You are on page 1of 6

School: PINUGAY ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: VI

DAILY LESSON Teacher: MARIA EL MARIE G. TESIORNA Learning Area: FILIPINO


PLAN Teaching Date /Time: May 25, 2023 Quarter: FOURTH

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang
Pangnilalaman talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa
mensahe ng binasang teksto
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang pagkakaiba ng mga tekstong piksyon at di-piksyon (F6PB-IVc-e-22)
Pagkatuto
II. NILALAMAN Pagsusuri ng Pagkakaiba ng mga Teksto (Piksyon at Di-Piksyon)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng K-12 Curriculum Guide – Grade 6 FILIPINO page 128
Guro
2.Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan MISOSA Modyul 18: Piksyon at Di-piksyon
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, projector, activity sheets
Panturo
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Panuto: Buuin ang mga ginulong titik upang matukoy kung anong teksto ito.
aralin at/o pagsisimula ng
aralin ALUBAP 1. Kwentong mga hayop ang tauhan at karaniwang nagbibigay-aral
sa buhay
ANEKAOTD 2. Isang maikling paglalahad ng pangyayari sa buhay ng isang tao
AMALTA 3. Kwento ng pinagmulan ng tao, bagay o pook
BULAPARA 4. Kwentong hango sa mga turo ni Hesus sa Bibliya
TALANAWARA 5. Nagpapakita ng araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao.

(Matapos manghula ng mga mag-aaral ay tatawag ang guro ng mag-aaral na siyang


magpapakita ng tamang sagot sa pamamagitan ng pagpindot sa keys ng laptop hanggang
sa lumitaw ang lahat ng letra at mabuo ang salita)

B. Paghahabi sa layunin ng Tingnan ang larawan, alin sa mga larawan ang kawangis nating mga Pilipino?
aralin Bakit nga ba magkakaiba ang kulay at istura ng bawat lahi?

(ESP/GAD: paggalang sa pagkakaiba-iba ngitsura ng bawat lahi, relihiyon at kasarian)

Paghahawan ng Balakid:
Hurnuhan (oven) – isang kulob na painitan na dinisenyo sa pagluluto ng tinapay o cake
Hinango – kinuha o inalis na sa pagkakalagay
Bathala – Ayon sa mitolohiya ng mga lumang Tagalog, si Bathala ang punong diyos o
Pinaka-ama ng lahat ng mga diyos.
Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Pinagmulan ng Iba’t Ibang Lahi

Ayon sa matatanda, matagal ding namuhay nang mag-isa sa daigdig si


Bathala. Mag-isa niyang nilibot ang daigdig. Habang tumatagal ay nakadarama
siya ng lungkot at kabagutan. “Napakalungkot nang nag-iisa! Kailangan kong
lumikha ng makakasama!” malakas na sabi ni Bathala sa kanyang sarili.

Kinabukasan ay nagpasya si Bathala na lumikha ng tao. Kumuha si bathala


ng maganda, malambot at malagkit na lupa. Masaya niya itong hinubog sa anyong
tao. Pagkatapos ay maingat niya itong inilagay sa hurnuhan upang lutuin. Habang
naghihintay na maluto, inaliw niya ang kanyang sarili sa pag-iisip kung ano pa ang
maaari niyang magawa sa mabubuo niyang tao.

Hindi nagtagal, nakaamoy siya ng nasusunog. “Ang aking nilikha!” sigaw ni


Bathala nang maalala ang kanyang niluluto. Dali-dali niya itong kinuha sa
hurnuhan, “Nasunog, umitim ang nilikha!”
Ang maitim na taong nagawa ni Bathala ay sinasabing ninuno ng lahi ng mga
Negro.

Ipinasya ni Bathala na gumawa ng panibagong tao. Kumuha siyang muli ng


putik at hinubog ito sa anyo ng tao. Pagkatapos ay inilagay muli sa hurnuhan at
naghintay. Sa takot na masunog muli ay hinango niya ito kaagad sa hurnuhan.
“Hilaw!” bigong sigaw ni Bathala nang makita ang hinangong tao. “Napakaputi ng
aking nilikha!”
Ang maputing tao ang pinaniniwalaang ninuno ng mga lahing puti tulad ng
mga Amerikano at mga taga-Europa.

“Kailangan kong gumawa ng isa pa!” sabi ni Bathala sa kanyang sarili. “Sa
pagkakataong ito, titiyakin kong tamang-tama na ang pagkakaluto.” Muling
humugis ng tao si Bathala mula sa malagkit na putik at niluto upang masigurong
hindi ito masusunog o kaya’y mahihilaw. Nang inaakala niyang husto na ang
pagkakaluto ng kanyang nilikha, inilabas niya ito sa hurnuhan.

“Tamang-tama ang pagkakaluto! Napakaganda ng kulay! Hindi maitim at hindi


rin maputi. Tamang-tama lamang sa aking inaasahan!” bulalas ni Bathala.

Ang nilikhang ito ang sinasabing pinagmulan ng lahing kayumanggi na siyang


lahing kinabibilangan ng mga Pilipino.

C. Pag-uugnay ng mga Mga Tanong:


halimbawa sa bagong 1. Tungkol saan ang kuwento?
aralin 2. Ano ang nilikha ni Bathala?
3. Bakit niya nilikha ang mga ito?
4. Anong lahi ang una niyang nilikha? Ang pangalawa? Ang pangatlo?
5. Paano niya nilikha ang mga ito?
6. Ayon sa kwento, anong lahi ang pinagmulan ng Pilipino?
6. Makatotohannan ba ang mga pangyayari sa kuwento? Bakit?

Pagkatapos marinig ang sagot ng mga mag-aaral, itanong ang mga sumusunod:
1. Ano ba ang lahing pinagmulan ng mga Pilipino?Bakit nga ba may ilang Pilipino na
maitim, maputi at kayumanggi? (IIugnay ang tanong sa nakaraang aralin sa AP tungkol sa
Kolonisasyon sa Plipinas)

Ngayon naman ay basahin ang isang artikulo tungkol sa Melanin.

Ang melanin ay isang sangkap sa iyong katawan na gumagawa ng


pigmentation ng buhok, mata at balat. Kung mas maraming melanin ang iyong
nagagawa, mas madidilim ang iyong mga mata, buhok at balat. Ang dami ng melanin
sa iyong katawan ay nakasalalay sa ilang iba't ibang mga kadahilanan, kabilang ang
genetika at kung gaano karaming pagkakalantad sa araw ang iyong populasyon ng
ninuno.

https://karger.com/spp/article/35/2/65/826910/Influence-of-Ethnicities-and-Skin-
Color-Variations
2. Base sa ating binasa, ano nga ba ang totoong dahilan ng pagkaka-iba-iba ng kulay o
“complexion” ng isang tao o lahi?
(Science – Integumentary System)
3. Makatotohanan ba ang mga nabanggit sa binasang artikulo? Bakit?

D. Pagtatalakay ng bagong Ang 2 binasa natin ay parehong teksto na may kani-kaniyang paksa.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Ang una ay sinulat o ginawa ng may-akda upang magbigay aliw sa mambabasa, ngunit ito
ay kathang-isip lamang. Isang kwento mula pa sa ating mga ninuno tungkol sa pinagmulan
ng tao.

Samantalang ang ikalawang teskto/babasahin naman ay isinulat upang magbigay ng


impormasyon tungkol sa ‘melanin’ na siyang totoong dahilan kung bakit may iba’t ibang uri
ng kulay ng balat ang mga tao. Ito ay hango sa siyensya at totoong pag-aaral tungkol sa
balat ng mga tao.

Ang dalawang uri ng babasahin na ito ay tinatawag na Piksyon o Kathang-isip at Di-


piksyon o makatotohanan.

Ang babasahing piksyon ay binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na
inilalahad sa paraang pasalaysay o pakuwento. Ito ay ginagampanan ng mga likhang isip
na mga tauhan, lugar at mga pangyayari. Ito ay maaaring alamat, salaysay, kuwento.

Ang babasahing di-piksyon ay kinapapalooban ng mga pangyayari. Ito ay maaaring


talaarawan, editoryal, artikulo, sanaysay o paglalahad.

Ipaghahambing ng guro ang una at ikalawang binasang kwento at artikulo upang


ipaliwanang ang pagkakaiba ng Piksyon at Di-Piksyon. Magbibigay din ang guro ng ilan
pang halimabawa ng mga babasahing piksyon at di piksyon. (powerpoint)

Tatawag ang guro ng 1 mag-aaral na magbabasa para sa klase.

Mag-aaral 1: Basahin sa harap ng klase na parang isang “endorser ng produkto” ang


lathalain na kinuha sa isang pahayagan at sagutin ang nag sumusunod na tanong.

Pamoso ang Baguio sa mga magagandang bulaklak na kanilang ipinakikita sa


taunang selebrasyon ng Baguio Flower Festival tuwing buwan ng Pebrero. Dito
ipinaparada ang mga sari-saring bulaklak na ipinagmamalaki ng lungsod.

Hindi dapat kalimutan ang pamamasyal sa mga kilalang park sa Baguio. Ang
Burnham Park ang pinaka-una at pinakamatandang park sa lungsod
samantalang naging popular naman ang Mines View Park dahil sa miniminang
ginto, tanso at ore dito. Ang Wright Park ay isang pine tree park reserve. Makikita
rin dito ang Philippine Military Academy (PMA), Unversity of the Philippines,
College of Baguio at Eastern School Weaving Room kung saan natututong
maghabi ang mga taga-Baguio.

Kung ang hanap ay spiritual growth, naririto ang hinahangaang Baguio Cathedral
na kailangang akyatin ng 100 baytang sa tuktok ng bundok, ang Lourdes Grotto
na may 252 baitang at ang Bell Temple kung saan itinuturo ang iba’t ibang
relihiyon.

Marami pang makasaysayang lugar na matatagpuan sa lungsod. Ang Kennon


Road ang pinakamaikling highway patungong Baguio. Ipinangalan ito kay Col.
Lyman W. Kennon, isa sa mga nagtaguyod ng proyekto. Naririyan din ang
Teacher’s Camp na madalas pagdausan ng mga training ng mga guro sa buong
bansa at ang Baguio Mansion House na ginagawang retreat house ng mga
naging pangulo ng bansa at gobernador heneral na Amerikano.

Bukod sa magagandang tanawin, ‘shopping haven’ din kung ituring ng marami


ang Baguio. Dito nagsimulang makilala ang tinatawag na UK (Ukay-Ukay). Sa
palengke ng lungsod sa may Magsaysay Avenue masarap mamili ng mga
souvenir items. Ang mga stalls dito ay puno ng iba’t ibang produktong etniko at
nakaboteng mga minatamis. Kaya tayo na sa Baguio!
Tanong:
1. Ito ba ay Piksyon o Di-Piksyon? Bakit?
Hindi ito piksyon dahil hindi ito likhang isip. Ito ay halimbawa ng Di-Piksyon sapagkat
kinapapalooban ito ng mga pangyayari na tunay na naganap, makatotohanan, mahalaga at
makasaysayan.

E. Pagtatalakay ng bagong Pangkatang Gawain


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Ipaalala ang mga Pamantayan sa pangkatang gawain bago magsimula ang bawat pangkat.

Unang Pangkat
Panuto: Suriin ang Pabalat ng bawat babasahin o teksto sa ibaba. Pagsama-samahin sa
hanay A ang lahat ng Piksyon at sa hanay B naman ang lahat ng Di-Piksyon.

Ikalawang Pangkat
Panuto: Suriin ang pamagat ng mga seleksyong nakatala sa ibaba. Isulat and titik P kung
piksyon at titik DP naman kung ito ay di-piksyon.
_____1. Talambuhay ni Tandang Sora
_____2. Ang Sirena sa Ilog
_____3. Hangin tubig na may lason (Editoryal)
_____4. Mulawin
_____5. Alamat ng Makahiya
_____6. Darna
_____7. Ang Aking Talaarawan
_____8. Pope Benedict XVI Ang Unang Papa ng Milenyo
_____9. Encantadia
_____10. Kagamitang Medikal ng mga Sundalo, Iayos (Editoryal)

Ikatlong Pangkat
Panuto: Ipakita ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tekstong Piksyon at Di-Piksyon
gamit ang Venn Diagram.

PIKSYON DI-PIKSYON
• Kathang-isip • Tunay na pangyayari
• Imahinasyon May tagpuan • Talambuhay
• Hindi makatotohanan Tauhan • Kasaysayan
• Alamat Balangkas ng mga • Mga karanasan
• Kwentong-bayan pangyayari • Kwento ng tagumpay
• Epiko • Makasaysayang pangyayari
• pabula • anekdota

F. Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat teksto. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod
(Tungo sa Formative ang Piksyon o Di-piksyon.
Assesment)
1. Ang globo ay nahahati sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walng mga nahagi
tulad ng nakikita sag lobo. Ang ordinaryong mapa ay magpapakita ng isang bahagi lamang
ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa sa daigdig.
2. Isang umaga, tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon.
Magtapu-tagpo ang mga hayop sa gubat, mga ibon at maging mga hayop sa kapatagan.
May mahalaga silang pagpupulong.

3. Sa kahahanap ng pagkain, nahulog ang lobo sab along walang tubig. Nakita nya ang
mga kambing nakatingin sa kanya. “Ano ang ginagawa mo diyan kaibigang lobo?” tanong
ng kambing. Sagot ni Lobo, “Hindi mo baa lam na nagagalit si tigre at ako ay nagtatago
dito!” Lumundag sa balon ang kambing dahil sa takot. Biglang sumampa ang lobo sa likod
ng kambing at nakatakas ito.

4. Ang pagtatanim ng punongkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa


kalakhang Maynila. Sani ng DENR na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.

5. Si Pangulong Ramon Magsaysay ang pangatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng


Pilipinas. Bilang pangulo siya ay ilang ulit nang pinaratangan sa ibang bansa dahil sa mga
nagawa niya sa ating bansa. Tinagurian siyang idolo ng Karaniwang tao dahil sa kanyang
katapatan.

G. Paglalapat ng aralin sa Sa panahon ngayon, napakarami nang maririnig, mababasa at mapapanood mula sa iba’t
pang araw-araw na buhay ibang uri ng media. Iba’t-ibang uri ng impormasyon, kwento at mga pangyayari ang maari
nating makita/marinig at mapanood mula rito. Hindi lahat ng ng ito ay totoo, nagkalat ang
‘fake news’ at maling mga impormasyon, karamihan ay kathang-isip lamang at nagmula sa
imahinasyon. Panoorin natin ang patalastas na ito at suriin kung ito ay Piksyon o Di-
Piksyon.

https://www.youtube.com/watch?v=MNtnay3k9gs

Mga tanong:
1. Tungkol saan ang napanood?
2. Ito ba ay base sa katotohanan o totoong buhay?
(English-Propaganda – Anong uri ng propaganda ang ginamit upang mahikayat ang mga
konsumer sa patalastas na ito?)
3. Kapanipaniwala ba ang patalastas na ito? Bakit?
4. Kung ikaw ang tatanungin? Bibili ka rin ba ng ballpen na ito? Bakit?
(MAPEH-Consumer Health – Hindi lahat ng napapanood sa telebisyon o patalastas ay
totoo, maging mapanuring konsumer)
5. Bakit mahalaga na matuto tayong suriin kung piksyon o di-piksyon ang mga teksto o
palabas na ating binabasa/pinapanood?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang 2 uri ng Tekstong ating tinalakay?
Ano ang piksyon?
Ano naman ang Di-piksyon?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat teksto. Isulat ang titik P kung ito ay Piksyon
at titik DP aman kung Di-Piksyon.
1. Malaking bagay ang mensahe ni Pangulong Marcos upang makapag-ingat ang publiko
tungkol sa paglaganap muli ng Covid 19.
2. Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging isang punongkahoy n
bungang hugis-puso.
3. Unang nakarating sa tuktok ng bundok si Maya at tinalo niya ang mayabang na si Agila.
4. Bahagyang humina ang bagyong Ambo na mula sa typhoon category, ngayon ay nasa
severe tropical storm category na lamang. Ayon sa report naka-anim na landfall ang bagyo
na unang nanalasa sa Visayas bago ang pampitong landfall sa bahagi ng Quezon kagabi.
5. Maagang nakapagtapos ang mga pribadong paaralan dahila mas maaga silang
nagsimula ng klase noong nakaraang taon. Samantala inaprubahan naman ng Kagawaran
ng Eduasyonna muling magsagawa ng modular learning system sa ilang lugar o rehiyong
apektado ng matinding init.
J. Karagdagang gawain para Maghanap ng 2 uri ng aklat o anumang babasahin sa inyong tahanan/silid-aklatan. Maaring
sa takdang-aralin at litratuhan ang pabalat o isulat ang pamagat nito sa inyong kwaderno. Pagkatapos ay suriin
remediation at tukuyin kung ito ay Piksyon o Di-Piksyon.
V.MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sapagtataya
B. Bilang mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istrateheya ng
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G.Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

MARIA EL MARIE G. TESIORNA


Guro sa Filipino 6

NOTED:

MARGIE D. MAPA, EdD


Principal I

You might also like