You are on page 1of 2

00

Chapter 3 Fonoloji

Naipaliwanag sa naunang chapter ang prodaksyon ng mga tunog na ginagamit sa


pagsasalita pero hindi ganon lamang ang dapat malaman tungkol dito. Dapat ding
malaman kung pano naiintindihan ng nakikinig ang anumang sinasabi ng nagsasalita.
Di gaanong napapansin na mey sistema at patern ng pagsasama sama na sinusundan ng
mga tunog sa isang wika. Prinoproseso ito sa isip ng mga nagsasalita kaya't nabubuo
ang mga salita na sangkap ng m sentens na syang nagbibigay ng mensaheng naririnig.
Ito'y prinoproseso naman sa isip ng nakarinig nito. Ang pag-aaral ng mga patern ng
mga tunog ng wika ang tinatawag na fonoloji.
3.1 Ang fonim
Balikan natin ang naipaliwanag na tungkol sa mga stap sa Ingles. Kung pakikinggang
mabuti ang Ingles ng mga Amerikano, mapapansin na mey kasamang malakas na hangin o
hininga ang unang tunog ng salitang par "tapik. Tinatawag itong aspireyted na tunog
na sa kasong ito ay aspireyted baylebyal-stap (p']. Kapag binigkas ang [p] sa gitna
ng salita o kapag sinusundan kaagad ito ng isang konsonant, hindi ito inaaspireyt
Halimbawa, paper [péypar), napkin [nápk' In]. Ang bawat pusisyon na ito ang
tinatawag na envayronment ng tunog. Hindi napapansin ng neytiv spiker ng/Ingles ang
mga kaibahan ng pagbigkas ng [p] kung hindi tatawagin ang pansin nya. Ibig sabihin
nakaimbak sa isipan nya ang fonim /p/pero sa aktwal na pagbigkas, nabibigkas nya
ang [p] sa unahan ng salita at silabol, [p] sa lahat ng iba pang envayronment.
Sa Isinai, wika ng etnolinggwistikong grupo sa Nueva Vizcaya, mey mga tunog sa [b]
na isang stap at [b] na isang frikativ. Mga varayti ito ng ang fonim /b/ dahil
binibigkas lang ang [b] kapag katabi ng isang
smuntalang [b] kapag katabi ng konsonant maliban sa w Halimbawa ito ng envayronment
ng [b] sa Isinai. Hindi kaagad aaminin ng mga Isinai na mey ganitong kaibahan kung
di nila bibigyan ng tamang pain Ang abstrak /p/ na tinatawag na fonim, ang
nakaimbak sa isip ng Amerikano et ang mga binibigkas nyang mga tunog na naiiba
dahil sa
Fonelo 35
fonen na distinksyon na aspireyson ang tinatawag na mga alofown 6 kaso ng Isinai
ang fonim na /b/ ang nakaimbak sa isip ng mga Isinya at ang (b) stap, (b) frikativ
na binibigka batay sa envayronment o katabing ang mga alofown nito Samakatwid mey
mga tunog sa isang wika nasasabing mga myembro ng isang set o grupo ng tunog tulad
ng (p), ar[p] na mga myembro o alofown ng fonim/p/sa Ingles o [b] at [6] na mga
myembro o alofown ng fonim /b/a Isinai.
Sa unang tingin, parang walang kabuluhan ang konsepto ng fonim at di man lang
napapansin ng mga mey sariling wika ang mga alofown at fonim. Kaya lang, kaagad din
nilang mapupuna kung hindi sinusunod ang fangsyon ng bawat myembro ng isang set ng
tunog, mga alofown, o kung di binibigkas ang tunog na bagay sa bawat cnvayronment.
Hinahanilan ang ganitong magsalita na di ganong marunong, kaiba ang pronunsesyon, o
di kaya isang dayuhan. Halimbawa, kung sasabihin ang [bibil] sa halip ng bibil]
'bibig sa Isinai o [part] 'tapik' sa halip ng [p'æt] sa Ingles, malalaman kaagad na
hindi neytiv-spiker ang nagsalita at di myembro ng kanilang komunidad.
Bago tayo magpatuloy, pansinin muna natin ang paggugrupo ng mga tunog batay sa
prodaksyon ng mga ito. Halimbawa, tulad ng naipakita sa chapter sa fonetiks,
maigugrupong tunog na voysles ang [p. t, k]. Sa pagbuo ng mga tunog na ito,
nakataas ang velum at ang hangin na dumadaan sa oral-kaviti'y saglit na nababara sa
mga punto ng artikulesyon kaya tinatawag ang mga ito na oral stap. Sa pagbigkas
naman ng [m, n, n pa puro mga voys na tunog, nakababa ang velum at dinadaan sa
ilong ang hangin kaya nakagrupo ang mga ito sa mga neysal. Samakatwid, mey
katangiang natural na komon sa lahat ng myembro ng bawat gripo kaya nagugrupo ang
unang halimbawa sa isang klase ng mga oral stap, at ang pangalawa sa klase ng mga
neysal, Tinatawag itong mga natural-klas ng mga tunog at kung mga signifikant o
makabuluhang mga tunog ang tinutukoy, nasasabing mga natural-klas ng mga fonim ito.
Sa anumang wika mey mga salitang binubuo ng mga pareparehong tunog liban sa isang
tunog. Halimbawa ang git "hukay, bit 'kinagat, cap 'sombrero, cab 'taksi. Magkaiba
ang mga kahulugan ng mga salitang ito dahil sa mga fonim na/p/ at /b/ Ganon din sa
Filipino, Magiging iba ang pagkaintindi sa sinabing: "Gusto ko ang kulay na iyan,"
kung papalitan ng g ang k sa salitang kulay O maaring magkagulo kung ang marinig ay
"Ang taba ng pata mo!" pero sa katunayan ang sinabi pala, bata

од
19/138
WIS OF

You might also like