You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
MUNTING ILOG ELEMENTARY SCHOOL

TALAAN NG ESPISIPIKASYON
Ikalawang Markahan para sa Araling Panlipunan 5

CBEA TEST ITEMS


MELC Cognitive Process Knowledge Dimension
Dimension

PLACEMENT
Metacognitive
Understand

Conceptual

Procedural
Remember

Evaluate
Analyze

Factual
Create
Apply

1. Natatalakay ang kahulugan ng


kolonyalismo at ang konteksto nito
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa
1 1 1
Pilipinas.
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan at
layunnin ng kolonyalismong Espanyol.
2 2 2-3
3. Nasusuri ang iba-ibang perspektibo
ukol sa pagkakatatag ng kolonyang 1 1 4
Espanyol sa pilipinas.
4. Natatalakay ang mga paraan ng
pagsasailalim ng katutubong
populasyon sa kapangyarihan ng
Espanya sa proseso ng
1 1 5
Kristiyanisasyon, Reduccion, tribute at
encomienda at sapilitang paggawa.
5. Natatalakay ang konsepto ngn
encomienda at mga kwantitatibong
datos ukol sa tribute, kung saan ito
kinolekta, at ang halaga ng mga tribute. 1 1 6
Nasusuri ang mga patakaran, papel at
kahalahagan ng sapilitang paggawa sa
pagkakatatag ng kolonya ng Pilipinas.
6. Nasusuri ang naging reaksyon ng mga
Pilipino sa Kristiyanismo
2 2 7-8
7. Natatalakay ang kapangyarihanng
Patronato Real
Nasusuri ang pamamalakad ng mga
prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang
Pilipino
Natutukoy ang mga tungkulin o papel 2 2 9-10
ng mga prayle sa ilalim ng Patronato
Real.
Naipaliliwanag ang mga naging
reaksyon ng mga Pilipino sa
pamamahala ng mga prayle.
x
TOTAL 4 2 1 1 2 1 8 1 1-10
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
MUNTING ILOG ELEMENTARY SCHOOL

TALAAN NG ESPISIPIKASYON
Ikalawang Markahan para sa Araling Panlipunan 5

NON-CBEA TEST ITEMS

UNDERSTANDING
REMEMBERING
NO. OF ITEMS
NO. OF DAYS

EVALUATING

PLACEMENT
ANALYZING

CREATING
APPLYING
MELC

1. Natatalakay ang kahulugan ng


kolonyalismo at ang konteksto nito
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa
6 3 14% 2 11-12
Pilipinas.
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan at
layunnin ng kolonyalismong Espanyol.
2 1 5% 1 13
3. Nasusuri ang iba-ibang perspektibo ukol
sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol 2 1 5% 1 14
sa pilipinas.
4. Natatalakay ang mga paraan ng
pagsasailalim ng katutubong populasyon
sa kapangyarihan ng Espanya sa proseso 9 5 24% 2 1 2 15-19
ng Kristiyanisasyon, Reduccion, tribute
at encomienda at sapilitang paggawa.
5. Nasusuri ang relasyon ng mga paraan
pananakop ng Espanyol sa mga
katutubong populasyon sa bawat isa.
Naiuugnay ang Kristiyanisasyon sa
reduccion.
Natatalakay ang konsepto ngn 6 3 14% 3 20-22
encomienda at mga kwantitatibong datos
ukol sa tribute, kung saan ito kinolekta, at
ang halaga ng mga tribute.
Nasusuri ang mga patakaran, papel at
kahalahagan ng sapilitang paggawa sa
pagkakatatag ng kolonya ng Pilipinas.
6. Nasusuri ang naging reaksyon ng mga
Pilipino sa Kristiyanismo
2 1 5% 1 23
7. Natatalakay ang kapangyarihanng 7 4 19% 1 1 2 24-27
Patronato Real
Nasusuri ang pamamalakad ng mga
prayle sa pagpapaunlad ng sinaunang
Pilipino
Natutukoy ang mga tungkulin o papel ng
mga prayle sa ilalim ng Patronato Real.
Naipaliliwanag ang mga naging reaksyon
ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga
prayle.
8. Nasusuri ang epekto ng mga patakarang
kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa
bansa
A. Patakarang pang- ekonomiya
(halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang
bandala, Kalakalang Galyon, 6 3 14% 2 1 28-30
Monopolyo sa tabako, Royal
Company, Sapilitang Paggawa at iba
pa.
8. Patakarang pampolitika ( Pamahalaang
Kolonyal)

TOTAL 40 20 100% 12 2 4 2 11-30


Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA
SCHOOLS DIVISION OF CAVITE
KAONG ELEMENTARY SCHOOL
SILANG DISTRICT

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

NAME: ________________________________________ GRADE:___________ SCORE:________

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito ng mahusay. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang kolonisasyon?
a. Ito ay pananakop ng mga bansa sa malalayong lupain upang gawing teritoryo.
b. Ito ay ang pananakop ng isang malakas na bansa sa mahinang bansa upang gawing teritoryo.
c. Ito ay ang pagtuklas sa ibang lugar upang maging mayaman ang mga bansa sa Europa.
d. Ito ay ang pananakop o pagkontrol ng ibang bansa sa isang espesipikong o particular na mahinang bansa o
malayung lupain para gawing sakop o kaya ay teritoryo.

2. Ano ang naging dahilan kung bakit gusto ng Espanya na masakop ang Pilipinas?
a. Mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas kaya gusto nilang dito kumaha ng mga raw materials at
palaganapin dito ang kristiyanismo.
b. Nagustuhan nila ang katangian ng mga Pilipino kaya sinakop nila ito at upang makakuha ng spices dito.
c. Gusto nilang maging mayaman ang mga Pilipino kaya sinakop nila ito
d. Nais nilang sakupin ang Pilipinas upang palaganapin dito ang Kristiyanismo.

3. Bukod sa yamang likas na taglay ng Pilipinas, ano pa ang ibang dahilan ng pagsakop ng Espanya dito?

a. Ninais nilang maging kaibigan ang mga Pilipino dahil sa magagandang katangian ng mga ito.
b. Nais nilang ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa at nagustuhan nila ang ugali ng mga Pilipino.
c. Gusto nilang makilala ang Pilipinas bilang sentro ng industriya.
d. Nais nilang mapalapit sa mga Pilipino upang mdali nilang maisakatuparan ang kanilang pansariling interes.

4. Bakit ipanalaganap ang kristiyanismo sa Pilipnas ng mga Espanyol?

a. Upang mas madaling mapamahalaan ang kolonya


b. Upang maipakitang sa mga Pilipino na makadiyos ang mga Espanyol
c. Upang makapagpatayo sila ng mas maraming simbahan
d. Upang mahikayat ang mga Pilipino na maging relihiyoso.

5. Ano ang hindi mabuting epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino noong panahon ng Espanyol?
a. Ang Laws of the Indies ay nagbigay proteksiyon sa mga polista.
b. Sapilitan ang kanilang pagtatrabaho sa malalayong lugar.
c. Nahiwalay ang mga polista sa kanilang pamilya dahil sa paggawa sa malayong lugar.
d. Pinagdadala ang mga Pilipino ng materyales sa paggawa ng kalsada.

6. Ano ang nagpapatunay na ang Sistema ng pagbubuwis noong panahonng kolonyal ay patuloy pa ring
ipinatutupad Sa kasalukuyan?
a. Reales pa rin gamit na pananalapi ng mga Pilipino ngayon.
b. Ang cedula ay kailangan pa rin ng mga Pilipino ngayon.
c. Mayroon pa ring cedula personal ang mga Pilipino ngayon.
d. Paghihinalaan kang tulisan kung wala kang maipapakitang cedula personal.
7. Patuloy na naging maimpluwensiya ang Kristiyanismo sa pamumuhay ng mga Pilipino. Alin sa sumusunod na
mga paniniwala o tradisyon ang nananatili pa rin sa kasalukuyan?
a. Ang mga pari ang may hawak ng mga posisyon sa simbahan.
b. Ang mga tao ay walang kalayaan ipahayag ang kanilang mga paniniwala.
c. Hindi makakatanggap ng bendisyon/pagpapala ang taong hindi nabinyagan sa simbahan.
d. Ipinagdiriwang ang mga kapistahan bilang parangal sa patron ng isang lugar.

8. Ano ang patunay na may mga katutubong Pilipinong naging magiliw sa pagdating ng mga Espanyol sa kanilang
pamayanan?
a. Sapilitang sumunod ang mga katutubo sa mga patakarang pananakop na ipinatupad ng mga Espanyol.
b. Dinalhan ng mga katutubo ng pagkain at inumin ang mga tauhan ni Magellan.
c. Nakipag kaibigan ang ilang Pilipino sa mga Espanyol.
d. Maraming katutubo ang nag-alsa laban sa mga Espanyol.

9. Bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa pagpigil sa mga dayuhanng Espanyol na sakupin ang kanilang mga
pamayanan?
a. Hindi nagkakaisa ang mga katutubo at marami ang tumulong sa mga Espanyol upang sakupin ang mga pa
mayanan.
b. Mas marami ang mga mandirigmang Espanyol kumpara sa mga katutubong Pilipino.
c. Muntik nang matalo ng mga katutubo ang mga Espanyol.
d. Nagwagi ang mga Espanyol dahil malakas ang gamit nilang armas.

10. Ano ang iyong kongklusyon tungkol sa kapangyarihang taglay ng mga prayle noong panahong kolonyal?
a. Malakas ang kapangyarihan ng mga prayle.
b. Naging sunod-sunuran ang mga prayle sa kagustuhan ng mga opisyal ng pamahalaan.
c. Malawak ang kapangyarihan at impluwensiya ng mga prayle.
d. Binigyan ng iba’t ibang tungkulin ang prayle bukod sa pagmimisa.

11. Ito ay isang mahalagang nagawa ng mga Espanyol upang turuang maging Kristiyano ang mga Pilipino, ang
Katesismong Pilipino. Ano ito?
a. Reduccion b. doctrina c. polo d. falla

12. Ito ang unang hakbang ng mga Espanyol sa pagtatatag ng kolonya. Ito ay isang lugar na nangangahulugang
ipinagkatiwala. Ano ito?
a. Polo b. encomienda c. reduccion d. Krusada

13. Ano ang tungkulin ng isang encomendero?


a. Panatalihin ang katahimikan at kaayusan ng kanyang lugar
b. Mangolekta ng buwis ayon sa itinakdang halaga
c. A at b ang tamang sagot
d. Wala sa nabanggit

14. Ang lahat ng lalaki na may gulang na 16 hanggang 60 ay kailangang magtrabaho ng walang bayad sa ilalim ng
patakaran ng Espanya. Ano ang tawag ditto?
a. Tributo b. falla c. sapilitang paggawa d. reales

15. Maaaring malibre ang mga lalaking sasailalim sa sapilitang paggawa kung sila ay makakabayad sa tinatawag na
_______
a. Tributo b. falla c. sapilitang paggawa d.reales

16. Ano ang kaugnayan ng reduccion sa Kristianisasyon ng mga Pilipino?


a. Nailipat ng tirahan ang mga pamilya sa isang pamayanang tinawag na pueblo
b. Inatasan ang pagtatatag ng mga panirahan ng mga bagong binyag sa kristiyanismo at ang mga hindi pa
nabibinyagan.
c. Pagtuturo ng katesismong katoliko sa mga mamamayan
d. Pagpapatupad sa sistemang polo y servicio o sapilitang paggawa
17. Anong mga lugar ang ipinatayo ng mga Espanyol upang lalong maging malapit ang mga Pilipino sa
Kristianismo?
a. Mga parke at palaruan b. palengke at paaralan c. convento at simbahan d. tribute

18. Ilang reales ang tribute o buwis noong una?


a. 8 reales hanggang nagging 12 b. 12 reales c. 10 reales d.18 reales

19. Maliban sa salapi , ano pa ang maaaring ibigay bilang tribute?


a. Ginto b. palay o reales c. mga produkto d. lahat ng nabaggit

20. Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa sapilitang paggawa?


a. Napilitang magtrabaho ngunit natuwa dahil natuto sila.
b. Sila ay tumutol ngunit wala ring nagawa dahil higit na makapangyarihan ang mga Espanyol.
c. Marami sa mga Pilipino ang dumanas ng pang-aabuso at kawalan ng hustisya dahil sa polo.
d. Natuwa dahil makakaipon sila ng pera kapalit ng kanilang serbisyo.

21. Ano ang naging masamang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino?
a. Nahiwalay ang mga kalalakihan sa kanilang pamilya
b. Lumaki ang kita ng bawat pamilya dahil sa paggawa
c. Mas naging masipag ang mga Pilipino dahil sapilitan ang kanilang pagggawa
d. Naging maunlad ang kanilang buhay

22. Sino-sino ang nagtatrabaho sa Polo Y Servicio?


A. Babaeng walang asawa
B. Mga hindi lumipat sa poblacion
C. Mga lalaking walang asawa
D. Mga lalaking 16 hanggang 60 taon

23. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga polista noon?


A. pagkakaingin
B. pagtitinda ng alahas
C. pagtatrabaho sa mga pamilihan
D. pangunguha ng mga ligaw na hayop at prutas

24. Tawag sa namamahala sa buong lalawigan. Tungkulin niya ang mangolekta ng buwis sa kanyang nasasakupang
lalawigan.
A. Gobernadorcillo C. Alcalde mayor
B. Cabeza De Barangay D. wala sa nabanggit

25. Sa pagpapatupad ng patakarang bandala, ang mga magsasaka ay


A. Binabayaran kaagad ang kanilang mga produkto.
B. Kinukumpiska ang mga produkto ng mga katutubo.
C. May kapalit na produkto rin galling sa mga Espanyol.
D. Binibigyan ng premyong mga Espanyol kung makukuha ang mga produkto.

26. Ang paglikom ng buwis ay napupunta sa tungkulin ng


A. pamahalaang lokal C. pamahalaang sentral
B. kataas-taasang hukuman D. pampublikong pamahalaan

27. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
A. Para maging pari din ang mga Pilipino
B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
C. Para ganap na maipatupad ang kolonyalismo
D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
28. Ano ang naging
mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa?
A. pakikipagkaibigan sa mga katutubo
B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
D. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa.

29. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang
Mga kapwa Pilipino?
A. divideandrule C. merkantilismo
B. kolonyalismo D. Sosyalismo

30. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentro ng
ng populasyon?
A. Falla C. Reduccion
B. Polo Y Servicio D. Residencia
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IVA
SCHOOLS DIVISION OF CAVITE
MUNTING ILOG, ELEMENTARY SCHOOL
SILANG DISTRICT

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 5

SUSI NG PAGWAWASTO SA ARALING PANLIPUNAN 5

CBEA TEST ITEMS

POINTS
ITEM NUMBER
A B C D
1 1 2 0 3
2 3 2 0 1
3 1 3 0 2
4 3 2 1 0
5 0 2 3 1
6 0 2 3 1
7 2 0 1 3
8 1 3 2 0
9 3 1 0 2
10 2 0 3 1

SUSI NG PAGWAWASTO SA ARALING PANLIPUNAN 5

NON- CBEA TEST ITEMS

11. A 16. D 21. A 26. A


12. C 17. C 22. D 27. C
13. A 18. A 23. C 28. A
14. C 19. B 24. A 29. B
15. B 20. B 25. B 30. C

You might also like