You are on page 1of 1

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VII, Sentral Visayas


Sangay ng Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao

IKALAWANG MARKAHAN
Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Quarter 2 Week : 2 Day : 1 Activity No. : 3


Pamagat ng Gawain Pagbuo ng Angkop na Pagpapasiya
Kompetensi Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpaapabukod-tangi sa tao, kaya ang
kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan.
(EsP7PS-IIb-5.3)
Layunin Naipaliwanag na ang isip at kilos-loob na nagpapabukod-tangi sa tao.
Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Manila, 2013.
Education, Department of. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Manual. Manila:
DepEd, 2010.
Copyright For classroom use only
DepEd owned material

Konsepto

Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-
loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin ang
nagbibigay kapangyarihan sa tao na gumawa o pumili, kung kaya’t ang kilos-loob ay siyang ugat ng
mapanagutang kilos.

Dahil sa kakayahan ng tao na angat sa iba pang nilikha, inaasahang gagamitin niya ang kakayahang ito
upang gawin at piliin ang tama sa isang sitwasyon.

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti ngunit hindi lahat ng mabuti
ay magkakapreho ang uri. Nakasalalay sa tao ang pagsasaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti
upang ito ang kanyang piliing gawin. Samakatuwid, ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangan
sanayin, linangin at paunlarin upang magampanan ang mga ito sa kanya-kanyang layunin.
Activity: 1

1. Paano nagpapabukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?


2. Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip
at kilos-loob?

You might also like