Dahil sa pandemya, malaki ang naging kontribusyon ng
internet sa maraming tao. Ayon sa istatistika, nitong Enero 2022, mahigit kumulang 5.1 bilyon ang gumagamit ng internet sa araw araw. Ginagamit ito ng mga estudyante para sa pagaaral at pagtuturo ng ating mga guro. Batay sa pagsasaliksik, nakatutulong din ito sa mga mahal naten sa buhay na nasa malayong lugar para makausap naten sila at mabawasan ang kanilang lungkot habang malayo sila sa atin. Malaki din ang naitutulong ng Internet sa mga negosyo at hanapbuhay.