You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

06/20/23

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang tatlong uri ng Ponemang Suprasegmental
B. Nakapaglalahad ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng diin, tono at antala.
C. Nauunawaan ang gamit ng Ponemang Suprasegmental maging ang mga uri nito sa pakikipag-usap.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Ponemang Suprasegmental ( Diin, Tono/ Intonasyon, Antala? Hinto)
B. Sanggunian:Internet, Panitikang asyano modyul 9, Aralin 2.1, P. 97
C. Kagamitan: Power Point Presentation at IM’s
D. Pagpapahalaga: Natutukoy ang gamit ng tatlong uri ng Ponemang Suprasegmental.
E. Pamamaraang Ginamit: Ugnayang tanong-sagot, Malayang Talakayan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

I. ALAMIN/TUKLASIN
A. Panimulang Gawain)

Magandang Umaga! Magandang Umaga rin po, Ma’am!

Bago tayo magsimula ay nais ko munang pormal na


magpakilala, ako sa BB. Alyssa Joy R. Daproza at nais
ko sana na tawagin niya akong Ma’am Alyssa o kung
nahahabaan kayo ay maari namang tawagin niyo na
lamang akong Ma’am Ali.

Okay lang ba? Opo, ma’am!

Maaari bang pulutin lahat ng kalat na at ilagay na


muna sa bag para sa minsanang pagtatapon mamaya.
Pakiayos na rin ang inyong mga upuan at siguraduhing
nakatapat kayo sa linya. Huwag rin sana tayong
maingay.

Mayroon bang lumiban sa klase? Wala po, ma’am!

Mabuti.

B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin ay
magkakantahan na muna tayo.

Pamilyar ba kayo sa kantang ‘Pamela One’? Opo, Ma’am!

Kung ganoon ay maaari ba natin itong kantahin ng


sabay-sabay?
(Isa, dalawa, tatlo! Pamela one…mo) ( Pamela One……….mo)

Magaling! Naaalala niyo pa!


Kaya natin kinanta ang Pamela One ay dahil
gagamitin natin ang tono nito at lalapatan ng
panibagong liriko. Ito ay may pamagat na PonemaSu.

Handa na ba ang lahat?

Gawain I. “PonemaSu” Gawain I. “PonemaSu”


Panuto: Ilapat ang liriko ng PonemaSu sa tono ng Panuto: Ilapat ang liriko ng PonemaSu sa tono ng
kantang Pamela One. kantang Pamela One.
Ponema 1 i-diin ang pagbanggit
Ponema 2 i-tono ng ganito
Ponema 3 'wag ka ng maantala
PonemaSu atin nang kantahin
Tara na!
Alamin ang iba't ibang Ponema
Sumabay, sige pa!
Diin, Tono, at Antal
a
Tayo na't magtalakayan!
PANUTO: Sabayan ang awit sa tono ng "Pamela One
"

Ponema 1 i-diin a

Ponema 1 i-diin ang pagbanggit


Ponema 2 i-tono ng ganito
Magaling! Napakahusay niyo namang kumanta!

C. Paglalahad

Batid kong alam niyo na kung ano nga ba ang ating


magiging topiko ngayon. Ano ito?
Ponema po, Ma’am.
Magaling! Ito ay tungkol sa Ponema.

Sino ang nakakaalam kung ano nga ba ang Ponema?


Ito ay isa sa mga yunit ng mga tunog sa isang salita.

Tama! Ito ay isa sa mga yunit ng mga tunog sa isang


salita.

Mayroon tayong dalawang uri ng Ponema. Ano kaya


ito? Ponemang segmental at Ponemang suprasegmental
po, Ma’am!

Mahusay! Ito ay ang Ponemang Segmental at


Ponemang Suprasegmental. At ang magiging pokus ng
ating talakayan ay ang Ponemang Suprasegmental.

II. LINANGIN

A. Talakayan

Ano nga ba ang Ponemang Suprasegmental?

Ito ay tumutukoy sa mga salitang may tunog na higit


pa sa karaniwan.

Mayroong tatlong uri ang Ponemang Suprasegmental:

1. Diin
2. Tono o Intonasyom
3. Antala o Hinto

Kung gayon ay dumako na tayo sa unang uri ng


Ponemang Suprasegmental.

Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig


sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.

Maaari tayong gumamit ng malaking letra sa pantig


na may diin.

Mga halimbawa:

1. BU:hay
Nasaan ang diin?

Magaling!
Nasa unang pantig na BU po, Maam.
Ano naman ang kahulugan ng salitang BU:hay?

Mahusay, nangangahulugan itong kapalaran ng tao. Kapalaran po ng tao, maam.

Halimbawa sa pangungusap:
( Ganiyan talaga ang buhay,
minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba.)

Bu:HAY
Nasaan ang diin?

Mahusay!

Nasa unang ikalawang pantig na HAY po, Maam.


Ano naman ang kahulugan ng salitang bu:HAY?

Tama! Magaling!
Humihinga pa po, maam.
Halimbawa sa pangungusap:
( Habang may buhay, may pag-
asa.)

2. LA:mang
Nasaan ang diin?

Magaling!
Nasa unang pantig na LA po, Ma’am!
Ano ang kahulugan na salitang LA:mang?

Tama! Napakahusay!
Natatangi po, Ma’am!
Halimbawa sa Pangungusap:
( Ikaw lamang ang aking
mamahalin.)

La:MANG
Nasaan ang diin?

Tama!
Nasa ikalawang pantig na MANG po, Ma”am!
Ano ang kahulugan na salitang la:MANG?

Magaling!
Nakahihigit po, maam!
Halimbawa sa pangungusap:
( Isang ligo lang ang lamang
mo sa akin.)

Sino ang makapagbibigay ng halimbawa?

Magaling! Ang BU:kas na ang ibig-sabihin ay


kinabukasan at bu:KAS na ang ibig-sabihin naman ay BU:kas at bu:KAS po, Ma’am!
naka-bukas.

Tono/Intonasyon- Pagtaas at pagbaba ng tinig na


maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t
ibang damdamin, makapagbihay kahulugan, at
magkapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang pakikipag-usap.

Sa pagsasalita may (1) mababa, (2) katamtaman at


(3) mataas.

Mga halimbawa:

1. Kahapon- 213, Pag-aalinlangan


( Nakainom ba ako ng gamot ko kahapon?)
Kahapon 231, Nagpapahayag
( Hindi ako nakasama sa gala ng barkada kahapon
dahil masama ang pakiramdam ko)

2. Talaga 213, Pag-aalinlangan


( Talaga bang hindi mo na ako mahal?)
Talaga 231, Nagpapahayag
( Talaga ngang hindi mo na ako mahal.)

Sino ang makapagbibigay ng pangungusap mula sa


salitang Masaya na may tono 213 at tono 231?

Magaling! Napakahusay! Ako po, ma’am! Masaya ka pa ba sa buhay na


tinatahak mo? At Hindi na ako masaya sa buhay na
tinatahak ko.
Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap.

Maaaring gumamit ng simbolo kuwit (,), dalawang


guhit palihis (//), p gitling (-).

Mga halimbawa:

1. Hindi ako si Joshua.


- Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua.

2. Hindi ako, si Joshua.


- Nagpapahayag na ang nagsasalita ang
hindi gumawa kundi napagbintangan lamang.

3. Hindi// ako si Joshua.


- Nagpapahayag na ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Joshua at maaaring siya’y
napagbintangan lamang.

Sino ang magpagbibigay ng tamang pagbasa sa


susunod na halimbawa?

Lito Ray Rubin kailan ka ba matututo? Ako po, Ma’am!


( Tinatanong kay Lito Ray Rubin kung kailan siya Lito Ray Rubin, kailan ka ba matututo?
matututo.)

Tama! Ang simbolong ginamit ay kuwit at ang hinto


nito ay sa salitang Rubin. Mahusay!

Nauunawaan ba ang tatlong uri ng ponemang


suprasegmental?

Magaling! Kung ganon ay bago tayo dumako sa Opo, ma’am!


gawain ay subukin na muna natin ang inyong
kaalaman.
II.PAGNILAYAN AT UNAWAIN

A. Pagpapalalim
Gawain II. “Praktis Muna!”
Gawain II. “Praktis Muna!”
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

1. DIIN 1. DIIN
SA:ka- ______
Sa:KA- ______ SA:ka- Gawain sa bukid

2. TONO/INTONASYON Sa:KA- Mamaya na, ipagpaliban muna


Kumusta- _____- nag-aalinlangan
Kumusta-_____- Nagpapahayag 2. TONO/INTONASYON

3. HINTO/ANTALA Kumusta- 213- nag-aalinlangan


Hindi ako Kiray si Lita ang kumuha ng baon mo.
Kumusta-231- Nagpapahayag
(Sinasabi kay Kiray na si Lita ang kumuha ng baon
niya.)
3. HINTO/ANTALA

Hindi ako Kiray si Lita ang kumuha ng baon mo.

(Sinasabi kay Kiray na si Lita ang kumuha ng baon


niya.)

Hindi ako Kiray, si Lita ang kumuha ng baon mo.


Mahuhusay! Kung gayon ay handa na kayo sa gawain.

B. Paglalahat

Gawain III. “ Hanggang kailan mo ako kayang


sagutin?” Gawain III. “ Hanggang kailan mo ako kayang
Panuto: Gamitin ang mga salita sa tamang diin, sagutin?”
tono at antala. Bumuyo ng pangungusap sa bawat Panuto: Gamitin ang mga salita sa tamang diin,
makukuhang salita. tono at antala. Bumuyo ng pangungusap sa bawat
makukuhang salita.
Halimbawa: BUHAY
Halimbawa: BUHAY
1. Bu:HAY- ( May malay o humihinga)
2. Buhay pa ba talaga siya? ( May pag-aalinlangan) 1. Bu:HAY- ( May malay o humihinga)
1 2 2. Buhay pa ba talaga siya? ( May pag-aalinlangan)
3. Ang sarap talaga pag buhay na buhay ang klase, 1 2
maingay, ngunit masaya naman. 3. Ang sarap talaga pag buhay na buhay ang klase,
maingay, ngunit masaya naman.
Mga Salita:
1. Suka Mga Salita:
2. Samahan
3. Lamang 1. Suka
4. Tubo 2. Samahan
5. Gulong 3. Lamang
4. Tubo
5. Gulong

I. TAKDANG-ARALIN

PANUTO: Basahin muli ang panitikan na maikling kuwentong “Paltos sa Paa ng Burgis,” isulat ang mga
importanteng mga pangungusap, talata, o tumatak na linya sa iyo. Magdala na rin ng mga kagamitang pang
sining o art materials.

Daproza, Alyssa Joy R.


Inihanda ni:

You might also like