You are on page 1of 2

ASSESSMENT 3: The Site of the First Mass

John Lester Y. Gabais

Ang isang nakaraan ay may kaakibat na mga kasaysayan. Maaaring ito ay isang
pangyayari na nangyari sa isang lugar ngunit hindi matukoy kung saan nga ba ito
nangyari. Maaari ring ang pangyayari at lugar na ito ay napaka-importante sa isa o higit
pang pangkat ng tao. Ang mga taong uhaw sa katotohan ukol sa usaping "The Site of
First Christian Mass" sa bansang Pilipinas ay patuloy na pinagdedebatehan ng mga
historyador — sila ay naglalapat ng mga ebidensiyang magpapatunay sa kanilang
pahayag, ngunit ang iba ay may kinikilingan ayon sa kanilang pinag-aralan at personal
na opinyon.

Ako ay naniniwala na ang pinakaunang misa sa bansang Pilipinas noong ika-31


ng Marso, 1521, ay ginanap sa isla ng Limasawa, Timog ng lalawigan ng Leyte. Ilang
pananaliksik at paglilitis ang isinagawa ng NHI (National Historical Institute) kung ano ang
mas makakatotohanan at mapapagkatiwalaang pinagmulan ng pagsilang ng
Kristiyanismo sa Pilipinas ay nailimbag sa salaysay ni Antonio Pigafetta na pinamagatang
"First Voyage Around the World". Ang salaysay na ito ay naiulat ng pangunahing saksi ng
nasabing pangyayaring inilalarawan ang buhay ng mga sinaunang manlalakbay,
paglalarawan ng mga isla at mga taong narito, ang kanilang kasaysayan at tala ng
kanilang mga misyon, at ang kanilang politikal, ekonomiya, komersyal at pangrelihiyong
kalagayan ng bansa. Ito ay naglalaman ng mahahalaga at makabuluhang paksa at
punto na naganap ang unang misa sa Pilipinas sa Limasawa at hindi sa Butuan. Ang
unang paksa ay ang testimonya ng ruta at mapa na nagawa ni Pigafetta tungkol sa
"Mazzaua Island" kung saan nangyari ang unang misa. Ang Limasawa ay isla sa timog-
kanluran ng lalawigan ng Leyte habang ang Butuan ay isang lungsod na matatagpuan
sa rehiyon ng CARAGA. Ang Butuan ay isang pamayanan na nakatayo malapit sa ilog
ng Agusan na hindi nabanggit sa salaysay ng saksi. Ang Mazaua ay nasa latitud ng siyam
at dalawang-katlo patungo sa hilagang polo at longhitud na sandaan at animnapu't
dalawang degree galing sa linya ng demarkasyon. Ang paglalarawan sa isla ay
itinuturing na angkop sa isla ng Limasawa — isla sa dulong timog-kanluran ng Leyte na
may koordineyts na siyam na degrees at limampu't-apat na degree patungong hilaga.
Ang katunayan na walang nasabing ilog na inilalarawan ang isla ng Mazaua and
heograpikal na ebidenya na nagpapakita na ang unang misa ay naganap sa
Limasawa. Ang pangalawang punto ay ang nagpapatunay na ebidensiya sa presensya
ng dalawang makapangyarihang hari nang bumisita si Magellan sa isla, Ang Hari ng
Mazaua at ang Hari ng Butuan. Ang Mazaua at Butuan ay may magkaibang hari kaya
naman ito ay magkaibang isla rin. Madaling sabihin na ang Mazaua ay hindi ang Butuan.

Isa pang ebidensiya kung bakit sa isla ng Limasawa naganap ang unang misa
noong Linggo ng Pagkabuhay ay ang Triana — ang pangunahing barangay sa islang
bayan. Ito ay nasa munisipalidad ng Limasawa. Ito ay pinangalanan ni Magellan. Ang
Triana ay nasa labas ng bayan ng Seville sa Espanya kung saan pinakasalan ni Magellan
si Beatriz Barboza sa pangunahing simbahan nito. Sa isinagawang artikulo ni Fr. Miguel
Bernad — propesor at mananaliksik mula sa Unibersidad ng Saint Xavier, Cagayan de
Oro sa Mindanao. Siya ay nagsagawa ng pananaliksik sa Espanya at iba pang lugar na
kaugnay sa misa ni Magellan. Sa kaniyang pananaliksik, natagpuan niya na ang mapa
ni Pigafetta na ang Mazaua ay nasa dulong Timog ng lalawigan ng Leyte. Sa
makabagong mapa ay ipinapakita na ang Limasawa ang narito, hindi ang Butuan.
Nang sa gayon, siya ay nag-konklusyon na si Magellan at ang mga kasama nitong
manlalakbay ay nakarating at isinagawa ang misa sa Limasawa, Timog Leyte.

Sa ebidensiyang nakalimbag sa talaan ni Albo isinalaysay na si Francisco Albo ay


kasama sa eksoedisyon ni Magellan bilang piloto ng barko. Siya rin ay isa sa labing-
walong nakaligtas na nakabalik kasama si Sebastian Elcano pagkatapos umikot sa
mundo. Si Albo ay nagsimulang gumawa ng kaniyang talaan sa kanilang paglalayag
patimog sa karagatan ng Atlantiko sa baybayin ng Timog Amerika, pa-Brazil. Sa
kaniyang salaysay patungo sa katubigan ng Pilipinas, ang mga pangyayaring nailimbag
ay nauugnay sa sinulat ni Pigafetta. Gayunpaman, hindi makakaila ang mga
pagkakaiba ng pangalan ng mga lugar tulad ng kay Albo, may isla na "Yunagan" na
pinangalanan namang "Samal" o Samar sa salaysay ni Pigafetta. Bagaman hindi
naisalaysay nang malinaw sa talaan ni Albo na si Magellan at ang kaniyang mga
kasama ay nanatili sa Masaua ng isang linggo at sa selebrasyon ng Linggo ng
Pagkabuhay. Nabanggit ni Albo ang tungkol sa pagtatayo ng krus na isinagawa
pagkatapos ng misa sa taas ng bundok na kung saan makakakita ng tatlong isla na
nasa kanluran at timog-kanluran. Ngunit ang paglalarawang ito ay maihahantulad sa
dulong timog ng Limasawa. Hindi ito maihahantulad sa baybayin ng Butuan na walang
isla na makikuta sa timog o timog-kanluran pero patungo lamang hilaga.

Maraming pruweba at ebidensiya na nagpapatunay na sa Limasawa naganap


ang unang misa sa bansang Pilipinas. Ang pahayag na nagsasabing ito ay naganap sa
Butuan, kinakailangan nilang maghanap ng ebidensiyang may kredibilidad at
mapapagkatiwalaan dahil hindi puwedeng opinyon lang at sariling pananaw. Ngunit
ang iyong pananaw dapat ay base sa katotohanan. Napakahalagang malaman kung
saan nga ba nangyari ang "The Site of The First Mass" dahil bilang isang Katoliko, dito
unang ipinakilala ng mga taga-Espanya si Hesus. Ito rin ang unang pagtitipon upang
magbigay ng isang oras sa Diyos upang magpasalamat at humingi ng tawad. Bilang
isang estudyante na nag-aaral bilang maging Arkitekto, kung hindi dumating ang mga
taga-Espanya rito at ipinakilala ang Kristiyanismo, hindi ako magkakaroon ng interes sa
larangang ito. Ang simbahang katoliko ang pangunahing nagmulat sa akin sa disenyo
ng mga istraktura. Tunay ngang ang isang nakaraan ay may maraming kasaysayan na
naganap. Patuloy itong pinag-aaralan ng mga Historyador at iba pang propesyunal
dahil uhaw sila sa katotohanan. Ika nga ni Sir Winston Churchill, "Ang bansang nakalimot
sa kaniyang nakaraan ay walang kinabukasan," kaya naman kahit matagal na itong
nangyari, kailangan may paki at may alam pa rin tayo sa ganitong bagay.

You might also like