You are on page 1of 10

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga interprestasyon mula sa mga datos na nakalap
ng mga mananaliksik. Ang bawat talahayan ay may mga naka akmang tema na inisa-isa ng mga
mananaliksik upang mas lalong maunwaan at mapadali ang pag-unawa mula sa mga nakalap na
datos.

Ang presentasyon ng mga resulta ay isinaayos batay sa pagkakasunod-sunod ng mga


tanong na ipinakita sa ibaba. Ang mga datos na nakalap ay ibinibigay sa pamamagitan ng
paggamit ng mga talahanayan kasunod ng pagkakasunod-sunod ng kaukulang suliranin sa pag-
aaral.

Tanong bilang 1. Ano-ano ang iyong mga naging karanasan sa blended learning modality?

Ang pangkalahatang reaksyon mula sa mga impormante ay lumabas na ang


nangungunang obserbasyon ay 1. Napadali na isinaad ng (3) sa (5) respondente. Ang
pangkalahatang reaksyon mula sa mga impormante ay nagpahiwatig na ang nangungunang
obserbasyon 1. Napadali na isinaad ng (3) sa (5) respondente. Sa kabilang dako, (2) sa (5)
impormante ang nagsasaad na pumapangalawa sa pinaka naobserbahan ay 2. Wastong
pamamahala ng oras. Pangatlo naman sa pinaka naobserbahan ay 3. Motibasyon na isinaad ng
(1) sa (5) impormante. Ang ikaapat ay 4. Mahirap na isinaad ng (2) sa (5) impormante. Panghuli
ay 5. Paghahambing sa karanasan na isinaad ng (1) sa (5) impormante.
TALAHAYAN 1.0
KARANASAN NG MGA MAG-AARAL HINGGIL SA BLENDED LEARNING
MODALITY
CODES OF THEMATIC CODES
CODING
PARTICIPANT

Ang naranasan ko sa blended learning ay


hindi naman ako nahirapan sa ganong
sistema dahil epiktibo ito at ako nama’y naka
1 1
sabay at ako ay nasisiyahan.

Sa aking mga karanasan sa blended learning


modality, naranasan kong makapag-aral at
1
makapagtrabaho sa sariling tahanan.
Natutunan kong mas maayos ang pag-
aasimilasyon ng mga kahalagahan sa aking

2 pag-aaral. Nakapag-adjust din ako sa


paggamit ng iba't ibang teknolohiya at
2
aplikasyon para sa mga klase at mga gawain.

1 Masaya at ito'y nagbibigay sigla sa akin dahil


makikita ko ang aking mga kamag-aral.
Napakaganda nito dahil ang guro ay maaari
ng mag-lecture sa amin na mga estudyante, at
madali naming masagot ang aming mga
3 3 module.

Ang aking naranasan sa blended learning


modality may oras akong makapagpahinga
2
ng sakto sa oras at nung una ay naging
mahirap dahil sa pagbabago ng sistema.

4 4

5 4 Masasabi kong hindi gaanong naging


maganda ang aking karanasan sa blended
learning modality, ngunit mas naging
epektibo ito kung ikukumpara sa Modular
learning modality

Nagtamo ng pinaka una sa kabuoan ay 1. Napadali na isinaad ng (3) sa (5) respondente.


Ang resultang ito ay sinuportahan ng pag-aaral nina Kurt at Yildirim (2018), ayon sa kanila,
malaking tulong umano ayon sa mga mag-aaral ang blended learning. Sa kadahilanang mas
napapadali ito o ito ay mas epektibo kung ikukumpara sa modular distance learning. Sinusugan
naman ng pag-aaral. Sinusugan naman ito ng pag-aaral nina Banihashem et al., (2022), lumabas
sa isinagawang pag-aaral na, ang mga mag-aaral ay mas madaling nakadadalo kapag blended
learning. Gayunpaman, nalaman nila na ang pinaghalong modalidad sa edukasyon o ang blended
learning ay isang epektibong plataporma para sa pag-aaral. Ayon naman sa pag-aaral nina Tang
Q. et al., (2022), nangunguna sa mga lumabas na resulta ng kanilang pag-aaral ang pagiging
epektibo ng blended learning ayon sa mga mag-aaral sa kadahilanang, ang blended learning ay
mas mabisa kung ikukumpara sa modular learning modality. Nangatuwiran din si Olivo, (2021)
na napakaraming responsibilidad na inaalala ng mga mag-aaral at hindi sapat ang kanilang oras
upang makumpleto ang mga aktibidad sa pag-aaral.

Sa kabilang dako, (2) sa (5) impormante ang nagsasaad na pumapangalawa sa pinaka


naobserbahan ay 2. Wastong pamamahala ng oras.

Ang resultang ito ay sinusuportahan ng mga pag-aaral nina Dimas V. et al., (2022), ayon
sa kanila, isa sa mga nakaaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante ay ang mga sumusunod;
kawalan ng kaalaman sa pagsagot sa mga module, mabagal na internet koneksyon, kakulangan
ng oras sa pagsagot ng modules at pinansyal na pananalapi para sa transportasyon at iba pang
gastusin na may kaugnayan sa edukasyon na nagreresulta sa mababang pagtugon nila sa kanilang
akademikong pagganap. Sinusugan naman ito ng pag-aaral ni Salamuddin A. (2021), ayon sa
kaniya, nakadepende ang pagiging epektibo ng iba't ibang modalidad sa mismong paaralan,
sapagkat sa kanila mismo magmumula ang mga aplikasyon at kung paano itataguyod ng mga
guro ang pagtuturo lalo na sa panahon ng pandemya. Sa pag-aaral naman na isinagawa ni Cortez,
P. (2020), lumabas sa mga resulta na nakaayon ang pagkatuto at pagtugon ng mga mag-aaral sa
kanilang akademikong pagganap base sa kani-kanilang lifestyle.

Pangatlo naman sa pinaka naobserbahan ay 3. Motibasyon na isinaad ng (1) sa (5)


impormante. Ayon kina Deschacht et al., (2015) ang blended learning ay maaaring mag-ambag
sa tagumpay ng mag-aaral, pagtitiis, kahusayan sa sarili, kamalayan sa sarili, at malayang pag-
aaral. Ayon din sa pag-aaral nina Boelens B. et al., 2017, nakadepende ang epekto nito sa
pamamahala ng mag-aaral, ang pagbalanse, at motibasyon na gawin o sagutan ang mga nakaatas
na gawain. Sinusugan naman ng pag-aaral na isinagawa nina Mandernach, Donnelli-Sallee, at
Dailey-Hebert (2011), inilahad nila ang mga epektibo na salik na may kaugnayan sa student
engagement tulad ng personalidad, motibasyon, effort, at kumpiyansa sa sarili. Ayon dito, ang
epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral ay magmumula mismo sa kanilang sarili at dito rin
nagdedepende ang kabihasaan nila sa kanilang akademikong pagganap.

Ang ikaapat ay 4. Mahirap na isinaad ng (2) sa (5) impormante. Panghuli ay 5.


Paghahambing sa karanasan na isinaad ng (1) sa (5) impormante. Natuklasan nina Dargo &
Dimas (2021) na bumaba ang pagganap ng mga mag-aaral pagkatapos ng pagpapakilala ng
modular distance learning (MDL). Nangangahulugan lamang ito na mas epektibo at kapaki-
pakinabang para sa mga mag-aaral ang aktwal na pagtuturo sa kanila ng mga guro. Natuklasan
din na mas marami ang negatibong epekto ng Modular Distance Learning (MDL) kaysa sa mga
positibong epekto nito sa pagkakatuto ng mga mag-aaral. Ayon sa mga sumasagot sa sarbey, may
ilang dahilan kung bakit may negatibong epekto ang modular distance learning sa pag-aaral ng
mag-aaral. Una, may kakulangan sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.
Sumunod ay masyadong marami ang mga gawain/aktibidad sa mga modyul na nagiging resulta
na hindi na nila ito masyadong natutugunan. Ayon naman sa pag-aaral nina Bacomo, A. et al.,
(2022), mayroong mga mag-aaral ang nahihirapang unawain ang kanilang mga self-learning
modules, may mga mag-aaral namang mas naglalaan ng kanilang oras at talagang binibigyan ng
importansya ang pagsagot dito. Bagaman lumabas sa resulta na ang blended learning ay gaanong
mabisa sapagkat may pagkakataong nakasasalamuha nila ang kanilang mga guro, kahit ito ay
panandalian lamang. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng interaction ang mga guro at mga
mag-aaral.

Tanong bilang 2. Magbigay ng mga naging epekto ng Blended Learning Modality sa iyong
pagkatuto?

Ang pangkalahatang reaksyon mula sa mga impormante ay nagpahiwatig na ang


nangungunang obserbasyon 1. Hindi mabuting epekto na isinaad ng (3) sa (5) respondente.
Pangalawa naman sa pinaka naobserbahan ay 2. Mabuting epekto na isinaad ng (1) sa (5)
impormante. Panghuli naman ay 3. Nakakapagod na isinaad ng (1) sa (5) impormante.

TALAHAYAN 2.0
MGA EPEKTO NG BLENDED LEARNING MODALITY SA MGA MAG-AARAL

CODES OF THEMATIC CODES


CODING
PARTICIPANT

Hindi masyadong mabuti ang epekto nito sa


akin sa kadahilanang nahihirapan ako sa self-
learning, lalo na sa matematika na subject
1 1
dahil hindi ko talaga maintindihan.

Ang mga epekto ng blended learning


modality sa aking pagkatuto ay ang
pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa
sa mga natutunan. Dahil sa mga modules mas
2 2 nagkaroon ako ng pagkakataon na balikan at
maunawaan ang mga konsepto na hindi
masyadong laging naipapaliwanag ng guro sa
tradisyunal na klase.

Nakakapagod dahil sa loob ng 2 taon ay


naka-modular learning kami, at nasanay kami
na manatili sa aming bahay at biglang
3 3 nagkaroon ng face-to-face na klase

Ang naging epekto nito sa akin ay medyo


mahirap lalo na sa pagsagot sa mga module
4 1
dahil ang iba ay hindi ko masyadong
maintindihan at kailangan talaga ng
eksplenasyon.

Hindi maayos na nailahad ang mga


mahahalagang puntos ng mga topic dahil sa
kakulangan ng maiging pagtatalakay
5 1

Nangunguna mula sa mga nakuhang resulta ang 1. Hindi mabuting epekto na isinaad ng
(3) sa (5) respondente. Ito ay sinusuportahan ng pag-aaral na isinagawa nina Gray at Di Loreto
(2016), malaking papel ang ginagampanan ng mga guro sa pagbibigay ng malinaw na detalye
tungkol sa mga dapat asahan sa klase, petsa ng mga takdang-gawain, pagtatasa at rubrik, at mga
sangguniang makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa makatuwid, kinakailangan ng
mga bata ang gabay ng kanilang mga guro upang mas mabilis nilang maunawaan ang kanilang
inaaral, bukod pa dito, ang gabay ng guro ang pinaka kinakailangan nila upang matugunan ang
kanilang mga gawain.

Sinusugan naman ng pag-aaral nina Richardson et al., (2016) na binanggit sa pag-aaral


nina Lowenthal P. at Dunlap J. (2018), na nakadepende ang edukasyon sa mabisang
komunikasyon. Ngunit nagbabago ang komunikasyon kapag hindi na direkta o may
namamagitan na sa pagpapalitan ng mensahe lalo na sa mga mag-aaral na nahihirapang matuto
ng sila lamang. Malaking paktor ang ginagampanan ng komunikasyon hinggil sa pag-aaral ng
mga kabataan, mapa guro, kaklase, at iba pang mga indibidwal na maaari nilang makahalubilo sa
tuwing sila ay aktuwal na papasok sa paaralan. Ayon din sa pag-aaral nina Funa A. et al., (2022),
may mga mag-aaral ang nakaranas ng pagkalito o nahihirapang sagutan ang kanilang mga self-
learning modules sa kadahilanang, mayroon silang nasasagupang hindi pamilyar na mga salita,
mabagal na koneksyon, at hindi nila ito masyadong natutugunan sapagkat wala silang sapat na
oras. Ayon naman kina Foo C.C (2021), Natuklasan sa kanilang pag-aaral na mas mababa ang
porsyento ng akademikong ng mga mag-aaral na sumailalim sa blended learning modality kung
ikukumpara sa mga mag-aaral na nakapag face-to-face classes.

Pumapangalawa naman sa pinaka naobserbahan ay ang 2. Mabuting epekto na isinaad


ng (1) sa (5) impormante. Ayon sa pag-aaral ni Kamalovna S. (2021), Isa sa mga mabuting
naidulot ng modular distance learning ay naiaakma ng mga mag-aaral ang kanilang oras sa
pagsagot at pagsagawa ng kanilang mga gawain.

Panghuli naman ay ang 3. Nakakapagod na isinaad ng (1) sa (5) impormante. Ipinakita


sa mga pag-aaral nina X. Li et al., (2022) na ang blended learning ay maraming kaakibat na
epekto, ito ay maaaring lumikha ng isang nababaluktot na kapaligiran sa pag-aaral at maaari
itong mag-ambag sa tagumpay ng mag-aaral, pagtitiis, kahusayan sa sarili, kamalayan sa sarili, at
malayang pag-aaral (Deschacht et al., 2015). Ayon naman kina Mendoza M. C. (2022), hindi
natin maaaring balewalain ang malaking epekto ng pandemya sa edukasyon, kahit ito pa man ay
tuluyan ng lumaganap sa buong mundo, ay kinakailangan nating makisabay lalo na pagdating sa
ating edukasyon. Ang tagal ng pandemya ay nagdulot ng pinakamalaking hamon sa mga guro,
mag-aaral, at mga organisasyon ng paaralan. Ang epekto ng pandemya sa pagkatuto ng mga
mag-aaral ay malaki rin, na nagging dahilan upang maglungsad ang mga paaralan ng tinatawag
natin ngayong blended learning.

Tanong bilang 3. Gaano kahalaga ang benepisyong hatid ng Blended Learning Modality sa
iyong pag-aaral at pagkatuto?
Ang pangkalahatang reaksyon mula sa mga impormante ay nagresulta na ang
nangungunang benipisyong hatid ng blended learning sa mga mag-aaral ay 1. Natugunan ang
suliranin sa pag-aaral na isinaad ng (2) sa (5) respondente. Pangalawa naman sa pinaka
naobserbahan ay 2. Mapalawak ang Kaalaman at kakayaha na isinaad ng (1) sa (5)
impormante. Pangatlo naman sa pinaka naobserbahan ay 3. Malaya na isinaad ng (1) sa (5)
repondente. Panghuli naman ay 4. Nagagawa ang mga gusto na isinaad ng (1) sa (5)
impormante.

TALAHAYAN 3.0

KAHALAGAHAN NG BENEPISYONG HATID NG BLENDED LEARNING


MODALITY SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL
CODES OF THEMATIC CODES
CODING
PARTICIPANT

Mahalaga ito sapagkat kahit may pandemic at


mahirap ang sitwasyon, nakahanap parin ng
alternatibong paraan para matuto.
1 1

Ang benepisyong hatid ng blended learning


modality sa aking pag-aaral at pagkatuto ay
2 2
napalawak ang aking kaalaman at kakayahan.

Ang pagiging malaya sa pag-aaral at


3 3 pagtatrabaho sa sariling sagot sa module.

Mahalaga ang naging benepisyo nito


sapagkat nagagawa ko ang mga bagay na
gusto kong gawin tulad ng pag-eehersisyon
4 4
upang mapanatili ang maayos na kalusugan.

Ang pangkalahatang reaksyon mula sa mga impormante ay nagpahiwatig na ang


nangungunang obserbasyon 1. Natugunan ang suliranin sa pag-aaral na isinaad ng (2) sa (5)
respondente. Pangalawa naman sa pinaka naobserbahan ay 2. Mapalawak ang Kaalaman at
kakayahan na isinaad ng (1) sa (5) impormante. Pangatlo naman sa pinaka naobserbahan ay 3.
Malaya na isinaad ng (1) sa (5) repondente. Panghuli naman ay 4. Nagagawa ang mga gusto na
isinaad ng (1) sa (5) impormante. Ayon sa mga nakalap na mga impormasyon, ang blended
learning ay may magkahalong mabuti at mga nakasasamang epekto sa mga mag-aaral, partikular
sa kanilang akademikong pagganap. Ang resultang ito ay sinusuportahan ng pag-aaral nina
Friestad J. et al., (2021), ayon sa kanilang isinagawang pag-aaral, tinutulungan ng blended
learning ang mga mag-aaral na maghanda, magsanay, at magsagawa ng mga angkop na
kasanayan. Bukod dito, sinasanay di umano nito ang mag-aaral na maging dependent sa paggawa
ng kanilang mga gawaing pang akademiko. Gayunpaman, isa sa mga advantages ng blended
learning ay nagagawa ng mga mag-aaral ang kanilang nais na gawin at kanilang natutugunan ang
mga gawain maliban sa mga akademikong mga gawain.

You might also like