You are on page 1of 2

"HAKBANG PATUNGO SA NAKARAAN"

Pamilyar ka ba sa mga obrang isinulat patungkol sa pagkakakulong ni Gat Jose


Rizal? Hindi ka man lang ba nagtataka kung saan naganap ang pangyayaring nakalakip
sa iyong binasa? Maraming taon na ang nakalipas ng mapasailalim tayo sa kamay ng
mga banyaga. Panahon ang binilang bago tayo nakawala sa poder ng mga mapang-
alipusta. Ayon sa mga mananalaysay, matinding paghihirap ang natamasa ng bansa sa
pamumuno ng mga Espanyol. Labis na pasakit ang dinanas ng bawat mamamayan na
Pilipino noon. Isa na rito si Gat Jose Rizal. Dinakip at ikinulong sa loob ng Intramuros sa
kadahilanan na hanggad niyang makawala ang buong bansa mula sa kagahamanan at
kasakiman ng pamahalaan. Dahil sa kanyang matinding kagustuhan na makamit ang
kalayaan, dinala siya sa Fort Santiago, ang lugar na nagsilbing kuta ng mga Kastilang
mananakop. Doon namalagi siya at huling isinulat ang tulang Mi Ultimo Adios. Hindi biro
ang pinagdaanan ng bayaning si Gat Jose Rizal sa loob ng matatayog at matitibay na
pader ng Intramuros. Ngunit walang kahit isa mang libro ang makakapagbigay ng sapat
na detalye tungkol sa pangyayaring ito. Tanging ang Intramuros lang ang naging piping
saksi sa kaganapan noong unang panahon. Napukaw ko ba ang inyong kuryusidad,
mga ginoo at binibini? Nais niyo na rin bang pasukin ang mahiwagang pinto patungo sa
nakaraan? Kung ganoon, halina at samahan ninyo ako sa aking pagbabaliktanaw ukol
sa aking naging karanasan sa lugar na tinaguriang “Walled City” ng Maynila.

Noong ika-23 ng Pebrero taong 2018, ako ay nagtungo sa Maynila kasama ang
ilan sa aking mga kaibigan. Pagkarating ng Maynila, kami ay nagpahinga lang saglit at
di kalaunan ay naglakbay na papuntang Unibersidad ng Pilipinas para manuod ng isang
dula. Pagkatapos ng nasaksihan, napagkasunduan namin na mamasyal muna. Marami
kaming lugar na napuntahan na labis kong ikinamangha. Isa na rito ang Intramuros na
siyang matagal ko ng ninanais na mabisita. Napakaganda ng Intramuros. Saan ka man
lumingon ay tiyak na ikabibighani mo dahil kahit nalipasan na ito ng maraming panahon,
bakas pa rin dito ang matamis na alaala ng kahapon. Sa paglilibot namin, pakiramdam
ko ay ay nasa ika-19 siglo ako muli. Buhay na buhay ang lumang Maynila sa paningin
ko. Para akong bihag ng isang salamangka. Dinadala ako nito patungo sa panahon ng
mga Espanyol. Isang katuparan ng panagarap ko ang pagpunta namin ng Intramuros
dahil matagal ko ng minimithi na makapamasyal sa lugar na ito. Nagsimula ang aking
simpleng hangarin pagkatapos kong makapagbasa ng isang kwento galing sa Wattpad
na tumatalakay tungkol sa naging buhay noong unang panahon. Labis nitong pinukaw
ang aking damdamin. Dahil dito, mas ninais ko pang pag-aralan ang kasaysayan natin.
Habang naglilibot-libot sa Intramuros, hindi ko mapigilan na magtaka. Kung nabubuhay
na kaya ako noong panahon ni Gat Jose Rizal, kung saan napakasimple lang ng buhay
na bawat mamamayan, ano kaya ang aking magiging kapalaran? Meron rin kayang
naghihintay sa akin na magandang kinabukasan? Ilan lang yan sa mga kuro-kuro ko
habang sinusuyod namin ang buong Intramuros. Napakaganda at napakapayapa ng
lugar na ito. Kaya hindi rin kataka-taka kung bakit ito dinadarayo ng iba’t-ibang turista
dahil isa itong lugar na nagdudulot ng labis na kaginhawahan. Tunay na nakakahalina
ang katahimikan na taglay ng Intramuros. Nagsasayawan na dahon, nagliliparan na
mga ibon, nanghehele na simoy ng hangin, hindi nakakasawa pagmasdan ang ganitong
klase ng magandang tanawin. Bagkus ay mas nanaisin pang manatili dahil naiiba mula
sa mga makabago at nagsisilakihan na mga gusali. Tiyak na matatagpuan mo na lang
ang iyong sarili na pabalik-balik dahil wala itong katulad. Nag-iisa lang ang Intramuros
sa buong bansa. Kaya kumupas o tuluyan man na maglaho ang ganda na taglay, alaala
ay hinding-hindi mapapalitan ng kahit ano pa man. Mananatili ang buong Intramuros na
namumukod tangi sa lahat ng pasyalan noon, ngayon, at magpakailanman.

Hindi mapagkakaila na ang Intramuros ay isa sa mga pinakamahahalagang pook


dito sa Pilipinas. Bukod sa sinisimbolo nito ang hindi malilimutan na kabayanihan ng
mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila, ito ay nagsisilbi rin na isang matibay na
daan upang mas mapagbuklod pa ang nakaraan at kasalukuyang panahon. Ang Walled
City o ang Intramuros ay hindi lang basta atraksiyon, ito ay isang salamin ng kahapon.
Kaya para sa mga tao na katulad ko ay interesado rin sa Spanish Manila, ano pang
hinihintay niyo? Tayo na at bisitahin ang napakagandang Intramuros na matatagpuan
sa katimugan ng Ilog Pasig ng Maynila. Tayo ay mamuhay muli bilang isang simpleng
Pilipinong mamamayan na walang ibang hangad kung hindi katahimikan ng buhay tulad
na lang ng magkasintahan na sina Binibining Maria Clara at Ginoong Crisostomo Ibarra.

You might also like