You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY

Santiago National High School


Santiago General Trias City, Cavite

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan


Kasaysayan ng Daigdig
Week 3 Day 1
September 9, 2019

I.Layunin

1. Nakapanonood ng isang pelikulang pinamagatang TROY;


2. Nasusuri ang mga kaganapan sa agawan ng teritoryo at kasaysayan ng
pagbagsak ng mga sinaunang kabihasnan Greece;at
3. Nakakapagsulat ng kuro – kuro o reaksyon hinggil sa pelikulang napanood.

II. Nilalaman

A. Paksa: Ginintuang Panahon ng Athens at Sparta

B. Kagamitan: , pantulong na biswal , T.V at ,laptop,

C. Sanggunian: AralingPanlipunan: Kasaysayan ng Daigdig 8


Modyul ng mga Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
pp. 151-156
Kasaysayan ng Daigdig ni Vanessa Alcantara
pp.75-79

D. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang Kabihasnang Klasiko ng Greece.

E. Government Thrust: Peace

III. Pamamaraan

Panimulang Gawain
Panalangin (1 minuto)
Patalista ( 1 minuto )
Balitaan ( 5 Minuto )

Balik-aral ( 2-3 minuto)


Paano bumagsak ang kabihasnang Minoan? Anong pangkat ng mga tao ang
dumating sa Gresya para sila’y pabagsakin?
Pagganyak: (3minuto)
Pagpapakita ng mga larawan ng kilalang Griyego na nagbigay ng malaking
ambag sa Greece. Hayaan ang mga mag-aaral na tukuyin kung sinu-sino ang mga ito.
Pagpapanood
Mga pamprosesong katanungan:
1. Anu – anong mga kabihasnan ang umusbong sa pelikulang napanood?
2. Base sa pelikulang napanood, paano mo mailalarawan ang uri ng
hanapbuhay ng mga sinaunang tao sa panahon ng klasikal?
3. Paghambingin ang Sparta, Mycenean at Troy gamit ang tripod Diagram
4. Paano bumagsak ang mga ito?
5. Paano mo mabibigyang halaga ang mga naging ambag sa kabihasnan ng
mga Griyego?

C. Paghahalaw

Paglalahat ( 2 minuto )
Kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap sa pagdadagdag ng mga salita upang
makabuo ng isang makabuluhang pangungusap

Maraming naiambag ang mga kabihasnang Griyego sa daigdig. Sa larangan ng Agham


at medisina ang kanilang naiambag ay _________, sa larangan ng pulitika ay ang
________. Malaki din ang naging ambag nila sa edukasyon at Pilosopiya at ito ay ang
_____________.

Pagpapahalaga ( 3 minuto )

Bilang isang mag-aaral ,Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga


naging ambag ng mga Griyego?

D. Paglalapat ( 8 minuto )

Gumawa ng isang Sanaysay ang Tema ay “ Ang Kahalagahan ng mga


Naiambag ng mga Griyego sa Daigdig”.

Rubrics
Nilalaman (Pagbibigay pansin sa mga salita,ideya,opinion na ginamit ng mag-aaral)
------------------------- 4 puntos
Kaayusan ng pagkakasulat ( Maayos at malinis ang pagkakagawa ng mag-aaral)
------------------------- 3 puntos
Kaugnayan sa Tema -------------------------- 3 puntos
Kabuuan ------------------------ 10 puntos
V. Takdang Aralin

1. Pagpapatuloy ng pelikulang napanood, simulant na ang reaksyon hinggil ditto,


isulat ito sa inyong kuwaderno.

You might also like