You are on page 1of 8

EPEKTO NG BULLYING SA MENTAL HEALTH: MGA MAGAARAL NA

NASA IKA-11 BAITANG NG ANN ARBOR MONTESSORI

Isang Konseptong Papel na iniharap sa mga


Guro ng Filipino sa Ann Arbor Montessori Learning Center

Ni:

NAGASAKA, SENA

HULYO 2023
Talaan ng Nilalaman

Pahina

1. Layunin 1

2. Rasyonale ng Pagaaral 2

3. Metodolohiya
3.1. Disenyo ng Pananaliksik 4
3.2. Pook ng Pananaliksik 4
3.3. Respondente ng Pag-aaral 4
3.4. Mga Instrumento ng Pananaliksik 4
3.5. Hakbang sa Paglikom ng Datos 5
3.6. Pagsusuri ng mga Datos 5

4. Inaasahang Bunga 6

5. Mga Sanggunian
EPEKTO NG BULLYING SA MENTAL HEALTH:NG MGA MAGAARAL

NA NASA IKA-11 BAITANG NG ANN ARBOR MONTESSORI

Layunin o paglalahad ng suliranin 

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malalaman ang epekto ng bullying nasa

ika-11 baitang mula sa Ann Arbor Montessori Learning Center. Makakatulong

ang pagaaral na ito hindi lamang sa mga magaaral pati na rin sa mga guro

upang magkaroon pa sila ng dagdag kaalaman kung ano ang tamang gawin sa

kasong bullying sa mental health sa pagtuturo sa mga batang respondante sa

pananaliksik na ito. 

Bukod dito, layunin di ng mga pananaliksik na ito ang mga sumusunog:

Maiilalahad ng mga magaaral ang kanilang nalalaman tungkol sa bullying at

mental health. 

1. Propayl ng mga respondante

 Baiting

 Edad

 Kasarian

2. Ano ang mga karanasan ng mga magaaral na nakaranas ng bullying?

3. Ano ang epekto ng bullying sa mental health ng mga magaaral?

4. Paano nakakaapekto ang bullying sa mental health ng mga magaaral?

 Depression

 Anxiety 

 Mababang self confidence

5. Base sa mga implikasyon, ano ang dapat gawin upang maiwasan ang

bullying?
Rasyunale ng Pagaaral

Sa mga nakalipas na taon padami ng padami ang kaso ng bullying sa

loob ng paaralan. Dahil dito dumadami rin ang bilang ng mga magaaral na

nagkakaroon ng mental illness, gaya ng anxiety at depression. Ang pananaliksik

na ito ay tutuklasin kung ano ang mga epekto ng bullying sa mental health ng

mga magaaral.

Sa panahong kasalukuyan, mas dumarami ang nagiging kaso ng bullying

lalo na sa loob na sa loob ng paaralan. Ang epekto nito sa magaaral ay di hamak

na masama lalo na sa emosyon at isipan ng isang magaaral. Ang bullying ay

isang public health issue kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng

diskriminasyon. Ang mga sumusunod ay pagbubogbog at pagkalat ng

masamang balita sa isang magaaral. Ang mental health naman ay kalusugan ng

pagiisip ng isang tao. Kasama sa mental health ang emosyonal, sikolohikal, at

panlipunang kagalingan ng isang tao. Tumutulong ito kung paano natin

hinaharap ang mga pagsubok sa buhay. Ang bullying ay maaring makaapekto

sa mental health at sa pagaaral ng isang magaaral. Ang mga biktima ng bullying

ay madalas nawawalan ng interes sa pagaaral, nagkakaroon ng mababang

grado, at maaring mahirapan na magpokus sa mga aralin. Ang epekto ng

bullying sa mental health ay tiyak na masama at nakakapinsala sa mga magaaral,

at ang lanyunin ng pagaaral na ito ay malaman tungkol sa mga epekto ng

bullying sa mental health ng mga magaarak na nasa Ika-11 baitang ng Ann Arbor

Montessori Learning Center.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tuklasin ang mga epekto ng

bullying sa magaaral ng Ika-11 baitang sa Ann Arbor Montessori Learning

Center, at sa epekto nito sa mental health. Sa pamamagitan din na ito makukuha

ng mga posibleng kaalaman ang mga guro kung ano ang epekto ng bullying sa
mental health na nararapat nilang bigyan ng solusyon. Nililimitan ang pagaaral

na ito sa mga piling magaaral na nasa Ika-11 baitang ng Ann Arbor Montessori

Learning Center na sakop sa taong panuruan 2022-2023.


Disenyo ng Pananaliksik

Ang mananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong pananaliksik sa

ilalim ng kwalitatibong metodolohiya upang malaman ang Epekto ng bullying

sa mental health ng imga magaaral na nasa ika-11 baitang ng Ann Arbor

Montessori Learning Center. Ang deskriptibong pananaliksik ay may layuning

magbigay ng ideya at larawan sa isipan ng mambabasa sa paglalarawan ng

isang bagay, tao, sitwasyon, karanasan, pook, o pangyayari. Napili ng

mananaliksik na gumamit ng interbyu para makalikom ng datos at malaman

ang epekto ng bullying sa mental health ng mga mag-aaral.

Pook ng Pananaliksik

Ang pagaaral na ito ay isasagawa sa loob lamang ng pribadong

institusyon ng Ann Arbor Montessori Learning Center, 390 El Grande Ave. BF

Homes Paranaque City. Pinili ng mananaliksik na rito dahil ang mananaliksik

ay nagdesisyong magsagawa ng pagaaral sa sariling paaralan upang

mapagaralan ang epekto ng bullying sa mental health ng isang ika-11 na

magaaral. At nais rin ng mananaliksik na makatulong sa mga magaaral upang

maiwasan at maproteksyonan ang kanilang sarili, pamilya, at magbigay babala

sa komunidad sa mga epekto ng bullying a mental health.

Respondante ng Pagaaral

Ang mga respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng

Ika-11 baitang sa Ann Arbor Montessori Learning Center. Ang pananaliksik na

ito ay kinakailangan ng limang(5) respondente. Dapat ay nasa ika-11 na baiting,

nagaaral sa Ann Arbor Montessori Learning Center, at naranasan ang bullying. 


Hakbang sa Paglikom ng Datos

Ang mananaliksik ay gagamit lamang  ng talatanungan upang

makapangalap ng mga dagdag datos. Ngunit, maari din silang makapangalap

ng mga dagdag datos at impormasyon makakatulong sa kanila mula sa mga

aklat,internet, at iba pang maariing magamit na may kaugnayan sa kanilang

pagaaral.

Maingat at maayos din nilang ipapaliwanag ang kahalagahan ng

pagsagot nila sa mga katanungan na wasto at tapat. Ang mga makakalap na

kasagutan ng mananaliksik mula sa mga respondante ay maingat na bibigyang

interpretasyon.

Pagsusuri ng mga Datos

Maingat na susuriin at pananatilihing tiyak ang lahat ng mga datos at

impormasyong ilalahad ng pananaliksik na ito. Sisiguraduhin ng mananaliksik

na ang bawat interpretasyon mula sa mga sagot ng mga respondante ay tama at

mapagkakatiwalaan.
Inaasahang Bunga

Sa gagawing pananaliksik nais ng mga mananaliksik na malaman ang

mga resulta ng epekto ng bullying sa mental health. Tinitiyak na sa pag-aaral na

ito malalaman ang mga epekto ng bullying sa isang magaaral. Importante rin ito

sa mga magaaral para malaman nila kung ano ang gagawin kung sila ay

nakaranas ng bullying. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay rin babala sa

mga mag-aaral na hindi alam ang mga impak ng bullying sa mga magaaral sa

Ann Arbor Montessori Learning Center. Gayunpaman, ang mga resulta ng mga

pananalik sik na ito ay magsisilbing gabay sa mga sikologo at mga dalubhasa

tungkol sa epekto ng bullying sa mental health ng mga magaaral. 

You might also like