You are on page 1of 2

Sa bawat patak ng pluma pag-asay nabubuhay,

Sa bawat papel at dagta bagong pag-asa ang nakasalalay,


Sa bawat isinusulat na linya pinipigtas ang dikta ng mga banyaga,
At dahil sa iyong akda, buhay ang Pilipinas; Bansang nasalanta.

Nag-pamalas ka ng angking galing at talento mula pagkabata,


Lumaking matalino at may pagmahahal sa sariling bansa,
Namulat ka sa pang-aapi ng mga dayuhan sa sariling bayan,
Pagdurusa ng baying sinilangan iyong nasaksihan.

Nilibot mo ang ibat ibang panig nang mundo, hindi upang tumakas sa tiwaling batas,
Kundi maghanap ng solusyon sa bayang nangangailangan ng lunas,
lupaing pighati at paghihirap ang dinaranas,
Parang ibong di makalipad, sout-sout ang tanikala sa leeg na animo’y kwentas.

Sa iyong pagbabalik sa lupang nakagisnan,


Ang iyong akda nagsilbing alas laban sa mga kalaban,
Ikaw ang perlas ng lupang silanganan,
Dakila ka, ikaw ang susi ng kalayaan.

Ang dalawang nobela Noli at El Fili na iyong gawa ay naging tinik,


Naging dahilan upang mga banyaga ay maghimagsik,
Ikaw ay hinatulan at pinatawan ng kamatayan,
Hustisya laban sa tiwaling batas ng ating bayan.
Natapos mo ang nobela hanggang sa dulo,
Sumulat ka ng huling tula paalam “Adios, Mi Ultimo”
Ngunit buhay ang kapalit, baril nakatutok sa iyong ulo
Kinalabit, at “Consummatum Est” ang huling nasabi mo.

Ang iyong Pagkamatay naging sanhi ng pagkamulat ng mga Pilipino,


Rebolusyon nagsimula at ipinagpatuloy ang iyong nasimulan para sa pagbabago,
Dumanak ang dugo at marami ang nasawi,
Ngunit sa huli tayo ang nagwagi.

Salamat Rizal sa iyong pagmahahal sa bansang Pilipinas


Salamat sayo, bayani ng bawat Pilipino,
Nakamit ang kalayaan dahil sinimulan mo at tayo ay nanalo,
Bansang nasalanta, ngayon ay natutong tumayo.

You might also like