NCR Final Filipino12akad q1 m7-1

You might also like

You are on page 1of 11

SHS

F.

FILIPINO
(Piling Larang-Akademik)
Unang Markahan-Modyul 7:
Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Tungo sa Epektibong Pagbuo ng Sintesis

May-akda: Victor F. Ang Jr.


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

 Aralin – Pagsulat ng Katitikan ng Pulong Tungo sa Epektibong


Pagbuo ng Sintesis

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo


ang sumusunod:

A. napagbabalik-aralan ang pagtatala at pagtukoy


ng mahahalagang impormasyon;
B. nakikilala ang pulong at kahalagahan nito;
C. nakikilala ang sintesis at paraan ng pagbuo nito;
D. natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang
pulong; at
E. nakabubuo ng isang sintesis sa napag-usapan sa pulong
gamit ang mga naitalang mahahalgang impormasyon

Subukin

Sagutin ang sumusunod na tanong. Pagkatapos ay isulat ito


sa patlang.

1. Ano ang kadalasang ginagawa sa isang pagpupulong? Isa-isahin


ito.
2. Ano-ano ang mga katangian na dapat tandaan sa pagsasagawa
ng isang pagpupulong?
3. Anong mga impormasyon ang kadalasang kailangang
makukuha sa pagsasagawa ng pagpupulong?

1
Pagsulat ng Katitikan
Aralin ng Pulong Tungo sa Epektibong
Pagbuo ng Sintesis
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsulat ng pulong tungo sa
epektibong pagbuo ng sintesis. Malilinang ito kung maisasagawa mo nang
matapat ang lahat ng gawaing inihanda.

Balikan
Ano-ano ang hakbang sa pagsulat nang maayos at epektibong
talumpati? Isulat sa hiwalay na papel.

. Tuklasin

A. Panimula

Pagmasdan ang larawan. Ano ang masasabi mo sa sitwasyon?


Pamilyar ka ba sa katititikan o minutes of the meeting?

Paliwanag:
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

2
B. Pagbasa

Ngayon naman ay bibigyan naman kita ng pagkakataon na basahin at


suriin ang pagsulat ng katitikan ng pulong sa pamamagitan ng sintesis
nang naging usapan. Pagkatapos nito ay sasagutin mo ang ilang mga
kaugnay na tanong na nakapokus sa pagbasa at pagsusuri ng akda.

Ano ba ang Katitikan ng Pulong?


Ayon kay Villanueva (2016), ang katitikan ng pulong ay puwedeng
gawin ng kalihim, typist/encoder o reporter sa korte. Maaaring gumamit ng
shorthand notation, pagkatapos ay ihanda at ipamigay sa mga kalahok.
Maaari rin naman ang pulong ay video-recorded. Maraming ahensiya ng
pamahalaan ang gumagamit ng minutes recording software upang irekord at
ihanda ang lahat ng katitikan sa tamang panahon.
Sa mga pribadong organisasyon, madalas na ang katitikan ay maikli
at tuwiran kaya’t maaaring lagom lamang ng talakayan at mga desisyong
nakapag-isahan. Itinuturing na legal na dokumento ang katitikan kaya
kailangan nakatago sa mga talaan.
Sa pangkalahatan, ang katitikan ay nagsisimula sa pangalan ng
samahang magsasagawa ng pulong, lugar, petsa, talaan ng mga taong
dumalo, at ang oras ng pagsisimula ng tagapanguna sa pagpupulong. Ang
katitikan ng pulong ay maaaring sa pamamagitan ng pagsasabi ng oras ng
pagtatapos.
Ang katitikan ng pulong ay dapat na nakatala at mabilis na mabasa
at maunawaan ng mga miyembro kaya’t kinakailangan na ito ay maikli
lamang kaya’t dapat na nakatala lamang ang pinakamahalagang naging
pag-uusap. Ito ay tinatawag na SINTESIS.
Ngayon alam mo na ang kahulugan at kahalagahan ng katitikan ng
pagpupulong ay humanda naman kayong magbasa at magsuri nito.
Inaasahan na makasasagot kayo sa ilang mga tanong na may kaugnayan sa
binasa.
Katitikan ng Pulong: LAC (LEARNING ACTION CELL) SESSION
Personal na tala ni G. Romeo A. Pilongo
Mataas na Paaralan ng Sta Elena

KATITIKAN NG PULONG NG MGA GURO MULA SA SENIOR HIGH SCHOOL


NG MATAAS NA PAARALAN NG STA ELENA NA GINANAP NOONG
SETYEMBRE 13, 2019 SA SEHS CONFERENCE ROOM.

3
Mga Dumalo:

Gng. Maria Amor R. Solis- Pangalawang Punong Guro, SHS


G. Ruen P. Lomo- Year Leader (Grade 12)
G. Angelo G. Autea- Year Leader (Grade 11)
Bb. Louise Lyn Angeles
Mark Joseph D.R. Arabit
G. Valentin D. Batoc
Gng. Russel S. Berador
G. John Paul R. Cain
Gng. Noemi E. Del Rosario
G. Omo A. Estrada
Bb. Michelle M. Esquillon
Gng. Brenda C. Evangelista
G. Jesus Q. Forten
Bb. Erika Crizel D. Lacsam
Gng. Coleen Michelle Magalong
Gng. Shiela Mae A. Malesido
G. Servic S. Marilao
Gng. Jennifer B. Mesias
G. Romeo A. Pilongo
Gng. Patricia R. Quine
Gng. Aurora J. Ramos
G. Mark Joan SB. Rempillo
Bb. Bernadette R. Reyes
Gng. Rosalinda G. Ruiz
G. Vince Marco A. Saño
G. Ed Angelo P. Tan
G. Francisco Tapia Jr.
G. Emmanuel M. Velarde
G. Martin Angelo G. Vera
Gng. Carina C. Robiñol
Gng. Mary Rose Arroyo
Gng. Margie A. De Guzman (JHS)
G. Arvin H. Culala (JHS)

Di-dumalo:
wala

Ang pagpupulong ay sinimulan ni Gng Aurora J. Ramos na nagsimula


sa ganap na 11:10 ng umaga. Sinundan ito ng pampasiglang gawain sa
pangunguna ni G. Mark Joseph D.R. Arabit. Ang lahat ay nakiisa sa
nasabing gawain upang magkaroon ng kalakasan sa pagsisimula ng aming
pagpupulong.
Ang inyong lingcod ang naging tagapagdaloy ng nasabing
pagpupulong. Sinimulan nito ang pagbibigay ng natatanging mensahe sa
pangunguna ni G. Ruen P. Lomo. Sinundan ito ng pagpapakilala sa
panauhing tagapagsalita na ipinakilala ni G. Mark Joan SB. Rempillo ang
aming LAC Coordinator.

4
Si Gng. Jossa Margaret Aloria- Francisco mula sa Marikina Science
High School Senior High School Department ang naging tagapagsalita
namin sa umagang iyon.
Nagsimula siya sa isang munting laro na tinawag niyang “The Magic
Carpet” kung saan ang mga guro ay nagkaroon ng pangkatan na binubuo
ng 10 miyembro. Nakatutuwa ang nasabing gawain sapagkat halos lahat
kami ay nag-isip talaga upang masagot ang kanyang katanungan.
Nagsimula ang kanyang pananalita sa diskusyon sa kahulugan ng
kurikulum at halaga nito lalo na a mga guro ng Kagawaran ng Edukasyon.
Binanggit niya na marapat na sundin ito ng mga guro saagkat nakapaloob
dito ang mga kasanayang pampagkatuto na kailangang matamo ng mga
mag-aaral.
Binanggit niya ang tungkol sa ilang mga gawain na tulad ng
nilalaman ng aralin sa paggawa ng DLL (Daily Lesson Log), ilang estratehiya
at pamamaraan gayundin ang pagtatasa (assessment).
Sinundan ito ng pagtalakay niya sa konteksto ng “Constructivism” at
nagbigay ng mga kaugnay na halimbawa upang magkaroon ng lubos na
kaalaman ang mga gurong nakikinig.
Sa huli, nagkaroon ng talakayan tungkol sa INTEGRASYON ng
pagtuturo sa iba pang aisngatura sa pamamagitan ng KOLABORASYON.
“Malaki ang tulong nito sa pagkamit ng lubos na kaalaman at pagkatuto
hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa guro. Kinakailangan
lamang ng mahabang oras upang ito’y maisakatuparan ng organisado at
maayos. Sinabi niya sa huli ang epektibong gamit nito lalo na sa pagbibigay
ng gawain sa mga mag-aaral.
Ang huling bahagi ay tinawag si G. Ruen P. Lomo upang igawad ang
sertipiko ng pagkilala sa tagapagsalita. Nagbigay ng pangwakas na
pananalita ang Year Leader ng Grade 11 na si G. Angelo G. Autea.

Natapos ang pagpupulong sa ganap na 12:35 ng tanghali.

C. Pag-unawa sa Binasa
1. Naging maayos at organisado ba ang daloy ng pagpupulong? Bakit?
2. Ano-ano ang mga napag-usapan sa nasabing pagpupulong?
3. Bakit mahalaga ang kolaborasyon hindi lamang sa mag-aaral kundi
maging pati sa guro? Ipaliwanag.
4. Paano nagsimula ang pagpupulong?
5. Paano naman ito natapos?
6. Naging maayos ba ang ginawang katitikan ng pulong? Bakit?

5
Suriin

Pinag-usapan sa pulong:
Agenda
Mga pahayag sa isyung pinag-uusapan
Mga tugon at desisyon
pinamimigay sa mga kalahok
Maaring video recorded
Maikli at tuwiran
Lagom ng talakayan
Mahahalagang bagay ang nilalaman
Samahang nagsasagawa
Lugar
Petsa
Talaan ng mga dumalo
Oras ng pagsisimula
Oras kung kailan natapos

Ang katitikan sa isang pulong ay maaaring


paikliin sa pamamagitan ng pagbuo ng sintesis. Ang
sintesis ay pagpapaiksi sa pinag-usapan sa
pamamagitan ng paghalaw ng mahahalagang bagay
sa nasabing pagpupulong.

Pagyamanin

Sa pagkakataong ito ay palawakin naman natin ang iyong


kaalaman at kakayahan sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
Bumuo ng isang katitikan ng pulong ng inyong pangkat tungkol sa
isang proyekto. Isulat sa isang hiwalay na papel ang katitikan ng
pulong. Huwag kalimutan ang ilang mga gabay sa pagsulat nito.
Gamitin ang pamantayan sa susunod na pahina.

6
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan 30 puntos 25 20 puntos 15 puntos 10 puntos
Napakahusay puntos Medyo Kinakailana Maraming
Mahusay mahusay gn pa ng kakulangan
paggabay
Katitikan
ng pulong
Mahusay na
pagkakabuo ng
katitikan ng
pulong
(nasusunod ang
mga dapat na
makita dito)
Malinaw na
nailalahad ang
napagkasunduan
sa pagpupulong
Gamit ng Wikang
Filipino sa paraan
ng
pagapapaliwanag

Isaisip

Gamit ang diyagram, ibuod ang pinag-aralan batay sa iyong


natutuhan. Isulat ang sagot sa ibaba.

Organisado at
Katitikan ng Pagkakaintindihan
+ malinaw sa =
pulong
lahat

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

7
Isagawa

Ilalapat mo sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa aralin.


Suriin ang halimbawa ng katitikan ng pulong mula sa link na ito sa
facebook:
https://www.facebook.com/angelica.inciong.3/videos/221391541
5562166/
Pagkatapos ay isulat ang pinakabuod o sintesis ng kanilang
usapan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang katitikan ng pulong
mula sa binasang katitikan ng pulong.

Tayahin

Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin


ang iyong natutuhan.

A. Basahin at sagutin ang sumusunod na mga tanong.


Pagkatapos ay isulat sa patlang bago ang bilang, ang angkop na sagot.

_______________1. Ang pagsulat ng katitikan ng pulong ay dapat na


_______________ upang mas mabilis na maunawaan
ng mga babasa ang naging usapan
_______________2. Tawag sa lagom ng napag-usapan.
_______________3. Kinakailangan sa pagsulat ng katitikan ng pulong
ay dapat ay nakatala ang mga ___________.
_______________4. Itinuturing na _________ na dokumento ang
katitikan ng pulong.
_______________5. Kadalasang ginagamit ang katitikan ng pulong sa
__________.

B. Magkaroon ng pangkatan. Magpulong tungkol sa susunod na


proyekto ninyo sa Filipino. Igawa ng katitikan ang nasabing
pagpupulong. Isulat sa hiwalay na papel at ipasa sa guro. Gamitin
ang pamantayan sa bahaging “Pagyamanin.”

8
Karagdagang Gawain

Lalong palawakin ang iyong kakayahan. Humanap ng


halimbawa ng katitikan ng pulong at isama ito sa isusumite sa
modyul. Lagyan ng paliwanag kung bakit ito naging epektibong
katitikan ng pulong. Ang pamantayan sa pagmamarka ay makikita
sa bahagi ng “Pagyamanin.”

Susi sa Pagwawasto

TAYAHIN:
1. Maikli at naiintindihan
2. Sintesis
3. Dumalo
4. Ligal
5. Ahensya ng pamahalaan o sa mga pribadong organisasyon

Sanggunian

Badayos, Paquito B., et al. “Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik”. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.,
2007.
Villanueva, Voltaire M. at Bandrill, Lolita T. “Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larangan: Akademik at Sining at Disenyo.” Quezon City:
Vibal Group, Inc. 2016.

9
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Victor F. Ang Jr. (Guro, THS)


Mga Editor: Romeo A. Pilongo (Guro, SEHS)
Feliza Paz-Muňoz (Pang. Punong Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri-Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

SDO-Marikina City-Curriculum Implementation Division (CID)

2nd Floor, SDO-Marikina Bldg. Shoe Avenue, Sta. Elena,


Marikina City

Telefax: 682.3989

Email Address:

10

You might also like