You are on page 1of 2

Script para sa Filipino: Balita.

stefi 1: narito muli ang teleRadyo Atenean! (intro sfx) (background music)
stefi 1: Ang oras natin ngayon ay alas- onse ng umaga. Magandang umaga Pilipinas, narito na
ang mga nagbabagang balita sa mga oras na ito!
Anchor 1: Flerida ikakasal sa Iba? (transition sfx)
Anchor 2: Sino ang umagaw kay flerida(transition sfx)
Anchor 3: Ano ang dahilan sa pag-agaw kay Flerida?
Anchor 2: Sino si Sultan ali- adab? (transition sfx)

stefi 1: Flerida bakit nga ba ikakasal sa iba? (transition sfx)


Nagbabalita si anchor 2:
-Kompirmado na Si Flerida ay ikakasal sa iba, ayon sa mga taga Persya siya ay ikakasal kay
Sultan ali-adab. Inagaw ng Sultan si Flerida kay Aladin, at pinatapon si Aladin sa malayong
lugar upang walang sagabal sa kanilang kasal.

Stefi 1: May dagdag na balita si anchor 3 tungkol sa relasyon ni Sultan ali- adab kay Aladin.
Pasok!
Anchor 3- Napaka sakit ang pangyayaring ito, Ama laban sa anak, dugo laban sa dugo. Si Sultan
ali-adab ay ama ni Aladin na matagal na kasintahan ni Flerida.

Stefi 1: Ito parin ang teleradyo Atenean. (Sfx) kilalanin natin si Sultan ali- Adab at aladin ayon
sa mga mata ng mga persyano (transition sfx) (glitch sfx). Pasok anchor 2.
Anchor 2: Ayon sa mga taga persya Si Sultan ali-adab ay masasabing isang malupit, ganid at
makasariling tao dahil inagaw niya ang kasintahan ng kanyang anak na si Flerida. Samantala si
Aladin kay kasalungat ng kanyang ama siya mapagmahal, maunawain at matulungin.

stefi 1: Napasakit ng balitang iyan anchor 2! Anchor 3 may dagdag na balita tungkol sa
pangyayaring sagupaang tao laban sa tao o Sultan laban kay Aladin.
Anchor 3: Hinatulan din ni sultan ali-adab ng kamatayan si Aladin, dahil natalo daw ito sa laban
ngunit sa totoo gusto lang niya makuha si Flerida. (Background music)

Stefi 1: Para naman sa editorial narito muli ang ang inyung mga taga balita.. Pasok!

Anchor 2: Ito ang aking opinion sa mga pangyayari tungalian nina sultan at aladin, Si sultan ay
sakim, makasarili, at malupit itong lahat ay totoo mahahalintulad natin si sultan sa isang diktador
na katulad ni ferninand marcos nag deklara ng martial law dahil gusto niya pang manatili sa
pwesto sa madaling salita gagawin niya lahat upang makuha ang kanyang gusto kahit may mga
taong naghihirap sa kanyang kasakiman.

Anchor 3: Ang mapait na pangyayaring ito ay mahalintulad natin sa pangyayari noong martial
law, sa panahong ito marami ang nagdusa, nakulong at itinapun sa malalayong lugar upang hindi
sila maging sagabal sa kasakiman ng isang liderato. Ang pang-sariling interes ay nag dudulot ng
kahirapan sa tao at lipunan, kaya tayo ay dapat marunong umunawa at may konderasyon sa
damdamin ng kapwa.
Stefi 1: Maraming Salamat taga-pagbalita 1 and 2. Sumasang-ayon ako sa mga opinion ninyu!
(sfx)

Lahat: Hangang sa muli mga kabayan! Kami ang radio Atenean daluyan ng tapat at totoong isyu
ng bayan!

(chor 1: Maraming Salmat sa inyong pag subaybay Anchor 1 and 2: Magandang araw! (outro
music)

You might also like