You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Paaralang Gradwado
Lungsod Sorsogon

MUNGKAHI O PUNA SA ISINAGAWANG WEBINAR

Ano nga ba ang WEBINAR?


- ito ay isang pagtatanghal, panayam, paggawa, o seminar na naihatid sa internet sa
pamamagitan ng video conferencing.

Sa aming isinagawang webinar ay hindi madali at ito ay naging mahirap lalo na sa


sitwasyong ito. Ngunit kami ay gumawa ng paraan para maisagawa ito ng maayos at
kapakipakinabang sa mga dadalo.

Narito sa ibaba ang mga puna na gusto ko ipabatid:

PAGSULAT NG LATHALAIN (FEATURE WRITING)


 Maayos at organisado ang naging daloy ng webinar.
 May sapat na kaalaman ang tagapanayam.
 May kahandaan ang tagapanayam sa kanyang paksa.
 Ang pangkat ay naging handa sa kanilang webinar.
 Hindi nasunod ang oras na ibinigay kung kaya;t natagalan ang pagsisimula at
naapektuhan ang sumunod na pangkat.

ANG PAGGAWA NG KARTUN (CARTOONING)


 Ito ang aming paksa, maayos at organisado ang daloy ng webinar.
 Mahusay at magaling ang tagapanayam subalit nakulangan ako ng pagpapaliwanag.
 Nakitaan ng kahandaan ang tagapanayam ngunit hindi katulad ng ibang speaker na
napaghandaan ang presentasyon.
 Marami ang natutunan ko sa pagguhit lalo na’t hindi ako bihasa.

MGA LARAWAN SA PAHAYAGAN (PHOTOJOURN)


 Maayos at organisado ang naging daloy ng webinar.
 Hindi nasunod ang oras na ibinigay para makapagsimula sa tinakdang oras ng
webinar.
 Mahusay ang tagapanayam,subalit hindi ko masyado nakita ang mukha ng
tagapanayam dahil sa madilim ang background niya.
 Naipaliwanag ng maayos ang paksa at natapos ng may natutunan kami.
 Nasiyahan lang ako sa tagapanayam dahil nag effort po sya para isalin sa wikang
ingles ang kanyan presentasyon.

PAGSULAT NG ULO NG BALITA (HEADLINE WRITING)


 Ang naging daloy ng webinar ay maayos at organisado.
 May kahandaan ang ang pangat sa isinagawang webinar.
 Makabuluhan ang naging paksa ng tagapanayam.
 Magaling at malinaw magsalita ang tagapanayam kunng kaya’t naintindihan at
naunawaan namin.
 Naging kapakapakinabang ito sapagkat marami ang aming natutunan.
PAGSULAT NG EDITORYAL (EDITORIAL WRITING)
 Maayos at organisado ang daloy ng webinar.
 Nakitaan ko po ng kahandaan ang pangkat at ang tagapanyam.
 Matalino at napakahusay ng tagapanayam, dahil dito marami ang natutunan namin.
 Napakalinaw ng pagpapaliwanag ng paksa.
 Isa sa may pinakamagandang webinar na naganap.

PAGSULAT NG BALITA (NEWS WRITING)


 Maayos at organisado ang webinar.
 Nakitaan ng kahaandaan ang pangkat.
 Mahusay at magaling ang tagapanayam.
 Marami ang natutunan namin sa kanyang paksa.
 Naipaliwang ng maayos ang paksa.

PAG-AANYO NG PAHINA (LAY-OUTING)


 Maayos at organisado ang naging daloy ng webinar.
 May sapat na kaalaman ang tagapanayam, subalit mas maganda sana kung may
wikang tagalog siya na isinalin sa kanyang presentasyon paea mas lalo maunawan at
maintindihan.
 May kahandaan ang tagapanayam sa kanyang paksa.
 Ang pangkat ay naging handa sa kanilang webinar.

BALITANG PAMPALAKASAN (SPORTS WRITING)


 Maayos at organisado ang webinar,’
 Hindi nasunod ang oras na ibinigay para makapagsimula agad.
 Matalino at mahusay magsalita ang tagapanayam, ngunit masyadong mabilis
magpaliwanag.
 Naging aktibo naman ang tagapanayam sa pagsagot sa mga katanungan ng mga
dumalo.
 May kahandaan ang pangkat sa webinar.

PAGWAWASTO NG ORIHINAL AT NG PRUWEBA (COPY READING)


 Maayos at organisado ang naganap na webinar.
 Mahusay at magaling ang tagapanayam. Ngunit,sa kadahilanag mahina ang aming
signal sa internet sa oras na iyon may mga bagay na hindi ko maintindihan.
 Magaling magpaliwanag at nasagot naman ang mga katanungan ng dumalo.
 Naging handa ang pangkat para sa webinar.

Sa kabuuan ng webinar na naganap sa loob ng isang buwan,


matagumapay itong natapos. May ilan lamang akong mungkahi para sa susunod na
webinar na gagawin para sa lahat - Una, sumulat ng script o isang malakas na script para
magkaroon ng maayos at organisadong talakayan. Pangalawa, ihanda ang camera.
Napansin ko na karamihan sa atin ay nakasara, mas maganda sana na lahat ay bukas para
nalalaman din ng tagapanayam ang rekasyong ng kanyang tagapakinig. Pangatlo,
gumamit ng isang Interactive na pagtatanghal ng software. Ito ay isa sa mga pinaka
importante sa lahat dahil dito mo malalaman ung talagang may natutunan ang mga
dumalo at kung naging maayos ba ang paksa na naitalakay. At para sa pang-apat,
baguhin ang mha mali sa nagawa at balikan ang ginawa para makita kung ito ay sapat na
para sa gagamiting webinar.

Inihanda ni : Bb. Czarina B. Gañas


MAED-FILIPINO

You might also like