You are on page 1of 1

PANGALAN: RHEA P.

DAET

KURSO: FILED 222

PETSA : Ika-9 ng Hulyo, 2022

PROPESOR: JOAN L. SAMINIANO, MFIL

MAIKLING REAKSYON BILANG EBALWASYON SA ISINAGAWANG WEBINAR

Hindi madali ang pag-oorganisa at pagsasagawa ng isang webinar dahil ang


pinakaunang kalaban namin ay ang internet connection at pumapangalawa ang
biglaang pagkawala at/o pag “fluctuate” ng kuryente. Ito ang mga kadahilanan kaya
lumitaw ang mga problemang teknikal na hindi natin makokontrol.

Mahirap din sa kalagayan naming mga estudyanteng guro sa panahong ito


dahil sa kanya-kanyang obligasyon din sa aming mga paaralan dahilan upang hindi
gaaanong nagkaroon ng panahon na makapag-usap-usap sa daloy ng isinagawang
webinar dahil panahon ng kasagsagan ng mga Recognition at Graduation Rites.

Sa kabila ng mga sagabal na aking nabanggit, dahil sa dedikasyong maitawid


ang webinar ay ramdam din ang pagsisikap ng bawat isa na mapagtagumpayan ang
aktwal na daloy ng aming webinar.

Ang mga tagapanayam naman ay kitang-kitang naghanda sa kanilang bidyong


presentasyon at malinaw na natalakay ang kani-kanilang paksa.

Ang mungkahi ko lamang para sa mas lalong ikagaganda ng pagdaraos ng


webinar gaya ng mga sumusunod:

 Magkaroon/maghanda ng pampasiglang bilang o “ice breaker” pangtanggal sa


pang mental at pampisikal na ngalay at pang -iwas din ito sa mga time gap.

 Ang Technical Working Group ay dapat na maging handa rin upang maiwasan
ang log. Maghanap ng lugar na may malakas na signal dahil itp ay isang
webinar series at hindi simpleng pag-uulat lamang. Maaari po nilang kolektahin
ang presentasyon ng bawat grupo/tagapanayam, icompile na nila ito upang
pasunod-sunod na nilang maipresent ang tatalakayin ng bawat tagapanayam.
Makaiiwas ito sa time gap.

You might also like