You are on page 1of 9

1

Aralin Filipino 8-Q1-W7

Paggamit ng mga Pahayag sa Pag-aayos
7 ng Datos

Mga Inaasahan

Sa araling ito matututunan mo ang paggamit ng mga pahayag sa pag-aayos

ng mga datos sa tulong ng inilahad na teksto.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay mapauunlad mo ang

sumusunod na kasanayan:

Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos

(una, isa pa, iba pa) (F8WG-Ii-j-23)
- Nakabubuo ng sariling pagpapahayag batay sa paksang inilahad

Bago tayo magsimula sa araling tatalakayin, kailangan mo munang

sagutan ang paunang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Isulat sa patlang kung anong paraan ang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin
sa loob ng kahon ang tamang sagot.

pangangatwiran paglalahad paglalarawan pagsasalaysay

sanhi at bunga paghahambing at pagsasalungatan

___________ 1. Ang pinakamabilis sa pagligsahan ng takbuhan ay una si Doris,

pangalawa si Mario, pangatlo si Anna.
___________ 2. Nag-aral ng mabuti si Princess kaya matataas ang marka niya sa
pagsusulit.
___________ 3. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa
mundo.
___________ 4. Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang
nakuhang sapaang tsinelas sa tabi ng bangkay.
___________ 5. Nang sumunod na araw ay pumunta siya sa simbahan upang humiling
sa Diyos.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo
2

Bago tayo magpatuloy balikan muna natin ang nakaraang araling

tinalakay.

Balik-tanaw

A. Tukuyin ang impormasyong hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang letra ng

tamang sagot.
A. pagrerebisa D. pagpili ng paksa
B. bibliyograpiya E. pagsulat ng borador
C. paglilimita ng paksa F. pagbabalangkas

___ 1. Hakbang sa paggawa ng pananaliksik na kung saan pinipili natin ito

ayon sa ating sariling interes at kawilihan
___ 2. Mahalagang bigyang limitasyon sa hakbang na ito ang paksang pipiliin
upang hindi ito masyadong maging masaklaw at matatapos sa tamang
panahon.
___ 3. Naglalaman ng talaan ng iba’t ibang sangguniang tulad ng mga
aklat, artikulo, ulat, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang materyal
mula sa internet.
___ 4. Isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa
inisyal na paghahanap ng mga datos.
___ 5. Muling pagbabasa sa sinulat para makita ang mga mali at mabigyang
kawastuhan.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa bahaging ito ng aralin matutunan mo ang wastong paggamit ng mga

pahayag at pagsasaayos ng mga datos.

Ang kaisahan sa pagpapahayag ay nangangahulugan ng pagkakaroon maayos na

daloy ng mga ideya sa talata mula sa isang pangungusap. Ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap at salita ay mahalaga sa pagsusulat dahil dito, madaling
mauunawaan ang isang paksang tinatalakay.

Sa pagsusulat, mahalagang isaalang-alang ang paggamit ng pahayag at

pagsasaayos ng datos. Madalas ginagamitan ito ng mga pananda na nagpapakita ng
pagkakaugnay-ugnay ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag tulad ng una, sa umpisa,
noong una, unang-una, ikalawa, ikatlo, sunod/sumunod, pagkatapos, saka, sa dakong
huli, sa huli, w akas, bukod dito, muli, at, samantala, sa kabilang banda, ng lahat at
lahat at iba pa.

Ang pagpapahayag ay nahahati sa iba’t ibang uri. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod:

1. Paglalarawan – pagpapahayag gamit ang pagbibigay pang-uri at katangian.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo
3

2. Pagsasalaysay – paggamit ng kuwento at pagpapahayag ng mga

pangyayaring magkakaugnay.
3. Paglalahad –pagbibigay ng kuwento upang magbigay linaw sa isang
konsepto o isang bagay.
4. Pangangatwiran –pagbibigay ng katwiran at sapat na katibayan at may
Hangad na makapag-impluwensya.
5. Sanhi at Bunga -Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung
ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito madaling
maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga
pangyayari.

Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto at bigyang pansin ang mga

ginamit na pahayag upang maging maayos ang daloy ng mga ideya.

Mga Wastong Paraan ng Paghuhugas ng Kamay

Laban Sa Sakit
ni : Mark Chester S. Cruz

Isa sa pinakasimpleng paraan upang makaiwas sa karamdaman ay ang

paghuhugas ng kamay o pagpapanatili ng proper hygiene. Samantala, ang kamay ay
isa sa mga bahagi ng ating katawan na maaring pasukan ng bakterya at virus o magamit
para makahawa. Bukod sa mga palad at mga likod ng ating kamay, mahalagang
mahugasan nang maigi ang mga daliri, gitna ng mga daliri at pati mga kuko.
Ang unang paraan sa paghuhugas ay basain ang kamay ng malinis na tubig.
Ikalawa, maglagay ng sabon sa palad. Ikatlo, pabulain ng 15 sigundo at kuskusin ang
mga pagitan ng mga daliri, likod ng mga kamay, dulo ng mga daliri at ilalim ng mga
kuko. Ikaapat, banlawan ng husto sa dumadaloy na tubig. Ikalima, patuyuin nang
husto sa papel na tuwalya o mainit na air blower. Ikaanim at huling hakbang ay isara
ang gripo gamit ang papel na tuwalya kung mayroon. Ang ating mga kamay ay
nagdadala at nagkakalat ng mga mikrobyo.
Muli, ang paghawak sa mga bahagi ng iyong mga mata, ilong o bibig na hindi
muna nililinis ang iyong mga kamay ay maaaring magbigay ng mikrobyo sa iyong
katawan at magdulot ng karamdaman. Sa kabilang banda, ang mikrobyo ay maaari
ring kumalat kung ang isang tao ay bumahing o umubo sa kanilang mga kamay at
pagkatapos ay humawak ng isang bagay tulad ng isang hawakan ng pinto, poste ng
subway o telepono. Kung kaya ang susunod na taong humawak ng mga bagay na ito ay
maaaring makakuha ng mikrobyo at magkakasakit kung hindi nila lilinisin ang
kanilang mga kamay bago hawakan ang kanilang mga mata, ilong o bibig.
May iba pang dahilan kung bakit tayo naghuhugas ng kamay, isa dito ay bago
hipuin ang mga mata, ilong at bibig. Pangalawa ay bago kumain o humawak ng pagkain
at pangatlo ay pagkatapos gumamit ng palikuran. Ang pang-apat ay kapag nalagyan
ang mga kamay ng mga inilalabas sa palahingahan, hal., pagkatapos umubo o
bumahin. Panglima ay pagkatapos humawak ng mga pampublikong instalasyon o
kagamitan, gaya ng mga hawakan ng escalator, mga pindutan ng elevator o mga
hawakan ng pinto. Ang huli, pagkatapos magpalit ng mga lampin o humawak ng mga
nadumihang bagay kapag nag-aalaga ng mga sanggol o may sakit.
Ang paghuhugas ng kamay ay isang mahalagang ay gawain upang maging
malinis ang ating katawan nang maiwasang makakuha at makapagpalaganap ng mga
nakahahawang sakit.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo
4

Mga Gawain

Gawain 1 Isulat sa patlang ng talata ang mga panandang hinihingi ng Pahayag.

Maling-Mali Talaga Hindi Totoo Samantala
Sa Huli Kaisa Isa Pa Muli
Ganoon Rin Sa Kabilang Banda

Ang Paninirahan sa Mundo

1. __________ akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa mundo.
2. __________, ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang
buhay ngayon sa noon. 3. __________, hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap
ang mabuhay sa mundo. 4. __________ pala may mga taong negatibo ang pananaw sa
buhay. Huwag natin silang tularan. Maling-mali ang kanyang tinuran. 5. __________,
walang katotohanan ang pahayag na 6. _____kaisa ako sa lahat sa mga pagbabagong
nais nilang mangyari sa mundo. 7. __________ ang mga pagbabagong magdudulot ng
kasiraan sa ating pag-uugali at kultura. 8. __________ maling-mali talaga ang mga
pagbabago kung ito’y hindi makabubuti sa lahat. 9. __________, ang nais kong sabihin
sa kanyang tinuran. 10. __________, totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin
ito sa tamang paraan.

Gawain 2 Gamit ang datos sa ibaba bumuo ng talata gamit ang sariling
pagpapahayag.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

5

Pamantayan sa pagmamarka
1. Maayos na nailalahad at natalakay ang paksa…………20%
2. Mayaman sa nilalaman at may mga patunay…………..15%
3. Angkop at wasto ang wikang ginamit……………………..15%
Kabuoan…………………..50%

Gawain 3 Bumuo ng talata ukol sa mga hakbang upang makaiwas sa sakit

na COVID-19. Maaaring gamitin sa mga pahayag ang mga salitang tulad ng:
una, sa umpisa, noong una, unang-una, ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos,
saka, sa dakong huli at iba pa.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
1. Tiyak ang mga datos……………………………………….20%
2. May kalinawan ang mga pahayag………………………..15%
3. May pagkamalikhain ang pagpapahayag……………….15%
Kabuuan…………………………………50%

Gawain 4 Sumulat ng mga talata na kakikitaan ng mga paraan ng

Pagpapahayag at datos.

Paraan ng Pagpapahayag Talata

1. Paglalarawan

2. Pagsasalaysay

3. Paglalahad

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo
6

4. Pangangatwiran

5. Sanhi at Bunga

Pamantayan sa Pagmamarka
1. Tiyak ang mga datos……………………………………….20%
2. May kalinawan ang mga pahayag………………………..15%
3. May pagkamalikhain ang pagpapahayag……………….15%
Kabuuan…………………………………50%

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. Narito ang mga
dapat mong tandaan sa katatapos na tinalakay.

Tandaan

1. Kailangan ang pagpapaliwanag at pagbabahagi ng impormasyon sa pagsasaayos

ng mga datos
2. Gumamit ng mga salitang nagbibigay hudyat sa pagpapahayag ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una, ikalawa, sumunod, pagkatapos, sa huli, at
iba pa
3. Gumagamit ng iba’t ibang paraan sa pagpapahayag tulad ng paglalarawan,
pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.( Bakit hindi ito nabanggit sa

Isang gawain pa ang inilaan para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan sa aralin.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo
7

A. Bilang isang mag-aaral ng lungsod ng Caloocan, paano mo mapapanatili ang

ligtas na kalusugan sa panahon ng krisis?

Mga Panuntunan sa Pagsulat

1. Nakasusulat ng talataang binubuo nang hindi kukulangin sa limang

pangungusap
2. Nakagagamit ng mga salitang una, sa umpisa noong una, unang-una,
ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka, sa dakong huli, sa huli, wakas,
bukod dito, muli, at samantala, sa kabilang banda, pagkatapos ng lahat,
lahat at iba pa.
3. Nakapipili ng mga angkop na salita sa mga pagpapahayag.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagwawasto

1. Tiyak ang mga datos…………………………………………20%

2. May kalinawan ang mga pahayag………………………..15%
3. May pagkamalikhain ang pagpapahayag……………….15%
Kabuuan……………………………………50%

B. Sa pamamagitan ng mga inilahad na datos sa ibaba, bumuo ng

sariling mga pagpapahayag gamit ang paraang napili.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo
8

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka

1. Tiyak ang mga datos…………………………………………20%

2. May kalinawan ang mga pahayag………………………..15%
3. May pagkamalikhain ang pagpapahayag……………….15%
Kabuuan…………………………………. 50%

Pangwakas na Pagsusulit
P{(
Tukuyin kung anong paraan ang ginamit sa maikling mga pahayag. Piliin
ang iyong sagot sa loob ng kahon at ilagay ang iyong napiling sagot sa linya bago
ang numero.

Pangangatwiran Paglalahad Paglalarawan Pagsasalaysay

Sanhi at Bunga Paghahambing at Pagsasalungatan

___________ 1. Ang pag-ibig ay isang damdaming buhay sa puso. Ang umiibig ay

handang magpakasakit alang-alang sa kanyang iniibig.
___________ 2. Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya. Kahit
siya ay doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang
ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya. Dito ay iba
ang kanyang katungkulan at ang pagkakakilala sa kanya. Sa lahat ng
oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang tungkulin bilang kasapi ng
isang pamilya.
___________ 3. Ang pagiging matuwid ni Miss dela Cruz ay senyales ng isang mabuting
guro at ito ay hindi kataka-taka sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga
guro.
___________ 4. Nagkaroon siya ng kanser sa baga dahil sa labis na paninigarilyo.
___________ 5. Punong-puno ng nakakatakot na larawan ang kanyang ulo.

Pagninilay

Sumulat ka ng sariling talata mula sa isang napakinggang balita na

nagpamalas ng magandang pag-uugali ng isang tao na kahanga- hanga sa gitna ng
pandemiya. Gamitan ng mga nararapat na salita sa pag- aayos ng datos.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo
9

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pamantayan
1. Nakabuo nang makatawag-pansing panimula
at mabisang wakas…………………………………………………..10%
2. Nakapagtala ng mga kinakailangang impormasyon
mula sa napakingan…………………………………………………15%
3. Nakagagamit ng mga angkop na pag aayos ng mga
datos…………………………………………………………………….15%
4. Nakabuo ng mga pangungusap na magkaka ugnay…………10%
Kabuuang Puntos…………………………50%

Binabati kita at natapos mo ang pagsagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul na ito.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikapitong Linggo

You might also like