You are on page 1of 1

PAMBUNGAD NA PANANALITA SA KULMINASYON NG BUWAN NG WIKA 2023

Sa ating kapita-pitagang punong guro, Gng. Chastine R. Carale, sa ating guwapo at


aktibong gurong tagapamahala ng Senior High School G. Johny Boy S. Dolino, sa aking
mga magaganda at makikisig na kasamahang guro sa Jr at Sr High, sa ating mga
masisipag na kasamahang kawani na hindi nagtuturo, sa mga mahal naming mag-aaral
ng Tambo National High School, at sa mga panauhin na presente ngayon, magandang
hapon at maligayang pagdiriwang sa pinag-isang Buwan ng Wika, Buwan ng Asean at
Buwan ng Kasaysayan.

Kung ating gunitahin ang nakaraang mga taon ay talagang sinubok ng panahon
ang ating katatagan. Subalit katulad ng naunang mga taon ay hindi tayo nagpatinag, ang
Tambo National High School ay patuloy pa ring nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wik (Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Inklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan), Buwan ng ASEAN (Bayanihan like ASEAN:
Leveraging Corporation in Education to Strengthen ASEAN Identity) at Buwan ng
Kasaysayan (Pagpapalaya ng Kasaysayan para sa Sambayanan). At ngayon ay mas
ikinalulugod naming mga guro ang pagdiriwang na ito dahil kasama namin kayo – mahal
naming mga mag-aaral sa paggunita sa ating pinag-isang selebrasyon.

At bilang mga mamamayang Pilipino, ang ating pampinid na pagdiriwang ngayon


dito sa Tambo National High School ay isang paraan sa aktibong pakikilahok at
pagpapahalaga sa ating pambansang wika (Filipino) at sa ating mga katutubong wika, isa
rin ito sa mga paraan sa pagpapahalaga sa ugnayan natin sa mga bansang nasa timog-
silangan at lalong-lalo na paraan ito sa pagbibigay natin ng importansiya sa ating
napakatingkad at napakakulay na kasaysayan.

Kaya ngayon bilang tugon sa layunin ng ating pamahalaan at sa mga ahensiyang


nangangalaga sa ating wika at kasaysayan, sa hapong ito ay inanyayahan ko ang lahat na
ituon ang inyong ‘di matatawarang atensiyon sa ating selebrasyon sa Pampinid na
Palatuntunan. Asahan po natin ngayon na ang ating masasaksihan ay ang simpleng
paraan ng pagpapahalaga at pagtangkilik.

At sa muli magandang umaga at maligayang pagdiriwang sa ating lahat.

Maraming salamat po!

You might also like