You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

UNANG MARKAHAN
Taong Panuruan: 2022-2023

Pangalan: _______________________________ Petsa: ____________________


Pangkat at Baitang: _____________________ Iskor: ____________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat and
letra ng tamang sagot sa sagotang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit may Likas na Batas Moral?
A. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos.
B. Kailangan ito ng lahat ng tao.
C. Mahalagang isa buhay ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat.
D. Upang bigyang direksyon ang pamumuhay ng tao.

2. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral ay
ginagamit na ______________.
A. Pagbabago sa mga bagay na nagawa.
B. Batayan ng kabutihan ng mga Gawain
C. Personal na pamantayang moral ng tao.
D. Batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos.

3. Ano ang layunin ng Likas na Batas Moral?


A. Kalayaan ng tao C. Kahusayan ng tao
B. Kabutihan ng tao D. Kaayusan ng tao

4. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at mal isa kasalukuyang
panahon.
A. Likas na Batas Moral C. Kalayaan
B. Konsensiya na nahubog sa batas-moral D. Isip, puso, at kamay

5. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang


______.
A. katotohanan B. kapayapaan C. yaman D. katalinuhan

6. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng paghubog ng konsensiya?


A. Mahalaga ito upang maging ganap na tao
B. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan
C. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama
D. Nakatutulong ito sa pagpapakatao ng tao. m. gri onbo9

7. Ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang inisip, salita at gawa
A. Kilos-Loob B. Konsensiya C. Mga batas D. May awtoridad

8. Ano ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng tao ang katotohanan
tungkol sa paghubog ng konsensiya?
A. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw
B. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
C. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan d
D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay

9. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?


A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya
B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral
C. Dahil nakasanayan na nating manalangin
D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos

10. Isa sa mga sumusunod ang halbang na makatutulong upang ang konsensiya
ng tao ay kumiling sa mabuti.
A. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
B. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
C. Talikuran ang mga pagkakamali
D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay

11. Ano ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?


A. Batas
B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral
D. Mga batas ng mga may awtoridad

12. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?


A. Kung ang kilos ay tama o mali C. Ang mga maling nagawa ng tao
B. Pamumuhay ng isang tao D. Kung nakagawa ka ng kabutihan

13. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagsisimula mula pagkabata ang
paghubog ng konsensiya?
A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa
hinaharap.
C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan
D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.

14. Ang ating kakayahang maunawaan at pilin ang mabuti patungo sa mabuting
pagkilos ay nagmula sa
A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang
B. Nagmula sa mga itinuturo ng mga awtoridad.
C. Nagmula sa ipinamana ng magulang
D. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay

15. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?


A. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan
B. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan
C. Kapag kumilos tayo ayon sa utos ng may likha
D. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin

16. Nalaman ni Pedro na ang hinihiling na marka para matanggap sa Senior High
STEM track ay 85% pataas kaya bumuo siya ng pasya na pagbubutihin niya
ang pag-aaral sa buong taon. Aling salik ng pagpapasya ang nakatulong sa
kanyang pagpapasyang mag-aral ng maigi?
A. mga payo o gabay B. impormasyon C. sitwasyon D. pagkakataon

17. Sa paghahanap ni Pedro ng mapapasukan na paaralan, naghanap siya ng mas


malapit sa kanilang tinitirhan para makatipid siya sa pamasahe. Gusto niyang
maglakad na lamang dahil tatlo na silang magkakapatid na mag-aaral at halos
fier hindi magkasya ang araw-araw na kita ng kanyang mga magulang. Aling
salik ng pagpapasya ang isinaalang-alang niya sa paghahanap ng paaralan?
A. mga payo o gabay B. impormasyon C. sitwasyon D. pagkakataon

18. Ang pakikinig sa mga isinasagawang "Information Education Campaign" ay


isang paraan para makabuo ng pasya kung aling Senior High Track ang
paghahandaan.
A. Tama dahil sa mga impormasyon naksalalay ang ating pasya.
B. Tama dahil makakatulong ito para maliwanagan ang bawat mag-aaral kung
ano ang kanilang dapat paghandaan.
C. Walang kinalaman ang IEC sa pagpapasya ng kursong nais kunin. sc
D. Hindi ito kailangan dahil hindi naman makakatulong para mabawasan ang
gastusin.
19. Ang pag-aaral ay maituturing na mahabang paglalakbay sa buhay. Alin ang
mahalagang salik ang makakatulong sa atin para maiwasan ang lubhang
pagsisisi sa bandang huli?
A. Impormasyon sa mga pagsubok na maaring kakaharap
B. Sitwasyon ng paaralan
C. Mga payo o gabay ng ating mga magulang
D. Pagkakataong makapag-aral sa lungsod

20. Bago pumasok si Pilar sa paaralan bilang grade 10, matiyaga niyang sinusuri
rang pagkakasunud-sunod ng kanyang mga asignatura. Ito rin ang ginamit on.
niyang batayan sa paggawa ng kanyang takdang aralin para wala siyang
makaligtaan. Aling salik ang lalong nakatulong sa kanyang pagpapasya?
A. Impormasyon mula sa talaan ng kanyang araw-araw na asignatura.
B. Mga payo ng kanyang mga magulang at guro.
C. Ang sitwasyon na kanyang hinaharap.
D. Ang pagkakataon o oras na maari niyang gamitin sa bawat asignatura.

21. May nabasang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay hinggil sa pangangalaga ng


kalikasan si Pilar. Pinag-isipan niyang mabuti kung sasali siya dahil ang
mananalo ay magkakaroon ng gantimpalang maglakbay sa mga bansang
kasapi sa ASEAN. Kung sakaling siya ay sasali, aling salik ng pagpapasya ang
nagbigay ng lakas-loob para sumali sa patimpalak?
A. Ang taglay na talino ni Pilar
B. Ang impormasyon na nabasa
C. Ang sitwasyon sa mga bansang kasapi sa ASEAN.
D. Ang pagkakataong malibot ang mga bansang kasapi sa ASEAN.

22. Bago sumali sa paligsahan sa pag-akyat ng bundok, inalam muna ni Pedro ang
katangian ng kanyang aakyating bundok. Nalaman niya na ito ay isang "rain in
forest" kung saan may mga linta sa daraanan niya. Nagpasya siyang magbaon
ng "anti-leech sock" para hindi siya makagat ng mga linta. Alin ang nakatulong
sa kanyang pagpapasya?
A. Ang sitwasyon ng bundok na kanyang aakyatin.
B. Ang impormasyong nabasa niya tungkol sa mga linta.
C. Ang mga payo ng mga bihasang umaakyat sa mga rainforest.
D. Ang una at pangalawang salik

23. Naitala ni Pedro ang mga nasaliksik niyang dapat dalhin sa pag-akyat ng
bundok. Alin kaya ang sumunod na hakbang na isinagawa niya?
A. Pagpili ng pasya
B. Paghahanda ng mga alternatibong dadalhin
C. Pagninilay-nilay kung siya ba ay aakyat.
D. Pagpili ng mahahalang kailangan sa pag-akyat

24. Ang pagtatala ni Pedro ng kanyang mga nasaliksik ay ginamit niyang


________ sa pagsusuri para makabuo ng malinaw na tunguhin at matagumpay
na paglalakbay.
A. payo B. gabay C. ilaw D. wala sa nabanggit

25. Pagkapili ni Pedro ng mga kinakailangan sa paglalakbay, napahinto siya ng


saglit. Maingat niyang sinusuri ang bawat bagay na dadalhin niya sa
paglalakbay. Tinimbang niya kung mabubuhat niya lahat ang kanyang
napiling dadalhin. Natanong din niya kung sapat ang kanyang dalang gamit
hanggang sa kanyang pagbaba mula sa bundok. Aling kilos ang isinasagawa ni
Pedro?
A. Pagninilay-nilay C. Pagsusuri ng bigat ng dadalhin
B. Pagtimbang gamit ang timbangan D. Lahat ng nabanggit

26. Nagpasya si Maria na sapat na ang makakuha ng pasadong marka. Ayon sa


kanyang pagtatantiya hindi naman kailangang laging mataas ang marka.
Subalit nabanggit ng kanilang guro minsan na mahalagang makakuha ng
mataas na marka kung nais ng isang mag-aaral na kumuha ng kursong
pagiging nars sa kolehiyo. Aling salik ang nakaligtaan ni Maria sa pagbuo ng
kanyang pasya na sapat na ang pasadong marka?
A. Kaalaman sa sitwasyon C. Gabay ng magulang
B. Sapat na impormasyon D. Lahat ng nabanggit

27. Matiyagang nakikinig at binabalangkas ni Pedro sa kanyang kuwaderno ang


mga paliwanag ng kanyang mga guro sa bawat aralin araw-araw. Batid niya na
hindi kaya ng kanyang mga magulang na bumili ng smartphone kaya siya'y
nagpasyang gumawa ng sariling outline. Aling salik ng pagpapasya ang lalong
nakatulong sa pagbuo ng ganoong pasya?
A. Impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya.
B. Sitwasyong kinakaharap ng kanyang pamilya.
C. Mga Gabay o pangaral ng mga magulang.
D. Lahat ng nabanggit

28. Araw-araw na nadaraanan ni Maria at Pedro ang mga kalat sa daan papunta
sa kanilang paaralan. Nagpasya silang bumubo ng Youth for Environment
Organization sa paaralan para magsagawa ng paglilinis. Aling salik ang nag-
udyok sa kanila para makabuo ng ganoong pasya?
A. Gabay ng mga guro C. Sitwasyong nakikita
B. Impormasyon nakakalap D. Pagkakataong tumulong

29. Ang apat. na salik ng pagpapasya ay mahalaga sa pagbuo ng pansarili,


pampamilya o panlipunang pagpapasya.
A. Depende B. Tama C. Hindi naman D. Siguro
30. Ang pagsaalang-alang ng mga salik ng pagpapasya ay mabisang paraan ng
pag-iwas sa mga maling pasya.
A. Depende B. Hindi naman C. Tama D. Siguro

31. Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay
na kalayaan?
A. Kusang-loob B. Makasarili C. Pagmamahal D. Responsibilidad

32. Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay
na kalayaan?
A. Magpasa ng batas sa kongreso.
B. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa
social media.
C. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.
D. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala

33. Lahat na naibigay ay mabubuting dulot ng pagsasabuhay ng tunay na


kalayaan maliban sa isa.
A. Nagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan sa damdamin, loob ng pamilya
at sa pamayanan.
B. Nagkakaroon ng pagkitil ng sariling kahusayan sa paggawa at pagbibigay
tulong sa kapwa
C. Nagkakaroon ng katibayan ng pagsasama, kapatiran at pagtulong sa kapwa.
D. Nagkakaroon ng malayang pagpili, pagbibigay ng sariling pananaw sa mga
isyu na nararasan sa ating komunidad.

34. Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?


A. Kalayaang pumili C. Karapatang bumili at magtinda
B. Pagkamit ng hustisya D. Responsibilad at pagsilbi

35. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay pagtugon
nang may pagmamahal at paglilinkod?
A. Nagagawa ni Asuncion ang bumili ng mga kagamitan na sunod sa uso.
B. Malakas ang loob ni Agustin kaya lahat ng ayaw niya ay nasasabi niya ng
walang kasinungalingan.
C. Kadakilaan sa kalooban ni Ginang Teresa Diamante ang magbigay ng ayuda
sa mga bahay ampunan kahit kaunti.
D. Matamlay si Corason na sumama sa kanyang nanay sa lugar ng mga bakwit

36. "Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti,
iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang
mabuti ang pipiliin ng tao." Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog
ito upang kumiling sa mabuti.
D. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling
pagpapasiya.

37. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama.


Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng
moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang
itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
A. Ang Sampung Utos ng Diyos C. Batas ng Diyos
B. Likas na Batas Moral D. Batas Positibo

38. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng
kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito,
bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya't nalilito siya

39. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?


A. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito
ay galing sa masama
B. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili
lamang ng rugby
C. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung
makabubuti ito
D. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid

40. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin


nito ay:
A. Bahala ang tao sa kanyang kilos
B. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
C. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
D. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama

41. Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan dahil
dito nagsisimula. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa
pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala
sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na
mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.

42. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


A. Kapag siya ay naging masamang tao.
B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkata.
D. Wala sa nabanggit

43. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?


A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon kundi
sa karangalan bilang tao.

44. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?


A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-
aalinlangan
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa parang hindi
makasasakit o makakasama sa ibang tao.

45. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad
bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa
kanya.
C. Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan
siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang
konsepto sa kanyang sarili.

46.Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya't siya ay tinawag na Kaniyang
obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
A. Ang tao'y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
B. Kamukha ng tao ang Diyos.
C. Kapareho ng tao ang Diyos.
D. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.

47.Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?


A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon,
paghuhusga at pagpapasiya.
B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya't nauunawaan nito ang
girl kaniyang nauunawaan.
C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga
bagay.
D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.

48.Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa
masama.
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin

49. Sa pamamagitan nang ________, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan


ang pinili.
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin

50.Ang _______ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa


katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at
akmang kilos-loob.
A. isip B. kilos-loob C. emosyon D. karunungan

You might also like