You are on page 1of 3

KABANATA 64: Katapusan

Ang mga tauhan sa kabanatang ito ay sina:

 Don Tiburcio
 Donya Victorina
 Kapitan Tiyago
 Maria Clara
 Padre Damaso
 Padre Salvi

Tiya Isabel

(BUOD)
Simula nang pumasok si Maria Clara sa kumbento, nagpakalayo-layo na rin si
Padre Damaso. Sa Maynila siya naglagi hanggang inilipat ng padre provincial sa
isang malayong lalawigan upang doon na magmisa. Kinabukasan, natagpuang
pantay si Padre Damaso. Ayon sa pagsusuri ng mediko, bangungot o sama ng
loob ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.

Nanungkulan naman pansamantala si Padre Salvi sa kumbentong pinapasukan ni


Maria. Ilang araw pa ay naging Obispo na rin ito at nagtungong Maynila.

Bago naman maging ganap na mongha si Maria, kalunos-lunos naman ang


sinapit ng kaniyang ama-amahang si Tiago. Nangayayat ito nang husto, naging
mapag-isip, at nawalan ng tiwala sa mga tao sa kaniyang paligid. Sinabihan
naman ni Maria ang kaniyang Tiya Isabel na umuwi na lamang sa Malabon o San
Diego dahil nais na niyang mamuhay nang mag-isa.

Napabayaan na rin nito ang mga santo at santang pinananampalatayaan. Naging


abala ito sa paglalaro ng liyempo, sabong, at paggamit ng marijuana.
Napabayaan niya ang kaniyang kalusugan at kabuhayan. Ganap nang nalimot ng
mga tao na dati siyang marangya at iginagalang na tao sa kanilang bayan.

Samantala, si Donya Victorina ay patuloy sa pagdagdag ng kulot sa kaniyang ulo


upang magbalatkayo na isang taga-Andalucia. Pero nangungutsero na lang siya
ngayon. Hindi makakilos si Don Tiburcio at hindi na rin makapanggamot bilang
isang doktor at wala na ring mga ngipin.

Aral – Kabanata 64
Kung hindi mapanghahawakan ang mga suliranin nang maayos, maaaring
maging bunga ito ng pagkaligaw ng landas. Lahat ng suliranin ay may tamang
solusyon at hindi ang bisyo at pagpapabaya sa sarili.

Kanser ng Lipunan:
Sa kabanatang ito makikita ang kinahinatnan ng bawat tauhan
na nabanggit sa nobela. Masasalamin na ang paggawa ng
mabuti ay nagdudulot ng kabutihan samantalang ang mga
gawang mali ay nagbubunga din labis na kasamaan.

Talasalitaan:
 Alkalde – mayor
 Porselana – magandang kutis
 Kalansing – tunog
 Kubyertos – gamit sa pagkain
 Bulwagan – gusaling pinagtatanghalan
 Adorno – palamuti
 Kura – pari
 Paisano – katulong
 Erehe – taong di sumasangayon
 Batid – alam

Simbolismo
Ang Kabanatang ito nagtatapos sa pagpapakita ng kapalaran ng ilang
pangunahing tauhan. Ito ay nagtuturo ng iba’t ibang aral tungkol sa
buhay at pagkatao. Una, pinapakita nito ang epekto ng makasariling
interes sa buhay ng tao. Sa pagkamatay ni Padre Damaso, ipinakikita na
ang maling pagpapasya at pagmamalabis sa kapangyarihan ay maaaring
humantong sa pagkasira ng buhay ng tao.

You might also like