You are on page 1of 23

12

Filipino sa Piling Larang


(Academic
)
Unang Markahan
– Modyul :2
IBA’T IBANG
AKADEMIKONG SULATIN
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Iba’t Ibang Akademikong Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jannie Salarda Jarabe


Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle
L. Mongcopa,
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Renante A. Juanillo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

12
Filipino sa Piling Larang
(Academic)
Unang Markahan – Modyul 2:
Iba’t Ibang
Akademikong Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Iba’t Ibang Akademikong Sulatin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagami
t sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Iba’t Ibang Akademikong Sulatin!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang


ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang


kompetensi.

ii
i
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

IBA’T IBANG AKADEMIKONG SULATIN

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa


b. Layunin
c. Katangian
d. Gamit
e. Anyo
CS_FA11/12PN-0a-C-90

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Alam kong nasiyahan ka sa naging


resulta ng iyong Unang Aralin.
Dahil masaya ka sa kinalabasan nito, maaari ka nang dumako sa
Ikalawang Aralin. Tiyak akong matutuwa ka at magugustuhan mo ito.
mikong sulatin sa larangang
Halina’t alamin ang iba’t ibang akade
kinabibilangan mo.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na kayo po ay:

1. Nakatutukoy ang mga akademikong sulatin ayon sa layunin, katangian, gamit


at anyo nito.

2. Nasusuri ang mga halimbawang akademikong sulatin ayon sa layunin,


katangian, gamit at anyo nito.

3. Nakasusulat ng akademikong sulatin nang may pagtitiyaga at pagpapahalaga


sa kasanayan.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti kung ano ang tinutukoy ng mga pangungusap sa ibaba..
Piliin ang titik ng tamang sagot sa na matatagpuan sa loob ng kahon at isulat ito sa
iyong kuwaderno.

1. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong


manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o
kaalaman.
2. Tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad
sa isang pagpupulong.
3. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay
nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
4. Kakikitaan ito ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.
5. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang
academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
6. Ito ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng
buod, tulad ng maiklling.
7. Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad at mabigyan ng
resolba ang mga problema at suliranin ang layunin nito.

2
8. Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong
na magaganap para sa kaayusan at organisadong pagpupulong.
9. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa
tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli
o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
10. Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik-tanaw sa paglalakbay na
ginawa ng manunulat.
11. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
12. Itinuturing itong isang intelektwal na pagsulat.
13. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.
14. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod sunod
na pangyayari sa kwento.
15. Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod sunod ng
nilalaman.

Pagpipilian:
A. Abstrak
B. Akademikong Pagsulat
C. Agenda
D. Bionote
E. Katitikan ng Pulong
F. Lakbay Sanaysay
G. Memorandum
H. Panukalang Proyekto
I. Posisyong Papel
J. Pictorial Essay
K. Reflektibong sanaysay
L. Sintesis
M. Talumpati

Magaling! Nasubukan mong gawin


ang panimulang pagtataya. Ngayon,
simulan mo ng pag -aralan ang layunin,
katangian, gamit at anyo akademikong
sulatin. Handa ka na ba?

3
TUKLASIN

GAWAIN 1

• Maglista ng mga Akademikong Sulatin na naisulat mo na.


1.
2.
3.
4.
5.

• Magtala ng mga katangiang taglay ng mga akademikong sulating iyong


inilista.
1.
2.
3.

SURIIN

PAGSUSURI

1. Alin sa mga inilista mong akademikong sulatin ang may magkakatulad na


katangian, anyo at nilalaman?

2. Paano kaya nakatutulong ang mga katangiang ito sa pagsulat mo ng


akademikong sulatin?

4
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito


sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa
makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at
opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga
impormasyon at saloobin.

Ang akademikong sulatin ay maaaring, naglalahad, nagsasalaysay,


naglalarawan at nangangatuwiran. Ang mga sulatin ay maaaring magkaiba ayon sa
anyo, katangian at gamit nito.

Ang ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin na naglalahad ay;


1. Abstrak
2. Sinopsis
3. Buod
4. Bionote

Ang mga halimbawa naman ng akademikong sulatin na nangangatuwiran


ay ang mga sumusunod:
1. Panukalang proyekto
2. Posisyong papel
3. Talumpati
Ang mga sulating akademiko naman na naglalarawan ay;
1. Lakbay Sanaysay
2. Photo essay
3. Replektibong sanaysay

Nasa talahanayan sa ibaba ang iba’t ibang uri ng sulating akademiko


ayon sa layon, gamit at katangian nito.

5
AKADEMIKONG
SULATIN LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN

6
Ito ay karaniwang ginagamit sa Hindi gaanong mahaba,
pagsulat ng akademikong papel para organisado ayon sa
Abstrak sa tesis,papel siyentipiko at teknikal, pagkakasunod sunod ng
lektyur at report. Layunin nitong nilalaman.
mapaikli o mabigyan ng buod ang
mga akademikong papel.

Sintesis Kinapapalooban ng
Ang kalimitang ginagamit sa mga overview ng akda.
tekstong naratibo para mabigyan ng Organisado ayon sa sunod
buod, tulad ng maiklling kwento. sunod na pangyayari sa
kwento.

Ginagamit para sa personal profile ng


isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol
sa kanya.

May makatotohanang
Bionote paglalahad sa isang tao.
Maipabatid ang mga impormasyon
ukol sa gaganaping pagpupulong o
pagtitipon. Nakapaloob dito ang oras,
petsa at lugar ng gaganaping
pagpupulong.

Organisado at malinaw para


Memorandum maunawaan ng mabuti.

Layunin nitong ipakita o ipabatid ang


paksang tatalakayin sa pagpupulong
na magaganap para sa kaayusan ng
at organsadong pagpupulong.
Pormal at organisado para
sa kaayusan ng daloy ng
Agenda pagpupulong..
Pormal, nakabatay sa uri ng
mga tagapakinig at may
malinaw ang ayos ng ideya..
Makapaglatag ng proposal sa
Panukalang proyektong nais ipatupad.
Proyekto Naglalayong mabigyan ng

7
resolba ang mga prolema at
suliranin.

Ito ay isang sulating


nagpapaliwanag ng isang
paksang naglalayong
manghikayat, tumugod,
mangatwiran at magbigay ng Pormal, nakabatay sa uri
kabatiran o kaalaman. ng mga tagapakinig at
may malinaw ang ayos
Talumpati ng ideya.
Ito ay dapat na
organisado ayon sa
pagkakasunud-sunod ng
mga puntong
Ito ay ang tala o rekord o napagusapan at
pagdodokumento ng mga makatotohanan.
Katitikan ng mahahalagang puntong nailahad
Pulong sa isang pagpupulong.
Ito ay nararapat na
maging pormal at
organisado ang
Ito ay naglalayong maipaglaban pagkakasunod-sunod ng
kung ano ang alam mong tama. ideya.
Ito ay nagtatakwil ng kamalian na
Posisyong Papel hindi tanggap ng karamihan.
Ito ay uri ng sanaysay kung saan
nagbabalik-tanaw ang manunulat
at nagrereplek. Nangangailangan
ito ng reksyon at opinyon ng
manunulat. Isang replektib na
karanasang personal sa
Replektibong buhay o sa mga binasa at
Sanaysay napanood.
Organisado at may
makabuluhang
pagpapahayag sa litrato
na may 3-5 na
Kakikitaan ng mas maraming pangungusap.
larawan o litrato kaysa sa mga
Pictorial Essay salita.

8
Ito ay isang uri ng sanaysay na
makapagbabalik-tanaw sa
Lakbay paglalakbay na ginawa Mas madami ang teksto
Sanaysay ng manunulat. kaysa sa mga larawan.

Mga Gawain

1. Basahin ang mga halimbawang akademikong sulatin.


2. Suriin ito ayon sa layunin, katangian at gamit nito.

Si Maria Jessica Aspiras Soho, o mas kilala sa tawag na Jessica Soho ay


ipinganak noong 27 Marso 1964, isang batikang mamahayag at personalidad
mula sa La Union. Natanggap ni Soho ang Ka Doroy Valencia, isa rin si Soho sa
mga 100 Filipino Women Of Distinction na pinili noong Centennial na
pagdiriwang ng Pilipinas.
Ang kanyang kwento ukol sa isang hostage crisis sa Lambak ng Cagayan
ang nagpanalo sa kanya ng karangalang Coverage of a Breaking Story sa New
Your Film Festival.
Ang kanyang mga dokumentaryang Kidneys for Sale at Kamao ang
nagbigaydaan upang makuha niya ang karangalang maging unang Pilipinong
tagapagbalita, at ang estasyon niyang GMA Network ang unang lokal na
kompanyang nakapagkamit ng tanyag na George Foster Peabody Award noong
1999.

3. Punan ang talahanayan sa ibaba.


ANYO LAYUNIN GAMIT KATANGIAN

9
(hango mula sa:)
TALUMPATI NG KAGALANG-GALANG BENIGNO S. AQUINO III
PANGULO NG PILIPINAS SA PAGDIRIWANG NG IKA-150
ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI JOSE RIZAL
[Inihayag sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo 2011]

Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang


prediksyon sa kaniyang kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng
mag-asawang Mercado ay magiging pambansang bayani ng lahing
Pilipino. Isa’t kalahating siglo ang nakalipas, ginugunita pa rin natin ang
kanyang kapanganakan, at tinitingala ang kanyang kadakilaan.
Kinikilala natin si Jose Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating
masalimuot na kasaysayan, may isang Pilipinong muli’t muli ay piniling
gawin ang tama—ang unahin ang kapakanan ng kaniyang kapwa, ang
itaguyod ang pagkakaisa para sa kalayaan ng atin pong bansa—kahit pa
ang kapalit nito ay ang sarili niyang buhay.
Matagal na pong nakahanay si Rizal sa iba pang mga dakila ng
kasaysayan. Ngunit sinabi po niya, sa bibig ng tauhang si Elias sa kanyang
Noli Me Tangere:

“Mamamatay akong di man nakita ang maningning na


pagbubukangliwayway sa aking inang bayan! Kayong makakikita, batiin
ninyo siya—at huwag kakalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!”
Wala po akong dudang binabati na natin ang bukangliwayway ngayon,
nang hindi nakakalimot sa mga nalugmok sa dilim, at sumusumpa: Sa
bawat pagsubok, kapakanan ng Pilipino ang isasapuso namin; sa bawat
sangandaan, tuwid na landas ang aming tatahakin.

ANYO LAYUNIN GAMIT KATANGIAN

10
ISAISIP

Bawat akademikong sulatin ay


may pagkakatulad at pagkakaiba.
Nangangahulugan ito na ang bawat isa
ay katangi -tangi. Ang mahalaga ay
napag-aralan mo ang ilan sa mga ito
nang maihanda ka sa mas marami pang
pagsusulat.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Maghanap sa internet ng mga online journal. Pumili ng limang


akademikong sulatin batay sa iyong interes. Punan ang gabay na talahanayan ng
iyong nasaliksik. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Pamagat Anyo Katangian Gamit Layunin

1.

2.

3.

4.

5.

Pamantayan sa Pagsagot
A. Kaugnayan sa paksa- 20
B. Kaangkupan ng nilalaman- 20

11
C. Wastong baybay ng mga salita 10
Kabuuan: 50

KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng bawat anyo ng pagsulat.


Sundin ang talahanayan sa ibaba.

ANYO KATANGIAN LAYUNIN GAMIT


Pictorial Essay
Abstrak
Bionote
Panukalang Proyekto

REFLEKSIYON

Bilang mag-aaral sa Senior High School, paano mo gagamitin ang pagsulat


ng akademikong sulatin para sa ikabubuti nang iyong paaralan? Ilahad mo ang
iyong sagot.

12
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong
sagutang kwaderno.
1. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa
tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli
o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
2. Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik-tanaw sa paglalakbay na
ginawa ng manunulat.
3. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
4. Itinuturing itong isang intelektwal na pagsulat.
5. Pormal at organisado ito para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.
6. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod-sunod
na pangyayari sa kwento.
7. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong
manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o
kaalaman.
8. Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong
nailahad sa isang pagpupulong.
9. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay
nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
10. Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.
11. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
12. Kalimitan itong ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad
ng maiklling kwento.
13. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin at makapaglatag
ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
14. Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
15. Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na
magaganap para sa kaayusan at organisadong pagpupulong.

13
Pagpipilian: G. Memorandum
H. Panukalang Proyekto
A. Abstrak I. Posisyong Papel
B. Akademikong Pagsulat J. Pictorial Essay
C. Agenda K. Reflektibong sanaysay
D. Bionote L. Sintesis
E. Katitikan ng Pulong M. Talumpati
F. Lakbay Sanaysay

SUSI SA PAGWAWASTO

13. 3
12. 7
11. 9
10. J
9. I
8. C
7. M
6. L
5. C 15. G
4. B 14. A
3. G 13. H
2. K 12. L
1. A 11. D
II. Sagot sa Pangwakas na Pagtataya

10. K
9. A
8. G
7. H
6. L
5. D 15. A
4. J 14. L
3. I 13. C
2. E 12 . B
1. M 11. C
I. Sagot sa Panimulang Pagtataya

14
MGA SANGGUNIAN

Lolita T. Bandril et. Al. “Pagsulat sa Piling Larangan” (Akademik at Sining), Vibal
Group Inc. 2016.

Corazon L. Santos et al. “Filipino sa Piling Larang – Akademik: Patnubay ng Guro”,


Meralco Avenue, Pasig City. 2016.

15
JENNIE S. JARABE ,L.P.T, RPm. Siya ay nagtapos sa kursong
Bachelor of Science in Psychology Major in Guidance and
Counseling at Bachelor of Secondary Education Major in
Values Education , Minor in Filipino sa Paaralang Western
Mindanao State University. Naikumpleto ang katuparan sa
akademikong kinakailangan (CAR) sa mga Programang MaEd in Guidance and Counseling
(WMSU) at Master of Arts in
Filipino sa Paaralan ng Negros Oriental State University. Sa kasalukuyan ay
tinatapos ang pagsasagawa ng kaniyang tesis sa parehong paaralan.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph Website:
lrmds.depednodis.net

You might also like