You are on page 1of 1

Bagamat mahirap suriin ang tunay na layon at prinsipyo ng mga politiko, marahil sa kanilang pagbabalat

kayo upang makuha ang loob ng masa, maari parin nating masilip ang kanilang hiya at etika sa
pamamagitan ng kanilang larawang pampubliko.

Kamakailan ay naging matunog ang pangalan ng ating Bise Presidente sa mga balita dahil sa
kontrobersyal nitong mga pahayag at panukala.

Isa na rito ay ang kanyang adhikain na gawing mandato ang serbisyong militar sa mga kolehiyong mag-
aaral, nitong mga nagdaang araw rin ay may panibagong kontrobersiya siyang kinasasangkutan at ito
naman ay patungkol sa kumpidensyal na pondo na ipinagkatiwala sa kaniya.

Matatandaan din ang kaniyang pamosong pahayag na “Kung sino man ang kumokontra sa confidential
funds ay kumokontra sa kapayapaan” na umani naman ng samo’t-saring reaksyon mula sa publiko.

Mapapatunayan mula sa kaniyang larawang pampubliko ang pagiging matigas at matapang na maaring
makita ng ilan bilang kawalanng pakialam at kakulangan ng mabuting etiko at hiya, hindi rin nakatulong
dito ang mga nagdaang kontrobersiya na kaniyang kinasangkutan.

Inaasahan din sa isang mabuting politiko ang aninaw (transparency) upang masundan ng publiko ang
kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, isang bagay na hindi gaanong makikita sa ating Bise Presidente.

You might also like