapagbigay ng pangunahing tulong panlunas ang
ABC o mga hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng buhay bago
magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang paglalapat ng pangunang lunas.

6
Mga Pangunahing Kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunahing Tulong-Panlunas
A - Airway o Daanan ng Hangin
Suriin ang bibig at ilong bilang daanan ng hangin. Ang mga may malay na mga
tao ay kakakpagpapanatili ng pagkakabukas ng sarili nilang daanan ng hinga. Subalit
kung walang malay ang biktima, wala itong kakayahang panatilihing bukas ang
daanan ng hangin. Maaring hindi gumagana ang bahagi ng utak na likas kusang
nangangasaiwa sa gawaing ito.

B - Breathing o Paghinga
Pakinggan, tingnan, at damhin ang mga senyales o palatandaan ng paghinga.
Kapag ang biktima ay hindi humihinga o nahihirapang huminga, luwagan ang kanyang
kasuotan, siguraduhing walang nakabara sa kaniyang ilong, bibig at lalamunan at
bigyan ng artipisyal na respiration.

C - Circulaton o Pagdaloy ng Dugo sa Katawan


Hanapin ang pulso sa galanggalangan (wrist) o sa leeg. Kung walang
makapang pulso, magsimula na sa chest compression.

3B o Mga Gawaing Panlunas


Ito ang ang dapat suriin at lutasin ng tagapagbigay lunas ang anumang suliranin
kaugnay sa buga ng paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay
sa balong ng dugo mula sa katawan ng pasyente, at mga baling buto.
◼ Breathing o Buga ng Paghinga (Bantay-hininga)

◼ Bleeding o Balong ng Dugo

◼ Broken bones o Baling buto

5. Humingi ng Tulong
Kapag walang sapat na kaalaman sa paglalapat ng pangunang lunas, huwag
mag-atubiling humingi ng tulong sa mga eksperto o espesyalista upang makapagsalba
ng isa o mahigit pang buhay.

7
Pagyamanin

Isaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng
katangian o paglalarawan

GINULONG TITIK NABUONG SALITA IBIG SABIHIN


Isang pangyayaring hindi inaasahan na
DEENTSIKA nakapagdudulot ng pinsala sa mga tao
AMITKIB Tawag sa tao na napinsala ng isang
hindi inaasahang pangyayari
Bagay na dapat nating sinisiguro at
TAGLIAKSAN isinaalang-alang sa pang-araw-araw
nating pamumuhay upang hindi tayo
mapahamak
LONGTU Abstraktong bagay na ating ibinibigay
sa mga taong nangangailangan
HYAUB Ito’y mahalaga sa bawat isa sa atin.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel


1. Ano-ano ang mga panuntunan ng pangunang lunas.
_____________________________________________________________
2. Bakit kailangan nating sundin ang mga panuntunan ng pangunang lunas?
_____________________________________________________________
3. Bakit kailanga nating tulungan ang mga napinsala o may karamdaman?
_____________________________________________________________
4. Bakit kailangan suriin ang lugar at magmasid bago lapitan ang biktima?
_____________________________________________________________
5. Ano ang dapat mong gawin kapag may napinsala sa isa sa iyong mga kamag-
aral o kaibigan ngunit hindi mo alam and lapat ng pangunang lunas?
_____________________________________________________________

8
Isagawa

https://www.google.com/search?

US&sa=X&ved=2ahUKEwiI6ePxiKzuAhWSuJQKHbNtDPMQrNwCKAJ6BAgBEF8&biw=1124&bih=539#imgrc
=uSRLNS534iE_RM
1. Batay sa mga larawan, ano-anong sitwasyon ang inyong nakikita.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

2. Ano-ano ang mga maaring mangyari sa mga taong ito kung walang tutulong
sa kanila.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

3. Kung ikaw ay nasa paligid ng pinangyarihan ng mga sitwasyon sa larawan,


ano ang inyong gagawin upang makatulong sa mga taong ito.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

9
Aralin
Pangunang Lunas para sa mga
2 Karaniwang Pinsala at Kondisyon

Ang kaalaman at kasanayang mapupulot sa araling ito ay maaring


makapagsagip ng buhay maging kaibigan, kamag-anak, o sarili.

Ang sakuna at karamdaman ay walang pinipiling panahon at lugar. Maaring


mangyari ang mga ito kanino man, maging sa bahay, paaralan, lugar ng
hanapbuhay o pasyalan. Sa araling ito mapag-aaralan at matututuhan ang
mga karampatang lunas na ibinibigay para sa mga biktima ng mga
karaniwang pinsala at kondisyon.

Balikan

Isulat ang TAMA sa inyong sagutang papel kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at MALI kung hindi.

1. Mainam na matuto ng nararapat na pangunang lunas para sa iba’t-ibang pinsala o


karamdaman.
2. Maari nang dalhin sa pagamutan ang biktima kapag nalapatan na siya ng
pangunang lunas.
3. Maging alerto at handa sa pagdating ng anumang sakuna.
4. Kapag nasugatan ay dali-dali itong ibabad sa mainit at kumukulong tubig.
5. Mahalagang malaman ang nararapat na pangunang lunas para sa mga karaniwang
pinsala o karamdaman.

10
Suriin

Karaniwang Pinsala at Kondisyon Pangunang Lunas


Karaniwang hindi nangangailangan ng daliang
1. Sugat/ Wound pagdadala sa ospital. Maaaring gawin ang mga
sumusunod na pamamaraan:

a. Hugasan ang mga kamay na nasugatan ng


malinis na tubig at sabon. Gumamit ng sterilized
tweezers kapag nililinisan ang ilalim na bahagi ng
sugat na natakpan nang nakalaylay na balat.
Huwag lagyan ng alcohol, patak ng iodine, o
merthiolate ng direkta sa nakabukang sugat
upang maiwasang mapinsala ang laman at
mapadali ang pagpapagaling ng sugat. Linisin
ang sugat gamit ang hydrogen peroxide. Iwasang
maglagay ng antibiotic, cream, o ointment kapag
hindi na nalinisan nang mabuti ang sugat.

b. Pagpapatigil sa pagdurugo gamit ang malinis


na tela o bulak.

c. Linising mabuti ang sugat mas mainam na


patagalin ang sabon sa loob ng sugat upang
maiwasan ang mikrobyo, banlawang mabuti.
d. Lagyan ng gamot o antibiotic.

e. Takpan ang sugat ng bandage.

f. Palagiang palitan ang mga bandage ng sugat


isang beses sa isang araw.

https://www.fairview.org/sitecore/content/Fairview/ g. Kung malalim ang sugat nangangailangan


Home/Patient-Education/Articles
itong tahiin sa malapit na health center o ospital.

h. Suriing mabuti ang sugat at palagiang tingnan


ang mga sintomas o palatandaan ng impeksiyon.
Kung may impeksyon paturukan ng anti-tetanus
ang pasyente.

11
2. Pagdurugo ng Ilong Ang balinguyngoy o pagdurugo ng ilong ay isang
karaniwang kondisyon ng nangangailangan din
ng karampatang lunas.

a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa


sandalan ng upuan. Kinakailangan ito upang
mabawasan ang presyon ng dugo sa veins ng
ilong at maiwasan ang pagdaloy ng dugo pabalik
sa iyong katawan

b. Imasahe ang ilong ng pasyente at huminga


sa bibig habang ito ay isinasagawa. Ito ay
isinasagawa upang maiwasan ang patuloy na
pagdurugo ng ilong. Kapag ang pagdurugo ay
hindi huminto pagkatapos ng 20 minuto,
maglagay ng malamig na panyo o bimpo (cold
compress) sa noo at sa nose bridge.

c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo


iwasan ang pagsinga at huwag yumuko
nangangailangan ang ganitong kondisyon na
mapanatili na mas mataas ang iyong ulo kaysa
sa iyong puso.

https://www.google.com/search?q=pagdurugo+ng+ilong&tbm= d. Kapag hindi pa rin huminto ang pagdurugo sa


is
dalawang beses na pagbibigay ng pangunang
lunas, mas mabuting sumangguni o dalhin
kaagad ang biktima sa doktor.

12
3. Kagat ng Insekto Karamihang reaksiyon ng kagat ng insekto ay
ang pamumula, pangangati at pagkairitable.

a. Alisin sa lugar ang pasyente kung saan ito


nakagat.

b. Hugasan ang bahaging nakagat ng insekto.

c. Maglapat ng cold compress o kaya ay isang


tela na may malamig na tubig o puno ng yelo.

d. Maari ring gamitin sa paghugas ang alcohol,


suka, katas ng lemon o kalamansi sa bahaging
nakagat upang maiwasan ang pangangati. Kung
wala ka sa bahay nito maaari ka ding gumamit ng
bawang at ikiskis (rub) sa bahagi ng nakagat.

e. kung tuluyang lumala ito dalhin sa


pinakamalapit ng health center o ospital.
https://www.google.com/search?q=insect+bites

4. Kagat ng Hayop Kagat ng Aso o Pusa


a. Rabies ang nakukuha ng biktima sa kagat ng
aso o pusa. Ang Rabies ay dulot ng virus na may
malalang epekto sa central nervous system.
Nagmula ang virus na ito sa kagat o laway ng
isanghayop na tagapagdala ng rabies. Bawat
dapuan ng rabies ay tiyak na kamatayn ang
sasapitin kung hindi mabibigyan ng agarang
lunas.
a. Kung may malay ang pasyente tanungin kung
saan bahagi siya nakagat. Kung walang malay o
hindi makausap, hanapin ang bakas ng kagat.
b. Linisan ng mabuti ang sugat gamit ng tubig at
sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang
pagkalat ng impeksiyon dala ng iba pang duming
karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maari
rin itong makatulong sa pagpigil at at pagkalat ng
virus ng rabies.
c. Paduguin ang sugat mula sa kagat ng aso at
pusa, o anumang hayop na may rabies. Gawin ito
https://www.google.com/search?q=hand+first+aid+for+dog+bit habang hinuhugasan ang bahaging nakagat
e pahiran ito ng alkohol, povidone-iodine, o gamot
pansugat.

13
d. Huwag kalimutan ipagbigay alam sa may-ari
ng alagang hayop na nakagat ng pasyente.
Alamin kung saan nakatira kunin din ang numero
sa telepono o cellphone upang maging madali
ang koordinasyon lalo na’t kailangang
obserbahan din ang kaniyang alaga.
e. Kung may mapapansin kang palatandaan ng
may impeksyon, tulan ng pamamaga, pamumula,
nadagdagan ang sakit, dalhin kaagad sa
pinakamalapit na health center o ospital.
5. Kagat ng Ahas/ Snake Bite a. Panatilihing nakaupo at iwasang igalaw ng
biktima ang kaniyang katawan. Ang paggalaw ng
katawan gaya ng paglalakad ay
nakakapagpapabilis ng pagkalat ng kamandag
ng kagat ng ahas sa katawan. Paupuin siya sa
puwestong ang bahaging nakagat ng ahas ay
mababa sa posisyon ng puso.

b. Gumamit ng kurbata, situron, telang mahaba, o


lubid sa pagtali sa bandang braso o binti, na may
apat hanggang anim na pulgada sa itaas ng
https://www.google.com/search?q=bandage+snake+bite&tbm
=isch&ved=2ahUKEwic3- sugat.

c. Kapag may snake -bite kit, gamitin ang


extractor upang makapagtanggal ng mas
maraming kamandag. Sunda ang direksiyong
nakasulat sa kit. Maging maingat ngunit mabilis
ang pagkilos. Kung walang snake-bite kit pigain
ang sugat upang matanggal ang kamandag
hanggat makakaya ng pasyente.

d. Ang kamandag ng ahas ay maari ding sipsipin


ng taong walang sugat na bukas o hiwa sa loob
at labas ng kaniyang bibig. Habang sinisipsip,
https://www.google.com/search?q=snake+bite+kit&tbm=isch& ibuga ang kamandag palabas at pagkatapos ay
ved=2ahUKEwju1YP
linising mabuti ang loob ng bibig ng sumipsip ng
kamandag.
e. Pagkatapos tanggalin ang kamandag,
hugasan ang bahaging nakagat ng ahas ng
sabon at maligamgam na tubig.

f. Kung hindi ito kayang gawin mas mabuting


tumawag ng doktor.

14
6. Paso Nangangailangan ng agarang pansin ang isang
pasyenteng napaso kung ito ay malubha at
magdudulot sa pasyente ng iritableng
pakiramdam at labis ng sakit.

a. Dagling ibabad ang napasong bahagi sa


malamig na tubig sa loob ng 10 minuto upang
maibsan ang sakit.

b. Kung mayroong mga Iintos, huwag itong


tusukin. Panatilihin itong tuyo at malinis. Huwag
bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng
langaw. Takpan ang may pinsalang bahagi ng
malinis na damit. Plantsahin muna ito bago
gamitin.

c. Kung malaking bahagi ng katawan ang


napaso, dalhin agad ang pasyente sa
pinakamalapit na pagamutan. Huwag gagawa ng
anuman sa pasyente. Pahigain at takpan siya ng
malinis na damit upang manatiling mainit.

d. Kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa


tubig na may asin sa loob ng 20 minuto
pagkaraan ng 24 oras. Haluan ng ½ tasang asin
https://www.google.com/search?q=Burn+first+aid+sabila+with
+aloevera&tbm ang isang palanggana o kaya'y isang timba ng
mainit-init na tubig. Ibabad ang napasong bahagi
minsan isang araw sa loob ng tatlong (3) araw
hanggang matuyo ang paso.

e. Sabunin at hugasan ang sabila. Dikdikin ito at


katasin. Lagyan ng katas ng sabila ang bahaging
may pinsala pagkatapos na maibabad sa malnit-
init na tubig na may asin, minsan isang araw.
7. Pagkakalason sa Pagkain Ang pagkalason sa pagkain sa nagmumula o
sanhi sa mga kagamitang ginamit at sa uri ng
pagkaing kakainin. Narito ang ilang paraan upang
bigyan ng pangunang lunas ang taong nalason.

a. Tiyakin na nakainom ng maraming tubig


upang mapanatili ang iyong katawan na hydrated
at magpahinga.

15
https://www.google.com/search?q=pagkalason+sa+pagkain&t
bm=isch&ved=2
b. Kumuha ng isang basong mainit-init na tubig,
magdagdag ng ilang patak ng lemon o kalamansi
at lagyan ng kaunting asukal at asin, ipainom ito
sa pasyente.

c. Kumain ng isang kutsarang pulot o honey na


may katas ng luya upang mapigilan ang lason.

d. Kung ngtagal pa ang pagsusuka at pagtatae


ng higit sa isang araw sumangguni na sa doktor.

8. Pinsalang Musculoskeletal Pilay (sprain/strain)


a. Itaas ang napinsalang bahagi sa maayos at
komportableng posisyon at lagyan ng malamig na
pantapal (cold compress) o lapatan ng yelong
nababalot sa damit ang napinsalang bahagi,
talong beses maghapon.
b. Pagkatapos ng ilang araw\, maligamgam
naman na pantapal (warm compress) ang ilagay
hanggang sa mawala ang pamamaga.
c. Kapag namamaga pa rin ang napinsalang
https://www.google.com/search?q=pilay+cold+compress&tbm
=isch&ved=2ahUKEwj
bahagi, dalhin sa malapit na pagamutan upang
matignan sa pamamagitan ng x-ray.
Pulikat (muscle cramps)
a. Pahingahin ang bahagi ng katawan na may
pulikat. Ihinto ang ginagawa na naging sanhi
nang labis na paggamit ng kaalaman at pagtigil
sa isang posisyon sa matagal na panahon.
b. Marahang unatin at masahiin ang namamanhid
na kalamnan hanggang sa ito ay mawala.
c. Ilagay ang cold pack sa bahaging may pulikat
upang ma-relax ang naninigas na mga kalamnan,
https://www.google.com/search?q=pulikat+sa+paa+pangunan
gumamit ng mainit na bimpo o heating pad o
g+lunas&tbm gumamit ng mainit na tubig kapag maliligo.
Pagkabali ng buto at Pagkatanggal ng Buto sa
Kinalalagyan o Puwesto (dislocation)

a. Iwasang galawin sa kinalalagyan ang taong


napinsala.
b. Buhatin lamang ang biktima kapag maayos na
ang pagkakapuwesto sa stretcher patungong
sasakyan o ambulansiya.
https://www.google.com/search?q=dislocation+first+aid&tbm=i
sch&ved=2ahUKEwjYo
c. Isugod ang pasyente sa malapit na
pagamutan.

16
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga larawan. Sa anong pinsala o kondisyon ginagamit ang mga
sumusunod na mga bagay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.
. .

Cold and Hot compress


https://www.google.com/search?q=agua+oxigenad https://www.google.com/search?q=cold+compress&tbm https://www.google.com/search?q=bandage

5.
4.

https://www.google.com/search?q=lemon https://www.google.com/search?q=alcohol

Isaisip

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa kahon at sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

Tapos na ang klase. Masayang umuwi ang magkakaibigan. Habang


nasa daan ay nagkakantahan at nagtatawanan pa sila. Hindi nila namalayan
ang asong gala sa kalye na naapakan ni Berto. Mabilis ang mga pangyayari
kung kaya’t nakagat siya ng aso.

17
1. Ano ang maari mong gawin upang malapatan siya ng pangunang lunas.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit kailangang lunasan kaagad ang mga karaniwang pinsala o kondisyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng pagsulat sa kahon kung paano mo


maipapamalas ang nararapat na pangunang lunas para sa mga karaniwang pinsala
at kondisyon

1.
.

https://www.google.com/search?q=nosebleed

2.
.

https://www.google.com/search?q=dog+bite

18
3.
.

https://www.google.com/search?q=burnt

4.
.
https://www.google.com/search?q=wounded

5.
.
https://www.google.com/search?q=insect+bite

Tayahin

a. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa mga panuntunan sa pangunang
lunas?
A. Sumugod agad sa pinangyarihan ng sakuna at iligtas ang biktima
B. Magsagawa ng pangunang pagsusuri
C. Isagawa ang madaliang kilos
D. Humingi ng Tulong
2. Bakit dapat nating sundin ang mga panuntunan sa pangunang lunas?
A. Upang tayo ay maging sikat
B. Upang pasalamatan tayo ng biktima
C. Upang mailigtas natin nang maayos ang biktima

19
D. Upang maipabalita sa telebisyon na ikaw ang tumulong sa biktima
3. Bakit kailangang suriin ang lugar bago lapitan ang biktima?
A. Upang makita ng malapitan ang biktima
B. Upang malaman kung ligtas ang lugar sa pagbibigay ng pangunang lunas

C. Upang malaman kung may kayamanan sa lugar na maaring pakinabangan


D. Upang makita kung may mamahaling gamit ang biktima
4. Ano ang maaring mangyari kung hindi pag-iisipan ang pagbibigay ng pangunang
lunas sa mga biktima ng sakuna o aksidente?
A. Maililigtas natin ang biktima
B. Mabibigyan tayo ng parangal
C. Lalaki ang sugat ng biktima
D. Lahat ng nabanggit
5. May kaklase kang nahimatay sa loob ng silid-aralan at wala kang kaalaman sa
pagbibigay ng pangunang lunas. Ano ang gagawin mo?
A. Hihingi ng tulong sa may kaalaman sa pangunang lunas
B. Paypayan ko siya nang paypayan hanggang magising
C. Iiwanan ko na lang siya sa loob ng aming silid-aralan
D. Tatawanan at hintayin na magising
6. Bakit mahalaga ang pangunang lunas?
A. Naiibsan ang sakit na nararamdaman ng biktima
B. Napapaginhawa ang pakiramdam ng biktima
C. Nadudugtungan ang buhay ng biktima habang wala pa ang manggagamot.
D. Lahat ng nabanggit
7. Ano ang tawag sa pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga at
pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
A. Bayanihan C. CPR
B. Medikasyon D. Pangunang Lunas
8. Masaya kayong tumutulong na magkakapatid sa pagluluto ng inyong ina ng ulam
sa darating na tanghalian sa hindi inaasahan ang kapatid mo ay nasugatan habang
naghihiwa ng sangkap na gagamitin para sa ulam. Ano ang pangunang lunas na
maari mong isagawa para hindi lumala ang sugat?
A. Lagyan ng malamig na panyo o bimpo sa noo at ilong.
B. Ibuka ang bibig upang makahinga
C. Hugasan gamit ang sabon at tubig at linising mabuti upang matanggal ang
dumi.
D. Masahiin ang nasugatan.
9. Bakit kailangan nating sundin ang mga panuntunan ng pangunang lunas?
A. Para matiyak ang kaligtasan ng taong naaksidente at ng sarili.
B. Para maging magaling sa lahat ng bagay
C. Para maging sikat sa mga taong naililigtas
D. Wala sa nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod ang Virus na nakukuha sa kagat o laway ng isang
hayop na sumisira at nagbibigay ng malalang epekto sa ating Central Nervous
System.

A. Coronavirus C. Dengue
B. Influenza Virus D. Rabies

20
Karagdagang Gawain

Magtala ng pangkaraniwang uri ng aksidente na nangyayari sa bahay at


isulat ang mga wastong pamamaraan kung paano ito binibigyan ng mga pangunang
lunas (first aid) Maaring magtanong sa inyong mga magulang o sa inyong Barangay
Health Worker.

21
22
Balikan Pagyamanin
1. T 1. Hydrogen Peroxide 3. Bandage 5. alcohol
2. T - Sugat (wound) - sugat (wound) -kagat ng insekto
3. T - kagat ng ahas
4. M 2. Hot and cold compress - pagkabali ng buto
5. T -Pagdurugo ng ilong
- kagat ng insekto 4. Lemon
- pilay (srain) - Pagkalason
-pulikat (muscle cramps)
Isaisip: Magkaroon ng iba’t-ibang sagot ng mga bata.
Isagawa: Magkaroon ng iba’t-ibang sagot ng mga bata.
Tayahin
1. A 6.A Karagdagang Gawain
2. D 7. D Magkaroon ng iba’t-ibang sagot ng mga bata.
3. B 8. C
4. C 9. A
5. D 10. D
Susi ng Pagwawasto: Aralin 2
Subukin Balikan Tuklasin
1. D 1. T 1. Tiyakin kung ligtas na lapatan ang biktima
2. D 2. T 2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan
3. B 3. M 3. Magsagawa ng Pangunang Pagsusuri
4. C 4. T 4. Isagawa ang madaling aksiyon o kilos
5. A 5. T 5. Humingi ng tulong
6. A 6. Breathing
7. A 7. Circulation
8. A 8. Sugat
9. C 9. Kagat ng Hayop
10.C 10.Balinguyngoy
Pagyamanin Isaisip
1. AKSIDENTE Magkaroon ng iba’t-ibang sagot ang mga bata.
2. BIKTIMA
3. KALIGTASAN Isagawa
4. TULONG Magkaroon ng iba’t-ibang sagot ang mga bata.
5. BUHAY
Aralin 1
SUSI NG PAGWAWASTO:
TALASANGGUNIAN

Book

Gatchalian, Helen G. et al. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan; Batayang Aklat,


Quezon City: Vibal Group Inc., 2016.

Electronic Resources
https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/k-to-12-grade-5-leaners-material-in-
health-q1q4

https://www.google.com/search?q=insect+bites+cream&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQhNf7hKr
uAhUOvZQKHbfbAokQ2

http://www.google.com

DepEdCARLR#: 1324-13-21MELCS
23
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Tabuk City

City Hall compound, Dagupan Centro, Tabuk City

Email Address:lrmds.depedtabukcity@gmail.com

24

You might also like