You are on page 1of 4

PANGALAN: ___________________________________________ PANGKAT: ________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
YUNIT I - Aralin 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip (Intellect) at Kilos-Loob (Will)

PAGSASANAY

Pagsusuri ng mga Sitwasyon

Hindi sapat na nabubuhay tayo sa araw-araw at nagagawa natin ang ating nais. Ang mahalagang tanong na kailangan
nating sagutin sa ating sarili ay: nabubuhay ba ako nang may layunin at makabuluhan?
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon sa bawat kahon. Ano ang iyong magiging tugon dito? Ipaliwanag ang iyong sagot sa
limang (5) pangungusap. Isulat ang mga ito sa ilalim ng bawat sitwasyon. Huwag kaligtaang pansinin ang Rubrik o
Batayan sa Pagwawasto sa pinakailalim.

1. Isang may kapansanan o person with disability si George. Ipinanganak siyang pipi at bingi. Minsan nang
pumipila siya sa grocery store para magbayad ng kaniyang mga pinamili, sinigawan siya ng isang lalaki dahil hindi siya
kumikibo nang tawagin. Nasa kabilang cashier ka at pumipila din para magbayad. Kilala mo si George at alam mo na
pipi at bingi siya. Ano ang gagawin mo?

2. Pagpasok mo sa inyong silid-aralan isang umaga, hindi pala nakapaglinis ang cleaner ng nakaraang araw kaya
marumi ang inyong silid. Hindi ka cleaner ng araw na iyon. Ano ang gagawin mo?

3. Alam mong mahihirapan ang iyong magulang na tustusan ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Nangako ang iyong
ama na gagawin niya ang lahat, makapagaral ka lang. Ngunit inalok ka ng trabaho ng iyong kaibigan pagkatapos mo ng
sekundarya. Ano ang gagawin mo?

4. Naglileksiyon ang inyong guro, aktibo ring nakikisali sa gawain at talakayan ang iyong mga kamag-aral.
Maganda ang paksa at alam mong mahalaga ang mensahe ng aralin na maunawaan mo subalit hindi ka nakikinig at
iniisip mo ang paglalaro sa computer games pag-uwi mo sa bahay. Ano ang gagawin mo?

Rubriks o Batayan sa Pagwawasto para sa Pagsusuri ng mga Sitwasyon

Kraytirya 5 3 1
A. Kaalaman / Pag- Malalim ang pag-unawa sa Katamtaman ang lalim ng pag- Mababaw ang pag-unawa sa
unawa sitwaysong binibigyan ng unawa sa sitwasyong binibigyan ng sitwasyon na binibigyang
reaksiyon. reaksiyon. reaksiyon.
B. Makatotohanan Nakabatay sa sariling Nakabatay sa karanasan ng iba Walang kasagutang inilahad.
ang kasagutang karanasan ang ang kasagutang inilahad.
inilahad kasagutang inilahad
C. Organisasyon Maayos at malinaw ang Hindi gaanong maayos at malinaw May kalabuan ang
pagkakabuo at pagkakalahad ng ang pagkakabuo at pagkakalahad pagkakabuo at pagkakalahad
mga kasagutan. ng mga kasagutan. ng mga kasagutan.
D. Kalinisin sa Malinisl, matiyaga at may Malinis ngunit nagmamadali sa Hindi malinis at nagmamadali
Paggawa pagpupunyagi sa paggawa ng paggawa ng awtput. sa paggawa ng awtput.
awtput
YUNIT I - Aralin 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip (Intellect) at Kilos-Loob (Will)

REPLEKSIYON

Panuto: Pagnilayan ang tanong sa loob ng kahon at sagutin sa pamamagitan ng tula para mailahad ang reyalisasyon
tungkol dito. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan. Huwag kalimutang pansinin ang Rubrik na matatagpuan sa ilalim.

Nagagawa ko bang gamitin ang aking isip tungo sa pagtuklas ng katotohanan?


Nagagawa ko bang gamitin ang aking kilos-loob upang magmahal at maglingkod?

Rubriks para sa Repleksiyon


Kraytirya 7 5 3 1

A. Paggawa ng Nakalikha ng sariling tula Nakalikha ng sariling tula ngunit Nakalikha ng sariling tula Hindi nakapaglikha ng
tula upang maibigay nang may 1-2 bahagi na hindi ngunit may 3-5 bahagi na sariling tula.
malinaw ang sagot. malinaw. hindi malinaw.
B. Naipakita Nakita ang pagkamalikhain Nakita ang pagkamalikhain Hindi nakita ang Hindi nakagawa ng
ang at tunay na nakakuha ng ngunit hindi gaanong nakakuha pagkamalikhain sa ginawang malikhaing tula.
pagkama- pansin ang kabuuan ng tula. ng pansin. tula.
likhain
C. Tugma ang Lahat ng nilalaman ay May isang nilalaman na hindi May dalawang nilalaman na May 3 o
mga nilalaman tugma sa mga tanong. tugma. hindi tugma. mahigit pang nilalaman
na hindi tugma.
D. Kabuuan Nakalikha ng tula na Nakalikha ng tula na binubuo Nakalikha ng tula na Nakalikha ng tula na
binubuo ng 4 o higit pang ng 3 binubuo ng 2 binubuo ng 1
taludtod taludtod taludtod taludtod
E. Kalinisin sa Malinisl, matiyaga at may Malinis ngunit nagmamadali sa Hindi malinis at nagmamadali Walang naisulat na
Paggawa pagpupunyagi sa paggawa paggawa ng awtput. sa paggawa ng awtput. sagot
ng awtput
PANGALAN: ___________________________________________ PANGKAT: ________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
YUNIT I - Aralin 2 - PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

PAGSASANAY 2

Tama o Mali
Panuto: Tukuyin at ipaliwanag kung bakit tama o mali ang kilos, pasiya o intensiyon. Iisulat ang sagot sa
nakalaang kahon. Huwag kalimutang pansinin ang Rubrik sa pagmamarka.

Intensiyon Kilos Pasiya Tama o Bakit?


Mali?

1. Gusto ni Ella Tumabi siya sa Nagbago ang


na makapasa kaklase niyang kaniyang isip at
sa make-up marunong pinagbuti na
test niya sa ngunit lamang niya ang
Matematika. nagkasakit kaya pagsagot sa
hindi nakakuha kaniyang
ng pagsusulit. pagsusulit.

2. Gusto ni Maita Kinuha niya ang Binuksan niya


na mapa- bag ni Jelly ang bag at
tunayang si habang ito ay hinalughuog ang
Jelly ang nasa kantina. laman nito.
kumuha ng
pitaka niya.

3. Gusto ni Alden Sumama siya sa Tinawagan niya


na gumala grupo papunta ang kaniyang
kasama ang ng mall na hindi ina na gagabihin
mga barkada. nagpaalam sa siya sa pag-uwi
ina. dahil traffic.

4. Gusto ni Izza Kumakain siya Tumutulong siya


na maging ng sa kusina para
malusog ang masustansiyang sa pagluto ng
katawan para pagkain para ulam at gulay.
hindi madaling maging malakas
magkasakit. ang katawan.

Rubriks para sa Tama o Mali

Kraytirya 5 3 1

A. Makatotohanan ang Nakabatay sa sariling Nakabatay sa karanasan ng Walang kasagutang inilahad.


kasagutang karanasan iba ang kasagutang inilahad.
inilahad. ang kasagutang
inilahad
B. Malinaw at maayos Malinaw at maayos ang Nakalilito ang pagkasunud- Hindi akma ang mga katuwiran
pagkasunud-sunod ng sunod ng presentasyon ng sa sitwasyon.
presentasyon ng katuwiran. katuwiran.
C. Kaalaman/Pag- Malalim ang pagunawa sa Katamtaman ang lalim ng pag- Mababaw ang pag-unawa sa
unawa sitwayson na binibigyang unawa sa sitwasyong sitwasyon na binibigyang
reaksiyon. binibigyang reaksiyon. reaksiyon.
D. Kalinisin sa Paggawa Malinisl, matiyaga at may Malinis ngunit nagmamadali sa Hindi malinis at nagmamadali sa
pagpupunyagi sa paggawa ng paggawa ng awtput. paggawa ng awtput.
awtput

YUNIT I - Aralin 2 - PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL


REPLEKSIYON 2

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa loob ng kahon. Sagutin ito sa pamamagitan ng tula o larawan.
Maaaring kumuha ng sagot sa internet. Kopyahin ang pangalan ng may akda ng tula o tagaguhit ng larawan. E-print ito at
idikit sa loob hg kahon. Maging malikhain sa paggawa.

Tanong:
Paano magsisilbing gabay ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral sa tamang pagpapasiya
at pagkilos?

Rubriks sa Repleksiyon

Kraytirya 5 3 2 1

A. Paggawa ng output Ang output ay nagbibigay ng Ang output ay Ang output ay hindi sumasagot Hindi Nakagawa ng
tumpak at malinaw na sagot sa nagbibigay ng malinaw sa tanong output
tanong. ngunit hindi tumpak na
sagot sa tanong.

B. Pagkamalikhain Nakita ang pagkamalikhain sa Nakita ang Hindi nakita ang Hindi nakagawa ng
kabuuan at tunay na nakakuha pagkamalikhain ngunit pagkamalikhain sa ginawang malikhaing output.
ng pansin ang kabuuan ng hindi gaanong nakakuha output.
output. ng pansin.

C. Kalinisin sa Paggawa Malinisl, matiyaga at may Malinis ngunit Hindi malinis at nagmamadali Hindi Nakagawa ng
pagpupunyagi sa paggawa ng nagmamadali sa sa paggawa ng awtput. output
awtput paggawa ng awtput.

You might also like