You are on page 1of 2

Ang PANGNGALAN ay salita o isang bahagi ng pangungusap na

tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pook at pangyayari. Ito


rin ay maaring nagpapakilala ng isang kaisipan o konsepto.

Ito ay tinatawag na noun sa wikang Ingles.

Ito ay bahagi ng pananalita na maaaring makita sa unahan, gitna, or dulo


ng pangungusap. Mayroon itong dalawang (2) uri.

Tara at kilalanin natin ang mga ito at ang iba pang dapat mong malaman
tungkol sa pangngalan.

Mga Uri ng Pangngalan


Ang dalawang uri ng pangngalan ay pangngalang pantangi (proper noun)
at pangngalang pambalana (common noun).

Pantangi

Ang pangngalang pantangi o proper noun sa Ingles ay tumutukoy sa tiyak


na pangalan ng tao, bagay, pook, hayop, lugar, pangyayari, o kathang-isip
na ibinubukod sa kauri nito. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Tinitiyak nito na hindi maipagkamali ang tinutukoy na pangngalan sa iba.

Halimbawa ng Pangngalang Pantangi

Narito ang mga halimbawa ng pangngalang pantangi:

1. Si Agnes ay may dalawang tuta na binili nya sa Pawrent Pet


Store.
2. Kumuha si Robert ng apat na garapon ng Strawberry
Jam mula sa kanilang palamigan.
3. Kinain ni Bantay, na aso ni Maria, ang kanilang ulam sa
lamesa.
4. Ang World War II ay isa sa mga makasaysayang pangyayari,
di lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
5. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilan lamang sa
mga sikat na libro na isinulat ng ating pambansang bayani na
si Dr. Jose Rizal.

Ang panghalip na panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng


tao. Sa Ingles, ito ay ang personal pronoun.

Mga Halimbawa:

 Ako
 Ikaw
 Tayo
 Sila
 Kami
Si Lorenzo at Fidel ay papunta sa parke.
Sila ay papunta sa parke
Ang magsasaka na ang bahala diyan.
Siya na ang bahala diyan.

You might also like